You are on page 1of 4

Kabanata II Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatrura Maraming mga pananaliksik na ang ginawa tungkol sa pagpasa ng mga estudyante ng kursong

inhinyeriya. Marami dito ay ukol sa pagka-epektibo ng mga program sa unang taon ng kursong nabanggit. Para sa pamanahong papel na ito, ang mga mananaliksik ay mag popokus sa mga nagiging sagabal sa pag-aaral ng mga estudyante na nasa ika-unang taon. Ang pananatili sa unang taon ng mga estudyante ng inhinyeriya ang nagiging alalahanin ng mga maraming kolehiya at unibersidad. Kahit na maraming oras na ang pinuhunan upang masakatuparan ang matibay na kurso at suporta para sa mga estudyante, mayroon pa ring mga bumabagsak sa unang taon na inhinyeriya.( Johnson, 2009) Maraming mga bagay ang kasalukuyang nakaka-apekto sa akademikong pagganap ng mga nasa unang taon. Ilan na rito ay ang kaalaman sa mga asignaturang tungkol sa matematika. Ayon kay Sorby and Hamlin (2001), ang trigonometry ay pundasyon sa maraming mga asignatura sa programa ng inhinyeriya. Ang kagalingan sa trigonometry ay samakatuwid ay mahalaga sa mga mag-aaral ng kursong ito. Ang trigonometry ay nagbibigay ng karanasan at pundasyon sa matematika para sa mga kurso sa hinaharap. Ang literature review naman ni Hensley ay tumatalakay sa pagbabagong nararanasan ng mga kabataan. Sinabi niya na ang pagbabago mula sa high school ay may direktang epekto sa pisikal, mental at sosyal na aspeto ng mga estudyante. Ang mga sabay sabay na mga hindi pa tunay na nararanasan ang mga maibibigay ng

pagbabagong ito ay may negatibong epekto sa pagganap ng estudyante sa kanyang mga pagaaral (2010). Marami ring mga estudyante ang tumitira sa mga dormitoryo at nakikihati sa isa o higit pang mga kasama sa kuwarto. Napipilitan silang magkaroon ng bagong kaibigan at nahihiwalay sa mga kakilala sa hayskul. (Cleary, Walter, & Jackson, 2011). Base naman sa pananaliksik na negatibong nakakapekto ang sobrang pakikisama (Woosley & Miller, 2009). Dahil sa kawalan ng patnubay ng magulang, ang mga estudyante ay mas madaling access sa alcohol at mga ipinagbabawal na gamot. Ayon kay Abar at Maggs, ang mga nasa kolehiyo ay may mas mataas na tsansa para sa mga isyu tungkol sa sobrang paginom kupara sa mga iba (2010). Sa pangkalahatan, ang mga isyu sa pag-inom ng alak ay lubos na laganap sa mga komunidad sa kolehiyo (Clearly et al., 2011). May mga pananaliksik na nagsasabing ang kasarian ay nakaka-apekto sa pagganap sa matematika. Ang mga babeng estudyante ay naulat na mas mabababa kumpara sa mga lalake. Ang resultang ito ay kasang-ayon sa mga nakaraang pananaliksik na napatunayang ang mga kababaihan ay may mas mababang marka sa matematika kumpara sa mga kalalakihan (Huguet & Rgner, 2009). May mga pananaliksik na nagpapatunay na ang pagkakaiba sa kasarian at saloobin tungkol sa matematika ay hindi umiiral sa elementary. Sa hayskul, ang pagkakaiba sa kasarian ay nagsisimula ng makaapekto. Ang mga lalaki ay mas nagkaka-interes sa matematika kumpara sa mga kababaihan (American Association of University Women, 2002; Lockheed, Thorpe, Brooks-Gumn, Casserly, & McAloon, 2005; Oakes, 2000). Sinasabi ng mga eksperto na ito ay

resulta ng pag-uugnay ng mga kabataan ng kasarian sa mga karera at aspirasyon (American Association of University Women, 2002; Oakes, 2000; Sadker, Sadker, & Klein, 2001). Isa rin sa mga bagay na nakaka-apekto sa pagganap ng mga nasa unang taon ay ang pagbabarkada (peer pressure). Ang peer pressure ay isa sa mga bagay na hindi maiiwasan sa buhay. Maging sa eskuwelahan, o sa buhay man, lagging mayroon peer pressure. Mayroong mga bagay para mabawasaan ang masasamang epekto nito, pero may mga pagkakataon na mahirap itong pigilan. Maraming bagay ang kaya nitong apektuhan at isa na dito ang ademikong pag-ganap ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral (Hodge, 2009). Ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga sanhi o sagabal sa mga akademikong pagganap ng mga nasa unang taon ng kursong inhinyeriya. Maaring magamit ang pag-aaral na ito bilang hanguan ng mga impormasyon.

Abar, C. C., & Maggs, J. L. (2010). Social influence and selection processes as predictors of normative perceptions and alcohol use across the transition to college. Journal of College Student Development, 51(5), 496-508. Cleary, M., Walter, G., & Jackson, D. (2011). 'Not always smooth sailing': mental health issues associated with the transition from high school to college. Issues in Mental Health Nursing, 32, 250-254.

Hensley, A. M. (2010). Transition to middle school: Self concept and student perceptions in fourth and fifth-graders. Ph.D. dissertation, Ball State University, United States Indiana Hodge C. (2009). Peer pressure: How it can affect grades. Helium: Where Knowledge Rules .
Retrieved March 1, 2013, from http://www.helium.com/items/1552988-peer-pressure-how-it-canaffect-grades

Huguet, P., & Rgner, I. (2009). Counter-stereotypic beliefs in math do not protect school girls from stereotype threat. Journal of Experimental Social Psychology, 45, 1024-1027. Johnson, E. W., & Sanders, L. Making a Connection with First-Year Engineering Students. Valparaiso University, 2009. Sorby, S. A., & Hamlin, A. J. (2001, August). The implementation of a first-year engineering program and its impact on calculus performance. Paper presented at the meeting of International Conference on Engineering Education, Oslo, Norway. Woosley, S.A., Miller, A. L., (2009). Integration and institutional commitment as predictors of college student transition: are third week indicators significant?. College Student Journal, 43, 1260-1271.

You might also like