Professional Documents
Culture Documents
Hand Out Fil 111
Hand Out Fil 111
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang panturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat na ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng mga Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad at pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
Wikang Filipino ay ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa buong Kamaynilaan, sa Pambansang Punong Rehiyon (National Capital Region o NCR) at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Tulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino at dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng ibat ibang varyedad ng wika para sa ibat ibang sistemang sosyal, sa mga nagsasalita nito mula sa ibat ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at matalasik na pagpapahayag.
Taong 1936
-Pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa
Taong 1937
-Sa Batas Commonwealth Act 184, hinirang ni Png. Quezon ang mga kagawad na bubuo sa SWP
Taong 1935
-hakbang para sa pagpapaunlad at pagtalaga ng isang pambasang wika batay sa isa mga umiiral na katutubong wika
Nob. 9, 1937 - Tagalog ang siyang gagawing saligan ng wikang pambansa ayon sa resolusyon ng SWP.
Hulyo 21, 1978 - nag-utos ng pagkakaroon ng 6 na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa tersyarya at 12 yunit sa kursong pang-edukasyon.
Abecedario
ABECEDARIO
A I O B J P C K Q CH D L R LL E M F N T G N U H O V
RR S
ABAKADA
A M W B N Y K D E P G R H S I T L U
NG O
PINAGYAMANG ALPABETO
A M B N K D E P G R H S I T L U
NG O
W
C Y
Y
CH J Z LL N Q RR V X