You are on page 1of 2

Ang Plato ng Pagkatuto Siguro nga normal na gawain na sa amin ang mag sugal.

Sugal sa umaga, sugal sa tangahali at minsan wala pang uwian. Walang pinipili ang pagsusugal sa amin. Mapalalaki, babae,bading,tomboy at bisexual. Hindi ko naman din ikakaikala. Ako si Norberto Bingo Santiago, isang sugarol. Bingo na ang tawag sa akin ng mga tao dito kasi bukod sa palagi akong nasa bingohan, lagi din akong bumibingo sa nanay ko dati. Natatandaan ko na madalas sabihin sa akin ng nanay ko noong piso-piso palang ang tinataya ko, ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Wala pang ipananganak na tatlong taong gulang na kaagad. Hindi lumaon, naratay sa banig ng karamdaman ang nanay ko. Malamang dahil iyan sa walang habas na paninigarilyo niya kaya madalas ko ding sabihin sa kanya noong mga panahong iyon na ang lahat ay nag sisimula sa maliit. Wala pa akong nadinig na pinanganak na tatlong taong gulang na. May halong pagka uyam ang reaksyon niya. Matapos ang 5 buwan niyang pakikibaka sa Tuberculosis., hindi na niya kinaya. Tuluyan na niya akong nilisang nag iisa. Napakasakit ng paglisang yaon. Wala na nga akong tatay,sumakabilang bahay na, at ang nanay ko, nakipag eye ball na kay San Pedro. Tapos ang pinakamalupit pa riyan, single ang status ko. Hindi ko naman maaaring ibuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa pag susugal dahil nangako na ako sa nanay ko na sa abot ng aking makakaya, iiwasan ko na ang pagsusugal. Mahirap man, kailangan gawin. Noong araw ng libing ni nanay, madaming tao ang nakipag libing. Siguro dahil nabalitaan nila ang pansit na ipanangutang ko pa kay aling Tessi Lee, intsik pero hindi mo malaman kung bumbay dahil nag papa utang ng may tubo. Katabi ko si aling Maring, kaibigan, kayosihan at katsismisan. Humahagulgol ito ng pagkalakas-lakas. Daig pa niya ako sa pag iyak niya. Inabutan niya ako ng isang tape. Pagakatapos ng padasal, pinakinggan ko ang tape. Last will and testament iyan sabi ni aling Maring. Nagtataka lamang ako dahil bakit may last will and testament pang nalalaman? Ni hindi nga niya napaayos ang bubong namin. Panay ubo lamang ang madidinig sa tape na ito malamang nirecord ito noong kasagsagan ng T.B. niya kaya nagpasya akong itigil na ang pakikinig sa ubo ni nanay este sa kunong last will and testament. Mabilis na lumipas ang tatlong buwan. Nabubuhay ng normal. Walang bisyo. Maging ang pagsusugal nagawa kong talikdan ngunit naniniwala akong sa mga panahong nagbibingibingihan ka sa bulong ng demonyo, lalo nitong lalakasan ang kanyang bulong. Pare! may peryahan daw diyan sa gilid ng simbahan, tara na. Hindi natiis ng makakati kong paa ang sumama. Nais kong humingi ng tawad sa mga panahong iyon pero noong nakapag taya na ako ang nasabi ko na lamang sa sarili ko ay: Ayos lamang yan! Tutal naman lampas na ang forty days niya. Kapag minamalas ka nga naman oo! Sa dalawang daang pisong itinaya ko, isang plato lang ang nakuha ko? Ano bang kakaiba sa platong ito bukod sa kulay puti, nangingintab,may mantsa sa gilid at namamalikmata ba ako? Sa hindi malamang dahilan, muli akong bumalik sa peryahan at itinaya ang mapalad na limang piso na nakaligtadaan kong itaya. Naging sunod-sunod ang aking panalo. Muling nabuo ang dalawang daang piso. Nagagalak akong umuwi ng bahay upang pasalamatan ang plato. Marahil ito ay isang masuwerteng plato. Hindi! Mahiwagang plato.

