You are on page 1of 4

A. I NTRODUKSYON Sa lalong bumibilis na mundo na ating ginagalawan ngayon, ang pagkahapoay lalo ring naging kapansin-pansin.

Ang pagkahapo o stress ay isang bagay nahindi mahihiwalay sa buhay ng tao. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halosaraw-araw. Nararanasan ito kahit saan man tayo magtungo. Madalas itongnararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral.Nararanasan din ito ng mga taong mayroong problema sa pamilya at iba pang mgapersonal na suliranin.May mga ibat ibang dahilan sa pagkaranas ng pagkahapo. Maaaring hindikomportable ang isang sitwasyon para sa isa ngunit ito ay maaaring masaya namanpara sa iba. Hindi dapat nating isipin na iisa lang ang uri at sanhi ng pagkahapo nanararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at dapat nating tuklasin angmga sanhi at kung ano nga ba talaga ang pagkahapo.Sa pag-aaral na may pamagat na Ibat Ibang Pamamaraan ng Pagkontrol ngPagkahapo ng mga mag-aaral, masusing tatalakayin ang pagkahapo sa buhay ngmga mag-aaral. Aalamin ng pag-aaral na ito ang mga naidudulot ng pagkahapo sakani-kanilang kalusugan at pamumuhay. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin rinang mga ibat-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasan angpagkahapo at kung ano ang epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila. B. L AYUNIN NG P AG AARAL Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na:1 . T u k u y i n k u n g a n o a n g k a r a n i w a n g n a k a k a p a g d u l o t n g p a g k a h a p o s a m g a mag-aaral.2 . A l a m i n k u n g a n o a n g e p e k t o ng pagkahapo sa isang mag-aaral.3.Tukuyin ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo4.Alamin kung gaano kaepektibo ang mga pamamaraan sa p a g k o n t r o l n g pagkahapo. .K AHALAGAHAN NG P AG AARAL Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin kung aling mga bagay angnakakadulot sa pagiging hapo ng mga mag-aaral at kung aling mga diskarte oparaan ang kanilang ginagawa upang maibsan ito. Sa pamamagitan ng pagaaralna ito, maaaring makahanap ng mga mabisang paraan ang mga mag-aaral kungpaano nila mababawasan ang pakiramdam ng pagiging hapo na siyang nagsisilbingbalakid sa kanila upang magawa nila ang kanilang mga gawain na puno ng kalidad.Makakapagbigay kaalaman din ang pamanahong papel na ito sa mga guro,pro o mga magulang na gustong malaman kung paano nilang matutulungan angkanilang mga estudyantet mga anak upang mabawasan ang pakiramdam ngpagkahapo na siyang maaaring dahilan ng kanilang pagiging iritable, pagka-malungkot o kayay paghina ng kanilang kalusugan.Bagamat limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral maaaringsabihin na naaangkop pa rin ito sa ibat ibang uri ng mga mag-aaral sapagkat halospareho lamang ang dinaranas na pagkahapo ng mga mag-aaral na ito na maaaringhatiin sa tatlong aspeto: sa personal na buhay, sa pag-aaral at sa kalusugan. D. S AKLAW AT L IMITASYON Ang sakop ng pag-aaral ay ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol ngpagkahapo ng mag-aaral. