You are on page 1of 15

Property of Love,Stargirl | Maling Akala

"Pwede ba? Ang ingay mo? pwede bang maghanap ka ng kaibigan na pwede mong ikwent o yan? ang ingay mo bwiset." agad akong tumayo at lumabas ng classroom. "Ah, sorry." ang narinig ko na lang na sabi niya. Iba pa noon. Iba din ngayon. At magiging iba pa sa hinaharap. Masasabi ko nung n akilala ko siya naging iba ako. Naging Daniel ako na naging mabait, marunong mak isama, marunong makinig sa sinasabi ng ibang tao, kaya ng mag sakripisyo, kaya n g pigilan yung sarili so mga bagay na hindi ko kayang pigilan, tulad ng pakkipag -away, pakikipag basabolero, o kaya naman ay ang manlait. Kaya ng lumaban kung a no yung nararamdaman di na gaano ka biolente, siguro. pero higit sa lahat, kaya ng mag mag-mahal na hindi humihingi ng kapalit. At shempre hindi na magbabago an g katotohanan na sobra at saksakan ako ng gwapo. Wala eh. "Uy awat." ang sabi sa akin ni Giolo. "Babae yan pre." ang dagdag nito. "Ano bang ginagawa ko? sabi ko lang naman ang ingay niya ah?! Ano bang ginawa ko ng masama dun? Muntanga naman tong mga to'! Bitawan mo nga ako!" ang sabi ko na lang na nanggagalaiti at mainit na ulo. Lumabas ako ng classroom, saktong papaso k na yung teacher. "Oh, saan ka pa pupunta? Mag-iistart na yung class ah?" ang tanong ng A.P teache r namin. "Ma'am sa clinic lang bigla po yung ulo ko eh." ang sabi ko na lang at di na ina ntay yung sagot o sasabihin niya agad na lang akong nag-lakad. "Sigaraduhin mo lang na masakit yang ulo mo ha." ang sabi niya sa akin. "Wag mon g gawing dahilan yan para mag-cut." ang dagdag pa nito. "Oo na, oo na. Ang daldal naman oh." ang sabi ko na lang ng pabulong habang naglalakad palayo sa kanya at sa classroom. Ng makapasok ako sa clinic nandoon na naman yung maingay na nurse na ang daldal din, bakit ko nga ba naisipang magpunta sa clinic kong may maingay din pala. Pag pasok ko palang agad na siyang nag-daldal sa akin ng kung ano-anu tungkol sa bu hay niya, pinagyayabang niya na maganda daw siya nung kabataan niya tapos kung m aaga lang daw akong pinanganak ako na daw ang inasawa niya. Alam niya ba sinasab i niya? Tanda-tanda niya na eh! Ng hindi pa din siya tumigil kaagad na akong umalis at naglakad sa kung saan ako mapadpad, at dun ko na lang naisip na tumambay sa tambayan namin. Doon nag-yosi ako. Buti pa dito tahimik walang maingay. Ng may naramdaman akong may sumampal sa akin kaagad akong tumayo. At nakita ko sa harap ko eh si Jared. "So anong balak mo?" ang tanong niya sa akin at umupo sa may paanan ko. "Anong balak ko? Saan?" ang natanong ko na lang na nagtataka. "Matutulog ka lang ba dito oh papasok ka? baka naman masama pa ako sa sermon ng mama't papa mo kapag nalaman nilang di ka pumapasok ha." ang sabi niya sa akin n a mas iniisip niya lang ang sarili niya. "At ayokong mapagalitan nila mama't pap a. Ayokong mapasama sa mga katarantaduhan mo." ang dagdag pa nitongpanenermon. A no nga bang magagawa ko, isa sa magagaling yang si Jared paano pineppressure nil a tito't tita yung mga magulang ko naman walang pakielam sa akin. Gawin ko na la hat ng gusto ko wag lang akong babagsak at walang bagay na ikakahiya nila ako.

"Oo na, oo na! daig mo pa nanay at tatay ko eh. Alam ko yun wag kang mag-alala, pag sabihan lang ni Mak yung bago niyang best friend na wag niya akong pakielama n at wag maingay! Ang daldal, parang yung iba lang na mga babaeng lumalapit." an g sabi ko kay Jared. Kinamot ko yung ulo ko at umupo na nakataas yung isang paa. Humingi ako ng doublemint kay Jared para mawala yung amoy ko ng yosi. "Gago ka pre! Kung nakita mo lang muhka niya kanina muhka na siyang iiyak!" sabi naman ni Giolo na may halong pag-aalala dun sa babeng yun. "Pakielam ko? Sus pag katapos naman nun lalapit pa rin siya eh tapos mangungulit . Gagawin ko na lang yung mga ginawa ko dun sa mga ibang babae." ang sabi ko sa kanya na sumandal sa concretong upuan at inalagay yung dalawa kong kamay dito, t inignan ko yung langit at binulnong sa sarili ko ang, "Pare-parehas lang naman s ila eh." habang ngumunguya. "Hoy Daniel!!!" ang sigaw ng isang nanggagalaiting Mak. "Oh Bakit?" ang sabi ko sa kanya na kalmado lang at pa easy-easy. Ng biglang nag sisigaw na parang babae sa harap ko at nanenermon tungkol sa babaeng nasigawan k o kanina. "Hoy pwede ba? Wag mong gawin yang attitude mo sa kanya? Iba siya okay?" ang sab i niya sa aking nanggagalaiti. "Teka nga? Ano bang alam mo sa kanya? Ngayong araw lang naman kayo nagkakilala a h? Akala mo naman kilala mo na siya. Katulad din sila ng mga babaeng yun! Puro p era, muhka, lang ang gusto sayo." ang sinabi ko sa kanya na nagmumuhka ng parang Kuya sa kanya. "Alam ko yun okay. Ngayon lang kami nagkakilala pero pwede ba? Tigilan mo na yan g attitude mo? Babae pa din naman siya eh. Hindi naman siya ginaganun eh." ang s abi sa akin ni Mak. "Punyeta naman, ano ito na naman tayo sa issue na yan? Di ba naman sinabi ko sa inyo may issue nga ako sa babae?? Pare-parehas lang sila." Di ko naman masasabin g may issue ako pero meron lang talaga akong nakaraan sa kanila. Yung tipong nag -sisilapitan sila sayo as in madami pero kapag naiinlove at nagiging seryoso ka sa kanila nagsisiwalaan siya kasama ng pera at ng mga ari-arian mo. "Alam ko yun. Pero pwede bang ibahin mo naman yung mga ibang babae? Mamili ka na man, hindi na lang salahat." ang sabi niya sa akin at lumayo na. Di pa naman ako na in love talaga. Pero meron lang talaga akong kilalang ganung babae. Si Mama. Naririnig ko sila ni Papa lagi, pinag-uusapan yung pera ni Lolo' t Lola, naghahatian kung kanino ang mana, kung kanino ang ganitong amount ng per a, kanino tong business na to, or kanino tong kapirasong lupang to'. Ng namatay si Lolo, at kaagad na binigay ang mana kinila mama't papa, kaagad na nawala si M ama sa paningin namin. Ng mag asawa uli si Papa, ganun din ang nangyari pero nga yon nag-istay siya, mas bata siya kay papa ng 10 taon. Nag-istay siya dahil alam niya namang hindi na mag tatagal si Papa alam din naman niyang makukuha niya la hat ng pera ni papa in time. Kaya tiis-tiis na lang para sa pera. Natakot ako. Natakot na akong magtiwala sa kanila. Akala ko kasi dati, sila yung sinasabi ng mga kaibigan ko nung bata ako na maalalahanin, maunawain. O kung an o ano pa. Na hindi ko na malaman kung ano yun. Basta ang akala ko ganun silang l ahat. Yun pala hindi. Akala ko masayang mag karoon ng nanay na nagaalaga sayo. A kala ko kapag babae hindi kayang manloko. Yun pala hindi. Nag kamali ako. Ng nag-bell na kaagad na pumasok ako sa classroom pero tinapon muna ang bubblegu

