You are on page 1of 1

Sa mga kababayan na nakabasa ng artikulo ni Soriano mula sa Manila Bulletin,

Ako ay natutuwa dahil sa inyong patuloy na paggamit ng ating sariling lingguwahe. Para sa akin, kayo ay tunay na mga Pilipino at dapat kayong maparangalan sa inyong walang hiyang pagpakita kung sino kayo. Madami sa atin ngayon ay maliit ang tingin sa ating bansa lalong lalo na sa ating mga produkto at salita. Para kasi sa kanila ay ang panggamit ng salitang Ingles ay nagpapatunay na sila ay edukado at kayang kayang makisabay sa mga dayuhan. Ang di nila alam ay sila ay nagpapatunay na ang mga Filipino ngayon ay masyado nang naimpluwensiyahan ng mga ibang bansa. Sa artikulo ni Soriano, sinabi niya na ang Ingles daw ang salita ng edukasyon. Totoo naman ang punto niya na bihira lang tayo makakakita ng mga materyal na pang edukasyon na ang sulat ay nasa Filipino. Ngunit hindi dapat ito hadlang para hindi nating ipagpatuloy ang pagsalita natin ng Filipino. Ang isyu na ito ay hindi lang tungkol sa lingguwahe kung hindi, tungkol sa pagmamahal ng sariling bansa. Sa dalawang taong nag-aargumento sa isang bagay, ang taong nagsasalita ng Ingles ay tinuturing na mas matalino ng mga manunuod. Ang tao naman na sumasagot sa salitang Filipino ay nakikita bilang isang bobo at palengkera. Nanggigigil ako sa mga taong pinagtatawanan ang mga nagsasalita ng Filipino kahit na pag tinanong gamit ang wikang Ingles. Napakaliit ng tingin nila sa kanila ngunit kung iisipin mo, pareho lang naman silang pilipino. Incompetent kasi para sa iba kung ang isang indibidwal ay hindi nag-iingles. Siguro para malutas ang problemang ito, kailangan nating tulungan ang isat isa na mahalin ang sariling atin. Ako ay kusang lumalapit mismo sa inyo dahil nakikita ko na kayo ay mapagmahal sa paggamit ng gawang Pinoy. Kung kaya nating maging proud sa ating bansa, kaya rin nating impluwensyahan ang mga kapwa Pinoy na may mentalidad na kolonyal. Sana ay matulungan niyo ako sa aking layunin. Mabuhay ang mga Filipino!

April Johnine L. Kintanar

You might also like