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanunganupang makapangalap ng datos.Sampung mag-aaral ng Flos Carmeli ang sumagot ng talatanungan. Inabotng isang araw ang pamimigay at pangongolekta ng datos. Nakapokus ang pag-aaral sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante.Sapagkat kulang sapanahon ang mga mananaliksik, maaring makaapekto ito sa lawak ng pag-aaral. E. D EPINISYON NG MGA T ERMINOLOHIYA Upang mas maunawaan ng mga mamababasa ang pag-aaral na ito, naritoang ilan sa mga terminilohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan pararito: Bawalnagamot mga uri ng gamot na hindi legal na ibinebenta samerkado. Halimbawa nito ay ecstasy; kemikal na nakakaapekto sa utak nanagdudulot ng ng pagbabago sa ugali at kilos ng tao na kadlasa'yhumahantong sa pagkalulong Bisyo kaugaliang imoral, tiwali, o nakakapagpababa ng pagkatao Disposisyon estado ng utak ukol sa mga bagay-bagay. Emosyon ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot,pagmamahal, atbp. Kaibigan isang tao na kapantay nito sa abilidad, edad, o social status Kapaligiran ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa isang tao; isanglugar na nakapaligid sa isang tao o bagay. Karamdaman ito ay ang estado ng pagkakaroon ng sakit resulta ngkaramdamang pangangatawan o pang-isipan. Karanasan ang pag-oobserba o pag-eengkwentro sa mga bagay-bagay habang ang mga itoy nagaganap sa kurso ng oras. Kontrol maehersisyo ang kontrol o pagbibigay ng direksyon sa iba omga bagay: mangibabaw Memorya ang kakayahan ng pag-iisip na alalahanin at panatilihin angmga impormasyon, impresyon, pangyayari, mga nakaraang engkwentro, atbp Sintomas isang senyales o indikasyon ng isang sakit, lalong-lalo natuwing nakararanas ang isang tao ng pagiba mula sa karaniwanggawi,pakiramdam, ohitsura. Stimulus - isang bagay na maaaring magdulot ng madaliang pag-responde o kaya'y pakiramdam Tahanan isang lugar kung saan nakatira ang isang pamilya. Ditomaaring magkaroon ng interasyon ang mga myembro ng pamilya. Ang pagkahapo o stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito aynararanasan ng bawat indibidwal, lalo na ng mga tao na nagtatrabaho at mga mag-aaral, sa magkakaibang antas at kadahilanan. Masasabing ang bagay na nagbibigayng pagkahapo sa isang tao ay maaring hindi naman magdulot ng pagkahapo saibang tao. Bagkus, ang sanhi at uri ng pagkahapo na nararanasan ng bawat tao ayhindi magkakatulad. Kailangan nating maging mapanuri upang lubos natingmaunawaan kung ano nga ba ang pagkahapo.A.A NO ANG PAGKAHAPO ?Ang pakahapo o stress ay anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibongpakiramdam at damdamin sa isang tao. Ang isang sitwasyon ay maaring magingkahapo-hapo sa isang tao, ngunit hindi para sa isa pa. Bagkus, hindi lahat ng taoay nakakaranas ng iisang pakiramdam at damdamin kapag nahahapo. (Whitman et.al. 1985) Ang pagkahapo, sa larangan ng medisina, ay isang pisikal, kemikal, oemosyonal na pangyayari na nagdudulot sa pisikal o mental na karamdaman.(Funk and Wagnalls New Encyclopedia, 1986)B. I BA T IBANG URI NG

PAGKAHAPO Ang pagkahapo ay isang karamdaman na nalilikha kapag tayo ay kumikilosbilang tugon sa isang pangyayari. Ito ay paraang ng katawaan upang harapin angisang hamon at mga mahihirap na sitwasyon na may halong pokus, lakas, atpagkaalisto. (Lyness 2007) Ang mga pangyayaring nagdadala ng pagkahapo aytinatawag na stressors at sinasakop nito ang ibat ibang pangyayari. (Lyness 2007)Habang nakararamdam ng pagkahapo ang mga tao, nawawalan sila ng kontrolsarili. Pinatunayan ng mananaliksik na ang mga taong nakararanas ng pagkahapoay mas madalas ang pagliban sa kanilang diyeta, paginom ng mas maraming kape,mas madalas na paninigarilyo, pagbale-wala ng mga gawaing bahay, pagkalimot ngmga kasunduan sa mga kaibigan, at pagiging iresponsable sa pananalapi. Sila rinay nagiging sumpungin, iritable, magagalitin, at agresibo. Ang pagkahapo aynakasisira ng mga matatag na kundisyon at damdamin (Challem 2007) Ang pagkahapo ay isang sikolohikal na reaksyon sa isang hindi komportableo pamilyar na stimulus . Dahil sa stimulus na ito, nagkakaroon ng pagbabago sakatawan gaya ng pagtaas ng pagkaalisto, pagkabalisa, pagtaas ng heart rate atsobrang pagpapawis. Ang depinisyon ng pagkahapo ay mapapalawak ng tatloniyang uri: Acute Stress, Episodic Acute Stress at Chronic Stress. Ang Acute Stress ay ang pinakamadalas na uri ng stress na nagaganap. Itoay mula sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng isang tao.Ang Episodic Acute Stress ay nangyayari sa mga taong madalas nanakakaramdam ng acute stress . Kasama dito ang mga taong palaging nakararanasng kaguluhan at krisis na nagdudulot ng matinding pagkabalisa.Ang Chronic Stress ay nagagaganap sa mga taong hindi makahanap ngparaan upang masolusyonan ang isang masamang sitwasyon. Itoy nagdudulot napagkasira ng isip, ng buhay at ng pangangatawan ng isang tao. (Grossman 2008)Ang pagkahapo ay naglalabas ng hormone na tinatawag na corticotropin-releasing factor o CRF . Ito ang nagsisimula ng biological response kapag maynaramdaman na pagkahapo ang katawan. Tumataas ang antas ng CRF sa ibatibang bahagi ng utak dahil sa pagkahapong nararamdaman. Ayon sa mganakaraang pag-aaral, natuklasan na ang pag-abuso sa droga ay nagpapataas dinng antas ng CRF. Nagpapahiwatig ito na may neurobiological na kaugnayan angpagkahapo sa pag-abuso sa droga. Naglalabas din ito ng neurotransmitter na norepinephrine na kinakailangan sa memorya. Ito ay isang dahilan kung bakit masnatatandaan ng mga tao ang mga oras ng pagiging hapo kaysa sa mga karaniwangkaranasan. (Jaff-Gill et. al. 2007)Noong 1974, inilimbag ni Richard Lazarus ang isang modelo na naghahati sa eustress at distress. Sinasabing eustress ang nagaganap kapag ang pisikal atmental na gawain ay pinagtitibay ng pagkahapo. Kapag ang stress ay paulit-ulit athindi maresolba ng pagaalinsunod, ito ay tinatawag na distress . Ang distress aymaaring magdulot ng anxiety at depression. Mga Karaniwang Pagkahapo :Pagkahapong Pangkaligtasan: Maaaring narinig mo na ang flight or flight.Ito ay karaniwang tugon sa panganib sa lahat ng hayop at tao. Kapag ikaw ay takotna ang isang tao o isang bagay ay maaaring saktan ka pisikal, ang katawan mo aytumutugon sa pamamagitan ng biglang paglabas ng enerhiya para ikaw ay masmakaliligtas mula sa mapanganib na sitwasyon (fight) o takasan ito (flight). Ito angpaghahapong pangkaligtasan.Pangkaloobang Pagkahapo: nahuli mo na ba ang iyong sarili na nag-aalala samga bagay na wala kang magagawa o mag alala sa wala talagang kadahilanan? Itoang pangkaloobang pagkahapo at ito ay isa sa mga pinaka mahalagang klase ngpagkahapo na dapat intindihin at kontrolin. Pangkaloobang pagkahapo ay kungsaan ang mga tao ay ginagawa nila ang sarili nilang nahapo. Ito ay kadalasangnangyayari tuwing nagaalala tayo sa mga bagay-bagay hindi natin kayang kontrolino ilagay ang sarili natin sa mga sitwasyon na alam nating lilikha ng pagkahapo. Ilansa mga tao ay nahihilig sa klase ng minadali, banat, uri ng pamumuhay na angsanhi ay ang pagiging hapo. Humahanap din sila ng mga nakahahapong mgasitwasyon at nararamdamang pagkahapo ukol sa mga bagay na hindi nakahahapo.Pagkahapo sa kapaligiran: Ito ay tugon sa mga bagay sa kapaligiran na nakakalikha ng pagkahapo, gaya ng ingay, pagdami ng tao, at pagdidii mula sa pamilya otrabaho. Ang pag ukol sa mga kapaligirang pagkahapo at pagkatuto para maiwasanang mga ito o harapin ag mga ito ay makatutulong mapababa ang antas ngpagkahapo. Pagkahapo sa trabaho: Para makisabak ng matagumpay, ang mgakompanya ay hindi kakayaning matulog . Mas kaunting trabahador rin ang kayangmawalan ng