m na nasa bibig ko pa. Kaagad akong umupo at inihiga uli ang ulo ko. Inaantok na naman ako. May sumipa sa upuan ko. Ng tignan ko si Jared na pala, tinignan niya yung sa may blackboard at nag nod parang sinabing "Tignan mo yun." Ng tignan ko yung babaeng nasigawan ko na pala. Nakangiti at tumatawa. Nagkaroon na pala siy a ng kaibigan niya, buti naman para di na ako guluhin pa niya. Ng nakita niya ak ong nakatingin sa kanya, nginitian niya lang ako. Kaagad naman akong nag smirk a t hindi ito pinansin. "Paki tang tao." ang sinabi ko na lang sa sarili ko. Ng uwian na kaagad akong lumbas na ng classroom. Pauwi na kami ng tropa ng bigla ng hinabol nung babaeng teka nga no nga bang pangalan niya? Psh dibalena. "Ah! Mga idol!" ang bira ng isang lalaking naka eye glasses sa hrap namin. "At sino ka naman?" ang tanong ko sa kanya na medyo inis. "Ah! Idol Daniel di mo na ba ako naalala? ako yung nag pakopya sa inyo ng Math H .w nung nasa 7th Grade tayo ako yung lagi ninyong kinokopyahan! Sabi niyo pa nga sa akin isasama niyo ako sa grupo niyo kasi ang galing ko sa math!" ang sabi ni ya sa amin habang sinisinghot niya yung uhog niya. Excuse me sinong bobo nag sab ing isasama ka namin sa grupo namin? "HUH?! sino naman nagsabi sayo na isasama ka namin?" ng mapaisip ako parang alam ko na kung sino. "Ah! Si Idol Mak po!" sabi ko na nga ba eh, ang sabi niyang nagtatalon pa sa tuw a. "Wala siyang sinabing ganun kalimutan mo na yun." ang sabi ko na lang sa kanya a t kaagad na umalis sa harap niya. Ng biglang hinawakan niya ako sa may manggas k o. Ah! KADIRI NAK NG! "Ano ba bitawan mo nga ako! TIgnan mo nga yang uhog mo?! Meron ba kaming isasama ng ganyan kadugyot at kaduming katulad mo? At tignan mo nga yang glasses mo? Tia ka yang itsura mo?! At tiaka ang panget panget mo!" ang sabi ko sa kanya at umal is na. Ng maisip ko yung mga oras na yun. Ganun pala talaga ako kasama no? Ng nakita ko , nakatingin na yung mga tao sa amin, agad akong sumigaw ng "anong tinitingin-ti ngin niyo? mga panget!" kaagad silang nag silihisan ng mga tingin. "TARA NA!" ang sigaw ko dun sa mga unggoy na ang tagal tagal magsi kilos. "Uy, wag mong masyadong damdamin yun ha! Kasi totoo naman eh, wag kang iiyak ha! Kalma ka lang dre!" ang sabini Giolo na inaasar pa lalo yung apat yung mata. "Haha, okay lang yan! Next time na lang!" ang dagdag naman ni Gian. "Salamat mga pare!" ang sagot naman ni apat ang mata at ipinahid sa kanila yung kamay niyang kanina niya pa pinampupunas sa uhog niya. Buti nga sa inyong dalawa ng ugok kayo. Ng gawin yun nung apat yung mata agad na napamura silang dalawa. H a! Buti nga. "Hi." ang isang mahinhin na sabi sa akin ng isang boses. Hay nako eto na naman y ung mga babaeng, ng mapatingin ako. Si ano pala. Si..Nginitian niya na naman ako . "Ah! Tumingin ka na din! Akala ko kahit na nakatayo ka natutulog ka pa din!" ang sabi niya at ngumiti na naman siya. "Di ka ba nagsasawang ngumiti sa lahat ng tao araw-araw?" ang natanong ko na lan

