You are on page 1of 1

How do I love thee? Let me count the ways. Gaano kita iniibig? itulot mong isaisahin ko..

Iniibig kita hangang kataimtiman, kalaparan at kasukdulan Ang aking kaluluwa'y kaya kang sapitin, kapag ang pandamdam ay naglaho na para sa katapusan ng Buhay at Huwarang Pagpapala. Iniibig kita kahanay ng pangaraw-araw' ng pinakamayuming pangangailangan, ng araw at tanglawan. Iniibig kita ng malaya, gaya ng pagpupunyagi ng sangtauhan para sa Katarungan; Iniibig kita ng dalisay, gaya ng pagbaling ng karamihan sa Kapurihan. Iniibig kita gamit ang karubduban Sa aking malaong pighati, katuwang ng aking musmos na pananampalataya Iniibig kita ng may pagsinta na tila ba ito'y maglalaho na! Sa gabay ng aking pintakasi, --- iniibig kita ng may hininga, Ngiti, luha, lahat sa aking buhay! --- at kung itutulot ng Pangininoon, Mamarapatin kong mas ibigin ka sa kabilang buhay.

You might also like