You are on page 1of 8

JOHN AND MARIFELS WEDDING CEREMONY

Fifth Draft, 12.24.12

TIME FLOW Preliminaries 4:15 5:00 Music: Canned instrumental love songs 4:55 VOICE OVER: Sa loob ng limang minuto, mag-uumpisa ang seremonya. Hinihiling ang lahat na magsipaghanda na.

REMARKS Canned instrumental love songs (DVD) Canned instrumental love songs (DVD)

Processional 5:00 5:10 Music : In the Morning Light by Yani (instrumental) Sa hudyat ng Coordinator, patutugtugin ang musika habang dahandahang papasok ang mga kalahok. Ang mga lalaki ay nasa bandang kanan ng mga kababaihan. Pagdating sa harapan, ihahatid ng mga lalaki ang mga kaparehang babae sa bandang kaliwa at sila naman ay pupunta sa may bandang kanan. Halfway through the altar, the parents of the bride will wait for the bride Lights : Ambiance lights. Ayos ng mga kalahok: 1. Magsisindi ng kandila 2. Ministrong magkakasal 3. Groom, kasama ang mga magulang 4. Ginoong pandangal 5. Mga tagapayo at pangunahing saksi 6. May dala ng belo 7. May dala ng tali ng buklod ng pagsasama 8. May dala ng singsing ng pagiging isa, ng aklat ng gabay (ang Biblia) at ng sagisag ng pagpapala 9. Brides Maids with Grooms men 10. Binibining Pandangal 11. Flower girls with Page boys 12. Mga magulang ng bride (hihinto sa may bandang gitna ng aisle) Bridal March 5:10 5:15 Bridal March Magmula Ngayon begins. Sesenyas sa kapulungan ang Pastor na magsitayo ang lahat
John and Marifel 12.28.12

(1) In the morning light by Yani (Canned)

Magmula ngayon Ogie Alcasid (Male LIVE) 1 Ceremony

TIME

FLOW Ang mga magulang ng bride (na nakatayo sa bandang gitna ng aisle) ay sasabay dito pagdaan nito sa kanila. Pagdating sa harapan, sasalubungin sila ni John at magmamano sa mga magulang ni Marifel. Hihingin ni John si Marifel sa ama nito at lalapit sa pastor na magkahawak ang kanilang mga kamay.

REMARKS

Pagpapahayag ng layunin 5:15 5:18 PASTOR: (Ipapahayag sa buong kapulungan) Mga minamahal kong kapatid at mga kaibigan, tayo ay nagkatipon-tipon sa harapan ng ating Diyos at ng kapulungang ito upang saksihan at ipagdiwang ang pag-iisang dibdib ni JOHN at MARIFEL sa isang banal na Kristiyanong kasalan. Ako po si Pastor Norman C. Naromal. (May add brief personal info) Ang tipan ng pag-aasawa ay itinakda at itinatag ng Diyos na siyang lumikha sa atin na lalaki at babae. Ang sinumang nagnanais na pumasok sa tipang ito ay dapat mag-isip nang mabuti, nang may paggalang, kahinahunan, at takot sa Diyos. Sapagkat ang pagaasawa ay isang banal na tipan, ito ay dapat na igalang. (Haharap sa magkatipan at magtatanong ) Ikaw, JOHN, tinatanggap mo ba ang babaeng ito upang maging asawa, mamuhay na magkasama ayon sa itinakda ng banal na matrimonio? Siya ba ay iyong iibigin, aaliwin, igagalang, at iingatan, sa sakit at sa kalusugan at tanging sa kanya lamang pipisan habang kayong dalawa ay nabubuhay? JOHN: Opo, Pastor. PASTOR: Ikaw naman, MARIFEL, tinatanggap mo ba ang lalaking ito upang maging asawa, mamuhay na magkasama ayon sa itinakda ng banal na matrimonio? Siya ba ay iyong iibigin, aaliwin, igagalang, at iingatan, sa sakit at sa kalusugan at tanging sa kanya lamang pipisan habang kayong dalawa ay nabubuhay? MARIFEL: Opo, Pastor. PASTOR: Kung gayon, hilingin natin ang basbas ng Maykapal sa gawaing ito. PANALANGIN na pangungunahan ng Pastor.
John and Marifel 12.28.12

2 Ceremony

TIME FLOW Ang salita ng Diyos 5:18 5:20 Hinihiling si Jacob John, ang maydala ng Aklat ng Gabay, na ibigay ang Biblia sa Pastor (Aalalayan ng Ginoong Pandangal ang bata kung kinakailangan). PASTOR: (Magsasalita habang hawak-hawak ang Biblia) Ang Biblia ay ang salita ng Diyos. Tanggapin ninyo ang kaloob na ito bilang matibay at matatag na pundasyon ng inyong pagsasama. Nawa itoy maging ilaw sa inyong tahanan, bukal ng kalakasan at pag-asa, gabay sa buhay, at sandigan ng inyong pagmamahalan. (Ibibigay ng Pastor ang Biblia sa dalawa. Tatanggapin nila ito ng dalawang kamay at babanggitin ang nasa ibaba.)