g sa kanya. Nagulat siya sa tanong ko at napapoker face siya, pero pag tapos nun natawa siya ng malakas. "Bat ka natatawa?" ang tanong ko na lang sa kanya na me rong pagtataka, HUH? "Nakakatawa ka kasi! Bakit naman masama bang ngumiti? Alam mo kaya ka madaming k unot sa ulo mo kasi lagi kang naka simangot! ngiti ngiti din kasi minsan!" ang s abi niya habang pinipindot pindot yung noo kung naka kunot noo. Tapos bigla niya ng hinatak yung pisngi ko at sinabi niyang, "Ngiti ka kasi!" paulit ulit niyang sinabi to at nainis na ako. "Bitawan mo nga ako! Ang weirdo mo!" ang sabi ko na lang sa kanya. At itinaboy s iya. "Dun ka nga wag mo kong kulitin." "Haha! ang kulit mong asaran!" ang sinabi niya nung tumingin ako sa kanya na kan giti na naman siya. Napaka weirdo ng babaeng to, yung ibang babae kasi magccling sila sayo tapos iseseduce ka tapos lahat gagawin nila para maging kalmado ka at sundin yung mga gusto nila. "Bakit ka nakatingin ng ganyan sa akin?" ang tanong niya sa akin. Natawa na lang ako kasi ngayon lang ako napaisip ng "may ganito palang babae?" natawa na lang ako sa idea at sinabi ko sa kanyang ang panget niya. Kaya ang sabi niya na lang sa akin eh, "Alam ko, ang gwapo mo kasi eh, kamuhka m o yung aso namin sa bahay, ay edi hindi ka pala gwapo, cute lang! Haha!" ang sab i niyang natawa. "Joke na yun?" ang sabi ko naman sa kanyang nakapoker face. "Nakasimangot ka na naman! Pinapangiti nga kita eh!" ang sabi nya sa aking tinat alon yung noo ko, siguro hanggang balikat ko lang siya. Tinalon niya ng tinalon yung noo ko hanggang sa..napahinto siya at naout of balance. "Oh!" parehas kaming nag panic. Sinalo ko siya, buti na lang. Napahawak ako sa m ay bewang niya, at may naramdaman akong medyo malambot, uhm, ehem. Kaagad ko siy ang itinayo at napalihis ng tingin, awkward eh. "Ah, thank you." ang sabi niya habang inaayos niya yung uniform niya. "Ang lambot." ang nabulong ko na lang sa sarili ko. "Ano yun? May sinasabi ka ba?" ang natanong niya na lang sa akin. "Wala." ang sabi kong nahihiya pa. Psh. Parang airbag. "Naks naman oh!" ang biglang sabi nung mga boses sa may corridor. Sila Giolo, Ca rlo at Gian na pala. "Close na kayo ah!" ang sabi ni Gian na nag sisign language na kami na daw agad agad. 'Iba talaga mga galawang jaguar ano?" ang sabi naman ni Carlo. "Gago di lang galawang Jaguar meron ding Ninja moves, nakita ko yun pre, kwento mamaya yan!" ang sabing nag kikilig moves sa harap ko. "Muhka kang tanga tigilan mo yan." ang sabi ko na lang sa kanyang poker face. At dun iniwan na namin siya. Hindi kinibo at umalis. Inantay namin sila Mak at Jar ed sa may sakayan ng Jeep. "Ah! Daniel! Wag mong kalimutan ha! Ngiti ngiti din minsan!" ang sinigaw niya sa

akin nung nakasay na kami sa van nila Gian. "Naks naman bagong chicks na naman ah!" ang sabi ni Gian na hinahatak yung pisng i ko sa may likod ng upuan. Binatukan ko nga sa ulo habang di ako humaharap sa k anya. Doon nag simula ang lahat, sa pag-papaalala araw-araw na ngumiti ako. At doon si mulang nag-bago ang lahat sa akin. Na bigla na lang merong iba sa akin araw-araw . A/N: PLEASE I BEG OF YOU COMMENTS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :) Property of Love,Stargirl | Maling Akala Nung mga panahon na yun, hindi ko ba alam. Pero ako yung napagdiskitahan niyang bwisitin araw-araw. Lagi niya akong tinitignan, at pinipindut yung noo ko. Hindi ko nga alam at hindi ko pa siya nasusuntok sa muhka eh. Ang tigas kasi ng muhka , ang kulit-kulit. Sa kada araw nga na makikita niya ako lagi niya akong pinapan giti ng sapilitan. O kaya naman eh tatalunin yung mga kunot sa noo ko. Baka pag di ko napigilan sarili ko mabangasan ko na lang siya sa muhka eh. Pero sa bawat araw na ndumadaan, ang naiisip ko eh ang, paano niya nakakayanang ngumiti? Sa araw-araw na nag daan hindi ko man lang siyang nakitang nakasimangot o naramdaman na malungkot siya. Naisip ko na lang eh ang "baka iba siya?" pero natatawa na lang ako sa ideang, iba siya? Talaga lang? "Hoy!!!!" may sumigaw sa likod namin nila Jared. Ah kilala ko na to'. Pag dating niya sa amin,nag habol muna siya ng hininga niya. Nung nakatalikod ako sa kanya . Biglang may bumatok sa ulo ko. "Nak ng!!! Bat mo ko binatukan?!" ang tanong ko sa kanyang hawak hawak yung ulo ko. "Sabi ko wag kukunut yang noo mo eh!" ang sinabiniya na lang na nakahawak pa sa mga tuhod niuya at kinukuha yung nawala niyang hininga. "Alam mo to pre, pag nag kataon na di ko mapigilan sarili ko papatulan ko na tal aga to'" ang sabi ko na lang sa kanya habang naka duro sa kanya. "Bakala ka talaga, anyway, just do what I say. Ngiti." ang bigla niyang tayo at idinuro ako. "Hoy wag mo akong dinuduro diyan ha! At aba! sino ka para utusan akong ngumiti? Ano ako aso mo?" ang tanong ko sa kanyang nanggagalaiti. "Di ba nga sabi ko sayo? Mero akong aso sa bahay parang ikaw? Nakalimuutan mo na ba yun?!" ang tanong niya sa aking pinag mamalaki pa talaga yung aso nila. "Hoy babae wag mo akong pinag kukumpara sa aso niyo if I know ASKAL yung aso niy o!" ang sabi ko sa kanyang inis na inis na. "Hindi askal aso namin. May lahi yun no, at least yun may breeding. Eh ikaw? Wal a. As in Wala." ang sabi niya sa aking pinag mataasan ako ng boses. Napa-oh ang mga ugok sa sinabi ng babaeng to. "Wala ka pala pre eh, wala ka daw breeding. shit." ang sabi ni Giolo sa isang gi lid. "Takte yan dre. Breeding daw wala ka. Eh ang yaman mo pa naman." ang sabi naman

