You are on page 1of 1

James Carlo Lara HUB11 Sex-For-Flight

Madaming tao ngayon ang naghahangad na makapagtrabaho sa ibang bansa o ang makauwi sa kanilang bansang sinilanganan ngunit wala silang pantustos o panggastos para sa tiket ng eroplano. Kaya naman maraming babae ang nagbebenta ng kanilang katawan upang matustusan ang kanilang pangangailangan.

Ang Sex-For-Flight ay ang pagbibigay aliw ng mga kababaihan o ang pagbenta ng kanilang katawan sa mga dayuhan upang makaalis patungo sa ibang bansa o pauwi ng ating sariling bansa. Ito ay nagaganap sa pamamagitan ng mga illegal na ahensya na naghihikayat sa mga kababaihan upang gawin ang karumaldumal na bagay na ito. Ang mga sangkot dito ay ang mga illegal na ahensya. Ito ay maiiwasan kung mahuhuli o mabubuwag ng ating gobyerno at mga opisyal ang mga ahensyang gumagawa ng mga bagay na gaya nito.

Iniimbestigahan na ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ang mga pangyayaring gaya nito sa mga kababayan natin sa ibang bansa. Ang pagtratrabaho ng mga kababaihan bilang panandaliang aliw para lang magkapera at makabili ng tiket ng eroplano ay minsan na hindi lang dahil sa wala na silang ibang paraan kundi ginugusto na din nila ito dahil nga sa madaling pagkita ng pera sa gawaing ito.

Sa ganitong pamamaraan, hindi lang nila binibigay ang katawan at puri nila kundi pati dignidad at pagkatao nila. Dinudungisan nila ang imahe ng mga babaeng Pilipina na nagiging dahilan upang isipin na ang lahat ng kababaihan sa ating bansa ay ganoong klase ng babae. Kaya naman dapat nadin maitigil ang mga ganitong pangyayari at magtrabaho na lang sila ng tama para sa ikabubuti ng sarili at ng ating bansa.

You might also like