You are on page 1of 2

PANGKALAHATANG PANANAW Malaki ang nagagawa ng salita sa pagpaparating ng anumang kaisipan o damdamin sa kinauukulan.

Lahat ito ay may mga kahulugan na umaayon sa pagkakataong pinaggagamitan. Subalit, pagminsay hindi umaangkop ang nasabing salita ayon sa sining ng pagpapahayag para maging kawili-wili ito sa mambabasa o tagapakinig. LEBEL NG MAMBABASA O TAGAPAKINIG Sa pagpapahayag isang magandang layunin ang pagsasaalang-alang ng tagapagsalita ang tungkol sa uri ng mambabasa o tagapakinig. Kinakailangang iangkop ang bigat ng mga salitang gagamitin sa pakikituon upang maging kaayaaya ang pagpapahayag. Halimbawa ay ang pakikipag-usap sa taong may pinag-aralan ay nangangailangan ng mga salitang angkop sa kanila. Gayundin naman ang mga magsasaka, taga-palengke, mga bata, mga matatanda at mga kabataan. Bawat isa dito ay may kani-kaniyang lebel ng pag uunawa. Upang makatiyak ng epektibong pakikipagtalastasan ang tamang pagpili ng salita ay dapat iangkop sa kanilang panlasa, pandama at antas ng kaganapan. TATLONG URI NG SALITA SA PAGPAPAHAYAG Ang salita sa pagpapahayag ay may tatlong uri. Ito ay upang higit pang maipaliwanag ang wastong pagpili at paggamit ng salita. Ang mga ito ay napapalawak at napapayaman sa tulong ng mga panlapi. 1. Likas mga salitang katutubo. Taal na terminolohiyo na sadyang kanya. Halimbawa: buwan, batis, ilog, tulay, balon, langit. 2. Likha mga salitang sadyang upang makatugon sa hinihingi ng pagkakataon o ng panahon. Halimbawa: bahagi ng pananalita tulad ng pandiwa, pang-ukol, retorika 3. Hiram o Hango mga salitang hinihiram mula sa ibang wika para sa ikauunlad ng ating saraling wika. Halimbawa: telebisyon, trak, editor, reporter, lider, gasolina ANG PANLAPI SA TATLONG URI NG PANANALITA Pasulat man o pasalita ang pagpapahatid ng diwa ay lubhang mahalaga pa rin ang pagpapalawak ng kahulugan ng mga salita. Ang bagay na ito ay mangyayari lamang kung ang
---------------------------------------------------------------------------------------From old Teachers Review Lectures Compilations. Cannot be reproduced. For more details, please contact SMART Teachers.

panlapi ay iuugnay sa mga salitang likas, likha at hiram. Sa pamamagitan ng mga panlapi ay napapaunlad ang mga ito. HALIMBAWA: Likas mapaumaga mapatanghali Likha mapakadalubhasa pagsasantabi Hiram mag-edit magreport mapabukid mapaibayo binabae ipasadiyos magtelebisyon magsosyal

---------------------------------------------------------------------------------------From old Teachers Review Lectures Compilations. Cannot be reproduced. For more details, please contact SMART Teachers.

You might also like