You are on page 1of 1

Lifestyle Evangelism

Part II Ang Makabuluhang Pakikisalamuha sa Comunidad 10 of 12 Mag-execute ng plano Isa sa mga kahinaan ng culturang Pilipino ay ang lack of foresight pagdating sa maintenance maging sa infrastructure, facilities, sasakyan, o programa man. Hindi napag-iisipan ng husto kaagad ang kinakailangang pangangalaga sa mga bagay na ito para sa ikahahaba ng kanilang useful life. Ang monthly newsletter o buwanang balita ng misyon ay magsisilbing maintenance para sa pangangalaga ng relationship sa barangay leadership. Kailangan na ang sense of ownership ng mga leaders na ito ay mahimas-himas. May mga ilang bagay ang magme-maintain ng interest ng mga liderato ng barangay at maging ng buong neighborhood patungkol sa misyong nagaganap sa kanilang kalagitnaan. Ang mga sumusunod na items ay dapat i-feature sa newsletter: a) b) c) d) progress report ng mga values education clubs, mga nagaganap na seminars, kuwento tungkol sa buhay ng ilang club members, pagpapasalamat sa mga individuals o groups na tumutulong sa misyon at kung paano sila nakatutulong, e) pagpapakilala ng mga members ng barangay council at homeowners associations, f) pagbati sa mga nagdiwang ng birthday o wedding anniversary, g) pag-solicit ng tulong para sa ikauunlad ng barangay. Ang balitang ito na mababasa sa mission newsletter ang magme-maintain at magcu-cultivate ng interest ng mga residente sa kanilang neighborhood. Ang interest na ito ang magtutulak sa kanila tungo sa pagtulong para sa ikauunlad ng kanilang barangay. Ang resulta ay transpormasyon. Balitang Pambarangay. Ito ay laging inaabangan sa barangay hindi lamang ng mga officials kundi pati na rin ng mga residente. Mababasa nila, halimbawa, dito kung sino ang top 10 na nagtagumpay sa paligsahan ng Model Container Farming. Mahihimok ang mga residente na maging busy sa pagtatanim at pagpaparami ng mga halamang gulay. Maaari din naman na mula sa Biyayang Hardin ng green house ng barangay ay makakakuha ang mga residente ng mga binhi para sa kanilang projects. Dahil dito tiyak na mababawasan ang mga walang magawa kundi umistambay, makipagtsismisan, magbabad sa mga bingohan at majungan. Ang ilan sa mga slogan ng mga lifestyle evangelists ay ang Bawal ang tamad sa barangay na ito at Huwag pakainin ang mga tamad. Declara ng chairman on health and sanitation ng isang barangay ang ganito: Nais kong mabinyagan ang ating barangay na Barangay na Malunggay. Bawat tahanan at pamilya ay obligadong magtanim nito sa kanilang bakuran. Hindi lang masarap sa mata ang luntiang kulay ng malunggay kundi mabuti rin ito sa kalusugan ng buhay. Bukod sa pagtatanim ng mga katotohanan ng buhay sa isipan, bahagi ng mga aralin sa values education ng Lambat para sa mga bata at kabataan ang pagtatanim ng gulay para lumusog ang katawan. Kaya naman sa Balitang Pambarangay, inaabangan din kung sino ang mga model teachers o model students ng mga values education clubs. Sa pag-e-execute ng plano, itinatanim ng mga lifestyle evangelists ang pangmatagalang characteristic (long term) na mga gawain na nagbubunga ng transpom asyon. Hindi uubra ang dating gawing ningas cogon sa bahaging ito ng kasaysayan ng ating bayan. Dapat nating isipin na kahit sinong pumalit sa pamunuan ng barangay ay magpapatuloy at mananatili pa rin ang mga problema kapag walang programang para sa transformation. Ang pinakamainam na maipamamana ng isang barangay council sa mga susunod na henerasyon ay ang pamana para sa kaunlaran ng buong bayan.

Institute of Christian Thought

Page 1

You might also like