You are on page 1of 12

ARALIN 10 Bolunterismo, Tugon Ko Para Sa Pagbabago

Mga katanungan:
Ano ba ang iyong naramdaman sa mga larawan na inyong nakita?

Gaano ba kahalaga ang mga responsibilidad at tungkulin ng bawat tao na inyong nakita?
Sa inyong palagay, sino ba ang mga napapakinabangan sa kanilang ginagampanang trabaho o tungkulin?

Sa araling ito ay subukin mong tingnan kung ano ang maaari mong konkretong maibigay at magawa para sa iyong kapwa.

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan


(Maari niyong buksan ang inyong libro sa pahina blg. 60)

Anu-ano ang mga suliranin sa pamayanan sa kasalukuyan? Ano ang ugat ng suliraning ito? Sinu-sino ang mga apektado ng suliranin? Anu-ano na ang mga sinubukang solusyong upang tugunan ang suliranin? Ano ang kinalabasan ng mga solusyong sinubukan? Bakit nangyari ito? Ano pa ang mga mungkahing solusyon na maaaring subukin?

Pagsusuri
1. May pagkakatulad ba ang mga suliranin sa inyong mga pamayanan? Anu-ano ang mga suliranin na pangkaraniwang makikita sa ibatibang pamayanan? 2. Bakit nagkaroon ng ganitong suliranin sa pamayanan? 3. Paano magkakaroon ng bahagi ang isang kabataan sa paglutas sa ganitong mga suliranin? 4. Alin sa mga suliraning ito ang kayang mong gawan ng solusyon? Sa paanong paraan?

Tandaan
Ang pinkamabisa at ang pinakagandang paraan upang maipakita natin ang ating pagmamahal sa ating kapwa ay ang pagboboluntaryo dahil ang pagboboluntaryo ay ang pagbibigay ng iyong oras at sarili upang maipaglingkuran mo ang ating kapwa at lipunan. Tayo ay dapat maging aktibo at alerto sa ating mga nakikita sa ating paligid lalung-lalo na sa mga suliraning itinatamasa o nararanasan ng isang lipunan. Paniwalaan mo ang sarili mo na may maitutulong ka at magagawa para sa iba sa pamamagitan ng pagboboluntaryo.

You might also like