Isang maaliwalas na umaga nanaman ang dunatal sa aking buhay. Dahil sa dalawang daang pisong napanalo ko, nakapagkape ako. Katabi ko ang mahiwagang plato ng may dumating. Isang lalaking kilala ko. Malaki ang tiyan animoy sanggol ang dala-dala. Si mang Badong ang aking panauhin. Mangungutang kayo ano? Nakangiti kong tanong. Napakamot ito ng ulo. Pinautang ko ito ng singkwenta pesos. Pero bago ito umalis, nagbigay ako ng isang babala. Magliliparan ang mga plato sa inyong bahay mamaya. Nang makalayo na ito, hinagkan ko ang plato. Sabi ko na e! manghuhulang plato ka. Kinagabihan, napatalon ako sa aking hinihigaan dahil sa pagkagulat. Sa kabila ng ingay ng tahol ng mga aso, nadidinig ko ang ingay ng bunganga ng asawa ni mang Badong at ang mga nababasag na pinggan. Isang nakangiting aling Tessi ang bumati sa akin ng magandang umaga. Himala! Hindi niya naalala ang inutang kong isang libo. Sige, tsaka mo nalang iyon bayaran. Nakangiti niyang sabi. Nakangiti akong sumilip sa pinggan at nakakita ako ng isang bagay. Binalaan ko si aling tessi ukol sa mga nagliliparang tubig. Nakangiti naman itong tumango. Maya-maya, napalitan ang magagandang bati ni aling Tessi ng magandang umaga bagkus, puro malulutong na mura na ang sinasambit nito. Dumaan ito muli sa aking bintana. Basang-basa ang ginang. Iyon naman pala, nabugahan ng pinagmumugan ng asawa ni mang Badong. Hoy ikaw! Ung utang mo? Kalian mo babayaran? mainit ang ulo nito kaya naalala nanaman niya ang pagkakautang ko. Sa araw-araw, palagi akong nag iiwan ng babala sa mga magdaraan sa aking durungawan kaya isang araw, dinagsa ng mga tao ang aking bahay. Napakadami nilang tanong tungkol sa pagiging manghuhula ko. Ito na ang pagkakataon ko. Sa una, bente lang ang sinisingil ko. Kapag alas sais na, nagbibilang na ako ng pera. Nagsimula akong mangarap. Nangarap na magkaroon ng malaking bahay, magandang asawa magarang kotse kahit hindi naman ako marunong mag drive at kung anu-ano pa. dahil sa ambisyong iyon, nagtaas ako ng nagtaas sa paningil. Tuwing lingo, pumupunta ako sa mall para bumili ng magagandang damit at sapatos. Napakasarap ng buhay na tinatamasa ko. Sayang siguro kung buhay pa nanay ko, napagamot ko na siya. Sa puntong ito, nasabi ko sa aking sarili na hindi pala laging masama ang dulot ng sugal. Limang buwan ang lumipas. Nabayaran ko na ang utang ko kay aling Tessi na umabot na sa limang libo. Hindi pa din ako nakapag uumpisang mag impok ng salapi. Sabagay, ngayon lang naman nasunod ang aking luho. Pero isang umaga, may dalawang nag uunahan sa pila. hoy! Ako ang una riyan! Sumulak din ang dugo ng isang lalaki na kapwa naman sumingit lamang sa pila. Nagtulakan ang dalawa hanggang sa nasagi ng isa ang pinakamamahal kong plato. Kasabay na nabasag ng plato ang aking mga pangarap na napakatayog. Paano na ako magkakaroon ng magandang bahay, magandang asawa at magarang kotse? Wala na basag na rin ang pagkakataon. Dahan dahan nag alisan mga tao. Hindi na kasi sila makikinabang e. Ang lahat ay nasawata mula noong nabasag ang manghuhulang plato. Ang dating bantog, ngayon ay dinaig pa ang namatay. Bumalik sa pangungutang dahil ubos na ang kakaunting pera na naipon dahil ilang ulit nag bakasalali na muling makakukuha ng manghuhulang plato. Maraming plato ang naipanalo ko pero ang lahat ng iyon ay mga pangkaraniwang plato lamang. Aanhin ko isang plato kung wala namang pang laman sikmura na ilalagay rito?

You might also like