You are on page 1of 7

Bulong ay hindi uubra upang iparating ang balita sa masa

#NAPOLESZONED
Pahina 2

#NAPOLESZONED
Ilan lamang ito sa mga meme na ginawa ng mga netizens dahil sa asar nila nang puro Hindi ko po alam, I invoke my right, at Hindi ko po mataandan ang isagot niya sa korte.
Matapos sagutin ang ilang tanong sa mga katagang "Hindi ko po alam," noong nakaraang Senate Blue Ribbon committee tungkol sa isyung pork barrel scam, maari nang gumawa ng sariling bersyon ng pelikulang "My Amnesia Girl" si Janet Lim Napoles. Bukod sa "My Amnesia Girl," may isa pang pelikula kung saan sangkot din si John Lloyd ang binibidahan ni Janet Lim Napoles, ang One More Chance. Matapos maghiwalay ng karakter ni Bea Alonzo at John Lloyd ay kahit anong suyo nito hindi pumapalag si Bea. Isa nanamang tanong ang bumabagabag sa utak natin: Sino ang mas matIgas, si Basha o si Napoles?

EDITORYAL
MARAMING nagwi-wish na tanggalin na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ang pork barrel ng mga mambabatas. Maski sa mga survey sa radio at TV programs, mas nakala-lamang ang nagsabing iabolish ang PDAF. Maski ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay malakas ang panawagang tanggalin na ang pork barrel sapagkat pinag-uugatan ito ng corruption.
Naging mainit ang isyu sa pork barrel nang mabunyag ang P10 billion pork barrel scam na kinasangkutan ng JLN group na pag-aari ni Janet Lim-Napoles. Umanoy lumikha ng mga pekeng non-governmental organizations (NGOs) ang JLN para makakuha ng pondo mula sa pork barrel ng mga kongresista at senador. Nasa 24 na kongresista ang inaakusahan sa misused ng kanilang pork barrel samantalang lima naman ang mga senador. Ang bawat kongresista ay may P70 million na pork barrel para sa kanilang pet project at P200 million naman sa bawat senador. Ayon sa whistleblower, nakakubra ang JLN nang malaking pera gamit ang mga pekeng NGOs. Pinabulaanan naman ng JLN ang akusasyon. Hanggang ngayon naman ay wala pang ginagawang pagsasampa ng kaso ang Department of Justice. Iniimbestigahan pa raw ito ng National Bureau of Investigation (NBI). Sabi ng mga expert, mahirap daw basta tanggalin ang pork barrel. Siyempre ang unang tututol ay mga mambabatas. Isa pang dahilan kung bakit hindi basta-basta matatanggal ay dahil hindi pabor si President Aquino sa abolisyon nito. Ang patunay na kontra siya sa pagtanggal sa pork barrel ay nang muling isama sa 2014 budget ang P27bilyon pork. Kung ang Presidente ay kontra, mahirap ngang buwagin ang pork. Sa ganitong senaryo, pinaka-mabuti kung uunti-untiin ang pagtanggal sa pork barrel. Bawat taon ay bawasan ito hanggang sa tuluyang mawala. Ganito rin ang mungkahi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. Sa P200 million na pork ng mga senador, gawin na lang P100 million sa 2014, P50 million sa 2015 at zero na sa 2016. Sa mga kongresista na may pork na P70 million, gawing P35 million sa 2014 at P15 million sa 2015 at zero na sa 2016. Posible ang suhestiyon na ito. Unti-untiin ang pag-abolish sa nakakapaglaway na pork.

MaSci @50
Nagsimula ang selebrasyon sa isang misa na pinangunahan ni Fr. Leo Mangunsilad. Pagkatapos noon ay ginunita ang mga nakaraang punongguro na nakapagpatuwid at nagtaguyod ng pinakamamahal naming eskwelahan na ito kung saan dumalo rin ang ating bisepresidenteng si Jejomar Binay. Kinahapunan ay nagtagisan ang ilang mga MaScian upang ipakita ang kanilang mga talento. Kahit mga guro ay nakilahok! Bahagyang umulan nang malapit nang matapos ang programa ngunit hindi ito naging hadlang upang magsaya ang mga kabataan. Ang ikalawang araw ay pinangunahan ng Field Demonstration na nagpapakita ng kultura ng ating bansa dahil ang theme nito ay Folk Dance. Mayroon itong makukulay na costume at masasayang tugtog kaya tiyak ay gigising ang inyong mga lamang loob sa panonood ng mga sayaw na ito. Matapos ang Field Demonstration ay naglunch muna ang mga mag aaral at pagkatapos ay sumabak na sa peryahan. Oo, PERYAHAN SA MASCI! Mayroong ibat ibang booth kung saan pwedeng manalo ng ibat ibang papremyo at may malaking slide pa na suki sa mga kabataan. Sa pinakahuling araw ng Foundation Week ay ipinagdiwang ang Teachers Day kung saan nandoon si Alvin Patrimonio at nagkaroon din ng booths sa hapon. Wala nang mas masaya pa sa pagdiriwang sa Manila Science High School!

ENTERTAINMENT
SENYORA VS. DONYA
Siya ang unang nag-inarte. Walang karapatan mag-inarte ang mga pangit! wika ni Senyora Santibanez sa isang interbyu nang tanungin siya tungkol sa pagpapatamaan nila sa Internet ni Donya Ina.

Nang tanungin naman si Donya Ina, ng isang private reporter, ipinaglaban niyang tinuturuan lamang niyang huwag magfeeling ang kaniyang anak.. Nang makita ni Senyora ang tweet niyang iyon, nagreact daw agad at sunod sunod nang nagpost ng mga litrato niyang noong siyay Beauty Queen pa at ginantihan ng mararahas na salita ang ating inang donya. Ang ating ina namay hindi nagpatalot nagpost din ng kanyang Donya Queen pictures.

Ang cheap! Anong ginamit mo pang-edit? Pizap? Mag-eedit ka na nga lang, hindi mo pa ginalingan! Hampaslupa! aniya ni Senyoara nang makita ang Miss Universe pictures DAW ni Donya.
Kung kayo ang tatanungin, kanino kayo kakampi? Para makalive chat sila, at makapagexplain sila ng kanilang side, magsign in sa donyainavssenyora.com.ph.

GARFIELD

PEANUT COMICS

KIKOMACHINE

D A I L Y

S U D O K U

P U Z Z L E S

You might also like