ni Gian sa akin. "Pre, wag mo ng patulan babae yan, tiaka tama naman siya eh." ang hirit naman ni Jared. "Mga gago kayo ginatungan niyo pa yung sinasabi ng babaeng to eh." ang sabi ko n a lang sa kanila. "Tumigil ka na wala akong panahon sa mga laro mo pwede? umalis ka na, lumayas ka sa harap ko, shoo-shoo." ang sinabi ko sa kanya na tinataboy na parang aso. "Hay nako, gwapo ka nga eh, medyo matalino, pero yun lang di ka marunong ngumiti at walang breeding." napasad face na lang siya at umalis. "Alam niyo babangasan ko na talaga yun, babe ka lang huy!" ang sigaw ko sa kanya nung nakatalikod na siya, bigla siyang humarap at binelatan ako. "Hay nako Mak kausapin mo yan BFF mo, sabihin mo wag niya na akong kulitin." ang sabi ko sa kanya nung nakapasok na kami sa classroom. 2 weeks after ng first meeting namin, naging malaking circus ang classroom, puno ng payaso at muhkang payaso ang mga tao dito, at isama mo pa diyan ang mga hayo p na kasama sa palabas. Minsan talaga para nang zoo ang classroom dahil sa mga h ayop na yun. Nag karoon ng groupings sa Filipino namin, at pag minamalas ka nga ah no. Shempr e alam na. Ka-group ko siya. Shempre siya din ang leader namin. At pag minamalas ka nga naman oh ako ginawa niya assistant leader. Pag ako napuno talaga. Ng matapos na yung groupings nagkaroon naman ng reporting. At pakingshit. ang na pili ni ma'am na mag report eh yung mga assistant leaders pag minamalas ka nga n aman oh. "Ah.." ang sabi na lang ng mga kaklase ko. "Wow Mr. Avera I didn't know na magaling ka mag-report." ang sabi ni Ma'am Jess. "Shempre Ma'am laging pinagrereport yan ng tatay niya." ang sabi ni Carlo na pin ag malaki pa sa buong klase. "Manahimik ka Carlo." ang sabi ko na lang sa kanya na nag hahamon na wag ng mag sabi ng kahit na anong unnecessary. "Wow Daniel. Di ko alam ang galing mo. Akala ko papalpak ka dun eh." ang sabin i ya sa aking hinahampas hampas sa tuwa yung balikat ko. "Tumigl ka na." ang sabi kong mahina sa kanya. Pero ayun si bitch di pa din tumigil. "Sabi ko tumigil ka na!!" biglang tumahimik ang buong klase. Nagpunta ako sa isa ng sulok sa back door at doon natulog ako. Ayoko talaga sa maingay at babae eh. Pahamak lagi. "I'm sorry I didn't mean to!" ang sabi niya kay Mak. "Anong ginawa mo dun?" hanggang sa lahat sila ay inikutan na siya at tinanong ku ng anong ginawa niya. "Sorry talaga, kasi akala ko matutuwa siya or I mean parang nund dati lang." sab i niyang akala niya lahat na dadaan sa biro.

"Nagtitimpi na lang yan, wag mo munang kulitin." ang sabi naman ni Mak. "Sorry talaga, plano ko pa man ding yayain kayong mag lunch. Eh ganito pala." an g sinabi niyang nakatingin sa akin. "Kami na lang libre mo wag na yung ugok na yun!" ang sabi naman ng walng hiyang Carlo. Natawa naman siya. "Next time na lang kapag OK na siya." ang sabi naman ni Jared sa kanya. Bakit ba sobrang affected kayo mga pare? Hindi ko malaman kungbakit affected na affected sila sa mga pinag gagawa nila sa akin at sa mga pinag gagawa ng babaeng yun. Masyado kasi eh. Akala puro biruan. Nung mga oras na yun, ang naalala ko lang na nakapag pagalit sa akin eh yung ala alang lagi akong pinapagalitan ni Dad about reports. Lagi niya akong tinuturuan about Powerpoint reports, kung paano irereport yung isang idea, or yung isang fi nance strategy or finance problems. Siguro ga 8 ako nung sinimulan niya akong tu ruan. Lagi niya akong pinapupunta sa office para marinig yung mga reports ng mga employees niya. Tapos sumunod nun eh pinabasa niya ako, hanggang sa umabot na a ko na yung nagrereport at the age of 15, one time, takot na takot ako nun, nung malapit ng magsimula yung meeting naihi pa ako sa suit ko. Nag panic ang lahat. Di alam kung paano gagawan ng paraan dahil wala namang extrang suit na kasing si ze ko that time. Buti nalang kamo merong tama lang sa akin. That time absent si Dad dahil inasikaso niya yung wedding nila ni Tita Vern. Wal a eh importante sa kanya yung babaeng yun. Nung nag start na yung meeting nagul at ang lahat, madaming binatong questions at lait sa akin. Nagpaparanig na hindi effective na isang 15 year old ang mag report ng mga seryosong bagay na katulad nun. Pero buti na lang eh andun yung ate ko na 22 years old na that time. At bu ti na lang kilala siya ng lahat doon. It was all thanks to her na hindi pa ganun kasama ang tingin ko sa lahat ng babae, dahil lang sa kanya. "Don't spoil the kid Minerva. He'll grow up just like your Dad." sabi ng isang e lder na kilala na ang buong family ko since nag start si Dad. "I know, but I don't want him to be deprived also like what Dad did to me. Alway s work, and had no fun. I just want my little brother to be just like the other kids. Look at him, is that what he is supposed to do? Entertain those old geezer s about the company and work? Manong Paeng naman, I don't think you're being con siderate." ang sabini ate kay Manong Paeng, para na namin siyang Lolo, itinuring niya kaming apo. Ang masasabi ko lang sa kanya, mas naramdaman kong naging tata y siya sa amin ni Ate. "Well I'm just saying Ervy its your Dad we're pertaining here, and your family t oo. Its not a usual family you would see." Ang sabi na lang ni Manong Paeng. Wala na akong ibang babaeng pinahalagahan, at minahal bukod sa Ate ko. Dahil siy a lang ang alam kong totoong nag mamahal sa akin at wala ng iba. Tignan mo naman na saan na yung sinasabi nilang nanay ko? Diba't wala na dito? Iniwan na kami a t inisip pa ang perang makukuha niya? "Hoy Niel!" ang tawag sa akin ni Jared. Tumingin ako sa kanya. "Lunch na." ang d agdag nito. "Di ako kakain." ang sabi ko na lang sa kanya. Nakatulog pala ako. "Ayusin niyo na yung chairs." ang sabi ni Ma'am Jess. Tumayo ako at nag unat pum unta ako sa harap para tumulong ayusin yung mga chairs. Linapitan ako ni Ma'am J

