You are on page 1of 2

PAG-IWAS SA AKSIDENTE

Karamihan sa mga aksidente ay maiiwasan kung ang mga magulang ay palaging susubaybayan ang kanilang mga anak maging ang segurdidad sa kanilang kapaligiran. PAG-IWAS SA AKSIDENTE SA DAAN Hindi dapat hinahayaang maglaro ang mga bata sa daan o malapit sa daan. Palaging dapat may kasama ang mga ito kapag sila ay tatawid ng daan. Palaging isarado ang pintuan o gate para hindi makatakas ang mga bata papunta sa daan. Turuan ang mga bata na huwag habulin ang bola at iba pang laruan kapag ang mga ito ay napunta sa daan. Huwag iupo ang bata sa harapan ng sasakyan o motor. Kung maari, ipagsuot ng helmet ang bata kung isasakay ito sa bisikleta. PAG-IWASA SA AKSIDENTE SA TUBIG Maaring malunod ang mga bata sa loob ng dalawang minuto kahit kakaunti lamang ang tubig tulad ng sa bathtub. Ito ay maaring maging sanhi ng kamatayan ng mga bata. Takpan ng mabuti ang mga timba, tangke at iba pang imbakan ng tubig. Palaging samahan ang mga bata kapag maliligo. Laging samahan ang bata kung lalangoy.

PAG-IWAS SA PAGKASUNOG Iiwas ang mga bata sa apoy, kalan, lutuan, kumukulong tubig, at mga kable ng kuryente. Ipwesto ang mga lutuan sa hindi maabot ng bata. Huwag hayaang maabot ng bata ang mainit na plantsa. Huwag hayaang maglaro ang bata ng kandila o ng apoy. Huwag hayaang maglaro ang mga bata sa mga saksakan ng kuryente. PAG-IWAS SA PAGKAHULOG o PAGKADAPA Kadalasang nahuhulog o nadadapa ang mga bata kapag sila ay natututo ng maglakad, tumakbo o tumalon. Ito ay nagiging sanhi ng gasgas, pasa, pilay, pagkabagok. Huwag hayaang maglaro ang mga bata sa may hagdan o sa may balkunahe. Lagyan ng hawakan ang hagdanan at balkunahe. Huwag iiwan ang mga sanggol na mag-isa sa kama. PAG-IWAS SA PAGKALASON Ang mga gamot, pamatay ng peste, bleach, gaas ay dapat nakatago ng maayos at hindi maabot ng ga bata. Lagyan sila ng tamang pangalan at huwag ilagay sa mga lalagyan na maaring mapagpakamalan. Ibibigay lamang ang mga gamot na nireseta ng doktor. Huwag ibigay ang mga gamot na para sa mga nakakatanda. Huwag hayaang uminom ng gamot na mag-isa ang bata. PAG-IWAS MABULUNAN Mahilig maglagay ng kung anu-anong bagay ang mga bata sa kanilang bibig na nagiging dahilan upang sila ay mabulunan. Ang pag-ubo, pagkaduwal, matinis na pagsasalita, maingay at mahirap na paghinga ay senyales na nabubulunan ang isang bata. Panatilihing malinis ang bahay. Itabi ang mga butones, beads, barya, at iba pang maliliit na bagay. Huwag bibigyan ang mga sanggol ng mga pagkaing madaling maging sanhi na mabulunan tulad ng mani at matitigas na candy.

KALUSUGAN AT PANGANGALAGA NG MGA BATA

Pagsubaybay sa paglaki Pagpapabakuna Ubo, sipon at lagnat Pag-iwas sa Aksidente

Ang Growth Chart


Ang timbang ng isang bata at iba pang mahalagang pangyayari ay dapat isulat sa talaan ng paglaki o growth chart. Ang pagtala ng timbang ay isinasagawa buwanbuwan magmula pagsilang hanggang 2 taon at tuwing ika-tatlong buwan magmula 2 hanggang 6 na taong gulang. Tamang pagbabasa ng Growth Chart Ang timbang ng isang bata ay dapat nasa pagitan ng 2 kurbadang linya. Ang nakamarkang kurbada ng paglaki ay dapat pataas ang direksyon. Ibig sabihin nito ay lumalaki ang bata nang maayos. Hindi tumataas ang timbang ng isang bata kung ang naka-markang kurbada ng paglaki ay pumantay sa pagitan ng kurbadang linya. Kapag nagkasakit o hindi nakakakain nang sapat ang isang bata, bumabagal ang paglaki o gumagaan ang kaniyang timbang. Kung ang marka ng kurbada ay pababa, ito ay mapanganib. Ibig sabihin nito ay pababa nang pababa ang timbang, Dalhin na agad ang bata sa health center o ospital.

