Professional Documents
Culture Documents
Without This Message by Purchasing Novapdf : Print To PDF
Without This Message by Purchasing Novapdf : Print To PDF
5 things to do in 72 hours.
1) 2) 3) 4) 5)
Bond with your sister even though thats not your thing. Spend time with your parents. Do the most memorable thing to your girlfriend. Show and tell your family how much you love them. Bid your goodbyes.
These are my bucket list that I want to fulfill before my life expires I know its kinda late to show them how much thankful I am to be their son, because Im not a type of person who is showy.
But at least, in this 72 hours remaining. Im catching up. Im trying. And I hope I can.
CHAPTER 1
Dale Perez, how come na nakakatawa ka pa kahit nasa ganyang sitwasyon ka na? Would you please take this thing seriously?
You must be kidding me! Im perfectly fine. Wala pa namang symptoms na lumalabas ah. Pagmamaang-maangan ko. Kahit alam kong meron na
Dale you need to accept the fact youre due date is near. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsalita, Do everything you want to do in 72 Hours. Thats the remaining hours of your life Dale and when the severe symptom comes. Please do contact me immediately.
***
Kuya Dale! Come here. Pagtawag sa akin ng kapatid kong si Fiona, Laro tayo ng luto-lutuan. Ako ang chef mo at ikaw ang judge ko.
Hmmm Sabi ko habang lumalapit sakanya, Ano naman ang lulutuin ng little chef ko? Sabi ko at tinabihan si Fiona habang pinanonood ko siyang kunyaring nagluluto.
Yung favorite mo Kuya. Mommy told me that you love to eat shrimps so Im gonna cook you some of those! Masiglang sabi saakin ni Fiona.
*Sigh* Ang bilis ng panahon no? Parang kailan lang kasama ako nina Mama at Papa patungong OR para ipanganak itong si Fiona ngayon naman ang laki-laki na niya, kung makikita mo nga siya hindi mo siya mapagkakamalang 5 years old eh.
Pero ang mas hindi ko inaasahan sa kabilisan ng oras ay yung malalaman ko na kailangan ko na palang iwan ang lahat.
Dapat masarap yan ah. Sabi ko kay Fiona. Tumango-tango lang siya at muling nagconcentrate sa kunyaring pagluluto niya.
Sayang, hindi ko na maabutan ang paglaki ng kapatid ko. Hindi ko na mabibigyan ng mga pagsubok ang mga lalaking magtatangkang lumigaw sa kapatid ko. At sayang, maaga siyang mawawalan ng gwapong Kuya.
Ayan! Kuya Dale. Isipin mo na lang kumakain ka ng shrimps. Ano masarap po ba? Nag-thumbs-up ako at tumango-tango. Yung kapatid ko naman biglang tumawa. Ang cute niyang tignan.
Siguro ito na ang oras para simulan ang unang bilang sa bucket list ko. BOND WITH YOUR SISTER EVEN THOUGH THATS NOT YOUR THING.
Para namang biglang kuminang ang mata niya at sinabing, Talaga? Ipapasyal mo po ako sa zoo? Makakakita po ako ng ibat ibang animals?
Maraming animals.
[ZOO]
Uwaaaaaa! Kuya look at those animals. They have long legs and necks. Are they a bird? Inosenteng tanong saakin ni Fiona.
Ahhh--! There look at the monkey. He looks like you Kuya Dale.
Naka-tatlong oras din ang paglilibot naming sa Zoo at dahil na rin sa sobrang pagod, buhat-buhat ko na ngayon si Fiona habang naglalakad papauwi ng bahay.
Oo nga pala, Hindi rin matatanggap ni Sheajan Ree Cruz, ang girlfriend ko. Kung agad kong sasabihin sakanya. Paano na to ngayon? >__>
Ng makarating kami sa bahay, inakyat ko agad si Fiona sa kwarto niya at ihiniga siya sa kanyang kamang kulay pink sabay kinumutan na rin siya. Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya ay hinalikan ko ang noo niya at sinabing
Mahal na mahal ka ni Kuya, Fiona. Sana kahit maaga akong mawala dito sa mundong ito ay hindi mo pa rin ako makalimutan. Kuya Dale will be your guardian angel forever and I will never let you be hurt. I love you my little angel. Goodnight.