REMARKS

JOHN & MARIFEL: Buong puso po naming tinatanggap ang Salita ng Copy of acceptance Diyos upang aming maging gabay, ilaw, bukal ng kalakasan at ng pag- (c/o Best Man) asa, at matibay na sandigan ng aming pagsasama. Pagsisikapan namin na ito ay ipamuhay at ituro sa aming mga magiging anak. Ang pagbasa sa Banal na Kasulatan / Mensahe 5:20 5:30 PASTOR: Magsitayo po tayong lahat para sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan na pangungunahan nina Ginoong Peter Dayanan at Binibining Rachel Virtucio. Genesis 2:15-25 Efeso 5:21-33 Magbibigay ng kanyang mensahe ang Pastor ng hindi hihigit sa pitong minuto. Pagkakaloob sa Babaeng ikakasal 5:30 5:31 PASTOR: Sino ang nagbibigay ng pahintulot at pagpapala kay MARIFEL upang pakasal kay JOHN? MGA MAGULANG NI MARIFEL: Kami po, Pastor. Tipan ng pag-aasawa 5:31 5:35 Ibibigay ng Ginoong Pandangal at Binibining Pandangal kina John at Marifel ang kopya ng kanilang tipan. Paghaharapin ng Pastor ang magkatipan. PASTOR: Ngayon, John at Marifel, ipapahayag ninyo ang inyong sumpaan sa isat isa.
John and Marifel 12.28.12

Filipino Bible

Wireless microphone for Marifels parents c/o Maid of Honor

Panunumpa Carol Banawa LIVE (sax & piano only). Played softly immediately after Pastors statement. 3 Ceremony

TIME

FLOW Background Music (LIVE): Panunumpa (instrumental sax & piano) Magpapalitan ng vows sina John at Marifel. Mauuna si John.

REMARKS Music gets loud to the end of the song once the exchange of vows is done

Ang singsing 5:35 5:37 Hinihiling si Joshiah John, ang tagapagdala ng mga singsing ng pagiging isa, na ibigay ang mga ito sa Pastor (Aalalayan ng Ginoong Pandangal ang bata kung kinakailangan.) Music (CANNED): What matters most (Kenny Rankin)soft background PASTOR: (Habang hawak ng pastor ang singsing, maaari niyang sabihin.) Ang mga singsing na ito ay panlabas at pisikal lamang na simbolo ng isang spiritual at panloob na pagbubuklod ng dalawang pusong nangangakong tapat na magmamahalan. Ito ay gawa sa ginto, sumisimbolo ng kadalisayan na dapat maghari sa inyong pagsasama. Ito ay bilog, nagpapahiwatig na ang pag-ibig ninyo sa bawat isa at sa Diyos ay dapat walang katapusan. Tanggapin ninyo ang singsing na ito tanda ng inyong pagkilala sa pagibig ni Kristo sa inyo at sa pamamagitan ninyo. (Pagkatapos, ibibigay ang singsing kay John upang isuot sa kaliwang daliri ni Marifel) JOHN: (Hawak ang kamay ni Marifel upang isuot sa daliri nito ang singsing) Marifel, ibinibigay ko sa iyo ang singsing na ito, bilang tanda ng aking dalisay na pag-ibig sa iyo. Nagpapakasal ako sa iyo sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. (Ibibigay naman ng Pastor ang isa pang singsing kay Marifel upang isuot sa kaliwang daliring palasingsingan ni John) MARIFEL: (Hawak ang kamay ni John upang isuot sa daliri nito ang singsing) John, ibinibigay ko sa iyo ang singsing na ito, bilang tanda ng aking dalisay na pag-ibig sa iyo. Nagpapakasal ako sa iyo sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Background Music: (2) What matters most (Kenny Rankin) Canned. Played softly immediately after the voice over Music gently fades out once the ring ceremony is done

