You are on page 1of 4

May isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ayMariang Maganda.

Ang kanyang tahanan

ay malapit sa isang maliit nagubat; doo'y maraming magaganda't mababangong halamangna mumulaklak. Arawaraw,ay nagpapasyal ang prinsesa sa gubat naito. Namimitas siya ng mga bulaklak na katan gitangi ang ayos. Isangaraw, sa kanyang pamamasyal,ay nakatagpo siya ng isang prinsipe.Mag andang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita ni MariangMaganda ay nakaramdam siya agad ng k akatuwang damdamin. Angprinsipe naman pala'y gayon din.

Kaya agad silang nagkapalagayan atnagkahulihan ng loob. Araw-araw ay namamasyal sila ng prinsipe, hanggang sa magtapat ngpagibig ang prinsipe. Palibhasa'y sadyang may inilalaan nangpagtingin ang prinsesa, hindi na it o nagpaumat-umat at tinanggapang iniluluhog na pag-ibig ng prinsipe.

Isang hapon matapos silang mamasyal, nagulayaw ang dalawa sa lilimng mabangong halamanan ng prinsesa. "Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mgabulaklak doon sa aming kaharian ay higit na magaganda atmababango; walang makakatulad dito sa inyo."

"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?" "Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong maykatawang-lupa." Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot namalungkot. Kaya napilitang magtanong si Mariang Maganda."Mangyari'y..." at hindi na nakuhang magpaliwanag ang prinsipe. "Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-agam. "Dapat na akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na akomakababalik. Ibig ko sanang isama kita, nguni't hindi maaari, hind imakapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na irog." "Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito.Babalik ka ha?" "Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe. Nangmalapit ng maghatinggabi, dumating ang prinsipe. Sinalubong siya ngprinsesang naghihintay sa loob ng hardin. Nagusap na naman sila ngnag-usap. Kung saan-saan nadako ang kanilang pag-uusap. Hawakhawak ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe.

Kaginsaginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalisna ako, Mariang Maganda. Mag hahatinggabi na, kapag hindi akolumisan ay hindi na ako makababalik sa amin. Diyan ka na subali'ttandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at ginawaran ng halik angmga talulot na labi ni Mariang Maganda.

Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niyamabatang lisanin siya ng kanya ng minamahal. Sa kanilangpaghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga pal ad ngdalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kayapatakbong nagtungo sa is ang dako ng kanyang halamanan at ibinaonang mga kamay.

Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sapinagbaunan niya. Malalapad ang mga dahon at walang sanga. Ilanpang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay dinadalaw ngprinsesa ang kanyang halaman. Makaraan ang ilang araw, ang mgabulaklak ay napalitan ng mga bunga. Parang mga daliringnagkakaagapay.

Iyon ang mga unang saging sa daigdig.

Aral: " Katotohanan ay bumubukal sa lupa; At ang katuwiran aytumungo mula sa langit."

You might also like