You are on page 1of 8

KABANATA 1 Ang Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik Panimula Nakagawian na sa ating mga Pilipino na ang pagkain ng prutas sa tuwing magkakasakit

ang isang tao ay nakatutulong sa kanyang paggaling. Ang pagkain ng mga mamaasim na prutas ay isa sa mga nakapagpapabilis ng ating paggaling. (Kiger, 2009). Ang labis na pagkonsumo ng mga maaasim na prutas ay maaari ring makatulong sa mga taong naninigarilyo, mga matatanda, mga bata at mga may sakit, lubha man o hindi. (Clay at Economos, 1999). Ang mga maaasim na prutas ay nakatulong sa pagpapagaling ng ibat ibang sakit. (Baghurst, 2003). Ang mga prutas na kalamansi, suha at orange ay iilan sa mga kadalasan na kinakain ng mga Pilipino. Ang mga ito ay tatlo sa benteng bilang ng pinakasikat at pinakamaraming prutas na matatagpuan sa Pilipinas. (Bermosa, 2011). Naitatak na sa ating mga isipan na ang pagkonsumo nito ay nakatutulong upang mapabilis ang paggaling ng may-sakit, ngunit ang labis na pagkain ng mga ito ay may maaaring makabuti o makasama sa ating katawan. Ang bungang ito ay may maaaring makabuti sa tao, o di kayay mapalala pa ang karamdaman ng may sakit. Kaya naman, ninais ng mga mananaliksik na malaman kung paano nakaaapekto ang maaasim na prutas sa ihi ng tao.

Paglalahad ng Suliranin Ano-ano ang mga senyales na makikita sa ihi matapos ang labis na pagkonsumo ng maaasim na prutas? * Nais ding malaman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan: Ano-ano ang komposisyon ng maaasim na prutas? a. Alin sa mga ito ang nakaaapekto sa acidity ng ihi? Kung mayroong nakaaapekto sa acidity ng ihi, paano naibabalik sa normal ang kondisyon ng ihi? Paano nagkakaiba ang basic, neutral at acidic na ihi? Ano ang normal na komposisyon ng ihi? a. Ano ang normal na pH ng ihi? b. Ano ang normal na kulay ng ihi? c. Ano ang normal na amoy ng ihi? d. Ano ang normal na specific gravity ng ihi? Mga Layunin ng Pananaliksik Layunin ng pananaliksik na matamo ang mga sumusunod: Malaman ang epekto ng labis na pagkonsumo ng maaasim na prutas. Paghambingin ang katangian at komposisyon ng normal na ihi sa acidic at basic na ihi. Malaman ang komposisyon ng maaasim na prutas na nakakaapekto sa komposisyon ng ihi.

Kahalagahan ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay may sumusunod na kahalagan: Ang pag-aaral na ito ay magbibigay-kaalaman sa tao tungkol sa karaniwan at hindi normal na komposisyon ng ihi. Ito ay magbibigay kaalaman sa tao tungkol sa epekto ng labis na pagkonsumo ng prutas sa ihi ng tao.

Ito rin ay makatutulong upang maipamahagi ang paraan ng pagbabalanse o pagpapanatili ng acidity ng ihi sa pamamagitan ng pagkonsumo ng nararapat na prutas at iba pang mga pagkain. Ito rin ay hudyat upang matukoy ng isang tao kung siya ay may karamdaman sa pamamagitan ng pagsuri ng kanyang sariling ihi.