John and Marifel 12.28.12

4 Ceremony

TIME FLOW Ang belo at ang kordon ng pagiging-isa 5:37 5:39 Hihilingin ng Pastor na lumuhod ang dalawa. Background Music (LIVE): The Gift by Jim Brickman (sax and keyboards) PASTOR: Hinihiling sina Pastor Oscar Jr. at Doktora Jocelyn Gacasan na ikabit ang belo sa magkatipan. (Habang ikinakabit ang belo) Ang belo ay sagisag ng pagiging-isa ng dalawa sa pagbubuo ng isang pamilya. Inilalarawan din nito ang bukal sa loob na pagpapasakop ng babae sa kanyang asawa sapagkat siya ang ulo ng kanilang bubuuing pamilya. Ang lalaki na ang tagapagtanggol at mag-iingat sa kanyang asawa. PASTOR: Hinihiling sina Ginoong Ferdinand at Gng. Ivy Altizo na isuot ang kordon sa magkatipan. (Habang isinusuot ang kordon) Ang kordon ay sagisag ng isang relasyong walang patid tulad ng isang matibay na kordon na hindi napapatid. Ito ang simbolo ng inyong pangakong magmamahalan magpakailan pa man bilang mag-asawa.

REMARKS The Gift by Jim Brickman (LIVE sax and keyboards) Played softly

Ang simbolo ng pagpapala ng Diyos 5:39 5:41 Ibibigay ni Lyka, ang tagapagdala ng sagisag ng pagpapala, ang aras The Gift by Jim sa Pastor. Brickman (LIVE keyboards) PASTOR: (Habang hawak-hawak ang aras) Ang aras ay simbolo ng Played softly pagpapala ng Diyos. Ito ay simbolo ng pangako na ang lahat ng kanilang ari-arian at tinatangkilik ay parehong magiging pag-aari na nilang dalawa. Ito rin ay isang pangako na mula sa araw na ito, pareho silang magsusumikap upang buhayin ang kanilang magiging pamilya. Tanggapin ninyo ang simbolo ng pagpapala ng Diyos. (Ibibigay ng Pastor ang aras sa dalawa. Tatanggapin nila ito ng dalawang kamay.) Ang paglagda ng katibayan ng pagpapakasal / Banal na Komunyon 5:41 5:45 PASTOR: Hinihiling ang Ginoong Pandangal at Binibining Pandangal na dalhin sa harapan ang Katibayan ng Pagpapakasal. Mayroong apat na kopya ang Katibayan. Pagkatapos lumagda ng dalawa, dadalhin naman ito sa mga Pangunahing Saksi. Ang Pastor
John and Marifel 12.28.12

Magpakailanpaman Ogie and Regine (LIVE duet) Should the song has 5 Ceremony

TIME ang huling lalagda.

FLOW

Music LIVE: Magpakailanpaman (duet)

Habang pinalalagdaan sa mga saksi ang Katibayan, lalapit muli ang mga nagsuot ng kordon at nagkabit ng belo upang ang mga ito ay tanggalin. Pagkatapos, tatanggap ng Banal na Komunyon ang Pastor at ang Magkatipan. Music gently fades out once the ceremony is done Ang pagsisindi ng kandila ng pagiging-isa 5:45 5:47 Background Music (CANNED): More than youll ever know played Background Music: softly (3) More than youll ever know PASTOR: At silang dalawa ay magiging isa, ang pahayag ng Banal Canned. Played softly na Kasulatan. Ang pagsisindi ng kandila ay naglalarawan ng pagiging isa ng dating dalawang buhay. Iisang buhay na pinagsama ng Diyos Music gently fades at hindi dapat paghiwalayin ninuman. out once the candle ceremony is done Magsisindi ng kandila ang magkatipan. Panalangin ng pagtatalaga 5:47 5:50 PASTOR: Hinihiling ko na lumapit ang mga magulang at pangunahing saksi, at ipatong o ituon ang inyong mga kamay kina John at Marifel habang silay ating ipinapanalangin. Hinihiling rin ang kapulungan na ituon ang mga kamay sa dalawa bilang tanda ng pagsaksi. Ladies stand in parallel with the bride and so are the gentlemen in parallel with the groom. Makapangyarihang Diyos, Manlilikha ng Sansinukob, Panginoon at Manunubos; May-akda ng Pamilya, at Tagapagtalaga ng Pag-aasawa, maraming salamat po sa Iyo. Sa araw na ito, ang dalawa naming kapatid, na minamahal mong lubos, ay nagpasyang tanggapin ang kaloob mong pag-aasawa. Hinihiling namin sa Iyo na pagpalain mo sila. Tulungan Mo po silang maingatan ang kanilang mga pangako sa isat isa. Gabayan Mo sila sa kanilang araw-araw na pamumuhay upang hindi sila magkamali sa landas na kanilang tatahakin. Hayaan Mong ang pamilyang kanilang bubuuin ay maging isang huwarang pamilya na Ikaw ang Panginoon at sa Iyo lamang lubos na umaasa. Tugunin Mo rin ang lahat ng kanilang pangangailangan sa araw-araw upang lalo pa nilang
John and Marifel 12.28.12

