You are on page 1of 0

Beauty is the Beast Marysol

Tagalog Online Pocketbook 1

















































Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 2




























Unang Inilimbag noong Agosto 2011
Ikalawang Limbag noong Marso 2012
Sa Ilalim ng Tagalog Online Pocketbook

Beauty is the Beast
Ni Marysol (http://www.facebook.com/pages/Marysol-Grace/187504164610525)
Pabalat ni Tinz (http://www.facebook.com/tinzzay101)
Modelo, (Hindi kami ang kumuha o gumawa ng modelo sa pabalat)

2008-2012. Lahat ng karapatan ay reserbado. Ang alinmang pagkakatulad ng mga karakter,
bagay, lugar o pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya dahil ito ay kathang-isip lamang.

Ang ebook na ito ay LIBRE at maaari kang makapagbasa pa ng mas maraming istorya sa
sumusunod na mga pook-sapot.

Official Website: http://tagalogonlinepocketbook.com
Old Stories Archive: http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com
Fanpage: http://facebook.com/reader
Twitter: http://twitter.com/topocketbook

Para sa anumang katanungan, suhestiyon o puna, mangyari po lamang na ipadala ito sa
support@tagalogonlinepocketbook o di kaya ay makipag-ugnayan sa amin sa mga pook-sapot
na nasa itaas.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 3
TEASER

PANGIT yan ang tawag kay Ava noon. Every time na naaalala niya ang mga matatalim
at masasakit na salita na ibinibigay sa kanya ay nasasaktan siya--- well, sino ba naman ang
hindi?
Dahil sa pang- iinsultong natatanggap dahil lamang sa kanya hitsura ay naging mabababa
ang kanyang self esteem. Naubusan na din siya ng pag asa na mayroong makikipagkaibigan at
magmamahal sa kanya. Nagkamali siya doon nang makilala niya sila Alyssa at Sophia. Ibang iba
ang mga ito kahit na magaganda ang mga ito. Mas lalo siyang nagbago ng pananaw ng makilala
pa niya si Steven, minahal niya ito kahit batid niyang masasaktan lang siya dahil ang minahal
niya ay halos isang perpektong tao.
At hindi nga siya nagkamali dahil isang araw, narinig niya ang pag-uusap ng mga
kaibigan nito. Sa bibig mismo ni Steven nagmula ang mga katagang ayaw na ayaw niyang
marinig. Akala niya iba din ito katulad nila Sophia at Alyssa pero isang lang iyong akala. Dahil
sa sobrang nasaktan, minabuti niyang pumunta sa Europe at magsimula ng panibagong buhay
doon.
Pagkalipas ng ilang taon, bumalik si Ava sa Pilipinas. Ngayon ang ugly duckling at beast
ay naging beautiful swan na. Babalikan niya lahat ng nanakit sa kanya--- at unang-una sa listahan
ay si STEVEN SANDOVAL. Pagbabayarin niya ito at sisiguraduhin niyang pagsisisihan nito
ang mga sinabi nito sa kanya. Pero paano kung sa pagbabalik niya ay malaman niyang mahal
niya pa rin ito? Magagawa pa kaya niya ang planong paghihiganti dito?..



Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 4
CHAPTER ONE
26 YEARS old na si Ava ngunit malinaw na malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang mga
taong lumipas. Isang nakalipas na masalimuot at nakakalungkot. Naroon pa rin sa kanyang isipan
ang mga pang-iinsulto, pangmamaliit, at masasakit na mga salita na binitiwan sa kanya dahil
lamang sa kanyang hitsura.
Hindi niya maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ang pagtrato sa kanya ng mga tao, na
para bang may nakakahawa siyang sakit na iniiwasan ng mga ito. Mabuti na lamang at nakatagpo
siya ng mabubuti at tunay na mga kaibigan sa katauhan nila Alyssa at Sophia.
Sila Sophia at Alyssa ay magkababata at parehong sikat sa paaralan dahil sa taglay na
maaamong mukha, katalinuhan, at angking talento. Noong una ay akala niya katulad lang ang
mga ito sa iba na masusungit, mapanghusga at masasama ang ugali na kadalasang nakikita niya
sa may mga magagandang mukha pero nagkamali siya dahil naging kabaliktaran iyon sa
kanyang inaakala at napatunayan niya iyon sa isang pangyayari...
"Hey, here comes the ugly duckling--- oh sorry! What I mean is the beast" madiin na sabi
ng isang babae na seninyasan pa ang isa pang babae. Halatang may gagawin na hindi kaaya-
aya.
Nakayukong naglalakad ang labing-limang taong si Ava sa hallway. Katulad ng dati sa
tuwing napapadaan siya ay naririnig niya ang mga ma-aanghang na salita tungkol sa kanyang
hitsura.
"Ouch!" daing niya nang madapa siya mula sa pagkakapatid.
Tinawanan siya ng mga tao na naroon dahil sa naging ekspresyon ng kanyang mukha.
Lumapit ang dalawang magagandang babaeng may kagagawan ng kanyang pagkakapatid.
They're laughing evily while intently looking at here helpless position on the floor. Sa paningin
niya ay tila nagkaroon ng sungay ang mga mala-anghel na mukha ng dalawa.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 5
"Oops!" sabay takip sa bibig. "Sorry, I thought I saw a walking rug eh" wika ng isa na
nagngangalang Camille.
Tumawa pa ng mas malakas si Aaliyah. "Your right nga sis e, she's like a walking rug---
a fatty, ugly, dirty one" tinignan siya nito mula sa pagkakaupo sa sahig. "Just look at that fats
and that ugly oily face, full of pimples and with a thick glasses pa that look like from decades
ago" marahan ngunit madiin na sabi nito. Iniyuko nalang ni Ava ang ulo dahil in any minute
iiyak na siya at ayaw niyang makita ng mga ito ang kanyang umiiyak na mukha dahil baka lalo
lamang siyang insultuhin ng mga ito.
"Yeah" pinameywangan siya ni Camille at inalapit ang mukha "Way, way disgusting!"
"Eew!" sabay na wika ng dalawa na nag-appear pa at nagtawanan.
"You don't belong in this school cause youre so ugly! You know, your just ruining the
name of this---" naputol ang sasabihin ni Aaliyah nang may magsalita mula sa kanilang likuran.
"If there's any ugly here, its you two! Can you two please have at least some manners!"
Pagkarinig nila nun ay sabay silang napalingon sa bagong dating. "Sophia!" sabay na
wika ng dalawang babae.
"Oh, so its the Jimenez siblings. I was wondering who are making a big fuss here and
turned out the two of you whom by any means are heartless unmannered beings. she paused
and did a quoting sign "bullying and saying harsh words. I should have known its you two
because both of you have bad stinky attitudes!" sita ni Sophia sa dalawa.
"Stay out of this Sop---"naputol na naman ang sasabihin ni Aaliyah nang dumating si
Alyssa, ang president ng Student Council.
"What's happening here?" aniya.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 6
"Well, this two here Al is bullying Ms. Hernandez" sumbong ni Sophia dito.
"Ahh, I see" binalingan nito ng tingin ang dalawa. "You know Ms. Camille and Ms.
Aaliyah Jimenez that this school prohibits bullying right? Do you want me to report this
incidents to the guidance office huh?" mahinahong sabi ni Alyssa pero ang tono ay may halong
pagbabanta.
"N-no, please Ms. President--- it will not happen again we promise!" sabay na wika nila
Aaliyah at Camille at itinaas pa ang mga kanang kamay para mangako kung pwede nga itataas
din nila ang kanilang mga paa para lang hindi ituloy ni Alyssa ang banta, gagawin nila. Ayaw
kasi nilang masuspende.
"Okay, madali akong kausap now go! Before I change my mind" pagbabanta na naman
ni Alyssa.
Mabilis namang kumilos ang dalawa. Mabilis pa sa kidlat na nilisan ng mga ito ang
lugar pero bago tuluyang umalis ay humingi muna ang mga ito ng sorry kay Ava.
"Are you okay, Ms. Hernandez?" nag-aalalang tanong nila Sophia at Alyssa habang
inaaalayan siyang tumayo.
"Yes, I'm okay---" napatigil siya sa pagtayo nang kumirot ang kanyang paa. Mukhang
na-sprain yata ng mapatid siya. Napaupo siya ulit sa sahig dahil sa sobrang sakit ng kanyang
paa. Naalarma naman sina Sophia at Alyssa kaya tinulungan siya ng mga ito na pumunta sa
School Infirmary.
Simula ng makilala niya sina Sophia at Alyssa ay nagbago na ang buhay niya.
Pagkatapos ng insidenteng iyon naging kaibigan niya ang dalawa at naging sobrang malapit sa
isat isa hanggang naging mag-bestfriends na ang turingan nila.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 7
Tuwing naaalala niya 'yon ay hindi niya maiwasang ngumiti dahil hindi lamang puro
sakit ang naranasan niya noon at salamat iyon sa dalawang mabubuting kaibigan. Ang mga
panahon na pinagsamahan nilang tatlo ang isa sa mga iniingatan niyang mga mahahalagang
alaala.
Napabuntong-hininga siya ng maalala ang mga kaibigan. Na mimiss niya na ang mga ito.
Ilang taon na din siyang hindi nakakauwi sa Pilipinas dahil naging busy siya sa Europa kung
saan siya nagtapos ng kolehiyo at dito na rin nagtatrabaho. Ngayon, isa na siya sa mga sikat na
Pattisier sa buong mundo. May naitayo na rin siyang eskwelahan para sa mga taong gustong
maging pastry chief katulad niya.
Naputol ang ang kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan nang marinig niya ang kanyang
cellphone na tumutunog. Speaking of the devil este angel! Naibulaslas niya ng makita sa screen
ang pangalan ni Sophia at sigurado siyang tatawag din mamaya si Alyssa.
"HELLO?"
"Hello dude! It's me Rex."
Napasimangot ang binata at napangunot ang noo. What does this man want now?
reklamong anas niya sa sarili.
"Napatawag ka yata,Rex? Is there any problem? Love problem perhaps?" walang gana
niyang tanong. There would only two possible things why Rex would call him, it is either about
work or it is about Sophia---Rex's girlfriend whom he courted since high school. At alam niya
kung bakit ito tumawag at iyon ay ang huli.
Ilang sandali pa at narinig niya ang pagtawa ng kaibigan sa kabilang linya. "Sira! Its not
about Sophia... okay na kami. Grabe! I have done so many things that I thought I wouldnt ever
do just to please her, I dare to and thank god I received her forgiveness at last. Ang hirap talaga
paamuhin ang isang yon but my sacrifices were all worth it. Well, back to real reason why I
called up. I just wanted to remind you about our school reunion this coming Saturday.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 8
Marahas siyang napabuntong-hininga "Rex, I have told you a lot of times that I can't
come. I'm a busy man, you know that and I still need to finish all these paper works." angal niya.
"Yeah, yeah, yeah I know, but Ive also told you a lot of times that you must come. Dont
you dare refuse me, man. Just set that works of yours aside, okay?"
Ang kulit talaga ng kumag. Muli ay bulong niya sa sarili.
"But---" bago pa siya makapalag ulit ay inunahan na siya ng kaibigan.
"For pete's sake Steven! You can work on that paper works some other time. This reunion
is just for one night. Makakapaghintay yang trabaho mo, tutal naman youre the boss. Also,
everyone is expecting for the appearance of the former basketball captain. So---"
"Okay! I'll come. So stop nagging already." pagsuko niya dahil kung pagpipilitan pa rin
niya ang hindi pagdalo sa reunion ay tiyak na hindi siya tatantanan ni Rex. Kukulitin at kukulitin
siya nito hanggang sa pumayag siya sa gusto nito.
"I'll mark your word Steven. Bye, gotta go now. I still need to fetch Sophia. Dahil baka
iba ang sumundo nun." may halong inis ang huling katagang sinabi nito. "Make sure you'll come
this saturday or else, you'll miss something important" at pagkasabi nun ay pinutol na nito ang
linya.
Naguguluhan siya sa huling katagang sinabi ng kaibigan, youll miss something
important!
Ano kaya yon? Ay ewan! Ang lalaking yon talaga. He heave a sigh and shrugged bago
muling itinuon ang atensiyon sa tinatapos na mga papeles sa kanyang mesa.




Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 9
CHAPTER TWO

Dalawang araw na ang nakakaraan simula nang makausap ni Ava ang mga kaibigan.
Ngayon ay papauwi na siya sa bansang Pilipinas. Hindi alam ng mga kaibigan na ngayon ang
kanyang balik dahil hindi niya naman sinabi, gusto niya kasing sopresahin ang mga ito sa
malaking pagbabagong nangyari sa kanya. Naalala niya ang dalawang araw na nakaraan,
nakakatawa ang mga naging reaksyon ng dalawa nang hindi niya sinabi kung kailan siya babalik.
Parang nakikinita niya ang pagsimangot at pagnguso nila Sophia at Alyssa sa kabilang linya
nang kausap niya ang mga ito.
Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid, nakalapag na rin ang eroplanong
sinasakyan ni Ava. When she set her foot on the ground, wind gently touch her face. Oh, how
she miss this country! How long it has been since the last time she stepped on the Philippines? It
has been almost 10 years.
Paglabas niya sa pinto ng airport ay nakita niya agad ang kanilang mayordoma na si
Aling Lucia. Ito lang ang sinabihan niya na darating siya ngayong araw sa Pilipinas. Nang
makita siya nito ay patakbong tinungo siya nito at mahigpit na niyakap. Close na close siya dito,
simula pagkabata ay ito na ang nag-alaga sa kanya. Ito rin ang isa sa mga naging sandalan niya
nung mga panahong iniinsulto siya ng mga taong kung makapaghusga ay animo'y walang
kapintasan at mga perpekto.
Ilang minuto rin silang nagyakapan. "Kamusta na ang alaga ko?" panimula nito.
"I'm doing good Aling Lucia" aniya, pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Correction, Lucy hindi Lucia" pinameywangan pa siya nito nang sabihin ito.
Bahagyang natawa siya sa inasal ni Aling 'Lucy'. Walang mintis talaga ang kanyang pag-
tawa sa tuwing magkasama sila ng matanda. Nang umalis siya papuntang Europa noon,
nagkadramahan pa sila ngunit ilang minutong matapos ang pag-iiyakan nila ay natawa siya sa
naging banat nito. Dapat daw pag-uwi niya may foreigner daw siyang pasalubong dito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 10
"O, bakit mag-isa ka lang yatang bumalik dito?"
"Uhmm, ako lang po talaga ang bumalik dito. Sina mama kasi at papa ay nagpaiwan doon
dahil magsesecond honeymoon raw ho sila. Natuwa pa nga eh dahil sa wakas makakapagsolo na
silang dalawa. Biniro pa nga ako na pagbalik ko raw doon sa Europa baka nasundan na ako."
patawa-tawa niyang pahayag dito.
"Hindi naman sila senyor at senyora ang tinutukoy ko." napangunot ang noo ni Ava. Ano
ang tinutukoy ni Aling Lucy kung ganun? "Nasaan na yung foreigner na pasalubong ko? Di ba
sabi ko dapat pag-uwi mo may kasama kang foreigner para sa akin?" turan nito. Lihim siyang
natawa, kung ganoon naalala pa rin nito ang naging banat sampung taon na ang nakalipas.
"Naku, pasensiya na po nakalimutan ko kasing ilagay sa box eh. Hayaan niyo po't
ipapapackage ko yon agad bukas" pagsakay niya sa biro nito.
Sa puntong iyon ay humalagpak na sila ng tawa. "Siya, tayo na't magpapahinga ka pa.
Matagal rin ang naging biyahe mo at siguradong may jet lag ka pa. Pedro, Juan kunin niyo na
ang mga maleta ni senyorita Ava." utos nito sa mga kasama nito.
"Pasensya na po Aling Lucy. Mauna na lang po kayo doon sa bahay. Pupuntahan ko pa
po kasi sila Sophia at Alyssa eh. Dala niyo po ba yung kotse ko?"
"Oo, nadala ko tulad na rin ng bilin mo sa akin pero sigurado ka ba talagang kaya mong
magmaneho? Baka kasi kung mapano ka, may jet lag ka pa naman."
"Opo, kaya ko po. Ako pa!"
"Ay sus, itong batang ire. O siya, kung yan ang gusto mo. Lumakad ka na bago magbago
ang isip ko't hindi pa kita patuluyin sa pagpunta mo sa mga kaibigan."
"Salamat po Aling Lucy" aniya saka halik sa pisngi nito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 11
SAKAY ng BMW niya ay tinungo niya ang kinaroroonan ng dalawang kaibigan. Narinig
niya minsan sa mga kaibigan niya noon na balak ng mga ito na magtayo ng isang eleganteng
high class hotel and restaurant. Ngayon nga'y isa na ang SOAVAL hotel and restaurant sa mga
sikat, pinaka-tanyag, at mamahaling hotel and restaurant sa buong mundo. Dito rin natutulog at
pansamantalang namamalagi ang mga dayuhan na hindi lamang basta-basta dahil mga kilala ang
mga ito sa buong mundo--- mga business tycoons, political members, celebrities at iba pa.
Pagtambad pa lang sa kanya ng malaking gate na patungo mismo sa nasabing hotel and
restaurant ay namangha na siya. The gate was so fabulous. It's like a palace's gate. No wonder it's
one of the most prestigious and famous hotel and restaurant in the world. When she was driving
her way to the said hotel, she can't avoid but be amaze at the place. The pathway was surrounded
by Indian trees and by exotic ornamentals coming from the different parts of the world.
Pagkatapos ng apat na kilometrong distansya sa hotel at ng gate, narating na rin niya ang
establishment ng hotel. Kung humanga siya sa gate at sa pathway papunta sa establishment ng
hotel ay mas higit ang naging paghanga niya nang makita mismo ang istraktura ng hotel. Parang
hindi mo masasabing isang hotel iyon dahil mas nagmukha itong palasyo. Makikita rin sa likod
ng hotel ang isang matayog na bundok. Nagsilbi itong magandang background na nagbigay ng
mala-enchanted feeling sa bawat kliyente ng hotel.
Nang makarating sa tapat ng hotel ay pina-ubaya na niya ang kotse sa isang staff doon.
Pagpasok pa lang niya sa hotel ay sinalubong na agad siya ng mainit na pagtanggap ng mga staff.
Tumambad sa kanyang paningin ang isang malaking water fountain sa gitna mismo ng hotel
structured with three beautiful goddess made of glass.
Napahanga siya sa lugar. Bagaman kasusyo siya ng dalawang kaibigan ay wala siyang
gaanong alam sa internal design ng hotel.
Agad siyang tumungo sa reception para matanong na niya kung nasaan ang mga
kaibigan--- kung nandun ba ang mga ito sa office nila. Nang makumpirma na niya na nandun nga
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 12
ang mga kaibigan ay agad siyang nag-isip ng isang alibi para makausap ang mga kaibigan na
hindi man lang niya masasabi ang pangalan kung sakaling tanungin siya ng receptionist.
Sinabihan niya ang receptionist na binastos 'daw' siya ng isang staff ng hotel. Kaya gusto
niyang personal na makausap ang mga may-ari upang magreklamo. Agad namang tumalima ang
receptionist at agad tinawagan ang mga kaibigan niya. Makaraan ng ilang minutong pakikipag-
usap ng receptionist sa may-ari ay binaba na nito ang telepono at pinahatid siya sa isang staff sa
opisina ng mga kaibigan.
Nang marating na nila ang pinto ng opisina ay magalang na umalis ang staff na naghatid
sa kanya. Pagpasok niya sa opisina ay agad tumambad sa kanya ang mga maaamong mukha ng
mga kaibigan. Nakayuko ang mga ito habang busy sa pagpipirma ng mga documento. Kinatok
niya ang pinto ng ika-tatlong beses upang makuha ang atensyon ng dalawa. At pagkatapos ay
isinara ang pinto.
"Good noon, miss. Please have a sit." paanyaya ni Alyssa, itinuro pa nito ang isang
bakanteng upuan. Pero hindi siya tumugon bagkus nanatili pa rin siyang nakatayo doon sa may
pinto.
"Okay, if that's what you want you can remain there standing." mataray na wika ni
Sophia sa kanya. "So, let's get straight to business. Ano po ba yung tinutukoy ninyong problema,
miss?" dugtong nito.
"Ms. Ava Hernandez" aniya.
Nang marinig ang pagpapakilala niya ay agad napatayo sina Sophia at Alyssa. Kumunot
ang noo ni Alyysa at nakataas naman ang isang kilay ni Sophia. Napatawa siya sa mga reaksyon
ng mga ito. Alam niyang hindi naniniwala ang mga ito na siya si Ava. Oo nga pala hindi pa
nakikita ng dalawa ang bagong niyang hitsura. Puro tawag at chat lang kasi silang tatlo at ni
minsan hindi pinakita ni Ava ang kanyang hitsura sa tuwing nagchachat sila.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 13
Kinuha niya ang dalawang cellphone sa bag at tinawagan ang number ng mga kaharap.
Nagring ang cellphone ng mga ito at agad pinindot ang accept call button.
"Hello? Mga bruhang to hindi man lang ako nakilala. Its me Ava. In flesh alive and
breathing."
Dahan-dahang inilapag nila Sophia at Alyssa ang mga cellphone sa mesa. "Oh my God,
Ava!" sabay na tili ng mga ito at patakbong tinungo siya. Tulad ni Aling Lucy ay niyakap din
siya ng mga ito ng mahigpit.
"Kamusta ka na Av? Gosh, napakaganda mo na ngayon ah at ang seksing seksi." Excited
na wika ni Sophia, napangiwi ito nang sikuhin ito ni Alyssa.
"Welcome back Ava. We're so happy that youre finally back. Pero ikaw na ba talaga
yan?" parang batang wika ni Alyssa. Sa pagkakataong ito ay si Sophia naman ang sumiko dito.
"Yeah, the one and only." pagkatapos sabihin iyon ay parang mga sirang pinalibutan siya
ng dalawa at hinanap ang nunal niya sa may batok. Nang makita ito ay nakumpirma na nga ng
mga ito na siya talaga si Ava.
"Ikaw nga si Ava. We missed you so much friend." sabi ng dalawa sabay yakap sa kanya
sa may likuran.
"Kids behave" natatawa niyang saway.
"Loka! Naglunch ka na ba?" ani Sophia.
"Hindi pa. Kararating ko pa kasi galing sa biyahe eh."
"Halika sa restaurant Ava. Kain tayo at magkwentuhan na rin tayo habang kumakain." ani
naman Alyssa.
"Sure. Common, let's go! Gagow." banat niya.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 14
"Tse" sabay na sabi naman ng dalawa.
Pagbukas ni Ava sa pintuan ay natigilan siya nang may makabangga siya. Napasubsob
siya sa malapad na dibdib nito. May katangkaran ito na parang sa isang basketball player at sa
tansya niya ay sobra sa 6'2 feet ang tangkad nito. Feeling niya nanliit siya kahit na matangkad
din siya sa height na 5'8. Sandaling nawala siya sa planet earth she felt secured, napakagaan ng
pakiramdam niya sa dibdib nito na animo'y nakalutang siya sa kalawakan. Somehow, she knew
that she had felt this feeling from before. Nanumbalik lang siya sa katinuan nang marinig ang
pagsinghap ng dalawang kaibigan na parang nakakita ng isang multo. Akmang hihingi sana siya
ng tawad dito pero nang itaas niya ang kanyang mukha para harapin ito ay natigilan siya.
My god its him! He is the man who had hurt her almost ten years ago. The only reason
why she has to go to Europe and heal her broken heart, Steven Sandoval!
"Oh, I'm sorry." anito.
Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili lalong-lalo na kanyang puso na parang
nagwawala sa loob. Kahit na gusto niyang pagsasampalin ito.
Sampalin? Or you want to kiss those red kissable lips? Common, Ava. I know there's still a part
of you, who is still in love with him tudya ng isang parte ng utak niya. No! It can't be. I don't love
him anymore! As a matter of fact, I hate him, kontra naman ng isa pang parte ng utak niya. Sus,
denial. May proweba na nga eh. Kumakabog si heart oh. So that means, youre still in love with
him.
"Shut up!" naibulaslas niya.
"Huh? I beg your pardon?" nakakunot-noong tanong ni Steven sa kanya. Patay! Kahit
kailan talaga oh, pahamak si mind. "Huh? W-what I said is, I-Im sorry too." nagkabulol-bulol
niyang sagot.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 15
"Uhm, Steven! Napadaan ka yata dito? May kailangan ka ba?" salo ni Sophia sa kanya.
Lihim siyang nagpasalamat sa kaibigan dahil sinagip siya nito mula kay Steven. Kanina pa niya
nararamdaman ang kanyang mga tuhod na nangangatog. Alam niyang kung matatagalan pa ang
pag-uusap nilang dalawa ni Steven ay mahihimatay na siya dahil sa sobrang niyerbiyos.
"Well, I'm here because I have a lunch meeting with an important person," tinignan nito
ang pambisig na relo, binalingan na naman siya nito kaya naramdaman na naman niya ang
pagwawala ng kanyang puso. "I'm sorry again, miss. Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
Tumango na lamang siya dahil hindi niya maapuhap ang kanyang sariling boses.
"Okay then. Got to go." anito, pagkatapos ay madali na itong lumakad. Doon na siya
nakahinga ng maluwag. Damn! Why does he still have a great impact in her even it has been
almost a decade since the last time she saw him? The wall she created over those years away
from him, had collapsed in an instant she had seen him! Does this mean that she's still in love
with him even though he had caused her so much pain? She shook her head hard. Shes stubborn
enough not to admit this realization. She hate him remember? But still some part of her is against
of that idea. Argh! Love is really a complicated thing!
"Friend, are you okay? Hello?! Please come back to planet earth!" usisa ni Sophia. Naku
naman, napalalim na yata ang pag-iisip niya at hindi niya napapansin ang mga nag-aalalang
mukha ng mga kaibigan.
"Yeah, I'm okay. Don't worry Sophia. Let's go na nga. Baka mangayayat yang si baby
Sophia tayo pa ang sisihin ni daddy Rex niya" buska niya sa kaibigan.
Humalakhak si Alyssa at si Sophia naman ay marahan siyang hinampas sa balikat. "Hoy
bruha, don't forget na niligtas kita mula sa kamay ng tukso kanina ah!"
"Anong tukso?" ngunot-noo niyang tanong dito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 16
"Tukso. Kanina kasi parang gusto mong halikan ang lips ni Steven eh." binigyan pa siya
nito ng isang nakakalokang ngiti.
Ganun ba talaga siya ka transparent? "Kumain na nga tayo, baka kainin pa kita diyan
Sophia ng buo eh" biro niya dito.
"Ay naku, change topic ang loka." pahabol na buska na naman nito.
"Ewan ko sayo. Tayo na, at iniwan na ang mga kaibigan. Nagkangisihan na lang ang
kanyang mga kaibigan habang umiiling.
Kahit kailan talaga pikon wika ng mga ito sa mga sarili. Lumakad na ang dalawa para
sabayan si Ava papuntang restaurant.



























Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 17
CHAPTER THREE

NAKATINGIN si Steven sa kausap pero ang isip naman niya ay hindi nakatuon sa mga
sinsabi nito. Iniisip niya ang babaeng nakabangga kanina. There was something about that girl
that reminds him of someone, even though the looks and the body physiques were so different.
Her voice and eyes are so much alike of Ava--- his first love na kahit pangit ay nahulog pa rin
ang kanyang puso dahil sa taglay nitong kabaitan.
Steven your imagining things again! Youre paranoid and obsessed with your first love.
Ilang beses mo na bang napagkamalan ang mga ibang babae na si Ava huh? litanya ng isip niya.
Naalala pa rin niya ang mga pagkakataong magkasama silang dalawa noon at ang una
nilang pakikita
NAGMAMADALI ang labing-limang taong gulang na si Steven noon dahil late na siya
sa kanilang praktis. Nang may makita siyang isang babae na may ginagamot na isang pusa na
sa tingin niya ay nasagasaan marahil ng bike.
Simula noon ay ilang beses niya ng nakita ito. Sa tuwing nakikita niya ito ay tinutukso ito
ng mga kapwa estudyante tungkol sa hitsura nito, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito
lumalaban, nananatili itong tahimik. Humanga siya sa taglay nitong katatagan. Until one day,
nakita niya itong inaapi muli ng mga kamag-aral.
"Do you think we'll stop after what happened the other day huh?" boses ito ni Aaliyah.
"Yeah and because of you we got into trouble! And you'll pay for it" segunda ni Camille
at pagkatapos sinugod ang kawawang babae- si Ava Hernandez. Tinulungan naman ito ng
nakakabatang kapatid. Walang nagawa si Ava kundi yakapin ang sarili.
"Camille, Aaliyah, please stop," hindi nito sinasadyang maitulak si Aaliyah na dahilan
upang matumba ito. Nangangalaiti sa galit si Camille sa nangyari sa kapatid, itinaas nito ang
kamay para sampalin ito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 18
"Stop already Camille and Aaliyah!" maawtoridad na utos niya. Tumingin ang tatlong
babae sa kanya. Sina Camille at Aaliyah ay tinakasan ng kulay ang mukha. Kinuha ni Camille
ang kamay mula sa kanya at tumakbo papunta sa kapatid upang tulungan itong tumayo.
Tumakbo na ang dalawa palayo doon.
"Hey, you two come back here!" akmang hahabulin niya ang dalawa ngunit hindi
nangyari dahil pinigilan siya ni Ava.
"Let them pass."
"But-" hindi na siya nakatapos ng unahan na siya nito ng mahinang 'please'. "Are you
alright?"
"Yeah, thanks to you," ngumiti ito.
Mula noon ay naging magkaibigan silang dalawa. Bawat oras na magkasama sila ay
masaya, mas nakilala niya ang pagkatao nito. Hanggang sa ma inlove siya dito, hindi niya alam
kung paano, kung kailan nangyari 'yon. Basta nagising nalang siya isang araw na mahal niya na
ito. He fell in love with her, like no beautiful girls did.
"Steven, are you with me? Aba'y kanina pa ako nagsasalita dito ah." wika ng kanyang
nakakatandang kapatid na si Simon. Dalawa lang silang magkakapatid, si Simon na dalawang
taon ang agwat sa kanya at siya. Ito ang tagapagmana ng mga negosyo ng ina nila at siya naman
sa mga negosyo ng kanilang ama.
"Sorry kuya Simon. May naalala lang kasi ako" hinging paumanhin niya rito.
"Steven, Its not good to think of other things, when youre in a middle of a meeting.
Kung ibang tao lang ako at importanteng kliyente pa, you won't close the deal and it might put
your company at edge." litanya nito. Hay, kahit kailan talaga napakadictador ng kanyang kuya
Simon bukod sa pagiging perfectionist nito. Hindi na siya nagtataka kung bakit hinihiwalayan ito
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 19
ng mga nagiging girlfriends dahil kahit ang pananamit, pagsasalita at pagkilos ng mga ito ay
pinupuna ng kanyang kapatid.
"I'm really sorry bro. I promise it won't happen again."
"That should be." bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. "I guess I have to repeat it
again, but please Steven listen carefully and focus."
"Okay bro."
KASALUKUYANG nasa restaurang sina Ava, Sophia at Alyssa. Nagkwentuhan sila sa
mga pangyayari sa kanilang mga buhay simula nang umalis si Ava sa Pilipinas.
"So, Av... How's Europe?" panimula ni Alyssa, sa pormal na paraan.
"Come on, Al. Stop the formality. Its just Ava you know. She's not a client or
something." saway ni Sophia kay Alyssa. Kahit kailan talaga, PRATAKRAY tong babaeng to
as in prangka, taklesa, mataray.
Hay, good luck nalang talaga kay Rex natatawa niyang sabi sa sarili.
"Sorry" ang tanging nasambit ni Alyssa.
Ngumiti siya. "You don't have to Al. Hmm, my stay in Europe? Its great! I manage to
grow and develop my career. And--------" I finally moved on from the heartaches that Steven
cause? pero mas naging tanong to kaysa pahayag sa kanyang sarili
Tila nabasa naman ni Sophia ang nilalaman ng kanyang isip. "And what? That you've
already move on from Steven?"
"Sophia! Stop it. Ano ka ba?!" saway ni Alyssa. Isang malakas at malutong na halakhak
lang ang naisagot ni Sophia. Paano kaya naging mag-childhood best friends ang dalawang to?
Sobrang magkaiba ang dalawa. Si Sophia ay madaldal, si Alyssa naman ay hindi. Si Sophia ay
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 20
isip-bata, si Alyssa naman ay napakamatured mag-isip. Si Sophia ay napakaseksi manamit, si
Alyssa naman ay simple lang.
"Yeah" pagsang-ayon niya.
"I don't think so my dear. As far as I observed from your reaction earlier, you haven't
moved on yet. You still love him. Youre still head over heels in love with him." buska nito.
Dinaig pa talaga nito si Kris Aquino sa pag-usisa at pagiging prangka.
ANG hindi nila alam naririnig ni Steven ang pinag-uusapan nilang tatlo. Kanina ng
papaalis na sana siya ng restaurant ay narinig niya ang malutong na halakhak ni Sophia kaya
naalala niya na may kailangan pa pala siya rito. Papalapit na sana siya sa kinaroroonan ng table
nila Sophia nang mapahinto siya nang marinig ang pangalang Ava. Nagtago siya sa isang sulok
na hindi siya makikita ng tatlo. Nang marinig na niya ang tinig ng kanyang first love ay sumilip
agad siya at napanganga siya. His right after all! That woman he bumped into earlier is really
Ava. Oh how he missed this girl so much! How he want to embrace her so tightly, but he have to
control his self because he still want to hear what Ava will say. He wants to know if she really
feels that way towards him.
"My god Sop! Do you think I'll still love him after all the heartaches and pains he had
caused me? I hate him! I hate him from the deepest core of my heart! Loving that judgmental
guy, almost a decade ago was the biggest mistake I have ever done!" asik na pahayag ng dalaga
na kinontra naman ng sobra ng kanyang puso.
Akmang hihirit pa sana si Sophia nang matigilan ito nang tinapunan ito ni Ava ng isang
masamang tingin. Nagkibit-balikat na lang ito at iniba na lang ang topic ng kanilang pinag-
uusapan. Samantala, si Steven naman ay bagsak ang balikat na lumabas ng restaurant at pumunta
sa kanyang kotse para umalis na ng lugar.
Habang lulan ng kotse niya ay paulit-ulit na nag-rerewind sa kanyang isip ang mga ma-
aanghang na mga salita na binitiwan ng babaeng minamahal. Masakit sa kanya ang narinig mula
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 21
rito. Nagsisimulang mamasa ang kanyang mga mata ngunit pinigilan niya ang sariling tuluyang
ma-iyak. May isang bagay lang siyang ipinagtataka, bakit ganun na lang ang galit nito sa kanya?
Wala talaga siyang maalalang ginawa niya noon upang ikagalit nito, napakabuti ng pakikitungo
niya noon dito. Pero isa lang ang malinaw sa kanya kahit kinamumuhian siya nito ay hindi pa rin
niya isusuko ang pagmamahal dito.
Nahawa na yata siya sa kakulitan at mapagpursige ni Rex na makuha ang gusto by all
means. Ito pa kayang kaibigan niya na hindi sumuko sa pagsungkit noon kay Sophia kahit sa
kabila ng pagiging prangka, taklesa at mataray ng babae---siya pa kaya?
Woohoo! That's the spirit dude! What Steven Sandoval wants, he gets! mayabang na wika
niya sa kanyang isip.
"AV, YOU'LL come to the school reunion tomorrow night,right?" tanong ni Alyssa sa
kanya.
"Of course!"
"Good! So, bukas ng umaga sabay tayong mamili ng damit at sapatos, okay?" ani Sophia.
"Okay. At sa kaibigan ko na lang na designer tayo mamili. She has a boutique at ayala,"
tugon niya sa excited na paraan. Matagal na rin niyang hindi na kikita ang kaibigan niyang iyon,
mga 3 months na rin nang huli silang magkita. Umuwi kasi ito ng Pilipinas 3 months ago dahil
pinauwi ito ng mga magulang nito. Noon ngang huli nilang pag-uusap sa telepono, ikwinento
nito na nagbukas ito ng isang boutique sa ayala.
KINABUKASAN pumunta nga ang tatlo sa boutique ng kaibigan ni Ava na si Nicole. Si
Nicole ay nakilala niya noon sa Europe sa isang party ng kaklase niya na nagkataon naman na
kaibigan din nito. She can tell that Nicole's personality is quite unique. Palaban, mataray at
prangka ito kapag inaway at inaagrabyado mo. Pero kung magiging kaibigan mo naman, ito ay
napakamapagbigay, napakamatulungin at napakabait.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 22
Pagpasok pa lang nila ng boutique ay sinalubong sila agad ni Nicole. Ipinakilala niya sina
Sophia, Alyssa at Nicole sa isa't isa at tulad ng inaasahan niya ay nagkasundo at nagkapalagayan
agad ng loob ang mga ito. Nagdaldalan na nga tungkol sa balat ni Nicole, kung ano daw
ginagamit nito na sabon at kung anu-ano pa at siyempre si Sophia ang pasimuno. Nang tapos na
sa pagtatanong ni Sophia ng kung anu-anong mga bagay kay Nicole ay inaya na sila nito sa lugar
ng mga pang-formal attire.
"Wow. Bonggang-bongga naman ng mga designs mo Nicole" hangang-hangang wika ni
Sophia dito.
"Oo nga. At ang gaganda pa ng mga gawa mo." tugon naman ni Alyssa. Hindi niya
masisisi ang dalawang kaibigan sa paghangang ipinupukol sa mga gawa ni Nicole. Bawat isang
damit kasi ay may iba't ibang ganda at unique din dahil hindi mo talaga makikita ang gawa nito
sa gawa ng ibang mga designers. Hindi na talaga siya nagtataka kung bakit isa ito sa mga famous
designers sa buong mundo.
"Thank you. Pili lang kayo diyan. And you don't have to pay. Libre na." nakangiting wika
ni Nicole sa kanila.
"Nicole naman, we'll pay na lang. Malugi ka pa niyan eh." angal ni Ava sa alok ng
kaibigan.
"Ava, no worries hindi ako malulugi. Lets just say its a gift from a friend"
Umiling siya. "Baka kasi---" hindi niya na natuloy ang sasabihin pa niya sana ng magdrama na
ito.
"Please, just let me do this okay? Huwag ka ng tumanggi okay? Nakakasakit kasi ng ego
eh," maktol nito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 23
"Sige na nga, but as payment ipagbebake na lang kita ng chocolate cake. Di'ba its your
favorite?"
"Wow! Okay, namimiss ko na rin yung cakes mo eh"
Pagkatapos nilang namili ng damit ay nagpaalam na sila kay Nicole at nagpasalamat at
pumunta na sa tindahan ng mga sapatos. Umuwi naman sila agad pagkatapos, para
makapaghanda na.



































Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 24
CHAPTER FOUR

"TAPOS na po ma'am" wika ng nag-aayos kay Ava. "Ang ganda-ganda niyo po talaga,
sigurado akong maraming lalaki sa party mamaya ang maiinlove sa inyo," hindi maiwasang
komento nito. Light make-up lang ang ginawa sa kanya pero magkagayunman ay mas ikinalitaw
pa ito ng likas niyang ganda. Ang kanyang buhok ay ini-french twist na nilugayan pa ng ilang
hibla ng buhok at pinukulot kaya mas lalo siyang naging sophistikadang tignan.

"Thanks" tugon ni Ava dito at ngumiti.
"Your welcome po ma'am. O sige po, alis na po ako." paalam nito. Tinanguan lang niya
ito bilang sagot.
Nang tuluyan ng umalis ang nagmake-up sa kanya ay pinasadahan niya ng tingin ang
kanyang sarili sa malaking salamin sa kanyang kwarto. Ibang-iba na talaga ang kanyang hitsura
kaysa noon. Sino ba ang mag-aakala na ang dating mataba at puno ng pimples ang mukha ay isa
na ngayong napakaseksi at napakakinis na ang mukha. Biglang naalala niya ang eksena nila ni
Steven doon sa SOAVAL hotel and restaurant, hindi talaga siya nakilala nito. May sumilay na
ngiti sa kanyang likas na mga mapupulang labi. Naisip niya na panahon na para sa paghihiganti
niya dito. Paiibigin niya ito at sa huli ay iiwan ng luhaan. 'Weh? Hindi kaya maging palpak yang
plano mo at imbis na sa kanya mangyari yon ay maging kabaliktaran pa?' tudyo ng utak niya.
Napahinto siya sa pagmumuni-muni nang kumatok si Aling Lucy sa pinto. "Hija, nandun
na sa baba sina Sophia at Alyssa. Lumabas ka na diyan para makaalis na kayo." aniya.
"Opo." sagot niya at lumabas na ng kanyang kwarto.
Pagkababa niya ay nakita niya ang kanyang mga kapwa naggagandahang kaibigan na
matiyagang naghihintay sa kanya. Si Sophia ay tinitignan ang sarili sa salamin samantalang si
Alyssa naman ay nagbabasa ng magazine. Tumikhim siya upang maagaw ang atensiyon ng mga
ito. Tumigil naman agad ang dalawa sa mga ginagawa.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 25
"Wow, ang ganda natin ah... siguradong maraming lalaki ang maglalaway mamaya."
nakakalokang biro ni Sophia na ikinatawa nilang tatlo.
"Oo, lalong-lalo na si Rex" mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya sa pagkasabi nito.
"Ano ka ba Ava, ginagawa mo namang aso ang boyfriend ko" nakangusong angal ni
Sophia.
"Totoo naman eh, ginagawa mong aso ang boyfriend mo-- noon at sa hanggang ngayon.
Mas hinigitan pa nga ang aso sa kabubuntot sa'yo e," birong totoo ni Alyssa sa kababata. Noong
high school pa kasi sila ay lage na lang nakabuntot si Rex kahit noong nanliligaw pa ito kay
Sophia, mas lumala pa nga ng maging magkasintahan ang dalawa noong 1st year college sila.
Tagabuhat ng mga gamit ni Sophia, tagalibre ng meryenda at kung anu-ano pa.
"Well, kung ganyan kasi kaganda ang girlfriend dapat binubuntutan talaga." sabi ni Ava
at pinisil pa ang baba ni Sophia. "Tayo na nga, baka abutin pa tayo ng tomorrow eh"
Sumakay na sila sa Mercedes Benz ng pamilya ni Ava. Pagkatapos ng ilang minuto ay
nakarating na rin nila ang destinasyon ng kanilang school reunion.
"Ready Ava?" tanong ng dalawa sa kanya.
"Ready," kabadong sagot niya. Pero kahit ganun, ay excited pa rin siya sa mga magiging
reaksiyon ng mga tao kapag nalaman ng mga ito na ang Ava na kilala ng mga ito noon ay
nagbago na ng tuluyan.
Unang pumasok muna sina Sophia at Alyssa at huminto sa may pinto. Inalahad ang mga
kamay sa kanya, na kanya namang tinanggap at tuluyan ng pumasok sa loob. Pagkapasok pa lang
niya ay narinig niya na ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.
"Hey, whose that woman with Sophia and Alyssa?" tanong ng isang lalaki sa katabi nito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 26
"I don't know, pare, I don't remember, ever seeing that girl before," tugon naman ng
katabi nito.
"She's so dazzling and gorgeous," sabay pang sambit ng dalawa.
SI Steven naman ay kanina pa gustong dukutin ang mga mata ng mga lalaking titig na
titig sa kanyang Ava. Anong iyo? Bakit pagmamay-ari mo na ba siya huh?, sita ng isip niya. Not
yet, but soon I will. I won't stop until shes mine. Kahit languyin ko ang buong pacific ocean at
tumalon sa deep sea, gagawin ko... if it means I can have her and be with her, determinadong
sagot ng isang bahagi ng kanyang isip. Kung gagawin mo yan hindi mo pa siya makuha,
namatay ka na!
KANINA pa naaasiwa si Ava sa mga titig na pinupukol sa kanya ng mga tao. Mula ng
pumasok sila hanggang sa pag-upo nila sa kanilang table ay ramdam na ramdam niya ang mga
mapanuring mga mata na nakatingin sa kanila, lalong-lalo na sa kanya. Rinig niyang may
napasinghap.
"Oh my God! I-Its Ava Hernandez," sabi ng isang di kilalang babae. Mas lalo pang
lumakas ang mga bulung-bulongan, may narinig pa nga siya na nagsasabi ng Beauty is the
Beast?
Lihim siyang napangiti sa mga reaksiyon ng mga ito. Mga naguguluhang mga mukha na
hindi makapaniwala na siya si Ava at batid niyang isa si Steven sa mga taong iyon. Speaking of
Steven, nasaan na ba 'yon? tanong niya sa kanyang sarili. Pasimple niyang tinignan ang paligid
para hanapin ito. Pero laking dismaya niya nang hindi niya ito nakita. 'Ano ka ba naman Ava!
Parang bumabalik ka na sa dating gawain mo eh' reklamong sita ng isip niya.
Dati-rati noong hindi pa niya ito kinamumuhian ay palaging hinahanap ng kanyang mga
mata si Steven. Bawat segundo, minuto at oras ay nais niyang masilayan ang gwapong mukha
nito. Hindi kumpleto ang araw niya noon kung hindi niya ito nakikita.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 27
Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya pero kahit mahina ito ay rinig na
rinig pa rin ng kanyang mga matatalik na kaibigan. Tatanungin sana siya ng mga ito kung anong
problema niya nang biglang mawalan ng ilaw ang buong lugar na pinagdadausan ng party.
Naramdaman niyang may tumakip sa kanyang mukha. Nanlaban siya pero dahil sa
nalanghap na gamot na nilagay sa pinangtakip sa kanya ay nawalan siya ng malay.
KANINA pa pinagmamasdan ni Steven ang magandang mukha ng kanyang
pinakamamahal na si Ava. Titig na titig siya rito na animo'y ito ang pinakamagandang babae sa
buong mundo. Malaki na talaga ang pinagbago ng hitsura nito pero ang pagmamahal niya dito ay
hindi pa rin kumukupas, bagkus, lalo pa yatang lumalalim sa paglipas ng panahon.
"I love you so much Ava. Matagal rin akong nangulila sa'yo. Kaytagal kong hinintay ang
panahon na ito na makasama't makita ka. Kahit ano gagawin ko, mapaibig lang kita, mahal ko."
senserong wika niya sa natutulog na babae. Dumapo ang kanyang titig sa mapupulang labi nito at
pagkatapos ay buong pagmamahal niyang dinampian ng banayad na halik.
NAPAKAGANDA ng panaginip ni Ava. Sinabihan daw siya ni Steven na mahal siya
nito at dinampian pa siya ng halik sa kanyang mga labi. Bigla siyang napadilat kahit ayaw pa
niyang magising, nahihirapan kasi siyang huminga na hindi niya mawari.
Laking gulat niya nang mabungaran niya ang mukha ng pinakagwapong nilalang na
nakita niya sa buong buhay niya. Napangunot ang noo niya, possible kayang totoo yung
panaginip ko? tanong niya sa kanyang sarili. Pero nang mapansin niyang nasa isang kwarto siya
ay iwinaksi niya muna ang tanong at saka inis na napabangon sa kama.
"Where the hell am I?" asik niya dito.
"Hmm, as you can see your in a room sitting up on a bed and talking to me."
pamimilosopo nito. Naningkit naman ang kanyang mga mata sa mga sinabi nito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 28
"Huwag mo nga akong pilosopohin Steven. Who gave you the right to bring me here! I
can sue you of Kidnapping! Now answer me, where the hell am I?"
"Okay okay okay.." sabi nito. Nabigla siya nang itulak siya nito pahiga sa kama at
kinubabawan siya nito at inilagay ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ng kanyang ulo.
"Your here in my villa, in an isolated island. And---"
"And what?" naghihimagsik ang kalooban niya. Naroon ang magkahalong inis at hindi
maipaliwanag na pakiramdam na pilit niyang kinakalimutan all those years.
Inilapit nito ang mukha sa kanya na dahilan upang mag-alburoto ang kanyang puso. "And
your going to be with me here for say a couple of weeks or better yetforever." may
panunuksong sabi nito sa kanya.
"Get off of me, you brute!" pautos na sigaw niya dito. Dahil kung hindi sila aalis sa
ganitong posisyon, ewan lang niya kung ano ang magagawa niya dito. Baka mahalikan niya ang
mapag-imbitang labi nito. Umalis naman ito sa ibabaw niya pero bago nito iyon ay hinalikan siya
nito sa kanyang noo na ikinatulala niya. Tumatawa ito nang iwan siya nitong nakatulala pa ring
nakahiga sa kama. Oh boy, this would be very tough for her.

















Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 29
CHAPTER FIVE

"O HUWAG mong sabihin na namiss mo agad ako. Ilang minuto lang naman tayong
naghiwalay ah." panimula ni Steven nang makita si Ava mula sa likuran niya. Kakatapos lang ng
pag-uusap nila kanyang ama tungkol sa pansamantalang pamamalakad ng kompanyang itinayo
niya. Pumayag naman ito kahit na matagal na itong nagretiro.Inirapan siya nito.

