You are on page 1of 12

/05/ Asian Academy

Umaga na.

Ang aga ko naman ata magising. 7:30 palang naman. -__Ano bang dapat kong gawin ngayon? Wala naman si Riley dito eh. Nasa condo siya ni Kc. Pero ano? Oo tama! Condo. Pero paano nangyari yun? Akala ko nag rent 'tong si Kc diba nga 'yung independent thing niya? Pero ngayon condo? Ugh! Ngayon ko lang naalala.

Gising na kaya si Riley? Maitext nga si Kc. Pagkakita ko naman sa cellphone ko. Puro text at tawag ni Kc. Ugh oo nga pala.

Naalala ko na naman 'yung nangyari kagabi.

Ayoko nalang isipin.

Sehun..

Nakakapanggigil ka.

Anong araw ba ngayon? Pagtingin ko sa kalendaryo!

"SHIT! NGAYON PALA DAPAT AKO PUPUNTA SA ASIAN ACADEMY!! TEKA 8:20 PINAPUPUNTA?!"

PA NAMAN AKO

Tumakbo na ako ng cr para maligo, nag ayos, nag suot ng simpleng jeans at tshirt. Paniguradong nasa school na si Kc nito. Ugh! 8:00 pasok nila eh.

Tumakbo na ako papalabas ng makita kong may kotse na pamilyar sakin.

Ito 'yung gamit niya 'nung una kaming nagkita.

Andaming nakapaligid doon sa kotse. Pero hindi naman lumalabas 'yung nasa loob. Siya kaya 'yun?

Maya maya may lumabas. Pero hindi si Sehun.

Si Kai.

Anong ginagawa niya dito? Bakit gamit niya 'yung kotse ni Sehun?

Marami akong narinig na puro compliment sakaniya. Puro ''Ang gwapo niya," Ang tangkad niya", "artista ba siya?", at marami pang iba. Bigla siyang lumapit sakin.

Bigla naman siyang natawa 'nung nag step backward na naman ako. Lumapit siya ulit at bumulong.

"Kerry wants me to fetch you.. And so I did.. "

Nakanganga naman ako 'nung sinabi niya 'yun. Si Kc talaga .

"Uhmmm..Ok?..."

Nag smile naman siya sakin then bumalik sa kotse at binuksan 'yung kotse. Tapos tumingin siya sakin na parang sinasabing 'pasok ka na' na naka grin.

Ano ba yan Kai! Wag kang ganyan! Huehue >/<

Pumasok naman ako. Ayoko namang mag pa special pa. Yung mga tao naman kung makatingin sa kin parang gusto akong saktan. Aish!

Pinaandar na niya yung kotse. Hindi siya katulad ni Sehun mag drive na akala mo eh isang car racing.

Medyo awkward nga kasi walang nagsasalita samin. Gusto ko man magsalita kaso wala naman akong dapat sabihin. Kaya tumahimik na lang ako.

"Skylar..." - kai

Nabigla naman ako ng magsalita siya. Tumingin naman ako sakaniya. Na parang 'Bakit-look'.

"Kerry explains everything to me yesterday. Sorry about what happened...."

Anong sinabi sakaniya ni Kc?

Ano bang isasagot ko?

"Ahh.. Uhmm.,,wag na lang nating pag-usapan..." ayan na lang 'yung sinabi ko. Ayoko na kasi balikan.

Nag smile na lang siya sakin at ganun din 'yung ginawa ko. Bakit ba pag si Kc kasama ko ang ingay ko pero sakaniya hindi ko magawang mag bunganga. Hays --__--

Maya maya.. Nag park siya. Then bumama ng kotse at biglang binuksan 'yung kotse para pagbuksan ako. Ang bilis naman kasi niya kumilos. Ako na sana magbubukas para sa sarili ko kaso 'yun nga ang bilis niya. Pag baba ko ng kotse niya.. ay kotse ni sehun pala.