Saklaw at Limitasyon Ang sakop ng pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pangkalahatang bunga ng maaasim na prutas sa acidity ng ihi ngunit nakapaloob din ang pangkalahatang maganda at masamang epekto nito sa katawan ng tao. Ang sanhi at bunga ng acidity sa iba pang bahagi ng katawan maliban sa bato ay maaaring pahapyaw lamang matalakay ngunit hindi ito gaanong pagtutuunan ng pansin sa pananaliksik. Maaari ring nabanggit ang mga kaalaman ukol sa ibat ibang maaasim na prutas ngunit mas pahahalagahan ang nagdudulot ng kaasiman nito. Kasama sa limitasyon ng pananaliksik ang pagiging deskriptiv nito na magiging dahilan ng pagkawala ng eksperimental na bahagi. Kahulugan ng mga Katawagan KABANATA 2 Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Suha Ang suha o Citrus Grandis ay karaniwang matamis at acidic. Ito ay nagtataglay ng mga natural na pampatamis at mga acid. Ito rin ay naglalaman ng mga volatile na bahagi. Ang suha ay isang citric na prutas (Cheong, 2012). Ang suha ay kilala bilang mabisang panglaban sa kanser. Isa rin ito sa mga pinagkukuhanan ng Bitamina C na kilala na isa sa mga mabisang panglaban sa mga sakit. Ito ay tumutulong sa digestion ng tao, pampababa ng cholesterol at panglinis ng dugo (Peck, 2011). Ang sobrang pagkonsumo ng suha ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa pagtatae at mga bato sa kidney (Singha, 2011). Ang mga citric na prutas ay may citric acid. Kadalasan, mayroon rin silang abscorbic acid. Ang citric acid at abscorbic acid ay ang mga dahilan kung bakit acidic ang suha (Thompson, 2011). Kalamansi Ayon kay Cheong, M. (2011), ang kalamansi (Citrus microcarpa Bunge) ay kabilang sa pamilyang Rutaceae, kung saan nabibilang rin ang mga prutas kagaya ng dalandan (C. reticulata) at lemon (C. x limon). Itinuturing itong isang natural na hybrid ng mandarin at oval kumquat (C. reticulate x C. japonica), at laganap sa rehiyon ng Timog-silangang Asya, partikular sa mga bansang Vietnam, Malaysia, at Pilipinas. Sa isang eksperimental na pag-aaral sa Singapore, natuklasan na ang balat ng kalamansi ay

nagtataglay ng mataas na lebel ng hydrocarbons (>90%), kung saan ang malaking bahagi nito ay binubuo ng monoterpenes; nangigibabaw dito ang limonene na siyang nagbibigay ng masamyong amoy nito. Ang karagdagang mahigit-kumulang sampung bahagdan ay binubuo ng alcohol, aldehyde, at ester. Sa mga lupain ng Timog-silangang Asya sagana ang mga tanim na kalamansi. Ito ay may karaniwang may dayametro na 3.3 sentimetro at ang berde nitong balat ay nagiging kulay kahel sa pagsapit ng labis na kahinugan. Dahil sa taglay nitong mababang antas ng asukal (<1.5%) at mataas na antas ng mga asidong askorbiko at sitriko, ang prutas na ito ay pangunahing ginagamit bilang inuming panggamot sa mga sakit na dulot ng kakulangan ng bitamina C. Ang katas nito ay nakatatanggal din ng pangangati at pamumugto ng mga kagat ng insekto. Ang pangunahin nitong sangkap ay bitamina C o asidong askorbiko na dahilan ng pagiging maasim nito. Ang bitaminang ito ay kailangan ng katawan upang gampanan nang maayos ang mga metaboliko nitong tungkulin. Ang kakulangan nito ay maaaring magdulot ng panghihina, unti-unting pagkawala ng ngipin, pananakit ng kasu-kasuan, pagkakaroon ng deperensya sa mga tisyu, at mabagal ng paghilom nng mga sugat; ang mga ito ay maaaring mauwi sa nakamamatay na sakit na tinatawag na scurvy. Maiiwasan ang scurvy sa pamamagitan ng pagkonsumo ng hindi bababa sa sampung miligramong bitamina C kada araw. Ang 100 gramo ng kalamansi ay nagtataglay ng apatnaput limang miligramong bitamina C. Bukod sa bitamina C, ang kalamansi ay nagtataglay din ng limonoid na siyang nagbibigay ng mapait-pait nitong lasa. Namumukod dito ang limonin at nomilin, na ayon sa ilang pag-aaral sa Indonesia ay isang chemopreventive agent na makatutulong sa pag-iwas sa pagkakaroon ng kanser . Ang konsentrasyon ng limonoid ay mas mataas sa mga maaasim na prutas na galing sa mga komersyal ng taniman kaysa sa mga tumutubo at tinataniman malapit sa bahay ng mga tao. Taglay din ng kalamansi ang flavonoid na nagsisilbing tagapuksa ng mga free radicals na siyang sanhi ng pagtanda ng mga selyula at pagkasira ng ilang tisyu sa loob ng katawan. Bukod dito, nagsisilbi itong panlaban sa kanser, alerhiya, at isa din itong anti-inflammatory agent. Kaugnay dito, nagtataglay din ang kalamansi ng beta-carotene na makatutulong sa pag-iwas ng katarata, potassium, at fiber partikular ang pectin na tumutulong sa maayos na metabolismo. Ilan sa mga propesyunal sa larangan ng kalusugan ang naglahad ng kanilang kaalaman sa masamang epekto sa labis na pagkonsumo ng isang tao sa maaasim na prutas, partikular sa mga bata. Sa isang pag-aaral na isinagawa sa New Jersey, walo sa labing-siyam na mga batang may edad 2-5 na kumukonsumo ng higit sa 12 oz kada araw ng fruit juice ay mas maliit kaysa sa mga batang kumukonsumo ng 12 oz pababa. Kaugnay dito, anim sa labingsiyam na mga batang labis ang pag-inom ng fruit juice ay mas mabigat sa mga batang mas kakaunti ang iniinom. Ngunit sa ngayon ay wala pang sapat na patunay na ang sanhi ng growth stunting o obesity ay ang labis na pagkonsumo ng maaasim na prutas. (Yo, S.-P. & C.-H. Lin, Wilson, T. & Temple, N., Baghurst, K., Rekha, C., et.al)

