You are on page 1of 2

Pinoy, Boto mo, Responsibilidad mo!

Sa nalalapit na May 13 mid term elections, magsisimula na naman ang bagong pagbabago. Gamit ang dulo ng marker ating mapapabago ang takbo n gating bansa. Sa ating mga kamay nakasalalay ang kapalaran at kaunlaran. Kung kaya atin sanang tandaan ang mga katagang ito: maging responsible at matalino sa pagboto. Kampanya rito, kampanya doon. Sari- saring pakwela ang ginagawa ng mga tumatakbo para mapansin ng sambayanan. Lahat sila pagbabago ang reporma. Totoo nga ba? Mga kababayan ang pagboto ay isang sugal. Itataya mo ang iyong boto sa kandidatong akala mo mapagkakatiwalaan, akala mo mapapakinabangan at akala mong magseserbisyo ng taos puso. Susubukan mo kung tama nga ba ang pinili mo at tama ang nagging pagpapasya mo na siya ang ilulukluk mo sa pwesto. Atin munang siyasating mabuti, tayong mga Pinoy ang pipili , tayo ang huhusga at ang magdedesisyon kung sino ang karapat dapat sa pwesto na magseserbisyo sa publiko. Tayo ang magninilay kung sino ba talaga kinakailangan ng gobyern. Ngunit anon a nga ba ang nangyayari ngayon? Mag ama, magkapamilya , magkalaban na sa pulitika? Tama ba talagang paniwalaan ang kawikaang, Walang pami-pamilya basta pulitika!? Naku naman, malilito na talaga ang mga Pinoy nito. Isa pang problema ay ang kampanya, idadan sap era? Malaking pagkakamali niyon. Tayo ay binigyan ng karapatang bumoto, hindi na ibenta an gating mga boto. Di ba gusto naman ng lahat ay pagbabago, ngunit pera lang ba talagaang magpapatakbo ng mundo? Hindi ba pwedeng pagserbisyo, paglilingkod at pagpapakumbaba lang muna? Oo, kailangang-kailangan natin ng pera upang may ipantustus sa ating pangangailangan. Sino ba naman ang makatatanggi kung pera na ang lalapit sayo? Maging wais namna Pinoy! Kung gusto niyo ng pera at pagbabago sabay, eh di gamitin niyo ang utak niyo! Kunin ninyo ang pera nang kung sinong kandidato ngunit botohin ang talagang karapat dapat. Pero hanggat kinakailangan, dapat nating iwasan at tigilan ang pandaraya sa panahon ng halalan. Dahil wala tayong magawa kundi ang magsisi sa oras na ang pinili natin ay yaong tutunganga lang pala sa pwesto. Eh siya yung lugi, di ba tayo? Sinuswelduhan sila, mangungurakot, samantalang tayo, hinuhugutan rin ng salapi sa pamamagitan ng buwis?

Mali yata yon! Kung kayat alagaan ang bawat boto! Dahil Pinoy, boto mo, responsibilidad mo! At sa boto mo magsisimula ang pagbabago!

You might also like