ess at tinapik. "Good work Daniel ha! Pag patuloy mo yan!" ang sabi niya sa akin at ngumiti. Nun g ngumiti siya agad na hinanap ko ng tingin si Aika. Ah. Andoon siya, pero di si ya nakangiti ng tulad na nakikita ko kapag nakikita ko siya. May sumiko sa akin, at si Mak na pala. "Puntahan mo." ang sabi niya sa akin. "At bakit? sino ba yung may kasalanan bahala siya." ang sabi ko na lang sa kanya at lumabas na ng classroom. "Una na ako, di ako kakain." ang sinabi kong malak as para marinig nng tropa. Nagpunta na ako sa tambayan. Binuksan ang mahiwagang pakete ko ng sigarilyo. At nung nasindihan ko ito ay nagbuga ako ng puting usok na galing sa bibig ko. "Pasensya na kanina. Siguro iniisip mo na puro lang ako kalokohan. Akala ko kasi .." tumigil siya nung nakita niya akong naninigarilyo. TInignan ko lang siya, at bumga uli ng usok na galing naman sa ilong ko. "Bakit ka nandito? Mag-sosorry ka? Huh, buti naman, pagkatapos mo akong ipahamak ?" ang sabi kong naiinis. "Kaya nga nagsosorry na ako diba?" ang sabi naman niya ng pasigaw. "Sige na. Umalis ka na sa harap ko kung yan lang sasabihin mo." ang sabi ko sa k anya at humiga na sa concretong upuan. "Alam mo, yan ang mali sayo eh! Wala kang kulang ang sama lang ng attitude at ng dila mo. Wala ka ding manners! At ang galing galing mo ding manglait! Akala mo kung sino ka! Ang dami mong sinasabi pero di mo naman kayang gawin!" ang sigaw n iya sa akin hanggang sa nairita ako kaagad ko siyang hinila at inihiga sa table na concreto at hinawakan yung dalawa niyang kamay. At itinapon ko ang sigarilyon g hawak hawak ko kanina. "Ano? Tapos ka na? Ano bang mapapalala mo sa kakasabi mo niyan? Iisahin mo ba la hat ng katangian ko? Anong sinasabi mong puro lang ako salita at di ko kayang ga win? Gusto mo bangasan ko yang muhka mo? Kahit babae ka pa? Anong akala mo sa ak in? Ano ka sa tingin mo? Di ba pantay pantay lang ang tao? Ang babae't lalaki? w ag mong sasabihin sa akin na binugbug kita kasi babae ka? Bakit iba kapag lalaki ? Bakit di ba nasasaktan din sila? Anong pinagkaiba nun? Wag mo nga akong linolo ko sa illogical thinkings mo." Nung naramdaman kong tumigil na siya sa pagpupumi glas naramdaman ko naman ang mga titig niya. Nakakatunaw. Kaagad kong tinggal yu ng pag kakahawak ko sa kanya at bumira ng suntok. Sa la mesa. Na papakit siya nu ng ginawa ko yun. "Wag mong sasabihin sa akin na hindi ko kayang gawin. Kasi pag ginusto ko gagawin ko." ang sinabi ko na lang at umalis. "Jared!" ang tawag ko kay Jared para humingi ng doublemint. "Di ka na nama kumain niyan. Mamaya lumala na naman yang ulcer mo." ang sabi sa akin ni Jared. "Para ka na naman si Ate." ang sabi ko na lang sa kanya at ibinigay yung balat n g doublemint. "At anong ulcer, ulcer ka diyan." ang sabi ko na lang at umalis. "Wala talaga yung taong yun!" ang sinabi ni Giolo na narinig ko nung paalis na a ko. "Wala ng chance yan." ang sabi naman ni Carlo.

"Parang kailan ba yan nagkaroon ng chance? Wala ng ichachance yan!" ang sabi ni Gian. BInatukan siya ni Giolo at Carlo. "Wag ka ng magsalita!" ang sabi nilang d alawang mag-kasabay pa. "Wala ka na naman masabi eh!" ang sabi ni Giolo kay Gian . Pag-uwi ko sa bahay. Si "Manang!!" agad ang tinawag ko. "Sir Daniel, nandyan po yung ate niyo, pero kausap po siya ni Sir ngayon." ang sinabi niya na lang at ki nuha ang bag ko. Kaya pala merong babaeng sapatos sa labas ng bahay. Nag knock muna ako. "Good Afternoon Dad." Hindi naman kumibo si Dad. "Ate." aga d ang sabi ko sa kanya. "Oh, Niel." agad naman akong yinakap ni Ate. "How's Scho ol?" ang tanong niya sa akin habang nakayakap sa akin. Ang sarap sa pakiramdam n a nakayakap ka sa taong mahal mo. Habang inaamoy yung paboritong pabago ni Ate n aramdaman kong "I'm safe.." nung nag salita siya. "Dad, please. Let this pass." ang sabi niya kay Dad na hinid ko maintindihan yung sinasabi nila. "Daniel!" aga d akong napatayo. "Get put for now." ang utos niya, at agad akong tumayo at luma bas. Nung isinasarado ko na yung pintuan. "I'm safe....for now." A/N: :) I hope you like this chapter alam ko parang napakaimposibleng nag cocode -switching si Daniel, I mean he speaks fluent tagalog in school, then speaks flu ent english in house but why does he do that???? may code kasi sa bahay nila. Th ey are rich pero are they really happy? AHA I have my plot for my chapter 6!! :) Property of Love, Stargirl | Maling Akala "I'm safe..for now." ang pabulong kong sinabi nung sinasara ko na yung pintuan s a study room ni Dad. Naalala ko pa nung bata ako lagi akong advance sa lahat ng bata, advance mag-aral, advance mag report, advance makipag deal sa mga tao sa kompanya, advance sa lahat ng bagay. Siguro kung maiisip mo ok lang yan, mayaman ka naman eh, yan ang paraan niyo para mag payaman. Kung titignan mo, para lang akong yung mga bata sa lansangan, ang pinagkaiba namin eh baliktad yung estado n g buhay namin sa isa't-isa. Mayaman ako, mahirap sila. Naalala ko nagkaroon ako ng trauma dahil sa business namin at sa estado ng kompa nya dahil isa sa pinaka mayaman ang pamilya Avera sa bansa. Nakidnap ako nung tw elve ako. Wala lang kay Dad yun, wala lang sa kanya nung nakidnap ako. Narinig k o pa nga sa sarili niyang bibig kung paano niya ako muntik paalisin sa bahay. Da hil hindi daw ako nag-iingat sa mga kilos at galaw ko. Hindi si Dad yung tipong magpapatalo kahit sa isang bagay. Araw-araw naging mahirap ang buhay ko kailangan kong magtago sa madaming tao dah il sa kahihiyan daw na idinulot ko sa pamilya. Dun ko narealize na hindi porket pamilya kayo,at buo ang pamilya niyo, at hindi dahil mayaman kayo masaya na kayo . Akala ko kasi noon pag mayaman kayo kapag naging magaling ako sa pagrereprt ma giging okay ang lahat magiging maayos ang lahat pero wala pa ding pinagbago hang gang ngayon. Naalala ko pa nung mga araw na yun nung humihingi sila ng ramson l agi kong naririnig yung boses ni Manong Paeng. Hindi ko makakalimutan ang bawat araw na nandun ako. "Niel." sabi ng narinig kong boses. Pag dilat ko ng mata, si Ate na pala. Ngumiti siya sa akin at hinawi yung buhok na nasa noo ko. "Kamusta sa school?" ang tanong niya sa akin at tinabihan ako sa kama. Humarap s iya sa akin at inilagay ang kanyang kamay sa ilalim na pisngi niya.