komunikasyon tuwing katapusan ng linggo o bakasyon. (Challem2007) Ang pagkahapong ito ay nililikha sa matagal na panahon at maaringmakapagod sa iyong katawan. Maaaring ang sanhi nito ay lubusang pagtratrabahosa iyong trabaho, eskwelahan, o tahanan. Ito ay maaari ring likha ng hindi pag-alam kung papaano gamitin ng wasto ang oras o pagliban ng oras para sa bakasyono pahinga. Ito ay maaaring isa sa mga pinakamahirap na klase ng pagkahapo naiwasan dahil maraming tao ang nakararamdam na ito ay labas at wala sa kanila angkontrol. Maraming tao ang hindi nakapagbabakasyon dahil sa presyon sa trabaho atpagkaalista. Marami sa kanila ang ayaw magpaliban dahil natatakot sila satrabahong nakaabang sa kanilang pagbalik. (Challem 2007)Ang pagkahapo sa mga personal na ugnayan. Ang madalas na pagtatalo athinanakit ay nakadaragdag sa pagkahapo. Maraming gulo sa mga ugnayan aykinahahantungan sa mga pangunahing isyu, gaya ng problema sapakikipagugnayan at pagtangkang kontrolin ang ibang tao. (Challem 2007)Pagkahapo mula sa kakulangan ng pahinga. Ang pagkahapo at ang mataasna antas ng cortisal ay nakagagambala sa pagtulog na dumaragdag sa lalongpagtaas ng antas ng cortisal . Ang cortisal at kakulangan sa pagtulog ay parehongmas madalas na nag diyabetes, obesity at heart disease. (Challem 2007)Pagkahapo mula sa pagsakay sa pampasaherong sasakyan. Ang pagsakay sapampasaherong sasakyan papunta at pabalik sa trabaho ay isa pang kadalasangdahilan sa pagkahapo ng maraming tao. Nakaiinis na maipit sa gitna ng trapiko atwala kang kapangyarihang gumawa ng kahit ano para takasan ito. Ang pagkahapoay umaapekto sa ating neuronutrients at neurotransmitters . (Challem 2007)C. S ANHI AT S ALIK NA N AGDUDULOT NG P AGKAHAPO Maraming sanhi ang stress at ito ay magka-iba sa iba-ibang indibidwal. Angiyong itinuturing na nakahahapo ay depende rin sa maraming mga dahilan kabilangna ang iyong personalidad, abilidad sa paglutas ng problema at ang mga taongnariyan para sumoporta. Ang isang bagay na nakahahapo sayo ay maaringnakatutuwa pala para sa iba. (Jaff-Gill et. al. 2007) Ayon sa Holmes-Rahe LifeStress Inventory, ito ang mga Unang Sampung nakahahapong pangyayari:1 . P a g k a m a t a y n g A s a w a 2 . D i b o r s y o 3 . P a g h i h i w a l a y n g m a g - a s a w a 4 . P a g k a k u l o n g 5 . P a g k a m a t a y n g i s a n g m a l a p i t n a kamaganak6 . K a r a m d a m a n 7 . P a g - a a s a w a 8 . P a g k a w a l a n g T r a b a h o 9 . P a g k a s a - a y o s n g r e l a s y o n g m a g - asawa 10. Pagbitiw mula sa trabaho Mga karaniwang dahilan ng pagkahapo sa pag-aaral: Transisyon . Bawat taon ay isang transisyon sa iyong anak. Mga bagongguro, bagong silid-aralan, at mga bagong inaasahan ay nakadaragdag sapagkabalisa ng isang mag-aaral. Ang pagkabalisa ng isang mag-aaral aynagsisimula sa unang araw ng pasukan, ngunit hindi iyon nagtatapos doon. Angpinakamatinding transisyon ay ang simula ng hayskul. Mga marka at report kard . Para sa isang mag-aaral na nagpupunyagi sapag-aaral, ang report kard ay maaaring magkumpirma ng pagkabuway. Kahit parasa magagaling na mag-aaral, ibig sabihin ng report kard ay maaaring hindipagkamit ng mga layunin na kanilang itinalaga sa kanilang sarili. Kadalasan, angmga mag-aaral ay nagbibigay ng mabigat na dalahin sa kanilang sarili dahil sa mgasimpleng takda sapagkat silay nag-aalala sa kanilang mga marka. Mayroon silangpakiramdam na ang isang pagsusulit o sanaysay ay sisira sa kanilang pagkakataonna makapasok sa isang magandang kolehiyo. (Britt, H., 1992) Mga Takdang-aralin at mga Proyekto .