Dalanghita Ang prutas ay naglalaman ng organic acids, citric acid, para sa ubas tartaric acid, at ellagic acid naman sa berries. Ang lahat ng ito ay may mahalagang bahagi upang mapabuti ang takbo ng ating katawan. Halimbawa na lamang ay ang mga asidong ito ay malalakas na antioxidants. At ang mga antioxidants ay ang mga molecules ng kumokontra sa oxidation ng iba pang molecules. Dahil kapag ang mga molecules ay na oxidize, ay magkakaroon ng libreng radicals na maaaring makasira at makapatay ng selyula sa ating katawan. Ang

pinagsasama-samang libreng radicals ng antioxidants ay nakatutulong sa pag-iwas ng pagkasira ng selyula sa ating katawan. Ang dalanghita ay acidic dahil sila ay naglalaman ng maraming natural na occuring acids. Ang citric acid ay ang naglalaman pinakamaraming organic acid" na natatagpuan sa dalanghita, kasunod nito ay malic acid Na may kasamang lactic, tartaric, benzonic, ascorbic at succinic acid. Ang citric acid at malic acid ay tumutulong sa pagbabalanse ((NG ANO?)) sa pamamagitan ng mataas na lebel nito ng asukal (fructose at glucose). Ang dalanghita ay matamis kaysa sa lemon kahit na naglalaman pa ito ng mas mataas na lebel ng asido dahil sa kakaunting asukal. Ang mga dalanghita ay may mga genus Citures na kabilang sa pamilya ng Rutaceae". Ang matamis na dalanghita ay tinatawag na Citrus sinensis. Ang mapakla na dalanghita ay tinatawag Citrus Aurantium, at ang Tangarine o mandarin dalanghita naman ay tinatawag Citrus reticula. Maraming benepisyo sa kalusugan ang Dalanghita, nakatutulong ito sa ating kalusugan sa maraming paraan, katulad ng mabisang tulong niyo pag-iwas sa asthma, napipigilan nito ang pagbuo ng bato sa ating kidney, nakabababa ito ng cholesterol, pag-iwas sa sakit na diabetes at arthritis, at mabisang pagkain sa pagkontrol ng tamang blood pressure. Ang dietary fibre sa dalanghita ay nakatutulong sa ating digestive juices upang maiwasan ang mahirap na pagdumi. Mayaman ito sa bitamina C at flavonoids. Ang isang dalanghita ay naglalaman ng isang daang porsyentong Bitamina C na kailangan araw-araw upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit. Walang duda na ang mga dalanghita ay maraming benepisyo sa ating kalusugan, pero dapat lagi nating tandaan na kontrolin ang pagkain nito. Ang sobrang pagkonsumo ng ito ay nakakahadlang ng calcium sa ating katawan at maaring makahadlang sa wastong pagtubo ng mga buto at ngipin.