Lumabas ako ng kwarto niya at naglakad patungong kwarto ko ng biglang sumulpot si Mama sa aking harapan.
Dale.. Kinabahan ako sa boses ni Mama, para siyang humuhugot ng lakas ng loob. Can we talk?
Talk about yourUgh. Parang biglang nanghina si Mama, Ano bang nangyayari? I just want you to explain whats written in this paper.
Sabay taas ng hawak niyang papel. O________________________O Ang papel na naglalaman ng resulta ng check-up ko Ang papel na kung saan nakasaad kung hanggang kailan na lang ako.
"M-ma..."
CHAPTER 2
Kuya Daleeeeeeeeeee! Gising naaaaaaa! Akala ko ba nagyayaya ka na umalis tayo nina Mama at Papa? Bakit ayaw mo pang gumising?
Hmmm.. Mahinang tugon ko sa bawat yugyog na ibinibigay saakin ni Fiona. Mamaya na. Ayaw ko pang bumangon. Inaantok pa ko. Sabi ko sabay talukbong muli ng mga kamot sa mukha ko.
Knowing Fiona hindi niya hahayaan na hindi ako bumangon kay naman itinutok niya saakin ang alarm clock at pinatunog iyon hanggang sa mapabanggon ako.
Fiona naman eh. Pagmamaktol ko. Psh, oo na babangon na ako. Kahit wag mo na akong tutukan ng alarm clock.
Churi. Wait na lang kita sa baba Kuya ah. Maligo ka na rin, baho mo eh.
Pagkalabas na pagkalabas ng kapatid ko ay nagtungo agad ako sa banyo para gawin ang mga dapat gawin. Nagbihis na rin ako para tuluyan ko ng magawa ang ikalawa sa listahan ko. Pangalawang araw ko na pala ngayon magkakasya ba?
Oo nga pala, nalaman na rin ni Mama ang ibig sabihin ng papel na iyon kaya nga sobrang nagiyakan kami kagabi kaya napuyat ako. Nalulungkot akong tingnan si Mama na parang takot na takot na pagkagising niya ay wala na ako
Dale, anak saan mo ba balak pumunta? Sigurado ka bang kaya ng katawan mo? Tanong sa akin ni Papa.
Pa naman! Siyempre kaya ko to. Mana ako sayo eh. Sabi ko.
Ma.. please? Wag na po tayong mag-drama ngayon. Kalahating araw tayong magsasaya hindi po ba? Wag na po muna natin isipin yan. Tsaka hindi po ba, mas malaki ang Diyos natin keysa sa Cancer cells na kumalat sa buong katawan ko? Kaya dapat mag-cheer up na tayo.
*KRUUUU* *KROOOO*
Ang tagal niyo naman diyan. Inantay pa po ba natin si Ate Sheajan? Fiona
Oo, inaantay pa natin si Ate Sheajan mo. Wag kang magalala maglalaro kayo mamaya. ^_^ Ako
*BEEP*
*BEEP*
Sorry po kung na-late ako. Hello Tita, Tito, Fiona baby. Sheajan
Wow hija, lalo ka yatang gumanda. pagpuna ni Mama kay Sheajan na sobrang ayos ng outfit ngayon.
Ah..Salamat po Tita.
Oh Fiona, halika. Bigyan mo ng alone time sila Kuya at Ate Sheajan mo. Mama
Napakamot na lang ako ng batok ko ng maka-alis sila, iniwan nila kaming magisa. Dale, sa tingin mo okay lang na sumama ako?
Oo naman, Ree.