"Ikaw te' kamusta naman sa opisina?" ang tanong ko naman sa kanya na inaantok pa . "Haha, wag kang mag-alala okay lang ako, andun naman si Dad eh." ang sabi niya a t ngumiti. "Ikaw dapat tanungin ko, kamusta? Ok ba sa school? Madami ka na naman bang chick s? at oo nga pala tinatanong ni Dad yung limang pakete ng sigarilyo niya?" ang s inabi niya at bigla siyang napaupo nung naalala niya. "Ako kumuha nun, sino pa ba?" ang sagot ko lang sa kanya at hindi na pinansin an g iba pa niyang sinabi. "Siraulo ka talaga! bat ka naninigarilyo?! ang bata bata mo pa eh!" ang sigaw ni ya at binatukan ako. "Ate bente na ako! Ano ka ba?!" ang sabi ko sa kanyang sinigawan ko din siya. AA t hinimas yung batok niya. "Tumigil ka sa bisyo mo ha! Di kita papayagan na ipagpatuloy mo pa yan!" ang sab i naman niya sa akin na linabas yung phone niya. "Ah! Saglit lang!" ang sinabi sa akin ni ate nung para bang may naalala siya. Ng umalis si Ate binuksan ko yung laptop ko para makachat si Jared sa MSN dahil wala akong phone. NielAvera: Brad JJMariano: Oh dre bakit NielAvera: Anong H.w???? JJM: pwede ba mag take down notes ka naman NA: eh nakakatamad eh bkt ba? JJM: Ewan ko sayo tanong mo kay Mak sa kanya ko hiningi eh NA: Loko ka pala eh ikaw din pala eh JJM: gago ako nagnonotes ako eh ikaw di ka nga nagnonotes diyan kahit isa eh NA: eh adnyan naman sila Carlo eh JJM: yun na nga eh NA: ewan ko sayo JJM:F U JJMariano logged out! "Siraulo yan ah." ang pabulong kong sinsabi sa sarili ko. "Ah Niel una na ako." ang sabi sa akin ni ate na nasa may pintuan handang umalis na. "Ah sige babalik ka ba bukas?" ang tanong ko sa kanya na nakatingin sa may pintu an.

"Oo sige alis na ako!" ang sigaw niya sa akin. Narinig ko yung mga yapak niya ha latang nagmamadali siya. NA: Makiboy HW natin Makiboy4U: Science at Math lang naman ah NA: ano ngang gagawin M4U: science research about scientists tig lilima sa foreign & local math answer page 256 NA: pakopya na alng bukas ha M4U: para saan pa't nagtanong ka sa akin ng gagawin kung di mo naman gagawin NA: nakakatamad M4U: sus isa ka nga sa pinaka magaling sa klase eh kaya mo na yan NA: tinatamad nga ako makulit? M4U: bahala ka di kita papakopyahin NA: bastard M4U: F U "Kanina pa kayo ah!" ang sabi ko na lang na napasigaw sa harap ng laptop ko. "Sir Daniel may problema po ba?" ang tanong ni Manang Taning. "Ah! Wala Manang Ok lang ako!" ang sigaw ko na lang na tumingin sa may pinto. "Sige po, sabihin niyo lang po kung may kailangan po kayo!" ang sabi naman ni Ma nang Taning. Makiboy4U logged out!! Nagpalit na ako ng damit pero tuwing na sa bahay ako nag sasando lang ako at nak a shorts. Tumingin ako sa salamin ng banyo ko. Di ko alam kung kailan ako tuming in sa salamin nakita ko yung sugat na gawa ng nakidnap ako. Na nasa taas ng kila y ko sa right side. Nangitim na pala kulay ng buhok ko dati may pagka brown, mat angos ang ilong, at may katamtamang kulay Merong maliit na deep set na mata na kashape ng almond at merong thin set of lips. Kailan pa ako naging ganyan ka gw apo? Nababakla na ako sa sarili ko ah. Ang sabi ko sa sarili ko habang tinitigna n yung magandang lalaki sa may salamin. Ano ba naman tong mga kagaguhan na to'. Itinapon ko yung tuwalya sa salamin at isinara ang pintuan ng banyo at pumunta s a may higaan. "Sir Daniel handa na po yung pagkain!" ang sigaw ni Manang Taning. "Sige pupunta na ako." Nung bumaba ako nakita ko lang sila Manang Taning at sila Ate Mary Chris at Ate Jana. "Kain na po Sir." ang sabi nila. Mag-isa na naman ako.