Ihi pH Ang diyeta ay nakaaapekto sa antas ng pH ng ating ihi. Ayon sa website na MedLine plus, ang diyetang mataas sa mga maaasim na prutas ay nakapagpapataas ng lebel ng pH habang ang diyetang mataas sa karne at cranberries ay nakapagpapababa ng lebel ng pH. Ayon sa librong Fundamentals of Urine & Body Fluid Analysis, ang normal na rango ng ihi ay nasa pagitan ng 4.6 hanggang 8.0. Ang mababa o mataas na lebel ng pH, bukod dito, ay mag-iindika na ang pasyente ay may problema sa loob ng kanyang katawan. Kapag mababa ang lebel ng pH na ang rango ay nasa pagitan ng 1.0 hanggang 4.5 ito ay nagpapahiwatig na ang pasyente ay maaaring may diabetic ketoacidosis, diarrhea, o senyales na gutom ang pasyente. Ang mataas na rango naman ng lebel ng pH na nasa rango ng 8.1 pataas, ay isang palantandaan na maaaring ang pasyente ay may Urinary Tract Infection, Kidney Tubular Acidosis , o Gastric suction . Kulay ng Ihi Ang kulay ng ihi ay nakatutulong sa pag-iindika sa pagkakaroon ng malfunctioning na laman-loob. Ayon sa librong Clinical Biochemistry metabolic and clinical aspects, ang normal na kulay ng ihi ay pale yellow hanggang amber yellow na dumedepende sa resulta ng sangkap na pangulay o pigment na tinatawag na urochrome at sa konsentrasyon ng ihi. Ang mga kulay na hindi masasama sa rango ng kulay na nakasaad sa libro ay nagpapahiwatig ng karamdamang maaaring taglay ng tao o kanyang pagkain na kinain o gamot na ininom . Ang talahanayan sa ilalim ay hinango ko mula sa isang artikulo sa website ng CNN na maglalahad ng indikasyon ng kulay ng ating ihi:

Kulay ng Ihi Amoy ng Ihi Ang normal na amoy ng ihi ng tao ay may katangian na mahalimuyak ( o aromatic odor ). Ang amoy ng ihi ay nakadepende sa pag-inom ng sapat na tubig ng tao, dahil ang amoy ng ihi ay hindi gaanong matapang. Ang pagbabago sa amoy ng ihi ay hindi naman nagpapahiwatig ng sakit, ito ay maaaring mag-indika ng epekto ng pag-inom ng medisina, at pagkonsumo ng ilang pagkaing nakakaapekto sa amoy ng ihi. Ngunit kapag ang ihi ay may masamang amoy, ang sanhi nito ay ang mga bakterya mula sa UTI. Kapag naman manamis-namis ang amoy, ito ay senyales ng hindi makontrol na diabetis, kaya makikita natin na madalas itong pinamumugaran ng mga langgam, at pambihirang sakit sa metabolismo. Ang maamag na amoy naman ng ihi ay epekto ng problema sa atay o metabolikang diperensya. Specific Gravity ng Ihi Ang Specific Gravity ay isang paraan para malaman ng mga doktor kung ang kidney natin ay gumagana ng maayos. Ang normal na balyu ay 1.000 hanggang 3.000. Kapag mas mataas ang balyu kaysa sa normal na balyu, ay nagsasaad ng dehydration, glucosuria, renal arterial stenosis at diarrhea . Kapag naman itoy mas mababa sa normal na balyu, ito ay nag-iindika ng sobrang pag-inom ng tubig, kidney failure , renal tubular necrosis, at diabetis. Sangkap ng Ihi

