You are on page 1of 5

Aralin/Antas ng Grado: Pamagat: Kasanayang Pampagkatuto:

Grade 7 Kasaysayan Ang Batayang Heograpikal ng Pilipinas Ang kaalaman ng mga magaaral sa mga teorya ng pagkabuo at pinanggalingan ng bansang Pilipinas. Malikhain Paggamit ng likas na kayamanan ng Pilipinas sa pagbuo ng mga bagong produkto.

Pagpapahalaga:

Mahalagang Isyu: Pagpapahalaga sa likas na kayamanan ng Pilipinas ____________________________________________________________________________________ _____ I. Layunin Pagkatapos ng aralin na ito, dapat maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: Maibahagi ang nalalaman tungkol sa heograpiya ng Pilipinas Magkaroon ng panimulang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng pinagmulan ng Pilipinas Mabatid kahalagahan ng dami ng kayamanan ng Pilipinas

II. Kakailanganing Pang-unawa Ang ating bansa ay mayroong napakaraming likas na kayamanan ngunit hindi ito nagagamit sa tamang paraan. Mahalagang matutunan natin na tangkilikin at pagyamanin ang sariling atin. III. Mahalagang Tanong

IV. Buod ng Programa Ang programang ito ay tungkol sa heograpiya at kasaysayan ng Pilipinas. Ipinakita rin dito ang mga dahilan at teorya sa pagkabuo ng mga isla ng bansa. Sa bandang dulo rin ng palabas ipinakita ang dami ng likas na kayamanan natin. V. Pagganyak na Gawain Bago ipakita ang palabas, hatiin ang klase sa grupo ng 5 hanggang 7 (depende sa bilang ng magaaral sa klase). Bigyan ang mga miyembro ng sapat na oras upang mapagusapan ang kanilang kaalaman tungkol sa heograpiya ng Pilipinas. Maari magsulat ang mga mag-aaral ng mga katanungan tungkol sa kasaysayan ng pagkabuo ng Pilipinas.

Matapos ang pag-uusap, tumawag ng isang miyembro sa grupo upang ipabahagi ang napagusapan.

VI. Panonood Ipaalala, o sabihin ang mga sumusunod: Ang ipapakita ko sa inyo ay isang maikling palabas na nagpapakita ng kasaysayan ng heograpiya at pinagmulan ng ating bansa, Pilipinas. Dito rin ipapakita ang dami ng likas na kayamanan ng Pilipinas dahil na rin sa kinalalagyan nito. Ipalabas na ang Kasaysayan, Ang Batayang Heograpikal ng Pilipinas

VII. Paglinang ng Aralin 1. Mga Tanong tungkol sa Programang Napanood 2. Tungkol saan ang mga ibinahagi ng bawat tauhan sa palabas? Naintindihan ba ang bawat paksa na ibinahagi ng mga tauhan?

Mga Gabay na Tanong tungkol sa Paksa ng Programa Tungkol saan ang Batayang Heograpikal ng Pilipinas? Ano ang kasaysayan ng pinagmulan ng Pilipinas? Ilan ang ganap na bilang ng isla ng Pilipinas? Nasaan ang kinatatayuan ng Pilipinas dito sa Asya? Ano ang Area of Responsibility?

3.

Pangkatang Gawain Pabalikin ang mga estudyante sa kani-kanilang mga grupo bago sila nanuod. Ang bawat grupo ay kailangan makatapos ng isang simpleng poster na may adbokasiya tungkol sa kung paano mapagpapahalagahan ang likas na kayamanan ng bansa.

VIII. Paglalagom at Pagpapahalaga Sa pagtatapos ng klase, tanungin ang: Bakit marami ang likas na kayamanan ng Pilipinas, saan ito nanggaling? Bakit importanteng pahalagahan natin ang likas na kayamanan ng Pilipinas? Ano ang magagawa mo bilang isang magaaral upang linangin ang likas na kayamanan ng Pilipinas?

IX. Takdang Aralin Sakaling hindi natapos ang mga poster na ipinagawa, bigyan sila ng mas mahabang panahon at ipauwi ito upang mas maging maayos pa ang kinalabasan.

Kung natapos naman nila ang kanilang gawain, pasulatin ang mga mag-aaral ng isang reflection paper tungkol sa kanilang natutunan sa ipinalabas na video. Kailangan nila itong ipasa sa susunod na araw.