Sheajan Ree Cruz, girlfriend kita hindi ba? Ibig sabihin parte ka na ng pamilya namin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.
***
Natutuwa akong pagmasdan silang sobrang saya. Yung mga ngiti nila ang sarap baunin at itanim sa alala. Sana kapag wala na ako, ganyan pa rin sila kasaya.
Pagkatapos naming kumain inilabas ko ang DSLR ko at nagpicture sa kanila. Stolen man, blurred man ang kuha itinatago ko siya.
O sige. Ako
4 shots ang pinakuha ko at magkakaiba ang posing naming dun. Tapos 4 shots din na kasama naming si Sheajan. 3 shots naman sa aming dalawa ni Fiona at 3 shots din sa aming dalawa ni Sheajan.
Ang saya ng araw na ito, sana hindi na matapos. Pero salamat dahil nagawa ko na ang #2 sa list ko.
CHAPTER 3
Ma, aalis po muna ako. Saglit lang po. Pagpapaalam ko kay Mama.
Hindi ba makakasama yan sa pakiramdam mo? Nagsuka ka kanina Dale. Sabi ni Mama.
Kaya ko pa Mama. Tsaka, saglit lang naman po kami ni Sheajan sa pupuntahan namin. Promise, before 10 pm nandito na ako sa bahay. Ako
Oh siya. Ano pa nga bang magagawa ko? Mama Mag-iingat ka na lang Dale.
Pagkaraay lumabas na rin ako ng bahay at naglakad papunta kayna Sheajan. Walking distance lang din naman kasi ang bahay nila mula sa amin. >__>
Kung tatanungin niyo kung anung meron, ngayon ko na gagawin ang ikatlo sa bucket list ko. Pagkatapos nooy baka ipagtapat ko na rin kay Sheajan ang karamdaman ko sana nga lang ay magawa ko. Hindi ko kasi kakayanin makitang umiiyak ang ikatlong babae sa buhay ko. Tama na muna ang makita kong umiyak si Mama ng malaman niya ang dinaramdam ko.
Opo, wag kayong magalala Tita. Ibabalik ko naman po siya before mag-10pm. Ako
Nakuu! Ikaw talagang bata ka, wag kang mag-alala. May tiwala naman kami ng Tito mo sayo. Halikat pumasok ka muna sa loob at nag-aayos pa si Ree. Tita
Ahsalamat po.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila at umupo sa sala. Wag niyong sabihing feel at home na ako. Sanayan lang yan. 6 years na kaya kaming in-a-relationship ni Sheajan.
Kanina ka pa? Nag-snap back ako into reality ng magsalita si Sheajan. Tae, kahit ilang years na kami nitong babaeng ito. Sobrang nagagandahan pa rin ako sakanya. *O*
She giggled, Ang cute mo mag-stammer. Halika na ngat nasisilaw ka yata sa kagandahan ko.
This time ako naman ang napa-chuckle, Wow. I didnt know my girlfriend is conceited.
Sumakay kami sa kotse nila. Pinahiram kasi kami ni Tito kasama ang driver nila. Alam na, bawal pa kasi kaming mag-drive. Bukod sa wala kaming students license o drivers license, hindi rin kami papayagan ng mga magulang namin lalo na ako.
Dadalhin kita sa loob ng puso ko. Ako, siyempre pabirong sabi ko lang iyon. As if namang madadala ko nga siya dun. >.>
Sa magiging palasyo ng pagmamahalan natin. Oo na, korni na kung korni. Pagbigyan niyo na ko.
Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Diba ang bilin ko sayo lagi kang magdadala ng extra t-shirt tsaka towel. Uminom ka na ba ng gamot?
Napa-ngiti ako, Bakit ang sweet mo? Mamimiss ko tuloy yan. Binulong ko siyempre yung last part.
Lumipas ang 30 minuto at nakarating na rin kami sa lugar na aming pupuntahan. Nagtungo kami sa isang garden na pinamana saakin ng lolo ko bago siya mamayapa.
