You are on page 1of 3

Reaction Paper In Mysteries of Christian Faith (From the Movie Alive)

April M. Race BA2HRDM

Lahat ng tao ay may mga kanya-kanyang pinagdadaanang pagsubok o trahedya Sating buhay. Nasasa atin Na ito Kung paano natin haharapin ang mga pagsubok na ito. Sa Pelikulang Alive nakita ko sa bawat tauhan dito kung pano nila hinarap ang mga pagsubok sa bawat isa sakanila, kung pano nila ito nalampasan dahil sa kanilang pananampalataya sa Panginoon. Mayroon man sakanila Na sinisisi ang Diyos ngunit, ipinaliwanag ng iba sa kanila na kahit anu ang mangyare may Diyos Na gumagabay sakanila. Hindi sila sumuko hanggang sa katapusan, kahit alam nila Na ang bawat isa sakanila ay mamamatay at magsasakripisyo. Natutunan ko dito kung paano maging matapang at wag mawawalan ng pag-asa dahil mayroong Diyos na lagging nakaalalay kahit anong mangyari. Ipinakita nila Na kahit sa gitna ng trahedya andyan parin ang pagtutulunga sa bawat isa at pananampalataya sa Diyos. Hindi man natin nakikita ang Diyos ito ay nadarama natin sa ating Puso. Sa kanilang Pagdarasal at buong pusong Panananalig sa Panginoon para matalo ang lamig, takot, kaba at pagkawalan ng Pag-asa na malalampasan nila ang trahedya na dinaranas nila sa Isla, hindi sila nagpatalo sa mga ito, patuloy parin silang naniniwala at nagtitiwala sa Diyos na kaya nila itong malampasan.

Ang pagtitiwala at pananampalataya ng buong Puso sa ating Panginoon ang siyang nagpapayunay na kailan man ang Lahat ng pagsubok sa ating buhay ay kaya nating lampasan. Sa aking sarili napatunayan ko na walang magandang maidudulot sating sarili ang pagiging makasarili at pagkawalan ng tiwala sa Poong may kapal, huwag

nating hayaan na kainin tayo ng takot at pagkamuhi sa Panginoon, labanan natin ito ng buong puso.

You might also like