You are on page 1of 2

Mark Joseph P.

Punzalan

V-Revelation

REVIEWER SA FILIPINO
Bahagi ng pananalita Labels: Pananalita Mayroong sampung bahagi ng pananalita sa Filipino. Ito ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy at pangawil o pangawing.

1. Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp. Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae

2. Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan. Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

3. Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.

4. Pangatnig - (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap. Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.

5. Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.

6. Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap. Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.

7. Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: Magandang bata.

8. Pang-abay - (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay

9. Pantukoy - (article o determiner ) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap

10. Pangawing - (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

You might also like