Pinangalanan ko itong SheLe combined names ni Sheajan at Dale. Ngayon ko lang siya dadalhin dito kasi ilang taon din bago ko napalago itong mga bulaklak at mga halamang tumubo dito.
Woah! Ang ganda. Manghang sabi ni Sheajan pagkakita niya sa garden, Ano yung SheLe? Kanino to?
SheLe? Combined names natin yan. Tsaka ang garden na ito ay sayo.
Gaya nga nga pinagpaalam niya, nilibot niya muna ang pagkalaki-laking garden na pinaghirapan kong gawin para sakanya. Sana naman in this way, nabigyan ko siya ng memorable na araw hindi ba?
Habang inaantay ko siya at inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Napaka-tahimik. Siguro ganito din katahimik sa lugar na pupuntahan ko kapag nawala na ako.
Napabalikwas ako ng tayo ng maramdaman kong nasusuka na naman muli ako. Kaya nagmamadali akong tumakbo sa banyo at duon sumuka
O________O!!
H-hindi
B-bakit?
Hey Dale, kanina pa kita hinihanap. At nalibot ko na rin ang buong placenapaka Napatigil sa pagsasalita si Sheajan at napatingin sa sink. D-dale? Whats h-happening? Bakit m-may dugo?
Bago kami tuluyang magusap ni Sheajan, binuksan ko muna yung faucet at nagmumog dun. Pagkatapos at lumabas ako ng cr at nagtungo na sa may green house.
Ree, please dont be shock. Huminga ako ng malalim. Wag ka rin munang mag-sasalita or any act. Basta makinig ka muna sa sasabihin ko. Tumango-tango siya.
Ree, Im dying
Dapat hindi ko pa sasabihin sayo pero nakita mo yung sinuka ko. Im planning to make this day memorable pero mukhang hindi magiging memorable ito dahil sa sinabi ko.
Ree, I only have 1 and half day to live. Pagkatapos nun, maglalaho na ako.
And before mangyari yun, please keep this in your heart and mind I love you. I love you. I love you. Kahit mauna man akong mawala Ill still love you.
CHAPTER 4
Goodmorning din.
Kumain na ho tayo ngayon. Masiglang umupo ako sa upuan namin sa kitchen. Takang-taka naman sina Mama sa inaasta ko ngayon. *sigh* kaya mo yan Dale. Labanan mo yung nanghihina mong katawan.
Napatingin naman sina Papa at Mama saakin ng may pagaalala, ako naman ay nginitian lang sila. Magdasal na po tayo ngayon.
Nagpasalamat kami sa biyaya ng Diyos at kumain na. Halos wala na nga akong gana kumain pero dahil sa ayaw kong magalala sila saakin ay pinilit kong kumain kahit hinang-hina na ang katawan ko. >__>
Sinunod ko na lang ang utos nila at umakyat sa kwarto ko. Habang naglalakad ako patungong kwarto ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo, lumapit ako sa may pader para sumadal pero maya-maya.
*blackout*
***
Nomy son.
Nagising ako sa ingay na narinig ko. T-teka! Bakit ang puti ng paligid? Hindi naman ganito kulay ng kwarto ko ah. Inilibot ko pa ang tingin ko sa paligid
Ah
Dale! Tita, hes awake. Agad namang naglapitan sina Mama at Papa.
M-maP-pa
Shhhh..Wag ka munang umimik anak. Sabi ni Mama habang pinupunasan ang basa niyang pisngi.
M-mabakit ka umiiyak?
Ha? H-hindi ako umiiyak nak. *huk* napuwing lang ako kaya namumula yan.
Hindi na lang nasalita si Mama at niyakap ako. Maya-maya naramdaman kong nababasa ang aking damit. Umiiyak na naman siya
M-mas hindi ko kakayanin, kung ikaw ang makikita kong nakahiga sa kama.
