You are on page 1of 2

QUESTIONAIRE IN FILIPINO 6 Competency #8 -Nakapagbibigay ng palagay sa maaaring kalabasan ng mga pangyayari batay sa ikinilos ng tauhan. I.

Piliin ang titik ng tamang sagot. Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya. Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon. Nang kanyang buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya. A. Piliin ang nagpapahayag ng maaaring kalabasan ng mga sumusunod na pangyayari batay sa binasa. 1. Abala ang kanyang Ina sa pagbabayo ng palay. Ano kaya ang mas mabuting gawin ni Rita upang masiyahan ang kanyang Ina? a. Maglaro ng maglaro. b. Kainin ang binayong bigas. c. Tulungan ang Ina sa pagbabayo. d. Panuorin ang kanyang Ina sa pagbabayo. 2. Kung sakaling hindi natakpan ng bilao si Rita. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang Ina? a. Makikita siya ng kanyang Ina at pagagalitan. b. Makikita siya ng kanyang Ina at matutuwa. c. Makikita siya ng kanyang Ina at makikipaglaro sa kanya. d. Hindi siya makikita ng kanyang Ina. 3. Ano kaya ang nararamdaman ni Rita habang kumakain ng bigas sa loob ng malaking lalagyan? a.nagagalit c. nalulungkot b.naiiyak d. nasisiyahan 4. Kung sakaling nagsalita si Rita habang siyay tinatawag ng kanyang Ina, Ano kaya ang maaaring nangyari sa kanya? a. Hindi siya magiging ibon. c. Siya ay magiging ibon pa rin. b. Magiging Ibon ang kanyang Ina. d. Siya ay mawawala. 5. Kung hindi naglaro ng naglaro si Rita ano ang posibleng nangyari sa kanya? a. Hindi siya magugutom. b. Hindi siya maglilikot. c. Magugutom siya. d. Maglilikot siya. Ang Batang Matulungin at Masunurin Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Pagagalitan siya ng ina kapag nahuli siya sa pag-uwi. Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang tingin palang niya, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa tabi niya upang umabang din ng sasakyan maya-maya may humintong sasakyan sa harapan ni Paul. Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata. Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi subalit naawa siya sa bata. Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kaya ipina-ubaya nalang niya ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na masaya dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting paraan lang. 6. Ano ang maaaring mangyari kay Paul kung nahuli siya ng pag-uwi? a. Mapapagalitan siya. c. Matutuwa sa kanya ang kanyang ina. b. Mabibigyan siya ng regalo. d. Maliligaw siya. 7. Ano ang maaaring mararamdaman ni Paul kung hindi niya pinaunang makasakay ang mag-ina.? a. Masisiyahan c. magagalak b. Malulungkot d. matutuwa 8. Ano ang posibleng nangyari sa bata kung hindi niya ito pinaunang makasakay? a. mahihimatay c. mawawala ang sakit ng tiyan b. magtatatalon d. magsasaya 9. Ano ang nararamdaman ng mag-ina sa pagtulong sa kanila ni Paul? a. malulungkot c. magagalit b. maiinis d. matutuwa 10. Ano ang nangyari sa pagtulong ni Paul sa mag-ina? a. Nadala kaagad sa pagamutan ang bata. c. Nainis si Paul sa kanyang sarili.

b. nagalit ang mag-ina kay Paul.

d. Nasiyahan ang mag-ina dahil naisahan nila si Paul.

Noong unang panahon, may magandang samahan ang mga pusa at daga. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak nyang kuting na maysakit para makahanap ng manggagamot. Ginising ng Inang daga ang kanyang anak para tumulong magbantay sa kuting. Ang sabi ng bubwit, ayaw pa nya bumangon kasi maaga pa. Ang sabi ni Inang daga, maraming pagkain sa bahay ng mga pusa para sumama ang kanyang anak. Nagpunta ang mag-inang daga sa bahay ng mga pusa at nakita ng bubwit na may maraming pagkain at tinawag ang Inang daga. Kinain ng mag-ina ang pagkain at naubos nila lahat. `Nang magising ang kuting, nagpumilit syang pumunta sa kusina at nakita na ubos na lahat ang kanilang pagkain. Tinawag nyang matakaw ang mag-ina. Nagalit ang bubwit sa sinabi ng kuting at kinagat sa paa ang pusa. Gumanti ang kuting sa bubwit at nakalmot nito ang mukha ng daga. Nagalit ang Inang daga at kinagat sa paa ang kuting. Tumakas ang mag-inang daga at nagtago sa kanilang lungga. Pag-uwi ng Inang pusa, wala sa higaan ang kanyang anak. Nakita nya sa kusina ang kuting na sugatan. Ginamot nya ang mga sugat ng anak. Nang makapagsalita ang kuting, ikinuwento ng anak ang mga pangyayari. Nagalit ang Inang pusa at sinugod ang mag-inang daga. Sabi ng inang pusa, "Daga, daga... lumabas ka diyan sa lungga..." ngunit hindi lumabas ang mag-ina dahil sa takot. Tinawag ng Inang pusa ang kanyang mga kaanak at ikinuwento ang pangyayari. Simula noon, lagi na lamang nag-aaway ang pusa at daga. 11. Ano ang maaaring mangyari sa samahan ng mga pusa at daga kung hindi kinain ng mag-inang daga ang pagkain ng mga pusa? a. mananatili ang magandang samahan sa pagitan ng mga pusa at daga. b. magugutom ang mga daga c. mag-aaway ang mag-inang daga. d. mag-aaway ang mag-inang pusa. 12. Kung sakaling hindi sinabihan ng matakaw ng kuting ang bubwit, Ano kaya ang posibleng nangyari sa pagitan nila? a. Mag- aaway pa rin sila. c. Mag-iiwasan sila. b. Magiging mag-kaibigan pa rin sila. d. Magsasakitan sila. 13. Kung sakaling hindi nagalit ang bubwit sa sinabi ng kuting ano ang maaring mangyari sa kanya? a. magpapatuloy siya sa pagtulog. c. Kakagatin pa rin niya ang paa ng pusa. b. kakagatin nia ang sarili niyang paa. d. hindi niya papansinin ang pusa. 14. Kung hindi nakatakas ang mag-inang daga ano ang maaaring kahihinatnan ng kanilang ginawa sa kuting. a. magagalit ang inang pusa c. magagalit ang inang daga. b. magwawala ang bubwit. d. aawayin ng inang pusa ang mag-inang daga. 15. Kung humingi ng tawad ang mag-inang daga sa pusa, ano ang posibleng magiging samahan ngayon ng mga pusa at daga? a. mananatiling magkaaway ang pusa at daga. b. mananatili ang magandang samahan sa pagitan nila. c. mag-iiwasan ang mga pusa at daga. d. magkakalayo ang kanilang mga landas.

You might also like