You are on page 1of 3

UNTOLD MYSTERIES part 2

Have you seen Melissa..?


-Darwin Fabillar (BSEDen 2-1)

When I heard this story from my friend, syempre unang tinanong ko kung totoo ba yun?. But then nang marinig ko na ang buong story, theres some question that plays on my mind, sino si Melissa at bakit sya nag pakita kay Carmella? Si Carmella Marie Sanmillano ng BSEM 2-2 ay nakararanas na ng kababalaghan nung bata pa lamang sya, when she was six years old may nakita siyang lalaki na tumagos sa pader. Then nung August 12, 2011, Friday,she was experienced again another mystery. Umaga ng August 12, 2011 habang ang buong klase ng BSEM ay nanunuod ng isang required movie sa pangunguna ni Prof. Gabby Delos Santos sa room 212 ay may nakita si Carmella na isang babae sa tabi ng TV na naka-setup sa harapan, ang babae ay nakasuot ng puti at according to her, wala itong mukha at nakalutang sa hangin. Nung mga sandaling iyon si Carmella ay nanlamig at para bang pakiramdam nya ay lumalaki ang ulo nya. Ilng oras pa ang nakalipas ay natapos nadin ang pinapanuod nila but the lady was still there, nakatayo sa tabi ng TV. Hindi ito pinansin ni Carmella dahil naalala niya ang sinabi ng tito niya nung bata pa siya na wag daw niyang papansinin ang mga ganung bagay. Kaya lumabas na lang siya ng Campus kasama ang mga kaibigan niya para kumain ng lunch.

Five oclock ng hapon, bumalik na sila ng campus dahil may klase pa sila kay Prof. Matias. Room 207, habang busy si Maam Matias sa pagdi-discuss ng lesson si Carmella ay bigla na lang napatingin sa left side na sulok ng room malapit sa may trashcan. At mula sa sulok na yun nakita niya muli ang babae na nakita niya kanina. Sinabi niya ito sa katabi niyang si Aikee na may nakatayong babae sa sulok pero, wala naman daw nakikita itong nakikita. From that moment, biglang nagsalita ang babae nakikita mo ko?? Tulungan mo ko, tulungan mo ko, gusto kong umalis dito!! ang boses ay palakas nang palakas. Naiiyak na si Carmella dahil sa papalakas na boses na nanggagaling sa babae, kaya lumabas sya at pumunta ng cr. Hindi muna sya pumasok sa room nila pagkatapos nyang mag cr, sa halip ay naupo sya sa sahig sa labas ng room 207 habang takip takip ng palad ang mukha nya. Sa mga sandaling iyon alam ni Carmella na nasa tabi nya ang babae. Maya mayay biglang nagsalita si Carmella Hindi ko kaya pero narinig nya ang boses ng babae Gusto kong umalis dito, tulungan mo ko, tulungan mo ko. Hindi na ito pinansin ni Carmella at agad pumasok na sa room at naupo sa upuan nya. Pero laking gulat nya ng makita nya ulit ang babae na nakatayo sa tabi nya, kaya sumigaw si Carmella Tumigil ka na nasasaktan na ko!! biglang napa upo si Carmella sa sahig habang takip takip ng kamay nya ang dalawang tenga nito. Nagka gulo at nag sigawan sa takot ang buong klase dahil sa nangyari kay Carmella. Pero ang ibang classmate ni Carmella ay lumapit sa kanya at binigyan ng dasal. Pati si Maam Matias ay natakot at nabigla kaya lumabas sya at tinawag si Sir Benis. Makalipas ang ilang sandali naging ayos at mahinahon na si Carmella kaya nag decide na si Maam Matias na i -dismiss na ang kanyang klase.

Habang naglalakad si Carmella kasama ang mga kaibigan niya ay bigla itong sumuka sa may malapit sa flagpole. Inalalayan sya ng mga kaibigan nya at nagpatuloy sa paglalakad, pero maya mayay sumuka ulit sya. Nang papalabas na sila ng mga kaibigan nya, ay nakita nya ulit ang babae na sumusunod sa kanila pero nang nakalabas na sila sa gate ng Campus ay biglang nakita ni Carmella na may kung anong pwersa ang humihigop dun sa babaeng sumusunod sa kanila pabalik ng building. Nagpasya ang parents ni Carmella na ikunsulta siya sa albularyo. Binigyan ng albularyo si Carmella ng isang uri ng bracelet for her protection at sinabi nito na kailangan niyang iwasan ang babae, wag niya itong titingnan, wag kausapin at sinabi rin ng albularyo na wag mawalan ng pananalig sa Diyos. According to Carmella the name of the ghost lady is Melissa. Walang nakakaalam kung sino si Melissa, bakit kailangan niya ng tulong at bakit nagpakita siya kay Carmella. Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya sa kinatatayuan nitong Campus natin?? Maraming katanungan sa misteryong ito na wala ring nakakaalam kung may makakasagot. But believe it or not, may isang estudyante na ang nakakita kay Melissa, so how about you? Have you seen Melissa?

You might also like