You are on page 1of 2

OFFICIAL STATEMENT (Monday Blackout) May kumakalat na balita na ang mga Student Leaders (USC, CSC, Student Orgs)

ay nagpahayag na ng kanilang panig sa pagsuporta sa HAU-TEU at naghihikayat para sa isang malawakang Student Boycott bukas, Agosto 19, 2013. Nais naming linawin na WALANG KATOTOHANAN ang pahayag na ito. Ngayong araw, kaming mga liderato ng ibat ibang kolehiyo at organisasyon ay nagkaroon ng isang pulong upang maglabas na ng pahayag ukol sa dilemang hinaharap ng unibersidad at sa kung anong mga hakbang ang dapat gawin patungkol sa nasasabing Uni-wide Boycott. Napagkaisa ng lahat na wala pa ring papanigan ang mga Student Leaders bilang kabuuan dahil kailangan pa ng masusing pag-aaral at diskusyon ukol sa iilan pang mga dokumento. Gayunpaman, ang bawat isa sa amin ay di pinagbabawalan na maglabas ng sariling opinyon. Nais din naming ihayag ang aming respeto sa kung ano ang saloobin ng bawat isang estudyante dito sa ating unibersidad. Sa ngayon, maasahan niyo na bukas, magiging aktibo ang inyong mga pinuno sa labas at loob ng paaralan upang magbigay liwanag sa anu mang katanungan o anu mang bagay na nais niyong bigyan kalinawan. Kasama dito ang inyong mga karapatan at ang mga karampatang limitasyon. Ang inyong mga karapatan: Magbigay ng suporta sa Unyon sa pamamagitan ng pinansyal na tulong o sa pagbibigay ng pagkain, tubig at iba pang nesisidad. Magbigay ng suporta sa Unyon sa pamamagitan ng ibat ibang kasuotan na nagpapakita ng suporta sa pinaglalaban nito. Ang pagsali sa picket line ay katanggap-tanggap basta hindi lang sasali sa paggamit ng placards, pagsasabi ng anu mang makapanirang puri laban sa unibersidad lalo na kung wala itong basehan at sa pagpwersa sa sino mang estudyante na huwag pumasok. Karapatan ng bawat estudyante ang lumiban sa klase ngunit asahang may mga kaukulang consequences ito Ang ano mang paglabag sa anu mang Major Offense sa Student Handbook (Page 5051) ay paniguradong dadaan sa Due Process. Bilang student leaders, habang wala pang pinal na desisyon, aming hinihikayat ang lahat na pasukan ang kani-kanilang mga klase. Sa kabila nito, maasahan ninyo na ang aming katayuan sa isyu na ito ay pinagaaralan upang mapabilis ang paglabas nito sa lalong madaling panahon. Magtiwala kayo na kung ano man ang kalalabasan ng pagaaral at diskusyon, ito ay paniguradong may kasamang pagsasaalang-alang ng kapakanan ng bawat estudyante.

You might also like