You are on page 1of 7

Mapili ba sa pagkain ang anak nyo?

Ang kaugalian sa pagkain o food habits ay kailangang mahubog habang bata pa. Dapat matuto ang mga bata na kumain ng ibat-ibang uri ng pagkain habang bata pa sila. Bilang magulang dapat maging halimbawa o modelo ng

kaugalian sa pagkain. Tandaan natin na ang mga bata ay great imitator o magaling manggaya. Limitahan ang pagbibigay ng merienda. Siguraduhin na malayo sa oras ng main meals ang merienda.

Huwag pilitin ang bata na kumain. Magiging dahilan lang ito ng lalong pag-ayaw sa pagkain.

Huwag gamitin ang pagkain na premyo o parusa sa bata. Ang pagkain ay kailangan para sa malusog na pangangatawan at ito ang dapat nating ipaunawa sa kanila.

Maging artistic sa paghahanda ng pagkain upang mahikayat ang bata na kumain. Gumamit ng ibat-ibang hugis at kulay kapag naghahanda ng pagkain

http://talakayanatkalusugan.com/2011/03/07/pagkain-sa-pihikang-bata/ http://www.ro7.dost.gov.ph/index.php/component/content/article/1-latest/142-mga-tips-para-sa-anank-na-pihikan-sa-pagkain.html

You might also like