You are on page 1of 4

Review the following topics:

Basic Economic theories and principles (resources, capital , technology, human resource) Importance of Studying Economics Historical development of Economics as a discipline Basic Demand and Supply concepts Monetary policy Fiscal Policy (Taxation and its importance) Different sectors of the economy (agricultural, industry, trade and finance) Microeconomics and Consumer behaviour (Consumer rights) Price Control (government intervention on supply and demand equilibrium) Deficits and surpluses (Government Budget) GNP and computations Concept of globalization Issues confronting Philippine Economics

Sample problems: 1. Lahat ng hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto upang masagot ang kailangan ng tao ay tinatawag na A. Puhunan B. Teknlohiya C. Lakas paggawa D. Pinagkukunang yaman 2. Kung mas maraming inaangkat na tsokolateng Hershey ang bansa kumpara sa nabubuong tsokolateng Goya sa Pilipinas, ang industriya ng tsokolate sa Pilipinas ay A. Bababa B. Tataas C. Katamtaman D. Walang mababago 3. Kung ang halaga ng isang bagay ay mas mataas kumpara sa dating halaga nito noong isang buwan, lahat ay maaaring gawin ng isang rasyonal na mamimili maliban sa: A. Maghahanap ng substitute o pamalit sa produkto B. Maghihintay ng sale o pagbaba ng presyo C. Hindi bibili ng bagay na ito D. Bibili kahit mahal 4. Nagbabayad ang bawat mamamayan ng buwis dahil sa mga kadahilanang nabanggit maliban sa: A. Pagnanais ng dagdag pondo sa kaban ng yaman B. Pagnanais na mabawasan ang kita ng mamamayan C. Pagnanais ng malawig na pagpapatupad ng proyekto D. Pagnanais na mapaunlad ang pampublikong sektor ng bayan 5. Dahil sa nais ni G. Sto. Domingo na maparami ang kanyang produksyon sa bigas, bumili siya ng maraming traktora upang mapabilis ang pagsasaka at pag aani ng bigas. Ito ay bahagi ng anong salik ng paggawa? A. Lakas - paggawa B. Entreprenyur C. Teknolohiya D. Lupa

6. Si Gina ay isang entreprenyur. Kung siya ay may problema sa kanyang mga tauhan, kinakausap niya ito nang masinsinan upang maayos ang kanilang tingin sa trabaho. Bihibigyan niya ng karampatang benepisyo ang mga trabahador niya. Anong katangian ng entreprenyur ang kanyang pinakikita? A. Magaling magpasiya B. Magaling magplano C. Magaling magpatakbo ng negosyo D. Magaling makitungo sa trabahador.

Para sa tanong 7 10, tingnan ang talahanayan sa ibaba:

Iskedyul ng Demand at Suplay


ng Video Games Price P500 P400 P300 P200 P100 Unang Bagong Demand Demand Suplay 10 20 30 40 50 30 40 50 60 70 50 40 30 20 10

7. Batay sa talahanayan, kung ang presyo ng video games ay nasa P400, ang bilang ng demand ay suplay ay A. Bababa B. Tataas C. Katamtaman D. Magkaparehas 8. Kung ang dami ng demand ng video game ay 70 at ang suplay ay 10 ang presyo ay A. Bababa B. Tataas C. Katamtaman D. Magkaparehas 9. Kung ang halaga ng video game ay P300, ilan ang maaaring isuplay batay sa talahanayan? A. 50 B. 40 C. 30 D. 20 10. Lahat ay maaaring dahilan kung bakit may pagbabago sa demand ng video games maliban sa: A. Pagkakaroon ng kalamidad B. Pagtataas ng halaga ng video game C. Pagkakaroon ng mataas na kompetisyon ng video game sa merkado D. Pagtaas ng halaga ng materyales na ginagamit sa paggawa ng video game

11. Kung ang isang video game ay nagkakaroon ng huwad na etiketa (label), ano ang maaaring gawin ng isang mapanuring konsumer? A. Isuplong sa pulis ang pirating etiketa. B. Bilhin ang video game dahil mura. C. Maglahad ng reklamo sa DTI. D. Bumili ng imported na game. 12. Bakit mahalagang humingi ng resibo ang bawat mamamayan? A. Dahil karapatan ng bawat maimili ang magkaroon ng resibo B. Dahil kailangan ito para pagpapalawig ng pondo ng pamahalaan C. Dahil mahalaga ito para malaman ang TIN number ng nagbebenta D. Dahil kailangan ang resibo para sa warranty o sa pagsosoli kung may sira 13. Kapag may bagyo o kalamidad, ang pamahalaan ay nagpapatupad ng ____ upang protektahan ang mamimili. A. Price index B. Price Subsidy C. Price Control D. Price Support 14. Kung nais matuto ng isang tao ng mga kursong teknikal at bokasyunal, sila ay dapat pumunta sa anong ahensya ng pamahalaan? A. Commission on Higher Education B. Department of Trade and Industry C. Department of Labor and Employment D. Technical Education and Skills Development Authority 15. Ang mga naglalakihang kompanya sa telekomunikasyon sa Pilipinas tulad ng Globe at Smart ay halimbawa ng anong uri ng merkado A. Oligopolyo B. Monopolyo C. Korporasyon D. Kompetisyon

Sagot: (Change the font to BLACK to VIEW) 1. D 2. B 3. D 4. B 5. C 6. D 7. D 8. A 9. C 10. A 11. C 12. D 13. C 14. D 15. A

You might also like