"Huwag ka ngang feeling diyan ang kapal ng mukha nito. Sipain kita diyan eh"
"Hindi ko alam na kabayo ka na pala ngayon, Ava?" pang-iinis niya dito. Kahit dapat
niyang tratuhin ito ng puro magaganda dahil gusto niyang magustuhan siya nito. 'Yun bang mag
ka-pogi points siya dito. Pero hindi mapigil ni Steven ang sariling hindi matuwa sa pang-iinis sa
dalaga. Sa paningin niyay lalo itong gumaganda sa tuwing nagagalit ito.
Tinignan siya nito ng masama. Kitang-kita niya sa mga mata nito na gusto talaga siyang
sipain. Hindi lang iyon kitang-kita niya din ang pagnanais nito na sampalin at tadyakan din siya.
Nang akmang lalapitan siya nito ay tumakbo agad siya palayo.
"Hoy! Higanteng tipaklong, bumalik ka rito!" narinig niyang sigaw nito. Pumihit siya
paharap dito.
"Bleeh. Ayaw ko nga, alam ko na ang plano mo nuh."
"Steven! Pagnahuli kita, lagot ka talaga!"
At ang dalawang matanda, bumalik sa pagkabata. Halos malibot na nga ang buong bahay.
Takbo dito, takbo doon ang drama ng dalawa.
Inis na inis na talaga si Ava. Kanina pa siya habol ng habol sa higanteng tipaklong na
'yon pero hindi pa rin niya ito mahuli-huli. Sa tuwing malapit na siya dito, doon naman ito
pumipihit ng takbo. Ang bilis talagang nitong tumakbo. Nasapo niya ang kanyang noo. "Abay
oo! Basketball player pala ang ungas!" naibulong niya sa kanyang sarili.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 30
"O ano na? Bakit ang kupad yata ng kabayo? Ano ba naman yan!" pang-iinis na naman
nito sa kanya. Nag-pantig ang kanyang pandinig. At ramdam niya na tila tumaas ang blood
pressure niya sa sinabi nito. Hinubad niya ang kanyang heels at pinunit ang kanyang damit
hanggang tuhod. Masyado kasi itong sagabal sa kanyang pagtakbo. Pagkatapos ay agad niyang
hinabol ulit ang binata.
Laking tuwa niya nang sa wakas ay nahuli na rin niya ito. Nahawakan niya ang dulo ng
manggas ng pulo nito at buong lakas na pinaharap ito. Ngunit nang dahil sa ginawa niya ay na
out balanced tuloy silang dalawa na sanhi ng pagbagsak nila pareho sa sahig at di sinasadyang
naglapat ang mga labi nila. Nanlaki ang mga mata ni Ava samantalang ang loko-loko mukhang
nasisiyahan pa yata sa nangyayari. Naramdaman ni Ava ang tila kuryenteng dumadaloy sa
kanyang katawan. Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa.
Ava! What the heck happened to you! sita ng isip niya. Parang napapasong dali-dali
siyang tumayo. Inilahad niya ang kamay dito at muli na namang tila may kuryente siyang
naramdaman.
"Oy! Natulala ka yata. Alam ko, alam ko... gwapo ako, kaya---" ang kapal talaga ng
mukha! Ang kanyang pagkatulala ay napalitan ng inis dahil sa tinuran ng higanteng tipaklong.
"Ouch! Ouch! Ouch! Ava, tama na." daing nito. Pinagkukurot niya kasi ito.
"Tama lang yan sa'yo ang hangin mo kasi!" aniya na patuloy pa rin sa pagkukurot dito.
Nang may naalala siya ay tumigil na siya sa pagkukurot. "Ah nga pala ano susuotin ko habang
nandito ako?"
"Uhm nasa aparador ng kwartong tinulugan mo kanina. Nandoon na lahat yung damit
pambahay, pangtulog mo at---" isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Bigla siyang namula,
alam na niya kung ano ang idudugtong nito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 31
"Alam ko na. Huwag mo nang sabihin kundi makakatikim ka talaga." pagbabanta niya
dito. "Hindi naman halata na masiyado kang prepared nuh? Wait! How come may mga damit
pampalit na ako? Don't tell me you plan this all along!"
Napakamot ito habang ngiting-ngiti. Ang cute nitong tignan. Hmm, sarap halikan Av?
"Uhm, uhm.. well let's just say na may mga kakuntsaba ako," pagpapacute nito.
Kahit hindi na nito sabihin kung sinu-sino ang mga kakuntsaba nito ay may hinala na siya
kung sino ang mga salarin.
KANINA pa, pasikot-sikot ng bahay si Ava. Naghahanap siya ng maaaring maging daan
upang makatakas siya. Pero ang problema ang laki-laki ng bahay kaya natatagalan siya sa
paghahanap. Lahat ng mga bintana ay nakalock pati ang main door at back door. "Kainis naman
oh! Hindi ako gumising ng madaling araw para lang sa wala!" nakangusong maktol niya.
May nakita siyang isang glass door. Nilapitan niya ito at nagbabakasakaling pinihit ang
door latch. Nagliwanag naman ang kanyang mukha dahil sa wakas makakatakas na rin siya mula
sa pagkakakidnap sa kanya. Ang tanging problema na lang niya ay kung paano makakaalis sa
isolated island na iyon, kung! Nasa isolated island nga sila.
Dahan dahan siya sa paglalakad para hindi makatunog si Steven sa tangkang pagtakas
niya. Pero laking dismaya niya nang makita ang mga pader, ang taas kasi nito para maakyat niya.
Napabuntong-hininga siya, luminga-linga siya, sa pagbabakasakaling mahanap ng solusyon sa
paligid. Hindi naman siya nagkamali dahil may nakita siya ng isang puno ng isang mangga.
Wooh! Thank you lord! Your so kind talaga.
Mabilis na tinungo niya ang kinaroroonan ng puno. Inakyat niya ito at nang paakyat na
sana siya sa ikatlong sanga ay nagulat nalang siya na may bumuhat sa kanya pataas. Nang
linguin niya ito ay mas nagulat siya nang makita ang seryosong mukha ni Steven.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 32
"Where do you think your going?"
"Put me down will you!" sabi niya dito na nagpupumiglas.
"Akala mo siguro makakatakas ka nuh? Huh! Well you're wrong about that," at pinasan
siya nito sa balikat na para lang siyang isang sako ng bigas. Saka naglakad ito papunta sa loob ng
bahay. Habang siya ay patuloy pa rin sa pagpupumiglas at pinag-iibayo pa niya ito sa likod. Pero
tila bakal ang likod nito hindi man lang nasaktan sa kanyang ginagawa.
Maingat na paupong binaba siya nito sa one-seater na sofa. Itinukod nito ang mga kamay
sa magkabilang dulo. "Again, let me ask you, where do you think you're going?" pag-uulit nito.
"To a safe place! I don't know where I can find it basta sa lugar na hindi mo mararating!"
"The safest place for you is right here with me, honey," pahayag nito. Tumalikod ito at
naglakad papunta sa glass door. "I'm warning you; don't try to run away again. If you don't want
me to guard you every now and then. Kasama na ang pagbabantay ko sayo hanggang sa pagtulog
which means Ill be sharing a room with you. So, if you want that to happen you're very much
welcome to run away again. Oh! You can do it right now if you really wanted to be with me that
much," inilahad nito ang mga bisig papunta sa labas. "The door is widely open" dugtong nito at
ngumiti ng makatamis-tamis.
"N-no way! I d-don't wanna share a room with you nuh! I can't e-even stand being close
to you even for a second. What's more pa kaya kung buong magdamag. Over my dead gorgeous
sizzling hot, sweet and spicy body!"
Hindi nito pinansin ang kanyang mga sinabi bagkus ay isinara nito ang glass door.





Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 33
CHAPTER SIX

NAGISING si Ava kinabukasan nang maramdaman niyang may tumapik-tapik sa
kanyang braso. Tinatamad na napabalikwas siya ng bangon.

"Good morning YAM," nakangising panimula ni Steven. Dahil wala pa yata ito sa
sariling wisyo ay sinuklian siya nito ng ngiti. Ang ganda talaga ng honey, my loves, so sweet ko!
Sana palagi nalang siyang bagong gising para palagi niya akong ningingitian at hindi
tinatarayan, bulong ni Steven sa sarili
"Good morning din, yam!" humikab ang dalaga. Nabitin sa ere ang kamay nitong itatakip
sana sa bibig nang may ma-realize itong bigla, Y-YAM! tanong nito na nakakunot ang noo.
"Yup! YAM... meaning you are mine," sabi niya na ini-emphasize ang huli. Nakita
niyang tumaas ang kilay nito. Uh-oh, nandito na. Tatarayan na naman siya nito.
"You are mine? Who gave you the right to call me that stupid endearment? At kelan mo
pa ako naging pagmamay-ari aber? Hoy, Mr. Steven Sandoval, you don't own me okay? and
youll never will!" pagtataray nga nito.
Ouch! Ang sakit nun ah, parang sinagasaan yata ng isang libong dump truck ang puso
ko, hinanakit na sabi niya sa kanyang isip. O ano Steven, susuko ka na ba? Rinig na rinig mo
naman siguro yung sinabi nya sa'yo hindi ba? It will never will... nangangahulugang hinding-
hindi ka niya magugustuhan! pang-aasar ng isang bahagi ng utak niya. Hindi ako susuko ng dahil
lang doon nuh! At saka natututuhan namang mahalin ang isang tao ah. Mamahalin niya ako,
makikita mo. Habang may buhay, may pag-asa!
"Hey! May kausap ba ako? Tama bang tulugan ako ng gising. Wake up!" sita nito sa
kanya , na nakagising sa kanyang natutulog na diwa.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 34
Agad naman niyang nahamig ang sarili at sinagot ang pagtataray nito- "I gave permission
to myself. Since when you ask, since the day you were born in this world. We are meant for each
other, YAM... tayo ang itinakda para sa isa't isa."
"Abat talagang---" hindi na nito natapos ang sasabihin nang subuan niya ito ng pagkain sa
bibig. Bunga ng kagandahang asal ay hindi muna ito nagsalita. Ninguya nito ang pagkain at
nilunok. "Who cook this? Ang sarap ah."
"Ako ang nagluto niyan tayong dalawa lang naman ang narito e. Salamat naman at
nagustuhan mo. Di'ba paborito mo yan? If my memory serves me right," anito at ngumiti.
"Oo paborito ko nga ang chicken curry. How did you know? Sinabi ba sa'yo ni Aling
Lucy o kaya naman nila Sophia at Alyssa? Marunong ka palang magluto? Dati rati hindi naman
ah." sunod-sunod na tanong nito.
"Okay ang sagot ko sa first question ay... ikaw mismo ang nagsabi nun. Sa ikalawang
tanong naman, oo marunong akong magluto dahil noong pumunta ka sa Europe na-isip kong
magpaturo kung paano magluto sa kaibigan kong chef. Para pag naging mag-asawa na tayo, ako
na lang ang magluluto. Nag-aral na rin akong mamalantsa, maglaba, magwalis, magsibak ng
kahoy at kung anu-ano pang gawaing bahay para hindi ka mahirapan kapag naging Mrs. Steven
Sandoval ka," mahabang paliwanag nito na pangiti-ngiti pa.
Na-touch si Ava sa naging pahayag ni Steven. Imagine! Pinag-aralan pa talaga nito ang
lahat ng iyon, para lang sa kanya.? Ayieh! Kalurkey itech! May magiging houseboy/husband na
ako. At ang gwapo-gwapo pa! 'Wag ka namang ganyan Steven. Humahaba pa lalo hair ko eh,
baka hindi ko na matali... ang init-init pa naman ng world ngayon. Wehehe, pwede ka na rin
bang taga-gupit?
"Huh? Taga-gupit?" kunot-noong tanong nito. Oops! 'Di niya pala namalayan na
naisatinig ang huling sinabi niyang pangungusap.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 35
"Wala. Ang sabi ko mag-gupit ka nalang dun ng papel o kaya ng mga halaman dun sa
ibaba para may magawa ka naman. Hindi itong ako ang kinukulit mo," pagmamaang-maangan
niya.
"Ahh okay. Ui! Ano yon?" itinuro nito ang bandang kaliwa. Takang sinundan niya ang
itinuro nito. Nagulat nalang siya nang may humalik sa kanyang pisngi. 'Aba, loko-loko to ah.
Pwedeng makahirit ng isa pa? Hahaha!' tila nabasa naman nito ang iniisip niya. Ang binalingan
naman nito ng halik ay ang kanang pisngi niya.
"Pwede sa lips?" hirit pa nito.
Hinampas niya ito ng unan, sabay sabi- "Tse! Umalis ka nga! Ang aga-aga bwenubwesit
mo ako," singhal niya dito.
"I'VE got to let you know I feel so weak without your touch... I never thought that I
could ever love a man so much... I've gotta let you know I think that we are destiny... For you I'd
cross the world for you...I'd do anything." kasalukuyang nasa kusina si Ava. Kinakanta niya ang
kanta na isa sa mga paborito niya ang Goin Crazy by Natalie.
"Naks! Ang sweet-sweet naman ng kanta mo para sa akin yam. I feel the same way too,'
napapitlag siya ng marinig niya ang ang boses ni Steven mula sa likuran niya at walang sabi-
sabing niyapos siya mula sa likod. At ayun na naman, nagiging etchuserang palaka at umeepal na
naman ang walang hiyang puso niya. Kumakabog na naman ng bongga.
"Ang bango mo naman yam. Parang fried chicken ng Jollibee, ang sarap kagatin.
Nakakagigil!"
Sa wakas nakahuma na rin siya mula sa pagkakagulat. "Kung ibuhos ko kaya tong mainit
na tinola sa'yo? Bitawan mo nga ako, naaalibadbaran ako sa'yo. Ang baho-baho mo! Ewwiness!
Maligo ka nga, ang pawis-pawis mo," talak niya dito. Nilukot pa niya ang kanyang ilong para
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 36
maging kapani-paniwala. She didn't really mind if he smells. Nagpapacute lang naman siya dito.
Kahit maligo ito sa pawis, kailanman ay hindi ito nag-aamoy pawis. He always smelled nice.
"Anong ang baho? Oy, ang bango-bango kaya ng pawis ko, parang perfume,"
tumatawang binitawan siya nito. Strange... dahil sa tuwing nakakarinig siya ng tawa na may
halong pang-iinis na katulad nito ay naiinis na siya. Pero iba ang kay Steven dahil ang tawa nito
ay tila isang napakagandang musika sa kanyang pandinig... isang musika na gusto niyang
marinig ng paulit-ulit.
"Luto na ba ito, yam?" pang-iiba nito sa usapan. Tumango lamang siya bilang tugon.
"Tamang-tama gutom na ako. Kakapagod mag-ehersisyo. Pawis na pawis tuloy ako."
Napatanga siya ng hubarin nito ang suot na T-shirt sa harapan niya mismo! Napalunok
siya, nakakapugto ng hininga ang dibdib nito na kay kisig, mga muscles na nasa mga tamang
lugar, at ang six pack pandesal este abs nito ay parang kaysarap hawakan. Olala~ 'Ang swerte
naman ng makaka-ano nito... makakayakap, yun! Pwede kayang mag-apply? Ako nalang,
available ako, pati siya ay napapatawa sa nagiging takbo ng iniisip niya.
"Hey, what's with that wicked smile? May iniisip kang hindi maganda nuh? Yay!
Nakakahiya ka Ava"
"Ang laki mo talagang ewan! Baliktarin ba naman, ikaw nga tong may iniisip na hindi
maganda eh. May pa hubad-hubad ka pang nalalaman diyan. Are you seducing me?" balik
bintang niya dito kahit na sa kaibuturan ng puso niya ay gusting-gusto na niya itong lapain.









Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 37
CHAPTER SEVEN

"Parang ganun na nga. Effective ba?" nakakamot sa batok na sabi nito. "Ay! No need to
ask, obvious na obvious naman sa reaksiyon mo kanina," habol nito at ngumiti pa ng
nakakaloko.
"Di ah! 'Wag ka ngang feelingero diyan," asik niya.
"Talaga lang huh? Lets see" he said and started dancing like a macho dancer.
Napangiwi si Ava ng magsimula na siyang gumiling sa harapan nito. Gusto niyang matawa
pero kailangan niyang panindigan ang trabaho--- and that is seducing this lady in front of him.
Better yet, he'll use this chance to bring back their friendship the way it used to be... bwahaha
what a brilliant idea!
Lalo siyang ginanahang gumiling. Nilapitan niya ito at pina-upo sa silya. And there, he
continues dancing maliciously while sexily eying her.
Ava can't believe what she is seeing right now. Steven is dancing like a macho dancer!
Her eyes widened when he started twirling his shirt in the air, then threw it on the ground. Hindi
niya lubos maisip na ginagawa nito iyon ngayon. And oh my God, this is torture! Forbid her, for
it seems like she cant resist this irresistible temptation in front of her. The only word she can
describe of what his doing right at that very moment is smoking HOT. He looks so damn sexy
with that charming face and those adorable eyes that she can't help herself from gasping.
She wanted to faint right there and then when he suddenly untied the ribbon of his
walking shorts.
She covered her face with her hands. Her bodys shaking nervously. "Waahh! Hold it
right there young man! S-stop it!" she snapped at him.
He laughed sexily, still teasing her, "What did I do wrong? I'm just dancing. Common
yam, look at me. Arent you enjoying this sexy scene in front of you?"
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 38
"Y-your way of dancing, i-its so malicious for my innocent-beautiful-charming-
expressive-exceptional eyes," she said, still gasping for air.
"Do you really want me to stop?" tanong nito. Para namang matatanggal ang ulo niya sa
sunod-sunod na pagtango. Tinungo nito ang likuran niya, niyakap siya and rested his chin on her
shoulder. "Ill stop in one condition, let's be friends again just like before," he reach her left
hand covering her face and kissed it. What bliss! It feels so... so heavenly. She closed her eyes,
letting herself feel this wonderful sensation.
"Ava?" untag nito. Dahan-dahan niyang inimulat ang mga matang nakapikit. Pumihit siya
paharap dito at saka tumango. "O-okay, Friends!" naka-ngiting tugon niya.
She saw his face lightened up. "God! Thank you, Ava. You don't know how much this
means to me," he said upon kissing her forehead.
TIME flew so fast. It was now their 12th day together in the island. Every single day
were filled with so much fun since they became friends again. They're always laughing, always
joking and always playing around.
Ava decided to forget about getting her revenge. She realized that there isnt anything
good on doing it. Its time for her to forget the hurtful past and move on. But she still doubts
about letting herself falling in love again with Steven. She's scared to be hurt again. Nadala na
siya sa nangyari noon.
"Hey there! Thinking of me?" nagulat siya ng magsalita si Steven. Kahit kailan talaga,
loko-loko to. Parati nalang siyang ginugulat.
"Ay! Minekaniko nang mekaniko ni Monico ang makina nang Minica ni Monica."
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 39
Tumawa ito ng pagak. Hay, how she loves to hear his laugh. "Sira ka talaga yam. Loka-
loka at kung anu-ano pa diyan. Ang sobrang O.A ng reaksiyon mo. Para kang timang! Akalain
ba namang mag tongue twister," sabi nito na patuloy pa rin sa pagtawa.
Sumimangot siya. "Wow! Grabe ang ganda-ganda ng pagkakadescribe mo sa akin.
Nakakatouch ng sobra. Keber mo ba sa reaksiyon ko," aniya sa pa-sarkastikong paraan at umirap
pa rito
Nakatayo sila sa lanai ng bahay. Kapwa nakatunghay sa malawak na kalangitan na puno
ng mga kumikislap na mga bituin at sa buwan na kay liwanag.
"Teka, saan ka ba galing? Ang tagal mong nawala ah," tanong niya kinalaonan.
"Its a secret. Its for you to find out later, but before that put this on," inabutan siya nito
ng isang blindfold. Takang nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa blindfold at sa gwapong
mukha nito. Pero kahit nagtataka ay sinunod niya ang sinabi nito.
"MAGLALARO ba tayo ng takip-silim?" pagkasabi niya noon ay narinig niyang
tumawa ito.
"You really know how to make me laugh. Pwede rin pero sa susunod na lang natin gawin
yon. Halika na nga," hinawakan nito ang kanyang braso at iginaya na siya sa kinaroroonan ng
sopresa nito.
"Here we are," pahayag nito. Tinanggal na nito ang piring sa kanyang mga mata.
Napanganga siya matapos matunghayan ang sinasabi nitong sorpresa. Ang.. ang ganda ng lugar.
Hindi niya maiwasan ang kiligin nang makita ang napaka-romantic na lugar, na halatang
pinagpaguran talaga.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 40
Nasa harap sila ng pool. Ang tubig ay nilagyan ng kanyang mga paboritong bulaklak---
sampaguita, pink gumamela at calla lily. Ang pool naman ay pinalilibutan ng rainbow star led
and diwali lamps na napakagandang tignan dahil nag-rereflect ito sa tubig.
Naputol ang kanyang pagtingin-tingin sa lugar ng pumailanglang sa lugar ang malamyos
na tunog ng violin. Napabaling agad siya sa lugar ng pinagmulan ng musika. Mas lalo pa siyang
kinilig ng mapag-tantong si Steven ang tumutugtog. Nakatayo ito malapit sa isang table na may
nakasindi na mga scented candles na kulay puti, pink at green na pinagigitnaan ng tatlong
artificial na bulaklak na gawa sa papel na binalutan ng water cellophane. Ang takip ng table ay
telang kulay puti at pula. Sa sahig naman ay nagkalat ang talulot ng mag red and white roses.
He stopped playing the violin and looked at her with so much love, care and tenderness.
Naantig ang puso niya sa nakikitang mga pagmamahal sa mga mata nito.
"I-its so beautiful here," ang tanging nasabi niya.
"A beautiful place for a very beautiful and important woman in my life," may
pinahihiwatig na tugon nito. He walked where she's standing and lead her to table.
Pinag-hila siya nito ng upuan. "Thanks," nakangiting sabi niya. Sinuklian naman siya nito
ng isang napakatamis na ngiti.
"Anything for you, my lady" then he bowed just like a prince. He went back to where he
was standing earlier and played the violin again without leaving his eyes from her.
Napatakip ng bibig si Ava. Nais niyang maiyak sa nararanasang kaligayahan ngayon.
And gosh, she knew this song so well. Its a song that every woman dreams off being played for
them by the man of their dreams.
Steven played the song 'Cherish you' by 98 degrees in the violin with so much passion.
The lyrics of this song, even though his not singing it, are exactly what he feels towards her.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 41
She is his first love, the only woman he would love in his entire life. The woman he
cherished and treasures. When she walked away, out of his life years ago, there's an important
part of him that had gone lost. Since she left, every day had been hell for him---its a torture. He
didn't let any woman enter his life because he believed that she will come back. Kaya nga ng
makita niya ito sa restaurant, he grabbed the chance and planned the abduction.
After playing the piece, he took a sampaguita from the pool and gave it to her. The color
of this flower symbolizes his love for her--- purity.
"Do you know why I chose sampaguita, calla lily and pink gumamela to be decorated in
the water?" tanong niya dito.
"Because all of them are my favorite flowers?"
"Partly yes." kumunot ang noo nito. Naguguluhan siguro sa naging sagot niya. So that's
why he explained further. "The gumamela's color is pink that means love. While the calla lily
and sampaguita's color is white that means purity. And then the color green of that scented
candle means life. There's also an explanation why I put it on the water," he smiled sweetly.
"And that is?" sabat nito.
"Water is very essential, without it we cannot survive. In the river... the water flows
continuously, it can be frozen in the season of winter and when summer comes the water that
froze will be back to its original form, it becomes water again and flows again. Puting it all
together, that is how I feel for you"
He knelt down in front of her and gapped her hands. "Youre the water of my life.
Without you Ill be thirsty--- thirsty for your presence, eventually I would die because of
loneliness. My love for you is so pure that it continues to flow, enduring forever," puno ng
emosyong pahayag niya. Hinalikan niya ang kamay nito pagkatapos.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 42
Nanlamig bigla si Ava. This is got to stop! Parang napapasong binawi niya ang mga
kamay mula rito. Nakita niya ang kalungkutan at disappointment na nasasalamin sa mga mata
nito nang gawin niya iyon. Hindi niya matagalan ang mga nakikita niya sa mga mata nito kaya
tumayo siya at umatras palayo. Sapo ang noo at mangiyak-ngiyak na sinabi niya, "I'm sorry,
Steven. This is... all wrong. I'm afraid that we'll just both be hurt in the end if we continue this."
"Ava, look at my eyes, please," pilit siya nitong pinaharap. Nang magtagumpay ay
hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "I did everything, for you to love me. Why can't
you love me back? Oh! Is this because of your hatred? But Ava, I cant remember anything that I
did wrong for you to hate me this much," naluluha na rin ito.
"You're really asking me why, huh! Then, I'll tell you why I hate you to the point that I
can't love you back!" medyo napataas na ang kanyang tono. Ito pa ang may ganang manumbat
sa kanya? Damn him! At nagmamaang-maangan pa ito at nag-papainosente na walang ginawa sa
kanya na masama? Nanumbalik tuloy ang nararamdaman niyang galit dito. "Listen carefully you
despicable judgmental brute!"





















Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 43
CHAPTER EIGHT

Huminga muna siya ng malalim upang humugot ng sapat na lakas ng loob upang masabi
rito ang sakit na naramdaman niya noon. Ang dahilan kung bakit galit na galit siya rito."March
25, two days before graduation at exactly 5:15 pm. I heard everything you and your friends were
talking about..."
Biglay parang rolyo ng isang lumang pelikula ang pag-flash back ng alaala sa utak niya.
Mga ala-alang pilit na niya sanang kinakalimutan.
Ten Years Ago
Naglalakad sila Ava, Sophia, at Alyssa papuntang tambayan nila nang biglang may
marinig silang boses ng mga lalaki na nag-uusap. Plano sana nilang balewalain ito pero may
sinambit na isa sa kanila ang isang lalaki.
"Si Ava? What's wrong about her?" sabi ng boses ng lalaki na kilalang-kilala niya.
Huminto sila sa paglalakad. Nagtago sila sa isang sulok at nakinig sa usapan. Alam
nilang mali ang makinig sa usapan ng ibang tao ngunit hindi nila maiwasang ma-intriga sa kung
ano ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
"We just notice lang kasi Steven that your, maybe..." huminto sa pagsasalita ang isang
pang lalaking halatang binibitin ang usapan.
"Maybe what?" nagtatakang tanong ni Steven sa kaibigan.
"that maybe your developing some feelings for that ugly girl" natatawang wika nito.
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Rex. Imagine si Steven Sandoval ang napaka-guwapo,
napaka-talented, isa sa pinakamatalino sa kanilang school, ang captain ng basketball team nila
at ang tagapagmana ng isang kilalang kompanya ay may gusto sa isang pangit na si Ava
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 44
Hernandez? Oo nga't magkasingyaman lang ang pamilyang Hernandez at Sandoval pero
napakapangit ni Ava at hindi ito bagay kay Steven. Isang napakalaking kalokohan!
Nasaktan si Ava sa narinig, alam niyang siya ang tinutukoy at iniinsulto ni Rex. Gusto
niyang tumakbo para makalayo doon pero hindi niya magawa dahil hinihintay niya ang
sasabihin ni Steven.
Ilang minuto ring hindi nakasagot si Steven. Nag-iisip muna ito ng isasagot sa kaibigan.
Nang may maisip marahan itong tumawa.
"My God pare, what made you think that I like her? Sa'yo na nga nanggaling na pangit
siya, even in my dreams hindi ako magkakagusto sa kanya, sa gwapo kong to? Itatambal niyo
ako sa isang ugly duckling? woah! woah! woah! Nasisiraan ka na ba ng ulo Rex?" pagtangi
nito.
"OO nga pala, tumawa ng malakas si Rex habang kinakamot ang ulo at nagtawanan
din ang mga kaibigan niya pati siya.
"Ano ba pareng Rex, we're talking about Steven Sandoval here!" sabi ng isa niyang
kaibigan.
"Yeah, I totatally agree about that.. But I object about the nasisiraan thingy, I can assure
you all I'm mentally fit!" pahabol pa nito
Naiintindihan na ni Steven kung bakit galit na galit si Ava sa kanya. Masakit sa loob niya
noon ang mga sinabi tungkol sa dalaga, pero kailangan niyang gawin upang maprotektahan ang
reputasyon niya, makasarili mang maituturing.
"Ava, I can-" sinubukan niyang magpaliwanag rito pero agad nitong pinutol ang
anumang sasabihin niya.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 45
"Don't try to explain dahil hindi naman kita papakinggan at paniniwalaan," sabat nito.
Nakita niyang tumulo ang mga luha mula sa mga abuhing mata nito. "Alam mo ba kung ano ang
nangyari nang pumunta ako sa Europe, huh? I was caught in a tremendous traumatic state,
Steven! Halos isang buwan rin akong nagkulong sa kwarto... laging umiiyak at takot lumabas.
I'm scared that people who would see my face will just judge me the way you did. Dahil alam
kung walang lugar sa mundong ito ang isang beast na katulad ko! Kahit sina mama at papa ayaw
kong makita dahil batid kong isa rin sila sa mga taong iyon."
Naiiyak na rin si Steven. Gusto niyang suntukin ang kanyang sarili. Hindi niya inakala na
nasaktan niya ito ng sobra, na hindi lang pala siya ang nagdurusa sa mga panahong nawala ito sa
piling niya. Nagkaroon ito ng isang malaking sugat sa puso dahil sa kanya. If only he could turn
back time, he wouldn't have said those awful things... if only.
"I'm sorry if I have caused you so much pain. Believe me Ava, what I said at that time
were all lies. I have loved you ever since. Your looks didn't matter to me," itinuro niya ang puso
nito, "You have a good heart, that's why I fell in love with you and good looks werent important
for someone who is truly in love."
Pero sadyang sarado na ang isip nito, dahil tuluyan nang naghari ang poot at galit nito sa
kanya. Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad papunta sa loob ng bahay.
"Ava!" tawag niya dito. Kailangan niyang sumugal alam niyang dahil sa gagawin niyang
ito ay may posibilidad na tuluyan na siyang kasusuklaman nito o kaya naman ay malaman niya
mismo dito kung ano talaga ang nararamdaman nito sa kanya.
Huminto naman ito at lumingon. "What?" galit na sagot nito.
Paglingon ni Ava ay nakita niyang nasa may gilid ng pool si Steven. "Marunong ka bang
lumangoy?" seryosong tanong nito sa kanya.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 46
Nagdikit ang kanyang mga kilay sa tinuran nito. Kahit naman siguro bata ay marunong
lumangoy, siya pa kaya? "Oo, Why?" sabi niya sa galit na boses pa rin.
"Ako, hindi eh" sabi nito at parang tangang nagpatihulog sa pool. Sino naman ang inuuto
nito? Naging member kaya ito ng swimming club noong elementary ito. Pinagsaklop niya ang
mga braso at pumunta malapit sa pool.
Lumipas ang isang oras, hindi pa rin umaahon ito sa tubig. Ang malaking katawan nito ay
nakalutang pa rin. Nagsimula na siyang mangamba. Nagpapanic na siya at ang galit na mukha
kanina ay napalitan ng pag-aalala.
"Hoy, Steven! 'Wag ka namang magbiro ng ganyan oh!" hysterical na sabi niya. Nang
hindi pa rin ito gumagalaw ay nagpasya siyang lumusong na upang sagapin ito.
"Steven!" sigaw niya, nang maahon na niya ito sa tubig at naihiga sa gilid ng pool. Hindi
ito sumagot kaya wala na siyang magawa kundi i-mouth-to-mouth-recitation ito.
Kumuyom ang kaliwang kamao niya ng gumalaw ang mga labi nito. Ang walang hiya,
hinahalikan na siya. Agad siyang tumayo nang maramdaman ang bolta-boltaheng kuryenteng
unti-unting gumagapang sa kanyang katawan.
"You don't really hate me, Ava. You're just avoiding me because you're scared. Natatakot
kang baka ginagawa ko ito dahil maganda ka na ngayon. But Av, tulad ng sinabi ko, minahal na
kita noon pa kahit ganun ang hitsura mo."
"What are you talking about?" pagmamaang-maangan niya. Hindi niya mapigilan ang
pag-iinit ng mga pisngi sa mga sinabi nito.
"Huwag ka ng magkaila, yam, or else I'll shut you up with a kiss. You don't know how
much I yearn to taste your lips again."
"It is not!" malakas na tanggi niya.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 47
"It is." Humakbang ito palapit sa kanya. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa dalawang
palad nito pagkatapos. Bago pa niya maitulak ito ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi.
Matamis at mapusok iyon--- dahilan upang mawalan siya sa kanyang katinuan at tinugon ang
mag halik nito.
Hindi na niya namalayan ang mga sumunod pang pangyayari. Natagpuan nalamang niyang nasa
ilalim siya ng matipunong katawan ng hubad baro na si Steven habang yakap-yakap siya at
sinisiil ng halik.
DALAWANG araw na ang nakalipas mula nang may mangyari sa kanila. Simula noon
ay iniiwasan na niya si Steven. Sa tuwing nilalapitan siya nito ay agad naman siyang lumalayo.
Pag kinakausap o kaya ay tinatanong siya nito ng bagay-bagay ay tipid lang ang sagot niya.
Hindi lingid sa kaalaman niya na nasasaktan ito sa mga ginagawa niya.
Ngayon nga ay nasa kanyang silid siya dahil ayaw niyang makita ito.
"Steven, darling!" sabi ng isang boses babae. Kumunot ang noo niya, di kaya ay
namamaligno siya? Pero ng may kumatok sa kanyang pinto at tinawag ulit ang pangalan ni
Steven ay nakumpirma niyang hindi lang silang dalawa ng loko ang nasa villa.
Tumayo siya at pinuntahan ang pinto upang buksan. Pagbukas niya ay agad tumambad sa
kanya ang isang matangkad na babae na may napakaamong mukha. Mas mataas ito ng isang
dangkal sa kanya, pero sa hula niya ay magkasing-edad lang sila nito. Ang gaganda ng mga mata
nito na maitim na maitim. Malalantik ang mga pilik-mata nito na mas lalo pang nagpapagandang
tignan sa mga mata nito. Nang mapadako ang tingin niya sa katawan nito ay parang nanliit siya--
- mas sexy ito sa kanya at mas malusog ang mga dibdib.
"Who are you?" nakakunot-noong tanong nito. Sasagot pa sana siya nang may magsalita
sa kanilang likuran na agad nagpabaling sa kanilang mga tingin.
"Mariz! What are you doing here?" nagtatakang sabi ni Steven.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 48
"Steven!" sigaw ng babaeng nagngangalang 'Mariz' at mabilis na sinugod ng yakap ang
lalaki.
"Kamusta ka na?" kapag-kuwan ay tanong nito.
"I'm fine," nakangiting sagot ng lalaki. Tumikhim siya dahil ayaw niya ang eksenang
nakikita niya ngayon. Masakit sa mata. Agad namang humiwalay ang lalaki mula sa pagkakayap
dito ni Mariz. "Oh, by the way Mariz, meet my best friend Ava. Ava, ito naman si Mariz, a
special friend." pagpapakilala nito sa kanila. Parang may naramdaman siya na kumukurot sa
kanyang puso. Best friend lang? 'Ano ka ba Ava! Eh best friend ka lang naman niyan eh. Kahit
may nangyari sa inyo, hindi iyon nangangahulugan na mag-on na kayo. Naniwala ka kaagad na
mahal ka ni Steven. Ang gagz mo! Ito na nga oh, yung special friend niya.' sumbat ng utak niya.
"Hello! Nice meeting you, Ava. Salamat sa pag-aalaga mo dito kay Steven, habang wala
ako ah? Alam mo kasi this guy cant live alone without a single help from me. Ako nga pala si
Mariz Anne Torres" nakangiting sabi ni Mariz at inalahad ang kamay sa kanya.
Pilit siyang ngumiti at tinanggap ang kamay nito. "N-nice to meet you too, I'm Ava
Hernandez. Sige na ah, may gagawin pa kasi ako." pagkakaila niya. Sa totoo ay wala naman
talaga siyang gagawin, ayaw lang niyang makita si Steven kasama ang ibang babae. Pumasok na
ulit siya sa loob ng kwarto niya. Narinig niya ang tawanan ng dalawa mula sa labas. Hindi niya
napigilang umiyak, parang pinipiga ang puso niya sa mga sandaling iyon.












Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 49
CHAPTER NINE

MAGHAPON na nagkulong ng kwarto si Ava. Ayaw niya sanang lumabas ng kwarto
niya. Paninindigan niya ang emotera mode niya. Masyado siyang nasasaktan. Ano ba siya talaga
sa buhay ni Steven? Noong nakaraang araw sinabi nitong mahal siya nito pero kaninang
ipinakilala sa special friend daw, ay best friend lang ang sinabi. Naglolokohan lang yata sila.
Tama yata ang naging desisyon niyang huwag tumugon sa hinuhulog nitong pag-ibig 'kuno' sa
kanya.
Bandang alas-sais ng kumalam ang sikmura niya. Bakit ba hindi marunong makisama
ang tiyan niya?
Tumayo siya ng kama at dahan-dahan lumabas ng pinto. Nadaanan niya ang pinto ng
kwarto ni Steven. Medyo naka-awang ang pinto at nang sumilip siya ay nakita niyang
magkatapat na naka-upo sa kama si Steven at Mariz. Masin-sinang nag-uusap ang dalawa. Ayaw
man niyang mag-eavesdrop ngunit 'di niya mapigilan ang sarili.
"Hindi ko alam na sineryoso mo ang biro kong pumanta ka rito sa Island." natatawang
wika ni Steven
"Of course, anything for you my dear. Alam mong malakas ka sa puso ko, Steven."
sinundan ito ni Mariz ng malakas na tawa.
Parang pinipiga ang puso ni Ava. Daig pa ang pinana ng isang daang kutsilyo ang sakit
na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Gusto niya ng umalis sa pinto pero hindi niya
magawang ihakbang ang mga paa.
"Seriously, bakit mo ba ako tinawagan ng dis-oras ng gabi to make me come here? Sabi
mo'y dito mo na ipapaliwanag. So now, Steven would you kindly explain!" ma-awtoridad na
muling wika ni Mariz. Sumeryoso ang mukha ni Steven.
"It's about the wedding. The wedding we've been planning for so long."
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 50
Sa narinig ay parang pinagsakluban ng langit at lupa si Ava. Dahan-dahan siyang umatras
ng pinto at hindi na pinakinggan pa ang mga sumunod na usapan ng dalawa. Naglandas ang luha
sa kanyang pisngi. Nakalimutan na ang gutom na nararamdaman kanina. Sobrang sakit. Ikakasal
na ang dalawa.
"Bakit, Steven? Bakit mo nagawa sakin ito?" luhaang himutok niya ng makapasok sa
kwarto.
HINDI mapakali si Steven. Kanina pa hindi lumalabas ng kwarto nito si Ava. Gusto sana
niyang puntahan ang dalaga sa kwarto nito pero pinigil siya ni Mariz. Sinabi nitong hayaan muna
ang dalaga dahil baka gusto nitong mapag-isa. Nagpa-ubaya siya sa gusto nito.
Tutal naman ay abala sila sa pag-uusap tungkol sa kasal. Perfectionist si Mariz at kapag
gusto nitong magplano kailangan ay tuloy-tuloy with no interruptions kaya ipagpapabukas na
muna niya ang pag-amo kay Ava. Si Mariz na muna ang haharapin niya ngayon.
PATINGIN-TINGIN sa orasan si Ava. Humupa na ang kanyang emosyon. Namumugto
ang kanyang mga mata sanhi ng halos walang patid din na pag-iyak. Pero ngayon ay tapos na
siyang maghimutok. Nakakapagod masaktan. Tanging galit ang tinira niya sa puso niya ng mga
sandaling iyon. Ang gusto niya'y maka-alis na sa Islang ito.
Nang dumating sa Mariz sa Isla isang maliit na lantsa ang namataan niya sa pampang.
Nang muli siyang sumilip sa bintana ay naroon pa rin iyon. Namataan pa niya ang isang
matandang lalaking tila nagpatakbo ng lantsa. Ang hinihintay nalamang niya ay tamang timing
kung paano makakatakas.
Ilang sandali pa'y pumatak ang kamay ng orasan ng ala-una. Tumayo siya mula sa
pagkaka-upo sa kama at tinungo ang pintuan. Pa-tip toe siyang naglakad sa hallway. Nang
tumapat siya sa kwarto ni Steven ay patay na ang ilaw roon. Parang mapupugto ang hininga niya
sa isipang magkatabi ngayon sa kama si Steven at Mariz. Who knows kung anong milagro ang
ginagawa nila? Umiling siya sa sarili saka muling naglakad.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 51
Malaya siyang nakalabas ng bahay ng walang sagabal. Simula ng hindi niya tangkaing
tumakas ay naging maluwang na si Steven sa kanya. Nakalabas siya sa bakod ng villa na pa ring
humaharang sa kanya. Ngayo'y palapit na siya sa lantsa. Naroon ang matandang lalaking nakita
niya kanina. Gising pa rin ito at nagbabasa ng libro habang nagkakape.
Nagulat ito ng makita siya. "Ineng, dis-oras na ng gabi ano pang ginagawa mo dito sa
labas?" gulat na gulat na tanong nito
"Manong, pwede po bang ihatid niyo ako sa bayan?"
"Nakow, hindi pwede Ineng baka magalit sa akin si senyorita Mariz at senyorito Steven"
kakamot-kamot sa ulong turan nito.
"Hindi naman po nila malalaman. Babalik po tayo agad. May kailangan lang po akong
tawagan. Importante lang po." muli niyang paki-usap rito. "babayaran ko na lang po kayo"
dagdag pa niya. Baka sakaling kumagat ito.
"May telepono naman sa loob hindi ba?" maang na tanong nito. Tila nagdududa.
"Sira po kasi e. Importante po talaga itong tawag na ito."
Sandaling nag-isip ang matanda. Maya-maya pa'y pumayag na rin ito.
Halos kalahating oras silang bumiyahe. Sori manong pero kailangan ko po talagang
maka-alis. Nang makarating sa pamapang ay dali-dali siyang bumaba ng lantsa saka walang
lingon likod na kumaripas ng takbo. Hindi niya pinansin ang sigaw ng matanda. Ni hindi na niya
nagawang magpa-salamat dito. Ang tanging nasa isip niya ay makatakas.
Dahil matanda na ay hinihingal na hinabol na lamang siya nito ng tanaw.
PAGDATING sa Hi-way ay may nakita siyang naka-park na mini van. Lakas loob na
lumapit siya sa babaeng natayo malapit dito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 52
Excuse me po magalang niyang pukaw sa atensyon nito.
Yes? mukha naman itong mabait kaya okay lang sigurong maki sakay.
Papunta ho ba kayo ng Maynila? Tumaas ang kilay nito at hinagod siya ng tingin bago
sumagot sa tanong niya, OO, makikisabay ka ba? diretsahang tanong nito.
Nakakahiya man po pero oho sana ngumiti ito sa kanya saka tumango kaya napangiti
na rin siya.
Mukha ka namang mabait kaya okay lang, sabi nito. hintayin na lang natin ang asawa
ko. May binili lang siya sandali. Ako nga pala si Laila tinanggap niya ang nakalahad na kamay
nito.
Magaan na ang loob niya. Makakahinga na siya ng maluwang kapag nakarating na sila
ng Maynila. Sa ngayon ay kailangan niya munang magtiwala kay Laila.
Buo na ang plano niyang bumalik sa Europa. The moment na maka-uwi siya ng bahay ay
magpapabook agad siya ng flight. Kailangan kong muling lumayo sayo, Steven bulong niya sa
utak.

Boses ni Laila ang nagpabalik sa himbing niyang utak. Ava, this is my husband, Lloyd.
Lloyd si Ava, makikisabay sana sa atin papuntang Maynila. Okay lang ba? matamis itong
ngumiti sa asawa.
Sure. No problem about that. So, lets go? mukhang mabait din ito tulad ni Laila.
Bagay na bagay sila. Nakaramdam siya ng konting inggit pero dagli niya ring winaksi sa utak
niya.
Shall we? muling tanong ni Lloyd. Tumango nalamang siya at lumulan sa sasakyan.








Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 53
CHAPTER TEN

"Anong sabi niyo po? N-nakatakas si Ava?" pag-uulit ni Steven sa sinabi sa kanya ni
Mang Agustin na nakatakas raw umano si Ava sa pamamagitan nito. Paano niya gagawin yung
binabalak niya?

"Mang Agustin naman eh! Bakit naman po kayo pumayag? 'Di niyo man lang ba naisip
na may balak na tumakas si Ava?" may halong inis na sumbat ni Mariz sa matanda.