Pero
Tandaan niyo ito, sa oras na mawala na ako sa mundong ito. Ayaw kong iyakan niyo ako. Isipin niyo nagibang bansa lang ako isipin niyo nag-migrate lang ako sa pinakadulong bahagi ng mundo
dahil hindi ko kayang makita kayong mga mahal ko sa buhay na parang nanlulumo. Gusto ko, kung mamatay na ako, hindi lungkot ang mararamdaman niyo kundi saya.
Gusto ko rin na sana, kapag nawala na ako. Lagi niyong ipapaalala kay Fiona na mayroon siyang kapatid na nag-exist. Gusto kong ipagpatuloy niyo ang buhay niyo ng wala ng Dale sa buhay niyo. Wag kayong mag-alala, guardian angel niyo naman ako.
Ma, Pa, Sheajanmahal na mahal ko kayo. So, pwede wag na po tayong magiyakan ngayon. Hindi ako sanay sa ganitong ambiance eh.
After ng usapan naming iyon, nakiusap si Mama sa Doctor na iuwi na ako sa bahay. Ayaw kong sayangin ang natitirang buhay ko sa loob ng ospital. Gusto kong baunin lahat ng magagandang tanawin, magagandang mukha na makikita ko. Ayaw kong may makaligtaan
Magpahinga na naman? Nakakapagod--Hindi ko na magawa ang mga bagay na dati kong nagagawa. Feeling ko sa bawat pagkilos ko, masama. Para akong bumalik sa pagkabata na laging inaalagaan ng mga magulang...
Lumabas ng kwarto ko sila, ako naman ay dumiretso sa bintana at tiningnan ang kalangitan. Ipinagdaop ko ko ang dakawa kong palad at pumikit. Sa tingin ko, ito ang pinaka magandang gawin ngayon: ANG MAGDASAL
Lord, humihingi pa po ako ng kaunting oraskaunting oras para makasama sila. *cough* hindi pa po ako handang iwan sila. Hindi ko pa po kaya
hindi ko pa sila kayang makitang sobrang nagluluksa. Hindi pa po ako handa Ayaw ko paPleaseNagmamakaawa po ako sa inyo..
Hindi po banaririnig niyo ako? Naririnig niyo kami? Sige na po kahit pandagdag na oras lang para makapiling ko pa sila..
Ngayon lang Ngayon lang Dale, ipakita mong mahina ka. Kahit ngayon lang umiyak kaHindi naman masama hindi ba? Hindi naman masama kung ang pag-iyak na lang ang tanging paraan para ilabas mo ang mga bagay na hindi mo mailabas gamit ang mga salita.
Akala ko handa na koAkala ko lang po pala yun. N-nung makita ko si *iyak* m-mama..si S-sheajan na umiiyak. Pakiramdam ko, yung lakas na iniipon ko araw-araw at yung pakiramdam na handa na ako na iiwan ko ang pamilya ko biglang nawala.
Iyak lang nilaIyak lang po nila, unti-unti na akong namamatay. Hindi ko sila kayang makitang nagluluksa. Hindi pa sila handa, hindi pa po sila handa sa pagkawala ko.
"Salamat po...Amen."
Bago ako tuluyang makatulog, isang liwanag ang akin naaninag. Sabi ko nga, malapit mo na akong sunduin.
At bago tuluyang pumikit ang aking mga mata, isang luha ang bumagsak sa aking mata ang mga matang nagtatanong kung magigising pa ako kinabukasan.
CHAPTER 5
Nakahiga ako sa kamanagiisa sa kwarto habang naririnig ang usapan nina Mama at Papa. Parang ayaw ko pang mamatay parang ayaw ko ng mamatay.
Stevan, *huk* hindi ko pa kayang mawala si Dale. *Huk* Ang hirap magpanggap na malakas ka sa harap niyaang hirap itago sa kanya yung takot na nararamdaman ko *huk* sana ako na lang ako na lang
Marjorie, tahan na. Mamaya magising si Dale at marinig niya ang mga sinasabi mo. Nahihirapan din ang anak natin. At kung tayo, gusto natin siyang mabuhay. Sigurado akong, mas ginugusto niyang mabuhay.
