You are on page 1of 1

Ang Lipunan Ngayon Ni: Mary Jeane dela Cerna

Kayumangging lipunan Ng makabagong henerasyon Sa tinatamasang kalayaan Pagbabagoy niyayakap Ng walang pagaalinlangan

Nasaan ang sariling pagkakilanlan Kung pagiging Pilipinoy nalilimutan Pasasaan ang ipinaglabang kalayaan ang tanging pamanang iniwan Kung pati kabataay nawalan ng pakialam

Sa makabagong teknolohiya Buhay ay puno ng ginhawa Facebook, Twitter, Ipad, Iphone Iilan lamang ito Sa bagong henerasyon

Pagbabago ba ngayoy nakabubuti O siya ring wawasak satin sa huli? Para tayong nalululong sa droga Na wagas ang ligayang nadarama Sa pagmulat, pagsisisi ang kasama

Pananamit at istilo Itsura pati ay nagbago Mula kilos gang pananalita Masyadong banyaga Sa sariling bansa

Pano ba matutunan ang pagmamahal Ng sang kabataang nakalimot sa bayan Ng sang kabataang walang pakialam Ng sang kabataang napapabayaan Sa bayang kanyang kinamulatan?

Bakit tila parang epidemya Kung kumalat itong impluwensya Epektoy pagkalimot sa sariling bayan Kulturang Pinoy at tradisyon Ay talagang napapabayaan

Kung ang pagbabagoy nakabubuti, Bagong sistema at bagong presidente Bakit bilang ng mahihirap dumami Kapaligiran natiy lalong dumumi Kinabukasan natin, ano ng mangyayari?

You might also like