You are on page 1of 1

Ginalyn Gayguer

Ang No Garbage, No Exit Policy ay isang uri ng polisiya na nagsasaad na ang mga estudyante ditto sa paaralan ng NLNCHS ay hindi pwedeng lumabas sa kampus na walang dalang nakatiklup na basura. Kailangan nilang magtapon ng isa hanggang limang patrayanggulong basura bago makalabas sa kampus. Dahil sa polisiyang ito ay natuto ang mga estudyante na huwag itapon ang kanilang basura sa kung saan saan, sa halip ay ipunin ito at tiklupin na patrayanggulo. Kaya naman, hindi na dumadami ang mga kalat sa loob ng kampus. Sa pagpapatupad ng polisiyang ito, nagkaroon din sila ng kaalaman sa tamang pagtataponng basura ayon sa Municipal Waste Segregation Program. Maliban pa dyan ay naipapabatid ang kahalagahan ng malinis at maayos na kapaligiran at nababago rin ang mga maling kaugalian ng mga estudyante sa pagtapon ng basura. Sa kabuuan ay malaki ang naitutulong ng polisiyang ito hindi lang sa kapaligiran kundi pati narin sa disiplina sa sarili ng mga estudyante

You might also like