"Uhmm thank you kai.. pwede bang magtanong?"

"Uh yeah sure.. "

"Diba sasakyan 'to ni Sehun?" -___-

Hindi naman siya sumagot pero nag SMILE lang. HUH?! Ano kaya yun? Nagtatanong yung tao eh. Monggoloid din pala 'tong si Kai eh.

"Tara sasamahan na kita para makakuha ka na ng entrance exam.." bigla naman niyang sabi.

"Bakit mo alam?" pagtatanong ko sakaniya.

"Diba nga sinabi sakin ni Kerry.... lahat lahat...." ano bang pingsasabi ni Kc sakaniya? Haaay. Nakaka curious tuloy.

"Ah..Okaaay :)"

Okay Andito pala kami sa parking lot. Which means walang tao. Grabe naman 'tong mga studyante dito may mga kotse kay babata pa. Siguro lahat sila may mga driver. Wow -___-

Pumunta na kami ni Kai.

PUMASOK na kami sa Asian Academy..

WAAAAAAAAAH! Ang laki laki ng school.

Bigla namang tumingin sakin 'iyong mga students na nakasimangot. Ugh.

Tsk.

"Kai...may dumi ba sa mukha ko? Bakit sila nakatingin sakin?" pagtatanong ko sakanya..

"Wala kang dumi sa mukha. Ganyan talaga sila dito... "

Nag okay na lang ako sakanya, then sabi ko na ituro na lang niya sakin kung saan ako pupunta. Tinuruan naman niya ako. At sinabing kung may kailangan ako itext ko lang daw siya, oo, nag exchanged number kami. Pumunta na naman ako doon para makapag test na.

At ito ngayon.

"Congratulations Ms. Serrano. Welcome to Asian Academy"

"Thank you po! :)"

Oh god. Tanggap ko! Napasa ko yung test. WAAAAAAAAAAAAAAH.

I'm so happy. :))))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

Binigay naman sakin 'yung uniform ko at pumunta ako doon sa may 'STUDENT'S STUFFS' well di ko alam 'yung tawag doon eh. Basta para siyang mini store para sa mga kailangan ng studyante. Aww how nice. Nag pa picture lang naman ako. At ayun may ID na ako. Ang bilis noh?!

Oo nga pala.

Isa akong scholar kaya Libre lahat ako. Except lang sa baon at mga kailangan ko pang iba malamang.

Nagbihis agad ako.

Well, Okay naman sakin 'yung uniform actually maganda naman siya. :)

Ngayong okay na ang lahat.

Saan na ako pupunta?Eh hindi ko pa naman ito kabisado. Text ko na lang kaya si KC?! Aish! Wala pala akong load. Bahala na. Pupunta nalang ulit ako doon sa office para magtanong. Haays.

May binigay sakin na isang student para maihatid ako doon sa 2nd sub na papasukan ko.

GRABE! PAGKATAPOS NITONG YEAR NA TO. FIRST YEAR COLLEGE NA AKO!!

"Uhmmm. Thank you ulit.." pagpapasalamat ko doon sa student na hinatid ako. Nasa pintuan na ako ng makita ko na lahat sila eh sobrang gulo. AISH!

Pumasok ako at nag hanap ng vacant seat. Umupo ako at kinuha ko 'yung librong binigay sakin ni Kc na ''The Girlfriend Curse" ni Valerie Frankel. At ayun nag basa na lang ako. Maya maya may isang babae na tumingin sakin.

"HEY EVERYONE! WE GOT NEW STUDENT OVER HERE!!!" pagsisigaw niya, kaya naman lahat ng student sa room eh tumingin sakin. Waaaaah. -___-

Nakanganga naman ako, hindi ko alam 'kung ano 'yung sasabihin ko. Nag smile na lang ako sakanila. Maya maya may dumating sa room.

Si Sehun..

kasama niya si Kris, Luhan at Kai..

Tumingin siya sakin at agad naman akong umiwas.

You might also like