Lahat ng bagay nangyayari dahil may dahilan. Hindi ko alam pero ang Diyos alam niya. Siguro dahil ayaw niya na ring mahirapan si Dale kasi kung tatagal si Dale sa mundong ito at pabalikbalik ang sakit niyamas lalong masakit para sa atin na makita siyang nasa ganoong kalagayan.
Huhuhuhu.
3 Hours
3 Hours na lang
Nararamdaman ko na
Iniayos ko and camera stand pati ang camera. Oras na para mag-paalam ako sa kanila. Ni-ready ko ang camera at nag-set ng timer. 5 seconds
Hello! *kaway kaway* Ako si Dale Perez. Anak ako ni Marjorie Perez at Stevan Perez. At ito ang mensahe ko para sa aking mga mahal na magulang I paused.
Una, hindi huli. Nais kong magpasalamat sa inyo dahil pinalaki niyo ako. Imagine that, ilang years niyo akong binuhay, pinakain at pinag-aral. Salamat dahil kahit napaka-kulit ko noong bata ako ay hindi niyo pa rin ako sinukuan. Sorry kung mayroon man akong nagawang mga bagay na hindi nakalugod sainyo Sorry for disappointing you.
Ma, Pa. Salamat sa pananatili sa tabi ko kahit sa kahuli-hulihang oras ng buhay ko. Ngayon, oras na po para magpaalam. Magiingat kayo lagi at paki-bantayan na rin po si Fiona ng maigi lagi niyo po akong ipaalala sa kanya ha. *flying kiss* *punas luha* mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo, lagi niyo pong tatandaan yan.
Para naman kay baby Fiona, mahal na mahal ka ni Kuya. Sorry kung hindi na ako ang magiging judge mo sa mga bawat putaheng lulutuin mo diyan sa laruan mo. Sorry kung hindi na ako ang magbubuhat sayo kapag napagod ka ng maglakad. Sorry kung hindi na ako ang magkukumot sayo tuwing gabi at sorry rin kung maaga kang iiwan ni Kuya.
Tandaan mo itong bilin ko sayo Fiona. Wag na wag mong bibigyan ng sakit sa ulo sina Mama at Papa. Mahalin mo sila. Galangin mo sila at Alagaan mo sila. Tapusin mo rin ang pag-aaral mo ng may magandang grades *napaiyak* Hahaha! Napuwing si Kuya. Ayan tuloy mayroong lumabas na tubig sa mga mata ko. Wag mo na lang pansinin yung tubig sa mukha ko.. Fiona, mahal na mahal na mahal na mahal ka ni Kuya. Wag na wag mo akong kakalimutan ha? Ako na ang guardian angel mo.
Hindi ko na kaya.
Ang sakit
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto ng kapatid ko. Tulog na tulog siya, nilapitan ko siya at lumuhod sa may gilid ng kama niya.
Nagpakatatag ako sa pag-gawa ng mga tungkulin sa bucket list na iyon. Tutal, ngayon na rin naman ang nalalabing oras, kahit ngayon lang ipapakita ko na ang kahinaan ko.
Fiona, *huk* mamimiss kita. Mamimiss kita kasama, mamimiss kita kalaro *huk* patawarin mo si Kuya kung iiwan ka niya ng maaga ha. Hindi ko naman kasi aakalaain na magkakasakit ako nito eh.
Kung pwede lang na ipahigop ang cancer cells na ito sa ipo-ipo ipinagawa ko na. Kaso hindi eh, takdang oras na ni Kuya. Sinusundo na siya
Dale
MaPa
Dale
Masorry. Pasorry!
Anak..bakit ka nagsosorry?
R-ree..?
Pwede ka namang puntahan hindi ba? Tumayo ako at niyakap ko siya, Handa ka na ba? Handa ka na bang magpa-alam saakin?