"Pasensiya na po, senyorita, senyorito. Ang sabi kasi niya may importante raw siyang
tatawagan kaya pumayag po ako. Hindi ko naman po inakala na tatakas siya," nakayukong sabi
ng matanda.
"At nagpauto ka naman!"
"Mariz, stop it. Wala na naman tayong magagawa eh, nangyari na. Hindi makakatulong
sa atin iyang init ng ulo mo at kakasermon kay Mang Agustin," sabat niya.
"Ay ewan!" inis na itinaas ng babae ang dalawang kamay bilang pagsuko.
"Bahala kayo diyan basta ako matutulog na ulit!" pagkasabi nito ay nagwalk-out na ito at
bumalik sa kwarto nito. Pailing-iling lamang siya habang hinahatid ng tingin ang papalayong
dalaga.
"Sorry po talaga senyorito Steven."
Binalingan niya ang matanda at nginitian. "Okay na po iyon. Nangyari na eh, wala ng
magagawa kung papagalitan ko pa po kayo. Matulog na po kayo, maaga pa tayo aalis bukas.
Pagpasensiyahan niyo na lang po si Mariz, may dalaw siguro kaya ganoon ka taray at kainit ang
ulo."
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 54
SAMANTALA, si Ava naman ay masayang nakikipagkwentuhan sa mag-asawang Laila
at Lloyd.
"Talaga? Since bata pa kayo magkakilala? Ilang taon kayong naging mag-on at saka ilang
taon na kayong kasal?" manghang tanong ni Ava.
"Ang dami mong tanong ah" sabay na wika ng mag-asawa habang patawa-tawa.
"Isa-isa lang," sabay na namang sabi ng dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at sabay ding
tumawa. Nakakahawa ang tawa ng dalawa kaya natawa na din siya.
"Oo, magkababata kami. Mga 4 years rin kaming mag-on at 6 years ng kasal," sagot ni
Lloyd sa mga tanong niya.
"10 years na kaming nagsasama. My 10 years of torture and suffering," natatawang sabat
ni Laila.
"Ah ganun pala ah. Mamaya ka lang, makikita mo kung ano talaga ang torture," tugon ng
lalaki na may nakaplaster pang nakakalokong ngiti. Tumahimik naman ang katabi nito at
namumula ang mga pisngi na ibinaling ang tingin sa bintana.
-PATLANG-
Nakatulog si Ava sa sobrang kapaguran. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa
kakaiyak kanina at doon sa ginawa niyang pagtakas.
Kinabukasan...
"Ava, wake up! We're here already at Manila. Saan ang bahay niyo ? Ihahatid ka na
namin doon," bungad sa kanya ni Laila. Sinabi niya dito ang address ng kanilang tirahan sa
Quezon city.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 55
"Maraming salamat sa paghatid ninyo sa akin, Lloyd at Laila. Sigurado ba kayong ayaw
niyong pumasok sa loob ng bahay para mag-agahan?" tanong niya nang makababa mula sa mini-
van ng mga to. Ngayon nga ay nasa harapan na siya sa main door ng kanilang bahay.
"Oo, Ava. Doon na lang kami mag-aagahan sa bahay. Baka hinahanap na kasi kami ng
mga anak namin. Salamat nalang sa paanyaya," nakangiting sagot ni Lloyd. Nagpaalam na sila sa
isa't isa, pagkatapos ay pumasok na sa loob.
"O, Ava. Napaaga ka yata ng balik? Di'ba next week pa raw ang balik mo sabi ni Sophia
at Alyssa?" agad na bungad sa kanya ni Aling Lucy pagkapasok pa lang sa loob ng bahay.
"Kailangan ko na po kasing bumalik sa Europe, may problema raw po sa eskwelahan eh,"
pagsisinungaling niya. "Tawagan niyo na po ang airport at ipa-book ako ng flight papuntang
Europe na ngayong umaga ang alis," dugtong niya.
"Sige. Mag-agahan ka muna, ipapahanda kita ng almusal kay Doling," sabi nito na ang
tinutukoy ay ang head chef nila.
TANGHALI ng nagising si Steven dahil matagal siyang nakatulog kagabi sa kakaisip
kay Ava. Pagkatayo ay agad siyang naligo at nag-agahan.
Paglabas niya ng main door ay agad niyang nakita ang isang chopper. Sa may pinto nito
ay nakasandig ang nakangiting si Mariz. "Hey there sleeping head! Pinapunta ko na dito ang
chopper ko para mas madali tayong makaabot sa Manila. Ang tagal mo kasing magising eh,
bilisan mo na diyan at 'wag ng tumanganga para mahabol na natin si Ava," sabi nito.
Tumakbo siya tungo sa naghihintay na chopper. "Thank you Mariz. Your a life saver,"
wika niya dito at saka nakangiting niyakap ito.
"Walang anuman, anything for you. Let's go na po," baling nito sa piloto ng chopper.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 56
Nagring ang cellphone niya. Nang makita ang pangalan ni Sophia sa screen ay bigla
siyang kinabahan ng hindi niya mawari. "Hello?"
"Hello Steven? Nasaan ka?" panimula nito na may pag-aalala at pagpapanic sa boses.
"I'm almost there at Manila. Is there something wrong Sop? Bakit ka nagpapanic?"
sunod-sunod na tanong niya.
"Si... si" kapos ang hininga na sabi nito. Narinig na lang niya ang mga boses ng mga tao
na nagsasabing tumawag ng ambulansiya. Naghung-up na ito sa kabilang linya.
Nang makatapak na ang chopper sa lupa ay mabilis niyang pinuntahan ang kinaroroonan
ng mga kaibigan. Tinawagan niya kanina si Rex ng maghung-up ang nobya nito sa telepono at
sinabi naman nito ang kinaroroonan ng mga ito.
"Rex," tawag niya sa nakatalikod na kaibigan. Lumingon ito at nakita niya ang
malungkot nitong mukha. Ang naramdamang kaba at takot kanina ay mas lalong lumaki sa
nakitang ekspresyon sa mukha nito.
"Come, follow me" paos na sabi nito sa kanya. Malungkot na naglakad na ito papunta sa
karagatan at siya ay takang sumunod lang dito.
"We're here" mahinang wika nito. Pagtingin niya sa paligid ay may sunog na mga
bangkay at mga taong nag-iiyakan siyang nakita. Nag-aalalang lumingon siya sa kaibigan at
walang kabuhay-buhay na itinuro nito ang bandang kaliwa.
Sinundan ng kanyang tingin ang itinuro nito at napasinghap siya sa nakita. Nakita niya si
Alyssa na umiiyak sa isang katabing bangkay. "Best! Bakit mo kami iniwan? Bakit!" hindik na
sigaw nito. Humagulhol na ito ng iyak. Nagpupumiglas ito ng pilit itong pinatatayo ng isang
lalaking pamilyar sa kanya. He shook his head hard, hindi maaari 'tong iniisip niya. It can't be!
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 57
"No, David! Dito lang ako... dito lang ako sa tabi ni A-ava," pagpupumiglas pa rin nito.
Nang marinig ang pangalan ng pinakamamahal ay agad nangiligid ang kanyang mga luha.
Mabigat ang mga paa na binagtas niya ang distansiyang pumapagitan sa kanila. Nang marating
ang kinaroroonan ng bangkay ay nanghihina na napaluhod siya.
Ilang secondo din siyang tulalang nakatitig sa bangkay. Napahagulhol siya ng iyak at
niyakap ang bangkay. "A-ava!"
Ang sigaw na iyon ni Steven ay napakalakas tulad ng pagkawasak at pagkasira ng
kanyang puso. Ava was dead, the girl that he loves. He wont accept this---never!
Naramdaman niya ang isang kamay sa kanyang kanang balikat. "No! H-hindi ito si Ava.
Paano kayo nakakasiguro na si Ava nga to?" mangiyak-ngiyak na sambit niya.
"Kahit a-ako ay hindi makapaniwala noong una. Pero nang makita ko ang necklace na
nasa kamay umano nito, na binigay pa ng kanyang mga magulang sa kanya ay doon ko
nakumpirma na siya nga si Ava," pahikbi-hikbing sabi ni Alyssa. "N-nagcrash ang p-plane na
sinakyan niya, sabi nila technical problem daw. N-nagulat na lang k-kami nila Sophia at Rex
nang tawagan kami ni Aling Lucy kanina, umiiyak at sabi na patay na raw si Ava." pa putol-
putol na dugtong nito sa paraan na parang nahihirapang huminga. Ilang secondo lang ay
nahimatay ito, mabuti na lang at nasalo niya ito agad.
SA bahay ng mga Hernandez nilamay ang mga labi ni Ava. Puno ng mga kaibigan, at
kamag-anak ang bahay. Maraming tao ang dumating, lahat ay mahal ito. Dumating ang ina't ama
nito kanina mula Europe. Nagwawala ang ina nito, hindi matanggap na patay na ang nag-iisang
anak nito. (Please listen to when the last teardrop falls by Blaque)
Nakaupo lang siya sa lanai ng bahay ng mga ito, tulala. Hindi pa rin matanggap ang
pagkamatay ng babae na kanyang minahal buong buhay niya.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 58
"Steven, hijo. Ito nga pala yong sulat na pinabibigay sayo ng alaga ko," malungkot na
sabi sa kanya ni Aling Lucy, mapula-pula ang mga mata nito bunsod ng buong gabing pag-iyak.
Wala sa sariling tinanggap niya ang sulat... umalis na ito pagkatanggap niya. Nanginginig ang
mga kamay na binuksan niya ang sulat.
Dear Steven,
Kung nababasa mo ito, malamang ay wala na ako. Sinulat ko ito sapagkat nais kong
malaman mo ang nilalaman nitong aking puso. Alam mo ba, inis na inis ako sa sarili ko 'cause
even how much pains that you have caused me ay hindi ko magawang tuluyang magalit sa iyo.
My heart is such a fool, it kept throbbing for you and I still loved you.
Ang panahong magkasama tayo sa isla ay isa sa mga masasayang alaala na dadalhin at
pakaiingatan ko hanggang sa aking pagtanda o hanggang sa pagpanaw ko. And I'll be happily
sharing this to my child and to my grandchildren. As a bitter-sweet memories I'll remember that
days and I don't think I can stop crying if I do so.
Patawarin mo ako kung duwag ako at hindi ko kayang sabihin sa'yo ang mga ito sa
personal... pero mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking minahal ko buong buhay
ko at ikaw lang din ang nakasakit sa akin ng ganito. And you'll always be. The only one that I
will love forever.
Sana maging maligaya ka sa piling ni Mariz. Best wishes sa kasal niyo. Masakit man sa
aking malamang ikakasal ka sa ibang babae pero kailangan kong tanggapin. And tears kept
rushing to me just thinking of it. Kailangan kong tanggapin na hindi talaga tayo para sa isa't isa.
I don't know kung kailan ako makakamove-on pero kakayanin ko. Dahil ang tanging alam ko
lang ay... time can only heal a broken heart. Nakaya kong gawin iyon noon at makakaya kong
gawin ulit yon.
All your lies of how much you love me, of how much love, tenderness I can see to your
eyes whenever you looked at me... I believed it all. I love you so much but I have to save my heart
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 59
to be broken totally. I have to make a way to make it easier for me to move on. Because if I
stayed there while seeing you happy with another woman, I'm afraid that I won't have the
strength to continue living anymore.
You will remain in my heart forever. You're the reason that I lived, the you that I always
wanted. And I need to forbid myself to only looked at you. I'll go away so you can live better.
Goodbye and I love you.
Yours Truly,
Ava
Nang mabasa niya ito ay naglandas na naman ang kanyang masaganang luha. Mabigat
ang mga paa na nagpunta siya sa kabaong ni Ava. Patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha
at ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan at pighati. Niyakap niya ang kabaong and
there, he weeped like a child.
"Ava!" he shouted with all the misery and his heart was shattering like a glass that have
turned into pieces. Life and fate are so cruelly to him, he have waited for her for 10 years. Yes,
he have been with her these past few weeks but its so short to fill that 10 years of longing and
hell that he have spent those years. And now, Ava's already dead. He raise his head bitterly at the
heavens and asked why? He knew that its wrong to asked his decision... but he can't helped it. He
heart is full of misery and bitterness, and he can't think between what's right or wrong.
SA ARAW ng libing ni Ava... mas lalong namayani ang kalungkutan lalong-lalo na sa
pamamaalam ng mga mahal sa buhay nito. Simula nang malaman niyang patay na si Ava ay
walang mga gabi na hindi siya umiiyak. The sadness of the night bring back the days they had.
The kisses, embraces, their fooling arounds and half-meant jokes.
Si Steven ang huling namaalam and it was a very emotional one. As he said his last
farewell, he can't help himself to remember the time where they were still in the island, those
happy moments that he treasured and cherished.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 60
"This is my farewell message to the woman whom I considered my soul mate. Ava really
did a great impact in our lives... especially to me. She taught me how to love someone so deeply
and care for someone more than my life. The moments that we've shared were the happiest
moments of my life and it will remain always in my heart as a bitter-sweet memory of our love.
She's not just my bestfriend, but also my love... the water of my life---my everything," hindi na
naman niyang mapigilang bumuhos ang kanyang masaganang luha. Ang totoo'y ayaw niya pang
magpaalam... hindi niya pa rin matanggap ang pagkawala nito sa buhay niya.
Humugot siya ng isang malalim na hininga. Kailangan niya ito dahil kung hindi ay baka
tuluyan na siyang magbreakdown doon. Nang makahugot na ng sapat na hininga ay
nagpaputuloy siya-
"Yam, I know wherever you are--- you are happy together with our child. Hindi ko
parating sinasabi sayo 'to but I love you so much, I really do. You're the best thing that ever
happened in my life. Moving on and forgetting you would be impossible for me to do because
you'll always be in my heart...forever. I don't know if I'll survive without you and it will take a
lifetime for me to move on. I love you now, till the very last breath of mine. This song is for you,
yam..." sa tuwing naririnig niya ang kantang ito sa radio ay para siyang unti-unting pinapatay.
Bawat mga lyrico ay tugma sa kanyang nararamdaman... sa kanyang paghihinagpis sa pagkawala
ng babaeng naging silbing buhay niya.
"It's so hard to lose the one you love...To finally have to say goodbye...You try to be
strong but the pain keeps holdin' on...And all that you can do is cry...Deep within your heart you
know it's time to move on...When the fairy tale that you once knew is gone"
Goodbye is really hard for him to say to the one he truly loved. Hes trying to be strong,
not to breakdown, to forbid his self for this heartache but he can't... he really loved Ava... the
fairytale he knew all that was now already gone.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 61
"When the last tear drop falls...I'll still be holdin' on to all of our memories...And all of
what used to be...When the last tear drop falls...I will stand tall...And know that you're here with
me in my heart...When the last tear drop falls"
To his very last tear drop, he will hold on to the memories they spent together. Even
silence reminds him of all the sorrow... the pain and his hopelessness. He wants to suffer in
silence till hes over her. Slowly, even though its impossible for him, he can let her go... and he
will be his self once again.
"So now I'm alone and life keeps movin' on...But my destination still unknown, oh
yeah...Will there be a time when I'll fall in love again? When I was meant to walk these streets
alone...If there was just one wish I could be granted here tonight...It would be to have you right
back by my side..."
She's now already dead but life keeps going on. He doesnt know if he'll ever love again
the way he loved Ava. He knew that wherever she is right now, she's happy. And here he is,
hurting... suffering... miserable. How can he forget her? How can he start over once again
without her? He knows that she will never be back again... that he wont be seeing her for the rest
of his life... and that is killing him slowly.
"Now it's time for me to find my happiness again...And the emptiness from missin'
you...Will never ever end, baby"
Honestly, he can't move on... its hard for him to be happy, because she is his happiness...
his life. And the emptiness from missing her will never end, and he'll feel it for as long as he
lives.
Sa pakiramdam niya ay hindi na niya makakayang magpatuloy. Pero pilit niya paring
nilalabanan ang sakit. Alam niya na ayaw ni Ava na nakikita siyang ganito, pero ano ang
magagawa niya... mahal na mahal na mahal na mahal niya talaga ito. Na hindi niya maiwasang
maging ganito ka miserable sa pagkawala nito sa buhay niya.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 62
"Goodbye, my love, my bestfriend... I will miss you forever and I love you. This is the
hardest thing I will do because I love you and this love... this is all I have."
Ang mga linyang ito at mga salita ay napakasakit para sa kanya. Lahat ay
katutuhanan...walang kasinungalingan. Mas lalo pang nag-iyakan ang mga taong nasa loob ng
simbahan nang marinig ang kanyang huling pamamaalam. Bawat isa'y ramdam na ramdam ang
kanyang paghihinagpis. Ang ilan ay naging saksi sa kanyang inalay na pagmamahal sa dalaga
kaya alam nila kung gaano siya nasasaktan ngayon.
Dinala ang labi ni Ava sa North Cemetery at doon inilibing kasama ng iba nitong mga
kamag-anak na pumanaw na.
Napakahirap na sandali na iyon sa kanya, ang makita ang kanyang mahal na inalalagay sa
huling hantungan nito. She will always be a part of him and it will always be.
Nakisabay ang langit sa paghihinagpis niya. Ang ibang mga bisita ay nagsiuwian na, siya
na lang ang nakatayo roon sa may puntod ni Ava. Inilibing na ito at kasamang nabaon ang
kanyang puso sa hantungan nito.
Napakislot siya ng may magsalita sa likuran niya. "She won't be happy when she'll see
you like this." turan ng isang babae sa kanya. Paglingon niya ay parang nakakita siya ng isang
anghel na bumaba sa langit. The woman is extravagantly gorgeous with angelic seducing face.
But he don't mind the beautiful face infront of him, for him Ava is still the most beautiful
woman for him. "Do you perhaps a friend of her?" malungkot niyang sabi at muli'y tinignan ang
puntod ni Ava.
"Yes," the woman said sadly. "She's such a good friend and its so sad thinking that she's
already dead. But life must go on, Steven. I know living without her is such hell to you but I
know you can surpass it. She'll be always there at your side, guiding and protecting you,"
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 63
hinawakan nito ang balikat niya. May naramdaman siyang init na nagmula sa mga kamay nito,
tila nawalan ng konti ang hinanakit niya.
"I really.. don't know if I can miss. Her death is so sudden to me and I regret not
following her right away. If only I did, buhay pa sana siya,"mahina niyang sagot.
"Everything happens for a reason. Be strong Steven not just for Ava but for yourself and
to all of the people whose caring and loving you. I must go now, I think you should too. Its
raining hard and I'm afraid that you'll catch a fever if you'll keep sitting there," and she walked
away.
"Wait. What's your name?" agap niya.
Lumingun ito sa kanya at sinabing, "Nicolette Jaime Jimenez but you can call me Nicole
to make it short." At tuluyan na itong naglakad palayo.
Hindi pa rin siya umalis doon. But in a few minutes he was not feeling well anymore. He
touched his neck and found out that his burning hot with fever. His vision got blurry and the next
thing he knew he was already out of his senses.
"My god, Steven!" his cousin, Mariz exclaimed horrifyingly.















Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 64
CHAPTER ELEVEN

NAKATINGIN siya sa bintana... nakatunganga. Gulong-gulo ang buhok at nanlalalim
ang mga mata, tanda ng ilang gabing pagkapuyat at pagod. Ang gwapong mukha nito ay hindi na
nagawang ahitan ang maliliit na tumutubong balbas. At ang damit nito ay noong isang araw pa
yata suot at hindi na nakuhang magpalit pa. Sa may sahig ay nagkalat ang mga bote ng alak at
mga pictures ni Ava. Napakamiserable nito.