REMARKS already ended and the ceremony is still on-going, play Magpakailan pa man softly in keyboards only

6 Ceremony

TIME

FLOW mapatunayan na ang Kristiyanong pagsasama ay isang pinagpalang pagsasama. Ito ang aming hinihiling sa pangalan ni Jesu-Cristo na aming Panginoon. Amen. Babalik sa upuan ang mga magulang at pangunahing saksi

REMARKS

Ang pagpapahayag 5:50 5:51 PASTOR: (Kay John at Marifel) Ipinahayag ninyo sa harap ng Diyos at ng kapulungang ito ang inyong pagnanais at pangakong lumagay sa banal na matrimonio ng pag-aasawa. (Sa kapulungan) Ngayon, sa pamamagitan ng kapangyarihan na ibinigay sa akin ng _______ (pangalan ng grupo ng pastor na nagkakasal) at ng Republika ng Pilipinas, ipinahahayag ko na si JOHN at MARIFEL ay mag-asawa na sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Ang pinag-isa ng Diyos ay huwag paghiwalayin ninuman. Benediksiyon 5:51 5:52 Mabilis na isusunod ng pastor ang pagbanggit sa Benediksiyon. PASTOR: John at Marifel, naway pagpalain kayo ng Diyos at ingatan, naway kahabagan Niya kayo at subaybayan; naway lingapin Niya kayo at bigyan ng kapayapaan. Amen. (Mga Bilang 6:24-26) Pagpapakilala sa mga bagong mag-asawa 5:52 5:55 Haharap sa kapulungan ang bagong kasal at ipapakilala ng pastor. PASTOR: Mga kapatid at mga kaibigan, buong karangalan kong ipinapakilala sa inyong lahat ang bagong kasal na sina Pastor John at Ginang Marifel Gacasan. (Kay John) Maaari mo ng hagkan ang iyong asawa. Music: Iisa (chorus only, higher pitch, female singer) Ang recessional 5:55 6:00 Music: (2) Pagdiriwang (Kadayawan) canned music Ang lahat ng mga kasama sa Processional ay mabilis na lalabas (Mauuna ang nasa front row, then second row and so on). Unang lalabas ang mga bagong kasal at huling lalabas ang pastor.
John and Marifel 12.28.12

Iisa (LIVE chorus only, higher pitch, female) to be sung upon kiss (4) Pagdiriwang (Kadayawan) canned music shall be played immediately after the kiss 7 Ceremony

TIME Pictorial 6:00 6:20

FLOW VOICE OVER: (Kapag nakalabas na ang lahat ng entourage) Hinihiling ang lahat ng kabilang sa entourage at immediate family na maghanda para sa isang pictorial session: For our special guests you may get a fill of your cocktail drinks, as you mingle with other guests and take some pictures while we wait for our lovely couple. Please also visit the Registration Table to register. Order of pictorial: 1. Bride and Groom (B&G) 2. B&G with Minister 3. B&G with Parents 3a. B&G with Brides parents 3b. B&G with Grooms parents 4. B&G with Principal Sponsors 5. B&G with Secondary Sponsors, Candle-Bearers, Bible-Readers 6. B&G with Best Man and Maid of Honor 7. B&G with BM&MOH and Brides Maids and Grooms Men 8. B&G with BM&MOH and Brides Maids and Grooms Men with Flower Girls and Page boys, Ring bearer, Bible bearer, arrhae bearer 9. B&G with Flower Girls and Page boys, Ring bearer, Bible bearer, Arrhae bearer 10. B&G with Wedding Committee / Voice over/ MCs 11. B&G with Brides Immediate Family 12. B&G with Grooms Immediate Family Repeat announcement

REMARKS Music : Play under Music from Tagalog Movies (instrumental) refer to reception script

John and Marifel 12.28.12

8 Ceremony

You might also like