Napatawa siya ng mapait, Siopao, Dalekukunin ko na lang yang cancer cells na yan. Ako na lang diyan sa katayuan mo.
Bago muling magsalita si Sheajan ay lumabas sina Mama at Papa kaya naman naiwan kami ni Sheajan dito sa kwarto, siya nakatungo sa may gilid ng kama habang hawak-hawak ang kamay ko
Gusto ko ng pumikit. Hinihila na ng mga mata ko para pumikit, Ipikit mo lang gaya ng sinabi ni Sheajan ipinikit ko ang mga mata ko.
Siopao Dale! Siopao talaga. Alam mo yung almost perfect na lahatmasaya tayo. Okay tayo, gagraduate na tayo tapos biglang malalaman kong mayroon kang Lung Cancer? Siopao, nakakatanggal ng kalahating pagkatao ko
Ayaw pa kitang pakawalan eh.. Ayaw na ayaw papero ayoko rin naman na makita kang nahihirapan sa ganyang kalagayan.
Tandaan mo lang na ikaw lang ang nagiisang lalaking mamahalin ko ng ganito. Dale, magiingat ka.
EPILOGUE
Sheajans POV
FR: Tita Marjorie Punta ka ng bahay, hija. May nakita ako sa gamit ni Dale na para sayo.
Limang buwan. Limang buwan na ang lumipas simula ng namatay ka Dale. Limang buwan na akong umiiyak gabi-gabi dahil lamang sa pagkawala mo. Miss na miss na kita.
Agad akong nagtungo sa bahay nila Dale para alamin kung ano yung sinasabi ni Tita. Pagkapasok ko, yakap agad ang pagsalubong saakin ni Tita.
Katulad ko din, hindi pa rin sila sanay na wala ng Dale sa paligid. Nangangapa pa rin kami. Pero hindi porket nawala na si Dale ay ibig sabihin mawawala na rin ang closeness naming ng pamilya niya
Hija, napanood na namin kagabi ang video na ginawa ni Dale. Ngayon naman, oras mo na para panuorin at pakinggan ang mensahe niya para sayo.
Nangangatal kong inabot ang tape na binigay saakin ni Tita, S-salamat po Tita.
Pagkatapos kong makuha ang tape, binisita ko si Fiona at gaya ng sinabi ko. Sobra rin siyang nalungkot ng malaman niyang wala na ang Kuya niya pagkatapos nun ay umalis na rin ako at umuwi na ng bahay.
Simula ng mawala si Dale, hindi na ako sanay magtagal sa labas ng bahay. Hanggang school at bahay lang ako. Feeling ko kasi, nawalan ako ng kalahating parte sa buhay ko
Iniaayos ko ang video player namin sa bahay at isinalang ang tape na ibinigay saakin ni Tita pero bago ko i-play iyon naghanda muna ako ng isang box ng tissue, alam kong magbe-breakdown na naman ako once na makita at marinig ko ang boses ni Dale.
Nag-play na ang video at nakita ko ang itsura ni Dale. Namamaga ang mata niya, halatang kakagaling niya lang sa iyak.
Ang mensaheng ito ay para sa pinakamamahal kong girlfriend, Sheajan Ree Cruz. Siguro oras na mabasa mo ito ay matagal na ang wala sa mundong ibabaw
Kamusta ka na? Siguro naman nasa mabuting kalagayan ka na. Iniiyakan mo pa ba ako tuwing gabi? Sana naman hindi na. Kasi wala na ako diyan sa tabi mo para aluhin ka at patahanin sa pagiyak.
