You are on page 1of 2

Rizalismo: Gabay ng Kabataan, Inspirasyon ng Mamamayan sa Magandang Kinabukasan ito ang tema sa ika-152 pagdiriwang ng kapakanakan ni Dr.

Jose P. Rizal. Ipinanganak siya noong ika-19 ng Hunyo 1861 bilang Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda sa bahay na bato sa Calamba, Laguna. Pampito sa labing-isang anak ng magasawang Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo Realonda. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at Teodora. Ang batang si Pepe ay nag-aral ng elementarya sa ilalim ng pagtuturo ni Justiano Aquino Cruz sa Bian, Laguna. Kasunod nito, ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa Maynila upang mag-aral ng sekundarya sa Ateneo Municapal de Manila. Isa siya sa siyam na mag-aaral na nagsipagtapos bilang sobresaliente. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kasabay niyang kinuha ang Agham ng Pagsasaka sa Ateneo. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong pangagamot sa UST pagkatapos mabatid na ang kanyang ina ay tinubuan ng katarata. Upang higit na matutunan ang medisina, pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, 1884, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakakaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebero, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. Nakilala si Rizal sa dalawa niyang akda na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa kanyang librong Noli Me Tangere ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay ang kanyang pinsan na si Leonor Rivera at si Josephine Bracken. Si Leonor Rivera ang kanyang pinsan na una niyang inibig bago siya nagtungo sa Europa upang mag-aral. Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang nakakikilala sa kanya. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita, pagkilos at pananaw. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. Makaraan ang labindalawang araw, Ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Dapitan, Zamboanga del Norte sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa sinasakyang bapor habang naglalakbay patungong Espanya. Sa Real Fuersa De Santiago o ngayon ay Fort Santiago ay piniit si Rizal nang siyay dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad na kanyang kapatid. Ito ang Mi Ultimo Adios o Ang Huling Paalam.

Noong Setyembre 28, 1901, inaprobahan ng United States Philippine Commission ang Act No. 243 na gagamitin ang pampublikong lupa ng Luneta upang itayo ang munumento ni Rizal. Pagkatapos ng mahigit 12 taon, kasabay ng pagdiriwang sa ika-17 pag-aalala sa pagkamatay ni Rizal, natapos at binuksan sa publiko ang munomento. Ito ay idinesenyo ng iskultor ng Swiss na si Richard Kissling. Hanggang ngayon, matapos ang 152 taon, nanatili pa rin ang alaala ni Dr. Jose P. Rizal na tinaguriang, The Pride of Malayan Race.

You might also like