You are on page 1of 16

PROYEKTO SA MAKABAYAN

Isinumite ni: Rj B. Quizon

Isinumite kay: Gng. Serbuena C. Quitain

Anyong Lupa

Kapatagan Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.

Bundok Ang bundok ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.

Bulkan Ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing pagputok. Ang isang bulkan ay maaring maging di-aktibo o dormant(di nagkakaroon ng pagputok) o aktibo (may panahon ng pagputok).

Burol Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksyon ng dalusdos ng ungos na walang malinaw na tuktok. Maliit na burol ang isang punso.

Lambak Ang lambak ay patag na lupa na pinapaligiran ng dalawang bundok. Ang lambak ay isang uri ng lupa kung saan may mga parte na hindi pantay pantay ang lupa.

Talampas Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin bilang pantayanin, bakood, atbakoor.

Baybayin Ang dalampasigan o dalampasig ay ang anyo ng lupang mabuhangin na katabi ng katawang tubig ng dagat. Kilala rin ito bilang baybayin, aplaya, tabingdagat, pasigan, baybay-dagat, lambay, pundohan, at palanas. Tinatawag itong pampang kung katabi ng ilog ang anyong lupa, na maputik imbis na mabuhangin.

Bulubundukin Ang bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa. Mailalarawan ito bilang matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

Pulo Ang pulo o isla ay isang piraso ng lupa mas maliit sa kontinente at mas malaki bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit pulo na hindi napakikinabangan tinatawag na islet sa Ingles. na sa na ay

Mayroong tatlong karaniwang uri ng pulo: pulong kontinental, pulo sa ilog, at pulong bulkan.

Kweba Ang yungib o kweba ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop. Lungib o alkoa ang tawag sa mga yungib na nasa ilalim ng mga anyo ng tubig. Kabilang dito ang mga groto. Isang halimbawa nito ang Kuwebang Tabon sa Palawan, Pilipinas. Tinatawag namang kaberna ang isang malaking kuweba.

Tangway Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory) ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit.

Desyerto Sa heograpiya, ang isang desyerto, disyerto, ilang, ulog ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang ilang bilang mga lugar na tumatanggap ng karaniwang presipitasyon na bababa sa 250 mm (10 pulgada).

Anyong Tubig

Karagatan Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361kilometro kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat.

Dagat Ang dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng isang malaking lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay (Dead Sea). Ang Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan.

Ilog Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa mga tao noong prehistoriko, ay itinuturingpinagmumulan ng mga kabihasnan.

Look Ang look (Ingles: gulf, bay, harbor, sound, inlet) ay isang baiya na maaaring gamitin bilang kanlungan ng sasakyang pandagat,katulad ng mga bapor, partikular na kung may malalakas na mga bagyo. Ito ang tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang tawag sa malalaking look. Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang pinakapanloob at kurbadang rehiyon ng isang golpo. Isang halimbawa nito ang look ng Maynila.

Lawa Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa. May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas hidro-elektriko, mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang pagkunan ng tubig.

Bukal Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.

Kipot Ang kipot o kakiputan Isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang Pulo.

Talon Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.

Batis Ang batis, ilug-ilugan o saluysoy ay isang anyo ng tubig na may patuloy na agos sa pinanggagalingan nito. Karaniwan nang malinis at malamig ang tubig sa batis na madalas matatagpuan sa gitna ng mga kakahuyan sa gubat.

Sapa Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init.

Makasaysayang Pook

RIZAL SHRINE SA CALAMBA- Itinuturing na makasaysayanang Rizal Shrine sa Calamba Laguna sapagkat dito lumaki si Dr. Jose Rizal.

RIZAL SHRINE SA DAPITAN- matatagpuan sa Zamboanga del Norte. Sa lugar na ito ipinatapon si Rizal ng pamahalang Espanyol dahil sa isang kasalanang ibinintang sa kanya.

FORT SANTIAGO-Nasa Intramurros, Maynila. Dito ikinulong ng mga Espanyol si Rizal bago barilin sa Bagumbayan ( Luneta)

RIZAL PARK- Matatagpuan sa Luneta sa Maynila. Dito binaril ng mga sundalong Espanyol si Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896.

AGUINALDO SHRINE - Sa kawit Cavite matatagpuan. Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo. Sa balkonahe ng bahay na ito inihayag ni Heneral Aguinaldo ang kalayaang Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1898.Kasabay nito ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataun. Sa pagkakataon din ito unang pinatugtog ang Himig ng Lupang Hirang ang ating pambansang awit.

PUGAD-LAWIN-matatagpuan sa Lungsod ng Quezon. Dito naganap ang makasaysayan Sigaw sa pugad lawin noong ika-23 Agosto 1896.

KRUS NI MAGELLAN- Sa Lungsod ng Cebu matatagpuan. Isang replikan nalamang ang makikitasa loob ng gusali. May walong dingding o hugis octagon.

PALASYO NG MALACANANGmatatagpuan sa Maynila. Ito ay opisyal na tirahaan ng Pangulo ng Pilipinas. Itnayo ito noong panahon ng pananakop ng mga Espanyo.

SIMBAHAN BARASOAIN- Malolos Bulacan matatagpuan, Sa Simbahang ito unang nagpulong ang mga hinirang na kinatawan sa Kongreso ng Malolos noong ika15 ng Setyembre 1898. Dito Binuo ang saligang batas ng Malolos sa pamumuno ni Felipi Calderon.

CORREGIDOR- Sa isang pook ng look ng Maynila ang Corregidor, ito ay sakop ng Cavite. Naging tangulan ito ng mga Pilipino nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa. Ang mga sundalong Pilipino at Americano ay magkasamang lumaban sa mga sundalong Hapones. Ipinamalas nila ang kanilang tapang at galing sa pakikipaglaban.

DAMBANA NG KAGITINGAN- Samat Bataan. Isang malaking krus.Ito ay itinayo bilang parangal sa mga sundalong Pilipino at Amerikanona lumaban sa mga Hapones noong ikalawang Digmaan Pandaigdigan.

EDSA SHRINE- makikita sa Edsa Shrine sa panulukan ng Ortigas Avenue at Edsa. Nakaharap ang dambana sa Edsa.

You might also like