Bago ko ituloy ang tuluyang pamamaalam ko sayo, gusto kong ipaalala sayo kung paano tayo unang nagkita. *napaiyak* N-nakakatawa nga yun eh. Kasi, nagkamali ka ng pasok sa cr. Magkatabi kasi ang cr ng girls at cr naming mga boyswala ka yata sa sarili mo nung araw na iyon kaya hindi mo napansing nakapasok ka na sa cr namin *fake laugh* saktong pagpasok mo nun ay umiihi ako. Buti na lang na-compose ko agad ang sarili ko.
alam mo iyon ang araw na nakita kitang namula at alam mo ba ang sinabi ko sa sarili ko? Ang sabi ko: Balang araw, mamahalin ako ng babaeng ito at balang araw hindi na dahil sa kahihiyan ang pamumula ng pisngi niya, kundi dahil sa pagpapakilig ko sa kanya. *huk* Alam mo, nangyari nga. 2 months after that incident niligawan kita at sinagot mo ako after 5 months hindi ko nga aakalaing aabot tayo sa 6 years eh.
pero kung hindi ako nagkasakit, siguro baka maging asawa pa kita. *fake laugh* Ree, ngayong wala na ako sa tabi mo, gusto kong maging matatag ka. Gusto kong bumalik ka sa dating Sheajan Ree Cruz, yung masiyahin, yung makulit at yung sobrang takaw. Hahaha!!
naniniwala rin akong hindi sa akin magtatapos ang buhay pag-ibig mo. Alam kong makakahanap ka pa ng mamahalin. Ree, gusto ko sanang buksan mo muli ang puso mo para sa ibang lalaki. Wag mong hayaang umikot lang ang mundo mo sa akinsa pagkawala ko. Maganda ka, Mapagmahal ka Ree. Halos lahat ng lalaki, hindi maiiwasang mahalin ka.
Ree, I love you. Alam mo yan. Mahal na mahal kita. Ngayong oras na ito, Im setting you freeayaw kong mai-stuck ka sa past. I want you to continue your life, without me. Wag mong sabihing hindi mo kaya dahil alam kong kayang-kaya mo.
Wag ka mag-alala, babantayan naman kita lagi eh. At kapag sinaktan ka ng lalaking susunod mong mamahalin, mumultihin ko siya. *fake laugh* Sige na, Ree. Sinusundo na ako Mag-iingat ka, mahal ko. Hanggang sa muli nating pagkikita.
Sabi na nga ba eh, magbe-breakdown ako once na makita at marinig ko ang boses ni Dale. Tofuuuu. Limang buwan na pero bakit parang ang fresh pa rin ng iniwan mong sugat.
Haaaaaaaays. Hindi matutuwa si Dale kapag nakikita niya akong ganito, mabuti ng hindi na ako magdrama, Alam ko naman nasa mabuting kalagayan si Dale eh kasama niya kasi si God. :>
***
Kahit itong buhay natin, hiniram lang natin ito sa ating Panginoon. At itong mundo? Hindi naman talaga ito ang ating tunay na tahanan. Sa pagkaka-alam ko kasi, ang langit ang tunay na lugar na inilaan saatin ng Diyos, pero bago ka mapunta doon may mga dapat kang gawin.
Siguro sa maikling storyang ito ay mayroon kayong natutunan kahit papaano. Nais lamang namin na ipahatid sa inyo na hindi mahaba ang buhay ng tao para sayangin ito sa mga walang kabuluhang bagay.
WALANG NAKAKA-ALAM KUNG KAILAN ANG ARAW NG KAMATAYAN NG BAWAT ISA. Kaya dapat, gawin mo na ang mga bagay na kailangan mong gawin pero siyempre kailangan hindi mo kakalimutan ang Diyos
Simple lang nagsimula ang storyang ito, pinapakita lang nito ang realidad na hindi habang buhay ay masaya tayong mabubuhay, na hindi habang buhay ay mananatili ang taong mahal natin sa tabi natin.
Hindi man naging masaya para sainyo ang ending ng storyang ito, para naman sa amin ay naging maayos ito. Ganito ito plinano, ganito ito naisip. Wala ng magbabago. Nais ko nga palang magpasalamat sa lahat ng tumangkilik nitong istoryang ito.
-END-