Acidity Ayon kina Zumdahl, ang isang acid ay inilalarawan sa pamamagitan ng maasim nitong lasa. Kilala ito sa pagkakaroon ng hydrogen ions. Ang kabaliktaran nito, ang base, ay mayroon namang mapaklang lasa at madulas na pakiramdam sa balat. Ayon kay Bronsted at Lowry, mga dalubhasa sa larangan ng siyensiya, ang mga acid ay nagbibigay ng hydrogen ions samantalang tumatanggap naman ang mga base. Dahil dito, ang pagsasama ng isang acid at base ay bubuo ng asin at tubig. Ang tindi o lakas ng isang acid at base ay nasusukat sa pamamagitan ng isang pH scale (1-14). Dito, ang bilang ng hydrogen ions ang pamantayan. Acid (pH 1-6) ito kung maraming hydrogen ions at base (pH 8-14) naman kung kakaunti. Neutral (pH 7) naman kung nasa gitna. Sa pamamagitan nito, ang ibat ibang acid at base ay maaaring maging malakas o mahinang acid o base. Halimbawa ng malalakas na acid ay sulfuric acid, hydrochloric acid, nitric acid at perchloric acid. Halimbawa naman ng mahihinang acid ay phosphoric acid, nitrous acid, hypochlorous acid at mga organic acid tulad ng citric acid. Halimbawa naman ng malalakas na base ay sodium hydroxide at potassium hydroxide. Ammonia naman ang isang halimbawa ng mahinang base. Acidity sa Tao Ang ating katawan ay maayos na gumagana dahil sa mahigpit na pagsunod nito sa normal na pH. Kaunting pagkakaiba lamang sa pH ng ating body fluids ay maaari nang maging sanhi ng hindi maayos na pagkilos ng ating katawan. Ang ating katawan ay nagtataglay ng ibat ibang uri ng mga acid. Isa sa mga ito ay ang gastric acid sa ating tiyan na tumutulong sa pagtunaw ng mga kinakain. Ang labis na acid sa katawan ay napupunta sa bato upang masala at mailabas. Dahil dito, kinakailangan ang pag-inom ng maraming tubig upang mabawasan ang lakas o tindi ng acid na dumadaan sa ating bato. Habang tumatanda, bumabagal din ang paggalaw ng bato kung kaya naman mas matagal nananatili sa sistema ang mga acid. Dahil dito, mas may pagkakataong magkaroon ng acidic na kondisyon ang matatanda. Epekto ng Maaasim na Prutas sa Ihi at sa Tao Baghurst, K. (2003). The Health Benefits of Citrus Fruits. Sydney, Australia: Horticultural Australia Ltd. Isa sa mga sinasabi sa libro na ito ay ang ibat ibang komposisyon ng maaasim

na prutas at ang magagandang naidudulot ng mga ito sa katawan ng tao. Ang ilan sa mga komposisyon na ito ay ang Bitamina C, Carotenoids, Asidong Folic, Potassium, at iba pa. Ang Bitamina C ay isa sa mga pangunahing nagpaparami ng nilalaman na antioxidant sa mga prutas. Pinananagutan naman ng carotenoids ang kulay ng mga organikong material. Ito ay makikita sa mga prutas o gulay na kulay dilaw o kulay-dalandan. Mahigit anim na daang carotenoids ang natuklas na ngunit kakaunti lamang sa mga ito ang makikita sa katawan natin. Ang mga ito ay alpha-carotene, lycopene, lutein, zeaxanthin at cryptoxanthin. Ang bitaminang folic ay importante sa prosesong metabolika na synthesis ng DNA. Ito ay sagana sa mga maaasim na prutas, mga dahong gulay at mga buto at butil. Ang potassium naman ay pangunahing cation sa intracellular na fluid. Angpaggalaw ng potassium palabas ng cells at ang paggalaw ng sodium paloob ay nakapagpapabago ng electrical potentials sa nerves at muscles para silay gumana ng tama. Nakasulat din sa librong ito ang ibat ibang kasukatan ng lakas, mineral at bitamina na mayroon ang mga maaasim na prutas. Dagoon, J. (2005). Agriculture and Fishery Technology: A Textbook in the Specialization Subject in Agriculture and Fishery Technology IV in the Philippine High Schools. Quezon City, Philippines: Rex Printing Company, Inc. Ipinakikita sa aklat na ito ang ibat ibang benepisyo ng maaasim na prutas sa katawan ng tao. Sinabi dito na ang mga maaasim na prutas ay mayayaman sa bitamina, lalo na sa Bitamina C; mga mineral, tulad ng calcium na kailangan natin sa paglaki at pagpapalakas ng ating mga buto. Ang maaasim na prutas ay maganda sa pagdumi at pag-ikot ng dugo sa ating katawan. Nakalimbag din dito ang ibat ibang uri ng maaasim na prutas tulad ng kalamnsi, dalanghita, suha, dalandan, lemon at lime. Ladaniya, M. Citrus Fruit: Biology, Technology and Evaluation. USA: Academic Press. Ipinakita dito ang ibat ibang uri ng maaasim na prutas at ang mga katangian nito. Nakahanay dito ang ibat ibang kemikal na komposisyon ng maaasim na prutas. Ang mga maaasim na prutas ay may ibat ibang uri ng mga sumusunod na mga kemikal: carbohydrates, organikong asido, nitrogenous compounds, enzymes, pigments, bitamina, lipids, waxes at iba pa. Nakasulat din dito ang ibat ibang magagandang epekto o benepisyo ng mga maaasim na prutas sa katawan. Okwu, D. (2008). Citrus Fruits: A Rich Source of Phytochemicals And Their Roles in Human Health. Hindi naisapubliko na pananaliksik, Michael Okpara University of Agriculture, Abia State, Nigeria. Sa pananaliksik na ito, tinalakay ng mananaliksik ang ibat ibang uri ng impormasyon tungkol sa maaasim na prutas. Tinalakay din niya ang ilang uri ng kemikal na matatagpuan sa maaasim na prutas na may magagandang epekto sa ating katawan. Ang mga kemikal na ito ay tinatawag na Phytochemicals. Alkaloids, cyanogenic glycosides, flavonoids, terpenoids at phenolic compounds, stilbenes at condensed tannins, asidong hydroxy benzoic at hydroxycinnamic, at acetophenones ay ilan sa mga phytochemicals.

