You are on page 1of 1

PALIGSAHAN NG TALUMPATING HANDA PARA SA MATAAS NA PAARALAN

Paksa: Petsa: Oras: Premyo: Tubig at Sanitasyon: Susi sa Kaunlaran Disyembre 11, 2012 1:00 PM 5:00 PM Unang Gantimpala: P5,000.00 at medalya para sa estudyante, tropeo para sa paaralan

Pangalawang Gantimpala: P3,000.00 at medalya para sa estudyante tropeo para sa paaralan Pangatlong gantimpala: P2,000.00 at medalya para sa estudyante, tropeo para sa paaralan

ALITUNTUNIN: 1. Ang paligsahan ay bukas sa mga pampubliko at pribadong mataas na paaralan sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan. Isang kalahok lamang ang papayagan mula sa bawat paaralan. 2. Ang talumpati ay bibigkasin sa wikang Pilipino, sariling katha ng mananalumpati, at hindi pa nalalathala. 3. Ang talumpati ay kailangang tumagal ng walong minuto at hindi lalampas ng sampung minuto. May katumbas na kabawasang isang punto ang bawat sampung segundong lumabis o kumulang sa talagang oras. 4. Ang mga kalahok ay hindi maaring magdala ng pyesa sa entablado o umalis sa entablado kapag nagsimula na ang paligsahan. Hindi rin maaring lumapit sa entablado ang sinumang kasama ng kalahok. 5. Ang mga anak, kapatid, o pamangkin ng mga kawani at Board of Directors ng San Jose Water ay hindi maaring sumali sa paligsahan. 6. Ang mga paaralan na lalahok sa paligsahan ay kailangang maghatid ng kumpirmasyon sa San Jose Water sa Nobyembre 16, 2012 o bago dumating ang petsang ito. Tanging ang mga paaralang nagkumpirma ng paglahok ang pasasabihan ng anumang pagpapalit ng petsa o lugar ng kumpetisyon. 7. Ang batayan sa pagpasya ng mga magwawagi ay ang sumusunod: A. Hikayat at pang-akit sa madla, tindig at kilos (Audience contact) 35%

B. Tinig at pagbigkas, kalinawan, kaangkupan ng diwa 35% (Voice and diction) C. Kaangkupan sa paksa, pagka-orihinal, katapatan sa 30% nilalaman (Mastery and originality)

You might also like