You are on page 1of 6

CHAPTER 5

~Ang Pagsulat ng Noli Me Tangere~ Narration 1: Nasa Berlin si Rizal noong mga panahong tinatapos niya ang kanyang nobelang Noli Me tangere. Kahit may karamdaman at salat sa pera, hindi siya nawalan ng pag-asang mailimbag ang kanyang katha. Ngunit sa gitna ng kanyang masalimuot na kadahupan, dumating ang isang telegramang galing sa isang kaibigan na si Maximo Viola. (Sound kang envelope na pigabukasan) Rizal: Isang telegrama galing sa aking matipunong kaibigan| na si maximo viola. Hmmm. Ano kaya ang naisipan nito? Sa aking kaibigan na si Ginoong Rizal, Matagal-tagal na din tayong di nagkikita. Kumusta ang Berlin? Mas Masaya ba riyan kaysa dito sa Pilipinas? Pupunta ako sa Berlin upang ikay masilayan at makausap. Ang iyong katoto, Maximo Viola

Narration 2: Hindi nagtagal, pagkatapos ng pasko, noong taong 1887 (Labing walo walumput pito) dumating ang inaasahang kaibigan ni rizal sa berlin. Nagulat ito nang makita ang kasalukuyang kondisyon ni rizal dulot sa pagkakasakit nito kasabay ang labis na kahirapan.

Viola: kaibigan, ikinagagalak kitang makitang muli. Rizal: Ako man din ginoong Viola. (ubo ubo) Viola: Ngunit napansin ko ang iyong pagkabalisa at pangangayayat. Natutulog at kumakain ka ba ng sapat? Rizal: (ubo ubo) ahhhh paumanhin ginoong viola, Masyado lamang akong abala sa pagsusulat ng aking nobelang Noli me tangere. Viola: Ganoon pala! Maari ko bang makitat basahin ang iyong katha? Rizal: Marapat na basahin mo ito nang sa gayon magkaroon ka ng ideya kung ano ang pinagkakaabalahan ko dito sa berlin. Narration 3: pagkatapos mabasa ni maximo viola ang mahusay na komposisyon ni rizal, agad itong pumayag na siya na ang magpalimbag ng nobela. Binigyan nia rin ng pera si rizal upang matustusan naman nito ang kanyang mga pangangailangan. Naipalathala nila ang nobela sa murang halaga na 300 piso para sa 2000 na kopya sa palimbagang nagngangalang Berliner Buchcdrukrei Action Gesselchaft.

Limbagan: Salamat po mga ginoo sa pagpili sa aming limbagan! Rizal: Kami po dapat ang unang magpasalamat sa inyo. Limbagan: sana poy pagpalain ang iyong katha. Viola: Sige po. Mauna na po kami.

Narration 4: Habang inilalathala ang Noli me tangere, bumisista ang hepe ng Pulisya ng Berlin sa tahanan ni Rizal at hinanapan siya ng pasaporte. Ngunit walang maipresenta si rizal.

Hepe: Ginoong rizal, maari mo bang ipresenta sa amin ang inyong pasaporte? Rizal: paumanhin po ngunit wala po ako sainyong maipapakitang pasaporte. Hepe: Bibigyan ka namin ng apat na araw para maipresenta sa amin ang inyong pasaporte, kapag hindi nio naibigay sa amin ang hinihingi namin, ipapatapon namin kayo pabalik sa inyong bansa. Malinaw po ba ang lahat? Rizal: Opo. Mas malinaw pa po sa bubog ng salamin! Narration: Pagkatapos ng apat na araw, bumalik si rizal sa Autoridad ng Alemang Pulisya at humingi ng tawad at nagbigay ng paliwanag sa mga ito ukol sa kanyang pasaporte. Ipinaliwanag niang siya ay isang sayantipiko, physician at ethnologist na bumibisita sa mga rural na lugar upang obserbahan ang mga kaugalian at pamumuhay ng mga tao. Naniwala naman ang mga pulisya na hindi siya isang espiya galing sa pransya at agad na itinigil ang kanyang deportasyon.

~Ang Paglathala ng Noli Me Tangere~ Narration 1: Noong ika-21 ng Marso 1887 (labing walo walumput pito) nailathala ang Noli Me Tangere sa periodiko na ang ibig sabihin ay huwag mo akong hawakan. Kaagad na binigyan ni Rizal ang kanyang mga kaibigan ng kopya ng nobela kabilang sa mga ito sina Blumentritt, dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce at Felix Hidalgo. Hindi rin mawawala ang pasasalamat ni rizal sa kanyang tagapagligtas na si maximo Viola. Rizal: Sa aking minamahal na kaibigan, Maximo Viola, ang pinakaunang taong nakabasa ng aking katha. Maraming salamat! Narration 2: Umani ng papuri si Rizal sa mga taong nakabasa ng kanyang likhang nobela. Samantalang isinumpa naman ito ng kanyang mga kaaway.