KABANATA 3 Metodolohiya Ang pag-aaral ay isasagawa sa loob ng Pamantasan ng Sto Tomas. Ang pananaliksik na ito ay palarawan na gagamitan ng pagsisiyasat. Ang unang hakbang sa pananaliksik ay ang paggawa ng survey forms. Ang mga survey forms na ito ay naglalaman ng serye ng mga katanungang ukol sa paksa ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga ito, maaaring makakalap ng kaalaman tungkol sa kadalasan ng pagkain ng maaasim na prutas, mga sintomas na nararamdaman ng mga taga-tugon, ang napapansing epekto matapos kumain, at iba pa. Sa nasabing forms, nakasulat na rin ang

pagpapaliwanag ukol sa kahalagahan at layunin ng pananaliksik para sa kabatiran ng mga sasagot. Ang isang daang taong tutugon sa pananaliksik ay magmumula sa komunidad ng Pamantasan ng Sto. Tomas na pipiliin sa pamamagitan ng fish bowl sampling. Ihihiwalay ang mga gurong may edad apatnaput lima pataas matapos makakuha ng isang listahan ng mga pangalan ng mga miyembro ng faculty and staff. Ang mga pangalan ng gurong ay paghihiwalayin pa sa dalawang kategorya: babae at lalaki. Ang dalawang grupong ito ang siyang pagkukunan ng mga taga-tugon sa pamamagitan ng pagbunot upang magkaroon ng limampung babae at limampung lalaking lalahok. Pagkatapos, ipamimigay na ang mga survey forms sa ibat ibang gurong napili. Sa bawat kolehiyo ay mag-iiwan ng isang envelope kung saan maaaring iwanan ng mga tutugon ang papel matapos sagutan. Ang envelope na iyon ay kukunin matapos ang dalawang araw. Kapag natapos nang kolektahin ang mga sagutang papel, ilalagay sa isang talahanayan ang dami ng sumagot sa bawat katanungan. Mula dito ay kukunin ang porsiyento at susuriin ang mga datos na naipon. Pagkatapos ng pagsusuri ay ang pagbibigay ng konklusyon. Disyembre, 2012 PAGKILALA Ipinaaabot namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod na naging daan upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito:

Sa aming punong-tagapayo na si Prof. Rhodelia H. Mendoza, para sa panahon at kaalamang kanyang ibinahagi sa amin at sa ipinagkaloob niyang pagkakataon sa amin na magsagawa ng ganitong pag-aaral; Sa aming mga magulang at mga tagapag-alaga, para sa kanilang walang hanggang pagsuporta at pagtugon sa aming mga pangangailangan sa loob at labas ng pamantasan at pagsisilbing inspirasyon upang malagpasan namin ang mga dumarating na pagsubok; Sa aming mga kaklase at kaibigan, para sa kanilang bukas-palad na pagtulong sa amin habang aming ginagawa ang pag-aaral na ito; Sa mga tumugon sa aming pagsisiyasat, para sa paglalaan ng oras at pagbabahagi ng sariling karanasan upang magbigay-daan sa pag-unlad ng aming pag-aaral; at Sa Dakilang Ama, para sa biyaya ng talino, karunungan, katatagan, at sigasig na Kanyang ipinagkaloob sa amin. Ang buong pag-aaral na ito ay aming iniaalay sa Kanya.

Mga Kasapi ng Grupo: Bartolo, Ron Joseph Gonzales, Ann Cathleen A. Quyo, Rose Anne L. Siy, Janelle Angela O. Sta. Ana, Mary Jane S. Yuchongco, James Christian

You might also like