Aralin/Antas ng Grado: Pamagat:

Grade 7 Kasaysayan Ang Pag-aaral ng Kasaysayan

Kasanayang Pampagkatuto: Ang kasanayang pampagkatuto ng episode na ito ay ang kaalaman ng mga magaaral sa importansya ng kasaysayan ng Pilipinas at ang ugnayan nito sa ating mga buhay. Pagpapahalaga: Proactive (Pagkamaagap) Ang mga Pilipino ay dapat matutunang mahalin ang kasaysayan ng sariling bansa upang maging aktibo sa pagbuo nito.

Mahalagang Isyu: Ang mahalagang isyu sa episode na ito ay ang importansya ng bawat mamamayan sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas ____________________________________________________________________________________ _____ I. Layunin Pagkatapos ng kursong ito, dapat maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: Maiugnay ang mga pangyayari sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa Pilipinas noon. Makapagsasaliksik ng iba pang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Makagawa o maisulat ang kanilang pansariling kasaysayan.

II. Kakailanganing Pang-unawa Ang ating bansa ay dumaan muna sa napakaraming pagsubok bago natamo ang kalayaan na mayroon tayo ngayon. Dahil dito, mahalaga na makita natin ang kahalagahan ng kalayaan na tinatamasa ng bawat isa sa atin. III. Mahalagang Tanong Mayroon ba tayong parte sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas? IV. Buod ng Programa Ang palabas na ito ay itinatalakay ang kasaysayan ng Pilipinas. Dito ipinapakita ng kahalagahan ng mga pangyayari noon sa pagkamit ng ating kalayaan ngayon. Pinapakita rin sa programa ang ibat ibang mga eksperto na nakapanayam upang magbigay-linaw sa manonood tungkol sa mga rebolusyong humubog sa ating nasyon at dahilan ng bawat pagbabagong ito. Sa pagtatapos ng palabas, sumagot ang mga

eksperto ng mga tanong na galing mismo sa mga manonood na ipinarating sa pamamagitan ng isang liham.. V. Pagganyak na Gawain Bago ipakita ang palabas, hatiin ang klase sa grupo ng 5 hanggang 7 miyembro: Bigyan sila ng sapat na oras upang mapag-usapan ang pinagmulan ng pangalan ng bawat isa. Ipaliwanag sa klase ang kahulugan ng gawain: Na katulad ng kanilang mga pangalan, mayroon ding napakaraming mga salik, internal at eksternal, na humubog sa Pilipinas na kinabibilangan natin sa kasalukuyan.

VI. Panonood Sabihin na: Ang palabas na ibabahagi ang ukol sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kahalagahan ng ating papel sa pagkakabuo ng ating kasaysayan. Ipapanood sa kanila ang Kasaysayan: Ang Pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas

VII. Paglinang ng Aralin 1. Mga Tanong tungkol sa Programang Napanood 2. Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas? Aling bahagi ng programa/palabas ang pinakatumatak sa inyong pusot isipan?

Mga Gabay na Tanong tungkol sa Paksa ng Programa Tungkol saan ang Kasaysayan ng Pilipinas? Ano ang halaga nito sa ating buhay ngayon? Bakit dapat maging interesado tayo sa pag-aaral ng kasaysayan?

3.

Pangkatang Gawain Pabalikin ang mga estudyante sa kani-kanilang mga grupo bago sila nanuod. Ang bawat grupo ay mabibigyan ng papel na naglalaman ng mga halu-halong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa isang papel naman ay ang mga petsa ng mga pangyayari. Bigyan sila ng 5 hangang 10 minutos upang idugtong ang tamang petsa sa tamang pangyayari sa kabilang papel. Matapos ito, siyasatin ang mga sagot at bigyan ng katumbas na puntos.

VIII. Paglalagom at Pagpapahalaga Sa pagtatapos ng klase, tanungin ang:

Mahalaga ba na malaman natin ang sarili nating kasaysayan? Ipaliwanag ang iyong pananaw. Paano natin maipapakita ang ating pagpapahalaga sa ating kasaysayan?

IX. Takdang Aralin Magsaliksik ng isang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na hindi nabanggit sa materyal na ipinalabas. Ikwento kung ano ang nangyari, sanhi nito, at ipaliwanag kung ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon.

You might also like