You are on page 1of 2

LAND REFORM Ang Land Reform Program ay unang naisakatuparan sa panahon ni Pangulo Diosdado Macapagal at pinagpatuloy ng mga sumunod

na pangulo hanggang sa kasalukuyan. Ang Land Reform ay naglalayon na mabigyan ang mga magsasaka ng pagkakataon na magmay-ari ng kanilang sariling lupa na pang saka. Sa aking pakikipanayam sa isang magsasaka dito sa aming barrio ay aking nalaman ang tulong na naibibigay nito sa mga magsasaka. Nabigyan siya ng kanyang sariling lupa na pang saka. Pinagyaman nya ito at ito na din ang naging daan upang mapag-tapos niya sa pag-aaral ang kanyang mga anak. Itago na lamang natin siya sa tawag na Tatay Pedring. Siya ay nakitara sa sitio malanggam dito sa baranggay bulihan. Ayon sa kanya ay nakuha niya ang titulo ng kanyang sariling lupa noong taong 2001. Noon ay hindi pa niya ito pag-aari at regular lamang na nagsasaka nito. Ngayon ay ito na ang kanilang pinagkukuhanan ng panggastos sa araw araw, nakakakuha sila ng mga ani tuwing panahon ng sakahan. Ayon kay Tatay Pedring ay malaki ang naitulong nito sa mga kagaya niyang magsasaka. Noon ay walang pagkakataon ang mga magsasaka na mag may-ari ng kanilang sariling lupa na pang saka pwera na lamang kung kaya na nila bumili nito. Nilalayon ng Land reform program na magkaroon ng reporma sa sistemang pangsaka sa ating bansa. Marami na rin sa ating mga lokal na magsasaka ang nakakuha ng benepisyo mula dito. Dito sa aming lugar ay marami ang mga bukid at iba pang taniman na ayon kay tatay Pedring ay karamihan din ay npagmay-ari na dahil sa Land Reform Program. Ang pagkakaroon nag Land Reform sa ating bansa ay nangngahulugan din ng pagtaas ng produksyon pang agrikultura. Mas magkakaroon ng pagkakataon ang magsasaka na palaguin ang kanila sinasaka na makakaapekto rin ng malaki sa ating ekonomiya. Si tatay Pedring ay nakakaani ng malaki mula sa kanyang bukid na kanyang naibebenta sa palengke na nabibili ng marami sa atin. Mayroong magpapalago ng ating mga lupa. Pagkakataon din ito para sa magsasaka upang makatuklas ng mga bagong teknolohiya o kaalaman na makakatulong ng malaki sa industriya ng pagsasaka. Ang ating bansa ay kilala bilang isang maswerte na bansa sa likas na yaman. Hindi lamang sa pang agrikulutra, pati na rin sa aquaculture. Walang ibang dapat na makinabang sa mga lupa n gating bansa kundi tayo rin mga Pilipino. Ang pagkakaroon ng Land Reform Program ay makakatulong ng malaki sa ating ekonomiya. Maraming nagsasabi na wala daw mapapala ditto sa ating bansa dahilan sa kakulangan sa trabaho. Ito ay isang maling konotasyon dahil kung titingin tayo sa ating paligid, malaki ang potensyal ng agrikulutura sa ating bansa dahil sa yaman ng ating lupa. Naghihintay lamang ito na ating pagyamanin at pangalagaan upang makuha natin ang hinahangad na pag unlad.

You might also like