Pagpapabakuna
Ang bakuna ay kailangan ng inyong anak para hindi madaling magkasakit ng TB, polio, tigdas, dipterya, tusperina, tetano, at hepatitis B. Ang mga nasabing sakit ay maaring maging sanhi ng malnutrisyon, pagkakaroon ng kapansanan o pagkamatay. Ang pagpapabakuna ng bata ay nag-uumpisa mula siyay ipanganak hanggang isang taong gulang. Dapat kumpleto ang bakuna ng inyong unak pagdating ng isang taong gulang.

Ubo, Sipon at Lagnat


Ito ay mga sakit na kusang gumagaling at hindi ahad kailangan ng gamot. Subalit pwede rin itong senyales ng Tuberkulosis at Pulmonya lalo na kung hindi gumagaling sa loob ng dalawang lingo. Ano ang dapat gawin?

Ano ang mga bakunang dapat matanggap ng bata at kelan ito dapat na matanggap? BCG- bakuna laban sa TB; karaniwang binibigay pagkapanganak ng sanggol DPT- bakuna laban sa diphtheria, pertussis at tetanus toxoid; 3 doses na binibigay sa ika-6 na linggo, ika-10 linggo at ika-14 na linggo ng sanggol Hepatitis B- bakuna laban sa Hepatitis B; 3 doses na binibigay pagkapanganak, sa ika- 6 na linggo at ika-14 na linggo ng sanggol OPV- bakuna laban sa polio; karaniwang binibigay sa ika-6 na linggo, ika-10 linggo at ika-14 na linggo ng sanggol Measles- bakuna laban sa tigdas; karaniwang binibigay sa ika -9 na buwan ng sanggol MMR- bakuna laban sa measles, mumps, rubella; karaniwang binibigay sa ika-12 na buwan ng sanggol ***Sa ngayon ay mayroong bagong uri ng bakuna na kung tawagin ay pentavac; ito ay bakuna laban sa limang sakit na kinapapalooban ng diphtheria, pertussis, tetanus toxoid, hepatitis B at haemophilus influenza. Ito ay 3 doses na binibigay sa ika-6 na linggo, ika-10 linggo at ika-14 na linggo ng sanggol. ***Mahalagang makumpleto ang mga bakuna laban sa DPT, Hepatitis B, OPV at measles upang maging isang fullyimmunized child ang inyong anak. Ano ang mga kontraindikasyon sa bakuna? Walang kontraindikasyon sa bakuna maliban na lamang kung ang sanggol ay may malubhang sakit o napakababa ng kanyang resistansya. Ang simpleng sipon o sinat ay hindi kontraindikasyon sa pagpapabakuna.

Panatilihan ang init ng katawan Bigyan ng sapat na pagkain Dagdagan ang inumin o gatas Punasan ng maligamgam na tubig Palanghanpin ng mainit mula sa pinainitang (hindi kumukulong) tubig Huwag painumin ng gamot ng hindi nireseta ng doktot lalo na ng antibiotics. Sundin lagi ang payo ng doktor. Paano ito maiiwasan?

Iwasan ang pag-ubo o pagbahing malapit sa bata Ugaliin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon Iwasang makalanghap ng kahit anong anyo ng usok lalu na ng sigarilyo ang bata Dapat Ikabahala Kung:

Ubo na may kasamang paglalanat (maaring pulmonya) Masyadong mabilis at malalim ang paghinga Paglubog ng ilalim na bahagi ng dibdib pag humihinga Ubo na higit sa dalawang lingo ang tagal Paghina sa pagsuso o pagkain ng bata Madalas na pagsusuka

You might also like