Minsan, kapag ang isang takdang-aralin ay masyadong mahirap, itoy ginagawa ng magulang. Ito ang isa sapinakamalaking pagkakamali na magagawa ng isang magulang sapagkat ninanakawnito ang oportunidad ng bata na matuto. Ang pinakamalala, ito ay nakadaragdagsa pagkahapo. (Holmes, R., 1992) Pagpapasaya sa magulang . Para sa mga nakararaming kabataan, angpinakamalaking pagkahapo ay ang maging kasiya-siya sa kanilang mga magulang.Marami ang nakakaalam na ang kanilang mga magulang ay may lubos nainaasahan sa kanila kaya naman silay natatakot bumagsak. Dala nila ito sa lahatng kanilang mga gawain. Hindi na nila sinusubukang gumawa ng ibang bagay satakot na mabigo. (Egan, J., 1992) D. E PEKTO NG P AGKAHAPO SA A SPEKTONG S IKOLOHIKAL NG I SANG M AG AARAL Ang mga epekto sa pag-iisip ay ang kahirapan sa pag-iisip ng mabuti,pagiging makalimutin, kawalan ng pagiging malikhain at paggawa ng mga desisyon,at ang pagkawala ng kakayahang makita ang bagay na nakakatawa . (Martiquet,n.d.)Ang pagkahapo ay nagdudulot sa katawan ng pananakit ng ulo, pananakit ngtyan at dibdib, pagtaas ng blood pressure at pagkakaroon ng problema sa pagtulog.Ayon sa pananaliksik, ang pagkahapo ay maaring magdulot o magpalala sa ilangsintomas o karamdaman. (Chang, 2006).Ang pagkahapo sa paaralan ay mas malala ngayon kung ikukumpara noon.Sa sobrang tindi ng pagkahapo ng kabataan, minsan ito ay umaabot sapagpapakamatay. Ayon sa Capable Kids Counseling Centers, isang Americanteenager ay nagtatangkang magpakamatay bawat 78 segundo. (Atkins, A., 1992)Ang pagkahapo ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na karamdaman, itorin ay may masamang epekto sa mental na kalusugan. Habang nagtatagal, ito aynagdudulot ng mental na problema, tulad ng: Pagkabalisa Kalungkutan Problema sa pagkain, at Pag aabuso ng substansiya(Jaff-Gill et. al. 2007)Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa utak, particular na dito ay angmemorya, ngunit ang epekto nito at nag-iiba depende kung ito ay acute o chronic.Epekto ng Acute Stress sa memorya at konsentrasyon Ayon sa mga pag-aaral, ang agad-agad na epekto ng acute stress ay angpagbaba ng kalidad ng short-term memory , particular nito ang verbal memory . Angpositibong epekto naman nito ay sa mataas na lebel ng stress hormone sa acutestress ay inaasociate sa magandang memory storage and mataas na konsentrasyonsa mga importanteng pangyayari. pekto ng Chronic Stress sa memorya Kung ang pagkahapo ay naging chronic , ang mga naapektohan nito aynakararanas ng pagkawala ng konsentrasyon sa trabaho at bahay, at sila aymaaring mawalan ng silbi at maging malapitin sa disgrasya. Sa kabataan, angsikolohikal na epekto nito ay ang pagbaba ng kalidad ng pagkatuto. Ang chronic stress sa matatanda ay nakakadagdag sa memory loss.Samantala, ang anxiety o pagkabalisa ay mistulang naghahasik ng kaguluhansa limbic system, isang bahagi sa ating utak na nagkokontrol sa ating mgaemosyon. Isang parte ng limbic system na pinakaapektado ay ang