You are on page 1of 2

1 Kabanata 1 Kaligiran ng Pananaliksik Nakagawatan na sa atin na ang pagkain ng prutas sa tuwing magkakasakit ang isang tao ay nakatutulong sa kanyang

paggaling. Ang pagkain ng mga mamaasim na prutas ay isa sa mga nakapagpapabilis ng ating paggaling. (Kiger, 2009). Ang mga labis na pagkonsumo ng mga maaasim na prutas ay maaari ring makatulong sa mga taong naninigarilyo, mga matatanda, mga bata at mga may sakit, lubha man o hindi. (Clay at Economos, 1999). Ang mga maaasim na prutas ay nakatulong sa pagpapagaling ng ibat ibang sakit. (Baghurst, 2003). Ang mga prutas na kalamansi, suha at orange ay iilan sa mga kadalasan na kinakain ng mga Filipino. Ang mga ito ay tatlo sa benteng bilang ng pinakasikat at pinakamaraming prutas na matatagpuan sa Pilipinas. (Bermosa, 2011). Naitatak na sa ating mga isipan na ang pagkonsumo nito ay nakatutulong upang mapabilis ang paggaling ng may sakit, ngunit ang labis na pagkain ng mga ito ay may naidudulot din sa ating katawan. Ang bungang ito ay may maaaring makabuti sa tao, o di kayay mapalala pa ang karamdaman ng may sakit. Kaya naman, ninais ng mga mananaliksik na malaman kung paano nakaaapekto ang maaasim na prutas sa ihi ng tao. Paglalahad ng Suliranin Ano-ano ang mga senyales na makikita sa ihi matapos ang labis na pagkonsumo ng maaasim na prutas? Nais ding malaman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan: A. Ano-ano ang komposisyon ng maaasim na prutas? a. Alin sa mga ito ang nakaaapekto sa acidity ng ihi? B. Kung may roong nakaaapekto sa acidity ng ihi, paano naibabalik sa normal ang kondisyon ng ihi? C. Paano nagkakaiba ang basic, neutral at acidic na ihi? D. Ano ang normal na komposisyon ng ihi? a. Ano ang normal na pH ng ihi? b. Ano ang normal na kulay ng ihi?

2 c. Ano ang normal na amoy ng ihi? d. Ano ang normal na viscosity ng ihi? Mga Layunin ng Pananaliksik Layunin ng Pananaliksik na matamo ang mga sumusunod: A. Malaman ang epekto ng labis na pagkonsumo ng maaasim na prutas. B. Paghambingin ang katangian at komposisyon ng normal na ihi sa acidic at basic na ihi. C. Malaman ang komposisyon ng maaasim na prutas na nakakaapekto sa komposisyon ng ihi. Kahalagahan ng Pananaliksik A. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-kaalaman sa tao tungkol sa normal at di-normal na komposisyon ng ihi. B. Ito ay nagbibigay kaalaman sa tao tungkol sa epekto ng labis na pagkonsumo ng prutas sa ihi ng tao. C. Ito rin ay makakatulong para magkaroon ng ideya ang tao kung paano babalansehin ang acidity ng ihi sa pamamagitan ng pagkonsumo ng prutas at ng iba pang mga pagkain. D. Ito rin ay nakapagbibigay paraan para matukoy ng isang tao kung siya ay may karamdaman sa pamamagitan ng kanyang ihi.

You might also like