You are on page 1of 1

LKS 2 Mga Benenisyo ng Pananampalataya kay Hesus 1.

Pagpapawalang-sala: Dahil sa grasya ng Diyos, ikaw na makasalanan ay ibinilang na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus (Roma 3:23-24). Si Hesus, bagamat walang-sala, ang siyang nagpasan ng iyong mga kasalanan (1 Pedro 2:24). Ikaw, bagamat makasalanan ay pinawalang-sala dahil sa katuwiran ni Kristo (2 Cor.5:21) 2. Kapayapaan: Noon, dahil sa iyong mga kasalanan, ikaw ay nasa estado ng rebelyon laban sa Diyos (Roma 3:9-20). Ang poot ng Diyos ay nakatuon sa iyo (Roma 1:18; Efeso 2:3). Ngunit dahil sa pagpapawalang-sala, ikaw ngayon ay may kapayapaan sa Diyos (Roma 5:1). Mula sa pagiging kaaway ng Diyos, ikaw ngayon ay kasundo ng Diyos (Roma 5:10). 3. Karapatang maging anak ng Diyos- Nang ikaw ay manalig kay Hesus, ikaw ay pinagkalooban ng karapatang maging anak ng Diyos (Juan 1:12; Galacia 4:5) Ikaw ngayon ay malayang lumapait sa sa Diyos at tawagin siyang Ama (Mateo 6:9; Galacia 4:6). Bilang isang perpektong Ama, perpekto rin ang pangangalaga niya sa kanyang mga anak. 4. Pagpapabanal- Sa pagkilos ng Banal na Espiritu, patuloy na babaguhin ng Diyos. Unti-unti ka niyang huhubugin upang maging katulad ni Kristo sa kabanalan (2 Cor. 3:18; 1 Tesalonica 4:3-4). Sa iyong araw-araw na pakikipaglaban sa kasalanan, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng pagnanais at kapangyarihang mamuhay ng wasto. 5. Katiyakan- Ang mga tunay na mananampalataya ay nasa ilalim ng proteksyon ng Diyos kaya naman siya ay mananatiling ligtas (John 5:24; John 10:27-30). Ang katiyakan na ito ay hindi dapat kamitin upang mamuhay sa kasalanan (Tito 2:1114). Mga Responsibilidad ng mga Nananampalataya kay Hesus Ang mga responsibilidad na ito ay hindi dapat ituring bilang mga pabigat. Ang mga itoy dapat gawin natin nang may kagalakan; at ito ay para sa ating ikalalago. 1. Pag-aaral ng Bibliya- Ang bibliya ay ibinigay ng Diyos upang ihanda tayo sa lahat ng mabuting Gawain. Ito ay sapat upang punan ang lahat n gating pangangailangang ispirituwal (2 Timoteo 3:16-17) 2. Panalangin- Ang walang-patid na pananalangin ang kalooban ng Diyos para sa kanyang mga anak (1 Tesalonica 5:17; Colosas 4:2). Tayo ay inuutusan na lumapit sa kanya sa lahat ng hinaing ng ating puso (Filipos 4:6; Mateo 7:7) 3. Pakikilahok sa Iglesya- Yamang natutunan mo na ikaw ay inampon ng Diyos bilang kanyang anak, dapat mo ring malaman na hindi ka nag-iisa sa pamilyang ito. May mga kapatid ka at sila ay mga kaanib ng iglesya (Mga Gawa 2:47). Sa disenyo ng Panginoon, ang kanyang mga anak ay dapat magsama-sama upang palaguin ang bawat isa (Hebreo 10:24-25) 4. Pagsamba- Ito ay pagbibigay halaga at respeto sa Diyos sa ating iniisip, binibigkas at ginagawa (Roma 12:1). Dapat natin siyang sambahin una, sa ating pribadong buhay. Ikalawa sa pampublikong pagsamba kasama an gating mga kapatid (Juan 4:23-24) Ito ay katangian ng lahat ng totoong mananampalataya (Filipos 3:3). 5. Matuwid na pamumuhay- Dapat tayong mamuhay nang karapat-dapat sa pagkakatawag sa atin ng Panginoon (Efeso 4:1) Dapat lamang na kakitaan tayo ng pagbabago sa ating buhay (1 Pedro 4 3-4). Tayo ay iniligtas ng Panginoon para sa mabubuting gawa (Efeso 2:10).

You might also like