~Ang Paglalakbay ni Rizal kasama si Dr. Viola~ Narration 1: Matapos mailabas ang kanyang nobelang Noli Me tangere, nakatanggap siya ng 1000 piso galing sa kanyang kapatid na si Paciano at binayaran nia agad si Viola sa halagang inilaang pera sa pagpapalimbag ng Noli me Tangere. Dahil may sobrang pera pang natira sa ibinigay ng kanyang kapatid, nagdesisyon siyang maglakbay sa ibat ibang lugar sa Europa kasama si Viola. Rizal: Bago sana ako umuwi sa Pilipinas, Nais ko sanang lakbayin ang mga mahahalagang lugar dito sa Europa. Viola: Aba! Magandang ideya yan kaibigan. Kung maariy sasama ako. Rizal: Buti pa nga kaibigan para naman malibang tayo matapos ang mahabang panahon ng paghihirap.

Narration 2: Umalis sina Rizal at Viola sakay ang isang tren. Ang unang destinasyon na kanilang pinuntahan ay ang Dresden, isa sa mga pinakamagandang lungsod ng Alemanya. Rizal: Wow! Ganito pala kaganda ang Dresden! Balita ko maraming magagandang babae dito! Viola: HAHAHA! Tulad ng inaasahan, maginoo ka pa rin kaibigan!

Rizal & Viola: hahahaha. Narration 3: Binisita nila si Adolph meyer na tuwang-tuwa naman sa kanilang pagdatal. Pinuntahan nila ang Museum of Art at ang Floral Exposition, kung saan nakita nila si Dr. Jagor na nagsabi kay rizal na sulatan si Blumentritt upang hindi ikagulat nito ang pagbisita nila sa kanilang tahanan. Pinuntahan nila si Blumentritt sakay ang tren papuntang Leitmeritz, Czechoslovakia. Nandoon na si Blumentritt para salubungin ang dalawa. Blumentritt: Oh! Ikinagagalak ko ang pagpunta niyo rito sa Leitmeritz! Rizal: Ikinagagalak din po namin ang pagsalubong niyo sa amin. Siya nga pala, eto po ang aking kaibigang si Ginoong Maximo Viola. Ginoong Viola, si Ferdinand Blumentritt. Viola: ikinalulugod ko pong makilala kayo Ginoong Blumentritt. Blumentritt: Sanay magustuhan nio ang kwartong inereserba ko para sa inyo dito sa Hotel krebs.

Narration 4: Naging magaling na gabay sa paglalakbay si Blumentritt. Katunayan Ipinakilala niya sina Rizal at Viola sa kanyang buong pamilya. Di nagtagal at umalis na rin sina Rizal at Viola sa tahanan ng Blumentritt upang tumungo sa Prague, kung saan pinuntahan nila ang puntod ng makasaysayang si Copernicus. Nasiyahan sila sa paglalakbay sa ibat ibang lugar sa europa. Ngunit mas labis na nasiyahan si Rizal noong ika 19 ng hunyo 1887, kung saan naghandog siya ng isang marangyang kainan kasama si Viola dahil sa kaarawan niya. Viola: Maligayang kaarawan kaibigan! Salamat sa handog mong marangyang kainan! Haha. Mabuhay ka! Rizal: Maraming Salamat saiyo ginoong viola. Marami akong utang na loob sayo na kahit nabayaran ko na ay di ko pa rin makakalimutan dahil naging malaking tulong ito sa aking tagumpay. Viola: walang anuman Jose Rizal.

Narration 5: Pagkatapos ng kaarawan ni Rizal ay tinahak na nila ang kanilang magkaibang landas sa kanilang kani-kaniyang paglalakbay. Bumalik si Viola sa Barcelona habang ipinapatuloy pa rin ni rizal ang paglalakbay sa Italya. Mula Geneva hanggang Vatican, hindi nagsawang nilakbay ito ni Rizal. Ngunit pagkatapos ng isang mahabang lingo, inihanda niya na ang kanyang biyahe pabalik ng Pilipinas.