"Pwede bang saluhan niyo na lang ako? Kesa nakatingin kayo diyan? Di naman ata k akain si Dad eh dun na naman siya kakain sa study room niya." ang sabi ko sa kan ila na nakatingin sa pag-kain. "Ah, pero hindi po pwede, sa kusina po kami kumakain." ang sabi naman ni Manang Taning. "Pero, sino kakain ng lahat ng to? Ako lang oh?" ang sabi ko sa kanila na hindi pinapahalatang I feel alone. "Manang Taning Sige na sabayan niyo na ako!" ang sa bi ko sa kanila at doon ay nag si upuan na sila. Mas naramdaman kong mas masaya pa sila kasama at may sense kausap kesa sa mga ma yayaman at may mga perang tao. Mas alam pa nila kung anong nararamdaman ng taong nakapaligid sa kanila kesa sa mga taong ang iniisip lang lagi ay ang pera at ka pangyarihan at kung paano papalaguin yung kapangyarihan na yon. Kesa sa tunay ku ng pamilya mas naramdaman ko pang pamilya sila. Yung mga hindi mo pa kadugo yung mag papahalaga sayo. Kasi akala natin kapag mayaman na tayo masaya na ang lahat , pero sa bandang huli mas nangingibabaw lang ang hangarin nilang mas yumaman pa kesa ang pag papahalaga sa pamilya nila. A/N: EMO SI DANIEL WA WA NAMAN SIYA! Property of Love, Stargirl | Maling Akala Nung nag simulang maging parang F4 ang dating ng tropa namin, isa lang kaming mg a simpleng tao simpleng mga lalaking may isang routine sa pagaraw-araw yun ay an g pumasok sa school pag-usapan ang mga H.W sa Home room period, at gawin ito kap ag may oras pang natitira, kokopyahin ang H.W ng nerdy na pinaka matalino sa cla ssroom, uutuing maganda ang hati ng buhok niya, sasabihing napaka charming ng da ting niya sa old-fashioned niyang glasses na napaka laki na galing pa ata sa lol o niya, ang braces niyang hindi mo malaman kung kailan niya pa huling sinipilyuh an at ang muhka niyang puno ng pinisang tigyawat sa muhka. Sa daling utuin nito, lahat na ata ng H.W na ginawa niya ay pinakopya niya sa am in. Meron pa ngang nangyaring suma-sama na siya sa grupo namin,sinusundan lag i kami yung tipong O.P na siya eh sunod pa din siya n sunod yung nakakaawang tig nan? Ng hindi na makapag-pigil si Carlo kaagad niya itong dineretsa. "Pare, masyado na kaming marami sa tropa at isa pa, ayaw ka namin sa grupo nahah awa kami sa pag ka nerdy mo!" ang alibi ni Carlo. "Ha? Nerdy? Anong nerdy sa akin? sabi niyo pa nga ang charming ko eh! Bagay ako kanyo sa grupo niyo!" ang sabi naman ni Braces boy. Kahit naman siguro nerdy siya meron pa rin naman siyang dignidad, at lalaki pa d in naman siya. Hindi na lang siya kumibo nung susuntukin na siya ni Carlo. Lumay o na lang siya sa amin, hindi na din namin siya kinopyahan ng H.W kung tutuusin pwede naman kaming kumopya kinila Giolo at at Carlo. Ewan ko ba nakakatamad naman kasing mag-isip eh. Isa pa sa arming routine ang ma tulog sa mga sobrang boring na klase, tapos sa lunch ay uupo kami sa tambayan, s ila nag-lalaro ng tongits ng patago. Di naman din kasi pwedeng mag-dala ng cellp hone sa school kaya naman ay patago din namin itong dinadala. Pati ang yosi na k inupit ko pa sa tatay ko. At doon nag-uusap kami ng tungkol sa mga babae at iba' t iba pang kalibugan. Simpleng mga lalaki, na simple lang ang gusto, simple ang pag-iisip para sa pang karaniwang tendyer. Babae, laro, at pag-kain. Pero nung simulang lumawak ang mun do naman dahil sa sobrang gwapo ng mga kaibigan ko, at gwapo ko. Wala eh, ganun talaga. Pero ang totoo dahil ito sa kagwapuhan ng dalawa kong mga kaibigan na si

na Giolo at Carlo. Parehas na habulin ng mga babae, matalino nasa honor roll, at minsan ay model. M aliit na models pa lang sila, dahil sa pag-aaral at dahil sa parents nila. Dahil pag nalaman ng mga magulang nila, for sure bubugbugin sila at icucut lahat ng kahit na anong connection sa kanila. Ineexpect ng family nila na sila ang su sunod sa mga yapak nila ang mag-papatuloy ng Advertising Company nila. Siguro di na rin nila masisi sila Giolo dahil sa industry na kinalalagyan nila, nahilig ang dalawa sa Modeling nung tumungtung kami ng 5th Grade. Sumasali sila sa mga auditions. Pero di sila natatanggap dahil sobrang limited ng oras nila. Naging models din sila para sa SM boys wear, naging model para sa Chalk Magazine , at naging Candy cutie din sila sa Candy Mag. Pero ang mas malala ay ang bigyan sila ng modeling gig para sa Penshoppe at F21. Napakalaking oppurtunity nun, pe ro tinurdown nila, dahil mahirap na masyadong sikat ang mga brands na yun pweden g malaman ng parents nila ang tungkol sa mga part-time jobs nila. Si Giolo na over 5 feet 11merong itim na clean cut na buhok ng tulad ng kay Coco Martin, ang kulay ay parang kay Jessy Mendiola, merong kulay brown na mata at m atatangos na ilong, merong manipis pero medyo makapal na kilay parang almond nut s ang hugis ng mga mata niya, at merong lips na parang kay Jesse McCartney. Habang si Carlo naman ay may kulay na aprang kay Zanjoe Marudo, siguro kung iisi pin mo parang parehas lang sila pero medyo mas may itsura si Carlo, kitang-kita ang bahid ng marangyang buhay kahit pa siya'y may brown na complexion. Matangos ang ilong, makpal ang kilay, may thin lips at may pagka masungit ang mga mata. Dahil na din siguro sa part-time job nila ay maayos at laging may bago sa mga ga mit nila, dilang din siguro ito sa part-time job nila kundi pati na din siguro i to sa impluwensya ng kanilang mga magulang, mayaman at makapanngyarihan. Si Gian naman! ah yan si Gian, mabait yan! Gwapo ba kanyo? Ah! Mabait yan! Kung mayaman si Gian? Mayaman yan! Eh gwapo ba siya? Mabait nga! Sa totoo lang si Gia n ang pinaka simple sa amin, yung tipong laging sawi sa mga babae, walang appea l sa mga babae, parang kasing engot minsan, mag-jojoke siya lang tatawa sa joke niya, tapos naman kapag mag-jajaguar moves na siya or ninja moves awkward parang yung mga girls, okay we're outta here, move on. Siya pinaka loser at pinaka feelingero sa amin, hindi naman siya pangit eh avera ge kasi yung muhka niya. Ewan ko ba kung meron pang mag-kakgusto dun sa ugok na yun kahit na ganun yun nako kung nalaman lang nila ang tunay na ugali nun. Pero pag tinignan mo naman siya ng maigi hindi ka mauumay sa muhka niya kaya kah it papaano ay madaming nag-kacrush sa kanya pero di niya alam kasi nga akala nil a masungit si Gian. Pero ang totoo madaldal at mapag-biro ito. Ang parents naman niya ay nag-ttrabaho lang sa isang company sa isang firm sa Makati. Pero meron silang notary office na pinamamahalaan ng Dad niya at ng lolo niya. Medyo may pagka chinito si Gian, mayroong nakakatakot na mata, yung tipong masun git yung dating, medyo so so yung ilong di pango pero matangos din naman, asian na asian yung dating niya talaga, yng tipong pag-tingin mo pa lang sa kanya masa sabi mong ay! Asiano to! Sunod si Mak, si Mak na walang malay. Napaka deceiving ng muhka niya at ng ugali niya, kasi para siyang bata, di lang parang bata, muhka din siyang bata. Pero s a totoo lang pag-nakilala mo siya at pag naging close kayo sa kanya, yung tipong nasa lebel na kayo na nag-aaway, nagkakatampuhan, mahirap lambingin yan, as in parang bata, at parang babae, pero gwapo yan at sobrang lalaking-lalaki.