amygdala. Angamygdala ay kabilang sa pakikiramdam at sa pagresponde sa mga fear-evokingstimuli. (Sapolsky 2003)Ang pagkakaiba sa karanasan na dulot ng eustress o distress ay malalamansa pamamagitan ng pagkakaiba sa mga karanasan (totoo o kathang isip lamang),personal na inaasahan at mga pamamaraan upang makaraos sa pagkahapo. Angisang taong nakakamit ang kanyang pansariling ekspektasyon ay walangnararamdamang pagkahapo, kahit ang kondisyon ng kanyang pamumuhay aynegatibo sa pananaw ng iba. Halimbawa, ang isang taong minarkahang mahirap ay maaaring hindi dumanas ng pagkahapo kung sapat ang kanyang kinikita para sakanyang mga pangangailangan. Kung mayroong patuloy na pagkakaiba sa pagitanng karanasan at mga inaasahan, ang pagkahapo ay maaring humupa sapamamagitan ng pagsasaayos ng mga inaasam nang makamit ang mgakasalukuyang mga karanasan o kondisyon. Ang mga nakababahalang karanasan,ito may totoo o hindi, ay maaring magdulot ng isang stress response . (Sapolsky2003)May mga epekto rin ang pagkahapo sa pag-uugali at kilos ng isang tao.Kasama dito ang pagiging palautos at palapintas, ang sobrang paggamit ng alkoholo tabako, pagkain ng marami, at ang pagkawala ng kakayahang makapagtrabahong mahusay. (Martiquet, n.d.)

Ang mga emosyonal na epekto ng pagkahapo ay ang pag-iyak, pagigingnerbiyoso, at pagkabahala. Kasama pa rito ang pagkainip o boredom (walangkahulugan nakikita ang tao sa kanyang mga gawain o sa kanyang buhay), pagigingmatatakutin, pagkakaroon ng impresyon na hindi na maaabot ang pagbabago, atkalungkutan. (Martiquet, n.d.)E. E PEKTO NG P AGKAHAPO SA A SPEKTONG P ISIKAL NG I SANG M AG -

AARAL Ang mga pisikal na epekto ng pagkahapo ay ang pagsakit ng ulo, pananakitng tiyan, kahirapam sa pagtulog, masakit na likod at leeg, pagbilis na pagtakbo ngpuso, at ang pakiramdam na walang katahimikan o pahinga. (Martiquet, n.d.)Ang pagkahapo ay maaring maging pangunahing kaaway ng kalusugan dahilmalaki ang epekto nito sa immune system , mas madalas na nakararanas ngmatinding karamdaman ang katawan. Respiratory conditions gaya ng hika, aymaaring lumala. Maaari ring tumaas ang blood pressure na pwedeng dumagdag sa chronic high blood pressure. Lalong titindi ang pagcontract ng puso na siyangnagpapataas ng antas ng free fatty acids na maaaring bumara sa arteries namasama para sa puso.Ang pananakit ng ulo ay madalas na nauugnay sa pagkahapo. Itoynangyayari dahil sa biglaang pagsakit ng anit, ulo, at muscles sa leeg. Ang masmatinding pagkahapo ay dumaragdag sa muscular tension na makikita sa pananakitng ulo, likod, leeg at iba pang pananakit sa katawan.Ang pagkahapo ay mayroon ring epekto sa nutritional status ng katawan at immune response sa sakit. Upang makamit ang mga demands ng pagkahapo,mahalaga na mapanatili ang nararapat na nutrisyon sa pagkaroon ng balansengdiyeta. Ang pagkain ng masyadong marami o konti at pagkain ng mga mali at hindimasusustansyang pagkain ay maaring makaimpluwensya sa pagdanas ngpagkahapo. (Bairds 2008)

You might also like