CHAPTER 6 ~Arrival in Manila~ Narration: nawili man si Rizal sa ganda ng ibat ibang lupain sa Europa, hindi nia pa rin kinalimutang bumalik sa kaniyang sariling bansa. Bumalik siya sa Pilipinas dahil gusto niang gamutin ang mata ng kanyang Ina, pagsilbihan ang mga taong patuloy na inaapi ng mga kastila, malaman kung gaano na naapektuhan ng kanyang katha ang mga Pilipino, malaman kung bakit pinili ni Leonora rivera ang manahimik, at mapawi ang kanyang kalungkutan sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Masaya siyang dumating sa Pilipinas kahit mistulang walang pinagbago ito pagkatapos ng 5 taon. Kaagad na maluha-luhang sinalubong ng kanyang pamilya si rizal. Rizal: Mama! Kaytagal ko po kayong hindi nakita. Masyado akong nalunod sa kalungkutan nung mga araw na naiisip ko kayo. Mama: Hayaan mo anak, ngayong nandito ka na sa piling namin sisiguruhin naming magiging Masaya ka.

Paciano: Kaylangan na nating bumalik agad sa ating tahanan, sapagkat ang iyong nobelay ginalit ang mga kastilat pinaghahahanap ka. Bilisan na natin.

~Rizal and Governor Terrero~ Narration 1: Nakilala ni Rizal ang Gobernador Heneral ng Calamba kung saan inimbitahan siya nitong pumunta sa Malacanang dahil sa mga naririnig nitong mapanghimagsik na nobela ni Rizal. Pumayag si rizal sa imbitasyon at agad nagpaliwanag sa malacanang na hindi niya itinataguyod ang mga mapanghimagsik na ideya sa nobela. Humingi ng kopya ang gobbernador heneral at binasa ito. Terrero: HMMM. Nabasa ko na ang iyong nobela. Wala akong makitang masama sa iyong katha. Rizal: gaya ng sinabi ko saiyo gobernador heneral, wala akong itinataguyod na masama sa aking katha. Gawang propesyonal lamang.

Narration 2: Ngunit nangibabaw ang mga kaaway ni rizal at napahintulutang parusahan ito dahil nakarating ang isang kopya ng kanyang katha sa mga prayleng dominicano at silay tuluyan nang nagalit. Napaniwala ng mga kaaway ang ibang makapangyarihang tao na ang kathang iyon ay patama para sa mga kastilang patuloy na nang-aapi sa mga Pilipino. Dahil dito ipinagbawal ang pagbabasa ng Noli Me Tangere. ~Defense of Rizals Noli Me Tangere~ Narration1: Sa sobrang kasikatan ng Nobela ni Rizal, nagging usap-usapan ito sa Senado ng espanya. Idinipensa ito ng kanyang mga kaibigan na sina Marcelo H del Pilar, Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, at iba pang repormista. Di rin nagpatalo ang kanyang kastilang propesor sa ateneo na sina Don seggismundo Moret, Dr. Miguel Morayta, at Propessor blumentrittiskolar at kaibigan ni rizal. Ngunit ang pinakamagaling na pagtatanggol ay galing kay Rev. Vicente Garcia, isang pilipinong katolikong iskolar. Garcia: Hindi mangmang si RIZAL! yun ang sabi ni padre Rodriguez. Dahil siya ay nagtapos sa Unibersidad ng mga kastila at higit sa lahat siya ay isang iskolar na may mga karangalang natanggap. Dagdag pa ni padre Rodriguez, hindi inaatake ni Rizal ang simbahan at ang espanya bagkus ang mga kastilang opisyales at mga sugapang mga prayle at HINDI ang simabahan. Sinabi din ni padre Rodriguez na kung sino man ang bumasa sa nobelang iyon ay magkakaroon ng mabigat na pagkakasala. Yaman din lamang na binasa niya ang nobelang iyon, siya ay mapapalagay na nagkasala rin!

Narration2: Dahil sa labis na pagtatalo tungkol sa controbersyal na nobela ni rizal, pinagpilitan ng mga prayle ang malacanang na paalisin na si Rizal sa bansa. Pinakiusapan nila ang gobernador heneral ngunit tumanggi ito. Pinayuhan niya na lamang si rizal na magpakalayo-layo para sa ikaliligtas ng kanyang pamilya. Terrero: Rizal, kakailanganin mo ito para sa iyong mga minamahal sa buhay at para na rin sa sarili mong kaligtasan. Mag-iingat ka! Rizal: Ito lamang po ang tatandaan nio, kahit anong mangyari, ginawa ko lamng ang dapat. Ginamit ko lamang ang aking kakakayahan sa paglikha ng mga kapakipakinabang na mga katha. Paalam!

Bicol University College of Nursing 1st Semester

CHAPTER 5 & CHAPTER 6


Script
Submitted by: GROUP 3 CARMELLA RODOLFO JELDY TORRE KIMBERLY SEVERINO MARIZ LEBITANIA MARC GENER LOTERTE DONNA THEA YANZON SWITZEL PASCUAL CHRISTINE MAE CLERIGO LEAN NEBRES

Submitted to: YULO PAULO MARBIDA

Professor

You might also like