Wala kang makikitang kahinaan yun lang is yung pagka parang bata niya. Minsan na kakaturn-off kung ako ha, kung ako ang tatanungin, kung babae ako. Pero pag gina go mo si Mak F.O na kayo as in Friendship over. Medyo sensitive yan at sensitive din siya sa feelings ng ibang tao. Habulin din yan ng babae kahit di siya magpa-pogi crush na crush siya ng mga bab ae, approachable kung minsan napag-kakamalan siyang snob minsan, kaya yun yung n agbibigay ng charm sa kanya. Wala ng parents si Mak, dahil na-aksidente sila sa isang plane crush papuntang Hawaii, second honeymoon dapat yun nila tito't tita, kaya ang mamita na lang niya yung lagi niyang kasama sa bahay nila. Presidente sa isang company ang lola niya, isang Travel agency at Tourist company ang compa nya nila. Kaya minsan libreng nakakapunta ng Boracay ang loko. Sa height niya ha ha, sorry pero dun lang talaga minsan nawawalan ng interes sa kanya ang mga babae. Pero sakto na din para sa lalaking tulad niya. nasa 5 feet 4 inches siya, may buhok na kasing lambot ng isang babae, kutis porcelana na din aig pa ang tunay na babae, intsik din mga mata nitong si Mak eh medyo parang ant ukin ang mata, may matangos na ilong. Si Jared, ang pinaka misteryoso sa buong barkada, ibig kung sabihin sa ibang tao misteryo siya. Sobrang isang malaking misteryo, di masyadong nag-sasalita, lagi lang nag-oobserba, para bang sa bawat kilos mo ay binabasa niya ang isip mo. Me dyo nakakaintimidate din yan kasama minsan eh, kasi bigla na lang siya mag-oopen ng sobrang lalalim na topic, parang kami, wow pare kalma. Isnobero, masungit, at di approachable ang tingin sa kanya ng mga tao, para bang laging merong isang malaking pader na nakaharang sa kanya. Kaya nga naging masw erte na lang ako nung naging kaibigan ko ang loko. Medyo madaldal din yang si Ja red eh, syempre kapag kami na lang ng tropa. Di niya pinapakita yung side na nag -lalabas siya ng loob sa ibang tao, o nagpapakita ng interes, wala lang sa kanya ang lahat. Pag-nilalapitan siya ng mga chicks umaalis na ito agad at pumupunta sa isang sulok. Walang pakisama nga yan minsan eh. Kaya nga minsan na tatakot na ang parents niya sa kanya eh, nila tito't tita. Da hil sa naging mag-kaibigan ang mga magulang namin parang naging isang malaking p rivelage ito para sa akin. Laging ibinibilin sa akin si Jared, pero muhkang mas ako pa palagi ang inaalagaan nito. Ewan ko ba. Dahil sa kompanya ng pamilya nami n, at dahil sa nag-iisang anak lang si Jared nag-pupursigi lagi si Jared, kaya n ga kasama din siya sa honor roll. Isang architecture firm ang kompanya ng pamilya namin. Ako, di ko alam kung anon g gagawin koa after grumaduate sa high school. Wala naman akong interes na pumal it sa pwesto ng tatay ko. Para sa akin dahil sa kompanya na yun nawala, o muntik ng mawala ang lahat sa akin. Pero hanga ako kay Jared dahil lahat ng gusto ng m agulang niya sinusunod niya. Pilipinong-pilipino si Jared yun lang ang masasabi ko, may kayumangging kulay da hil sa pag-babasketball, matangos, yun lang matangos ilong nito, medyo may malal alim na mata, at may pagka lisik ito, medyo matatabang labi. Medyo lang, matangk ad at swabe. Nakita ko si Aika na pauwi na kasama ang isa nitong kaibigan na may pagka nerdy si Rebecca, na ang tawag naman ni Aika ay Becky, psh mga babae talaga, baduy. "Uy! sungit! Uwi ka na?" ang tanong nito sa akin na nakangiti pa, na dala-dala a ng notebook. At ang kaibiagan naman nitong naiilang tumingin sa akin. "Ha? Oo bakit?" ang tanong ko naman dito na walng ka-inte-interes.

"Ang sungit mo talaga! anyway! Mag-aral ka ha! mag-kagroup na naman tayo sa Math ! Galingan mo!" ang sabi nito sa akin na nang-hahamo pa ata ng away uuwi na lang . "Oo na wag mo na akong kulitin, sige na lumayas ka na sa harap ko." ang sabi ko ng mahinahon, at pinapaalis siya ng kamay ko, tumutungo na lang at pinipilit siy ang umalis na sa harapan ko. Ang masasabi ko lang kay Aika. Di ko pa siya kilala ng lubusan. Dahil mag-iilang linggo pa lang naman kaming mag-kakilala. Pero kung tatanongin mo kung anong ti ngin ko sa kanya? Chicks siya. Pero ayun lang, madaldal, mabunganga, at higit sa lahat masyadong optimistic, nakakainis yung ganun. Pero minsan nakaka-turn on d in naman. Ha ha pero ang masasabi ko sa kanya, maganda siya. Maitim na medyo wavy ang buho k, malamlam ang mata, may matangos na ilong, medyo kissable lips, at medyo tan a ng kulay. Para sa akin sexy na din siya, medyo okay yung boobs, approve na appro ve! di ba nga? yung parang airbag! Nung dumating na sila Jared na kanina kong nagtatawanan pa sila tungkol dun i ay "is that clear?" na nakaka-fifty inuro niya na lang ay kung bakit algi that clear? Paulit-ulit parang sirang ko pa iniintay ay dumating na din. Nakita sa last teacher namin na laging ang sinsab minsan minsan hindi pa nga eh, sana ang it siyang nag-iis that clear. Kada pause, is plaka, nakakaalibad-bad.

Nung nakauwi na ako nakita ko yung naka baligtad na, isang larawan ng isang baba e, basag ang salamin ng larawan. Nung pinag-masdan ko ang babae sa larawan na ma y kasamang bata, na pareho pang nakangiti, napatanong ako sa sarili ko, sino nga ba tong babaeng to? paano ko nga ba siya ilalarawan? Nainis ako sa mga lumabas sa utak ko, mang-iiwan, manloloko, mang-gagamit, doon binaba ko uli ang larawan, at doon narinig kung nabasag na naman uli ang salamin na nagpprotektada dapat dito. At saka umakyat sa kwarto. Doon nalaman kung mada ming maling akala sa mundo na hindi ko maipalawinag na naging parte na ng prinsi pyo at pag-iisip ko sa buhay. A/N: EMO TALAGA ANG STORY NA TO! SANA po'y ma masabi naman po kayo sa aking kwen to thanks!

You might also like