Professional Documents
Culture Documents
04.Pm. Theme Song - Magkaisa Ipaglaban Ang Angking Dangal 9.5.2013 at 1am

Verse 1:
Ako'y nilikha sa wangis ng Maykapal, Dinala ng aking ina sa kanyang sinapupunan, Iniluwal na may dignidad, laya at karapatan, Dinamtan ng pag-ibig, puri at karangalan.
Chorus:
Magkaisa, ipaglaban ang angking dangal; Magkaisa, itaguyod ang angking karapatan. Bigyang-tinig bibig kong binusalan; Pangamba'y pawiin, pag-asa'y simulan. Magkaisa, ipaglaban ang angking dangal.
Verse 2:
Katawan ko ay sagrado at banal, Bawat ugat, bawat dugo, bawat laman, Bawat pintig, bawat mithiin, bawat isipan Tumitibok, dumadaloy na may kalayaan.
Chorus:
Magkaisa, ipaglaban ang angking dangal; Magkaisa, itaguyod ang angking karapatan. Bigyang-tinig bibig kong binusalan; Pangamba'y pawiin, pag-asa'y simulan. Magkaisa, ipaglaban ang angking dangal.
Bridge: Hindi ako isang kasangkapan, Na pilit na ikinakalakal. Tao akong may kalayaan; Dangal ko nawa'y ipaglaban.
Chorus:
Magkaisa, ipaglaban ang angking dangal; Magkaisa, itaguyod ang angking karapatan. Bigyang-tinig bibig kong binusalan; Pangamba'y pawiin, pag-asa'y simulan. Magkaisa, ipaglaban ang angking dangal.
Magkaisa, ipaglaban ang angking dangal.