"Steven?" untag ni Mariz dito, sanay ito na nakikita siyang malinis at hindi ganoong
haggard na haggard ang anyo. Pero hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa
bintana na parang may hinihintay.
"You know, Ma-an. I was really hoping that she will be back," pumiyok siya, basag ang
tinig. At kailangan niya ang ibayong pagpipigil sa sarili kung hindi ay baka umiyak siya sa harap
nito.
Pero yatang pasaway ang kanyang mga luha, kahit anong pagpipigil niya ay hindi niya pa
rin mapigilan ang pagbuhos ng luha sa tuwing naaalala si Ava. Kaya nga palagi siyang umiinom
ng alak dahil akala niya makakalimutan niya ang sakit pero hindi pa rin, kahit anong gawin niya
hindi niya ito malimot-limot.
"I was telling myself that this is just a nightmare... that Ava is still alive and one day,
things will be back where it used to be, where me and her always laughing, playing and fighting.
Na magigising na lang ako isang araw, na kasama ko siya at naglalampungan kasama ang anak
namin. But its all lies, she's no longer here and she will never come back!" sabi nito, itinukod ang
mga kamay sa bintana at tumaas-baba ang mga balikat.
Napapaiyak na rin ang babae, she can see how miserable he is.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 65
"Everywhere I go, I always see her beautiful face and I always remember our memories
when we're still together. I really, really love her," pamiyok siya. Lumingon siya dito at parang
pinipiga ang puso niya sa nakita.
"Kahit ngayon nakikita ko ang mukha niya sa'yo."
"Steven" usal nito.
"Kahit boses niya, naririnig ko rin," hysterical na sinabunutan niya ang sariling buhok.
Tila naiinis na ito sa kadramahan niya, para bang gusto siya nitong batukan ng
pagkalakas-lakas. "Steven, ano ba! Si Ava ito!" naiinis na sigaw nito.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita pa rin niya ang mukha ni Ava sa katauhan ni
Mariz. Pero hindi siya pwedeng magkamali, sigurado siyang ang tinig ni Mariz ang narinig
niyang tumawag sa kanya kanina. Napangunot-noo siya, hindi kaya minumulto siya nito?
Nabakasan ang kanyang mukha ng takot sa realisasyong ito, wag naman sana! Matatakutin pa
naman siya sa multo. Nang ngumiti ito sa kanya ay agad siyang tumakbo sa kama at itinabon ang
comforter sa buo niyang katawan.
Parang tanga na inulit-ulit niya ang pagbigkas sa Our Father. Nang mawala na ang takot
ay dahan-dahan niyang ibinaba ang comforter sa mukha para masilip kung nandoon pa rin ang
multo. At nandoon pa nga! Nakatayo ito sa paanan at nakasaklop ang dalawang braso!
Nang makita ni Ava ang naging reaksiyon ni Steven nang makita siya ay nagtaka siya sa
kinilos nito. Doon niya naalala na takot pala ito sa multo. At hindi niya ito masisisi kung
napagkamalan siya bilang isang multo...nakawhole white kasi siya.
Naikwento nito sa kanya noon na ang puno't dulo ng pagiging matatakutin nito sa multo
ay ang ina nito. Dahil noong bata ito ay sinasabihan ito ng ina na pag nagpasaway ay
mumultuhin ito ng namayapang lola upang turuan ng leksyon. Nang nagpasaway daw ito minsan
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 66
ay nakakita ito ng isang babae na nakaputi lahat sa bintana nito. Simula nun ay hindi na ito
umulit. Hindi na nito binigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang at naging isang maamong tupa.
Nakakatawang isipin na sa laki ng katawan nito ay takot ito sa multo.
Umandar na naman ang pagiging pilya niya. May misyon siya ngayon at ito ay ang...
takutin ito ng bonggang-bongga. 'Bwahaha! Ang galing mo talaga Ava! You're a genius!'
nasambit niya sa isip.
Dahan-dahan niya itong nilapitan. Nang marating ang kama nito ay umupo siya sa gilid at
pang slow motion na hinawakan niya ang pisngi nito.
"Bumalik ako rito dahil hindi ako matahimik at mapanatag. Nakikita kita mula sa itaas
parating umiiyak, na nagiging miserable ang buhay mo simula ng mawala ako," sabi niya sa tinig
na parang sa isang anghel talaga. Lihim siyang humingi sa itaas ng tawad sa kapilyuhang
ginagawa.
"Waaah! Gusto kitang makita ulit pero hindi sa ganitong paraan! Pwede naman sa
panaginip ah... bakit ito pa ang napili mo. Ava naman eh, alam mo namang matatakutin ako sa
multo. Sorry na, naging pasaway ako... pero ano magagawa ko eh sa nasaktan talaga ako sa
pagkamatay mo eh," parang batang maktol nito, at nakalabi pa! Halatang nagpapacute para
tantanan niya at maawa dito. Kaloka!
Tama na yan, Ava. Maawa ka naman diyan sa gwapong cute na yan oh. Pag inatake yan
sa puso dahil sa kapilyahan mo, magiging kargo de konsensiya mo pa, pangungunsensiya ng
isang bahagi ng utak niya, na sinan-ayunan naman ng kerengkeng niyang puso.
Napabuntong-hininga siya. "Okay, okay, okay. Sorry din tinakot kita. Nagpanggap pa
ako ng isang multo. Buhay ako Steven, buhay na buhay." sabi niya.
"Weh?"
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 67
Binatukan niya ito. "Aray!" daing nito.
"O ano? Naniniwala ka ng buhay ako?" tanong niya.
"Paano ka nabuhay? Humiling ka ba sa diyos na mabuhay ka para makabalik ka sa piling
ko?"
"Sira ka ba? Possible ba yun? Hindi kaya!" asik niya.
"P-pero.. nakita sa bangkay na yun ang necklace na binigay sa'yo ng mga magulang mo"
hindi pa rin makapaniwalang sambit nito.
Isinaysay niya ang nangyari. Noong lulan na siya ng eroplano ay bigla na lang siyang
nahilo at hindi sinasadyang nabitawan ang necklace na hawak-hawak niya, malamang may
nakapulot at ito nga yung babaeng bangkay. Dahil doon sa pagkahilo niya ay hindi siya
nakasakay papuntang Europe... pero napagpasyahan niya pa rin ang lumayo sa Maynila para
makalimutan ang sakit nang malaman niyang ikakasal na si Steven sa ibang babae at lahat ng
pinakita nito sa isla ay pawang kasinungalingan lamang. Nagreroute siya, sa halip na sa Europe
ay pumunta siya sa Palawan na walang nakakaalam kahit si Aling Lucy. Nagulat na lang siya
nang makita ang pangalan sa news paper na patay na siya. Kahit hindi pa siya tuluyang
nakakamove-on sa pagiging broken hearted ay napagpasyahan niyang umuwi na sa Manila para
liwanagin ang lahat.
Si Aling Lucy ang una niyang pinuntahan at tulad ng reaksiyon ni Steven ay ganoon din
ang naging reaksiyon nito. Sinabihan niya na huwag munang ipagsabi sa iba na buhay pa siya
lalong-lalo na kay Steven. Nagtaka ito kung bakit, at i-kwenento naman niya ang mga hinanakit
sa matanda. At doon, kinumpirma nito na magpinsang buo daw si Steven at Mariz kaya hindi
pwedeng ikasal. At para mas makumpirma ito ay pumunta siya sa bahay ni Steven para
liwanagin ang lahat.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 68
"Peace yo!" sabi nito at nagpeace sign. "Eh kasi naman desperado na talaga ako eh.
Pinagselos kita para malaman ko kung mahal mo rin ako," paliwanag nito. Hinila siya nito
papuntang higaan at pinakubabawan siya. At walang sabi-sabing inangkin ang kanyang mga labi,
mapusok iyon at napakainit puno ng pangungulila at mapagparusa na kanya namang tinugon.
Hindi niya namalayan na unti-unti na pala nitong tinatali ang kanyang mga kamay sa
magkabilang kilid ng kama.
Nang matigil ang kanilang paghahalikan ay kapwa na sila kapos ng hininga. Agad naman
nitong binalingan ng tali ang kanyang mga paa noong una ay nagpumiglas siya pero sinabi nito
na pag patuloy nitong ginagawa iyon ay baka maapektuhan ang baby kaya tinigil na lang niya..
"Ano ang ginagawa mo Steven? Bakit mo ako tinali?" tanong niya kapagkuwan.
"Hindi ba obvious? Re-rape-in kita," sagot nito na may naglalarong kapilyuhan sa ngiti
nito. Nang tinignan niya ito ng masama ay agad itong tumawa. "Joke lang... actually, parusa mo
ito. Aba'y muntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa mong kapilyuhan kanina ah.. its my
turn now. At para hindi ka na rin makatakas muli," bawi nito sa sinagot kanina. At tulad noong
nasa isla sila ay sinayawan na naman siya nito ng ala macho dancer. Nakakaloka!
"Wahhhh! Steven itigil mo yan, nakabuo na tayo kaya itigil mo yan. Baka mademonyo
ako't ikaw ang ma-rape ko," sigaw niya. Tumawa ito sa sinabi niya.
Natigilan ito. Kapagkuwan ay tumingin sa kanya. Makikita sa mukha nito ang
pagkagulat. M-magiging ama na ako?
Oo. Two actually, ngumiti siya. Tuwang-tuwa ito na niyakap siya. Nagsisigaw. Ilang
ulit na tumalon.
"Talaga? As in, kambal ang anak natin diyan sa maliit mong tiyan?"
"Loko-loko! One month pa kaya ito kaya maliit pa."
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 69
"Oh my God, this is such a wonderful news! Thank you Ava, I love you so much!"
tuwang-tuwang sabi nito.
"I love you too," tugon niya at mabilis na hinalikan ito sa labi. Pero tila ayaw lang nito ng
smack lang, kinabig siya nito at muling inangkin ang kanyang mga mapag-imbitang labi. At
muli, dinala siya ng lalaki sa isang lugar na ito lamang ang nakadadala sa kanya roon. Sumabay
na siya sa saliw ng musika na sila lamang ang nakakarinig, kasabay ng malalakas na tibok ng
kanilang mga puso.
ABA, iba na talaga pag masamang damo. Ang tagal mamatay," sabi ni Sophia ng
ikwento niya ang tunay na nangyari sa kanya. Binatukan ito ni Alyssa sa sinabi nito.
"Ikaw talagang matakray ka, pasalamat nga tayo at buhay si Ava. Yan pa ang sasabihin
mo, ano kang klaseng kaibigan?" litanya ni Alyssa dito.
"Ikaw ding buntis ka, nabuntis ka lang ginaganito mo na ang beauty ko. Binabatukan mo
na ako, sino nagturo nun sa'yo para maturuan ko na ng leksyon," sagot nito. Tatlong linggo ng
buntis si Alyssa sa asawa nitong si David at si Sophia ang kawawang nalihian nito. Nagtawanan
sila sa kakulitan ng dalawa.
"STEVEN! Ano na naman to? Sopresa na naman nuh?" nakatawang sambit ni Ava sa
kasintahan. Isang linggo na silang mag-on at ang bawat araw na magkasama sila ay napakasaya
sa kanya. Puno ng kulitan at pagmamahal.
"Huwag ka ngang excited diyan. Parating na tayo doon, maghintay ka lang ng konti,"
sagot nito. Ilang minuto rin silang lulan ng chopper ni Steven nang marating na nila ang lugar ng
sopresa ni Steven ay inalayan siya nito pababa. "Nandito na tayo. Diyan ka lang ah, 'wag kang
aalis," sabi nito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 70
Ilang sandali pa ay pumailanglang sa paligid ang isang musika. Tinanggal niya ang piring
at nakita niya si Steven nasa intablado may kasamang isang sikat na banda na paborito niya. At
ito ang kumakanta! Ang sweet talaga, sobra!
I wanna make you smile
Whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All i wanna do, is grow old with you...
I'll get you medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
So, it could be so nice growing old with you,....
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control.
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
Oh I could be the man that grows old with you
I wanna grow old with you.
Pagkatapos ng kanta ay maluha-luha na siya. Ito na ba ang pinakahihintay niya? Kung
ganoon nga, siya na yata ang pinakaswerteng babae sa mundo sa oras na ito.
"Please look above the sky yam," sabi nito habang ang titig ay puno ng pagmamahal. O
kay saya niya sa tuwing tinitignan siya nito ng ganoon... feeling niya siya ang pinakamagandang
babae sa mundo. Sinunod niya ang sinabi nito, tinignan niya ang kalangitan at nakita niya ang
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 71
isang banner na may nakataling kalapati sa magkabilang gilid. Ang nakasulat ay... "I wanna
grow old with you yam. Will you.. carry me?" nadismaya siya dahil hindi marry you ang
nakalagay.
Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Binigyan siya nito ng three red
roses na ikinaparty ng kanyang puso. "Will you carry my heart forever and replace C with M in
that word?" tanong nito, lumuhod ito at may kinuhang maliit na pulang kahon mula sa bulsa nito.
Binuksan nito ang nasabing kahon at tumambad sa kanya ang isang singsing.
"Sinadya ko pang pinagawa to para maging isa lang to sa mundo tulad mo na nag-iisa
lang sa puso ko," pinaghiwalay nito ang singsing, tatlo pala iyon na pinagsama lang para
makabuo ng isang singsing at isang unique na design. "This is us two," sabi nito at itinuro ang
dalawang singsing na may disenyong kamay. "And this is the love that we'll be holding on,
forever" at itinuro ang singsing na nasa gitna na may hugis puso. Pinagsama nito ang singsing at
muli siyang tinanong.
"So, will you marry me Ms. Ava Hernandez? I can't promise you a perfect life with me
and I can't promise you a perfect marriage either... there is only one thing I promise you and that
is, I will love you till my last breath."
"No," mahinang tanggi niya sa proposal nito pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito
nakaligtas sa pandinig nito. Kita niya ang pagrehistro ng pagkadismaya sa gwapong mukha nito
at ang mata nito ay malungkot na nagsasabing 'bakit?'
"Joke lang, eh kasi naman kanina eh, sinabi mo sa banner na carry you, aba'y bonggang-
bongga ang pagkadismaya ko nang mabasa ko 'yon nuh," agad niyang bawi sa sinabi kanina.
"Ang dami mong satsat, isang tanong, isang sagot... pakakasalan mo ba ako? Dahil kung
hindi nandiyan naman sila NItz, Agatha, Joydhie, Joy Kayla, Meica, Merly, Brook, Leezy,
Myrrh, Clay at Glo," sabi nito sa boses na parang naiinis pero alam niyang nagbibiro lang ito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 72
"Sino naman 'yon?" pagsakay niya sa biro nito.
"Chicks 'yon, ang gaganda at ang se-sexy. So ano na?"
"Kahit naman hindi ang isasagot ko, hindi mo pa rin ako tatantanan hanggang sa hindi
ako umu-oo. Kaya oo na, pasasakal este pakakasal na ako sa'yo," nakangiting sagot niya.
"Napipilitan ka lang naman siguro eh," pagmamaang-maangan nito at tumayo na mula sa
pagkakaluhod.
"Sabi ng oo eh!" kinuha niya ang singsing sa kamay nito at isinuot sa palasingsingan
niya. " Hindi na ako magpapakipot nuh! Mga bigatin kaya ang mga kalaban ko,."
Tumawa ito ng pagak. "Ganyan dapat, kung ganyan ka parati, di walang gulo," sabi nito
sa pagitan ng pagtawa.
"Tse! O ano, kailan ang kasal?"
"Bukas"
Napamulagat siya ng mata. "B-bukas? Ang bilis naman yata, kakaengage lang natin
ngayon ah. Paano ang mga preparations and everything?"
"Ayaw mo nun, wala ka nang magiging kaagaw sa pwesto bilang asawa ko," tumawa pa
ito. "Okay serious na'to, ayaw ko kasing may makaagaw pa sa yam ko kaya sasakalin este
pakakasalan na kita. At huwag na po kayong mag-alala sa mga preparations and everything dahil
nakahanda na ang lahat. Si Mariz mismo ang nagplano," paliwanag nito.
"Ibig sabihin yong narinig kong kasal na pinag-uusapan ninyong dalawa noong nasa isla
tayo, ay kasal pala natin?" amuse na tanong niya.
Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Opo, kaya nga umalis ka noon at muntik ng
mapalagay sa kapahamakan."
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 73
"Sorry na nga."
"Halika nga dito," at niyakap siya. "Okay na 'yon ang mahalaga ay ligtas kayo ng mga
anak natin at buhay na buhay." at hinalikan siya nito sa noo.
GINANAP ang kanilang engrandeng kasal sa Isla Steva Hersan. Ang isla na puno ng
kanilang mga masasayang alaala, sa lugar na kung saan sila muling naging magkaibigan at nabuo
ang kanilang magiging supling. Sa may baybayin sila... naroon ang kanilang mga kaibigan,
kapamilya, at kapuso... lahat nakaputi.
Ang saya-saya niya habang naglalakad sa kulay puti na de-carpeted na buhanginan.
Kitang-kita niya si Steven, ang kanyang groom na naghihintay sa may altar. Gwapong-gwapo ito
sa suot na kulay puti na polo, nakabukas ang dalawang butones dahilan upang malantad ang
dibdib nito. Hunk na hunk, yummy! 'Mag hunos dili ka Ava! Hindi pa nga natatapos ang kasal,
honeymoon na agad ang iniisip mo." sita ng isip niya.
Narinig sa paligid ang malamyos na mga tinig ng mga singer na sina Nicole at Mariz...
dinuduet ang kantang Sayo Lamang ng MYMP. Nang malapit na siya sa altar ay di-sinasadyang
natapilok siya na sanhi ng pagkatumba niya, syempre came to the rescue naman ang kanyang
prince charming. Patakbong nilapitan siya nito at inalayan patayo. Imbes na mahiya dahil sa
nangyari ay kinilig pa ang loka. Sabay silang dalawa na nagpunta sa altar. From there, hindi na
niya matandaan ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Namalayan na lang niya na
nagpapalakpakan ang mga tao at nagsisigawan ng: "Kiss! Kiss!"
"Well, I just pronounced you man and wife. You may now kiss your beautiful bride,
Steven. What are you waiting for?" nakangiting wika ng paring nagkasal sa kanila.
Binulungan muna siya nito. "You look very beautiful, my dear wife. I LOVE YOU."
wika nito, sinabi din niya ang three magical words at hinalikan na siya nito.
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 74
LIMANG taon na ang nakalipas pagkatapos ng naging kasal nila. Masayang-masaya siya
habang binabaliktanaw ang nangyari sa kanilang dalawa ni Steven. Ngayon nga ay nasa isla sila
ni Steven kasama ay kanyang kambal na babae at lalaki na pinangalanan nilang Steva Laurice at
Hersan James na alinsunod nila sa pangalan ng isla.
"Mommy! Mommy! Aunt Nicole and Uncle Simon are fighting again," sabay na
sumbong ng kambal. Napailing na lang siya, simula ng magkita ang dalawang iyon ay palagi na
lang nagbabangayan. Parang aso't pusa, kahit maliliit na bagay pinag-aawayan.
"Just let them be, babies. Don't mind them, you know naman that they're like dog and
cat," nakatawang sabi niya sa mga anak. "Where's your daddy?" dugtong niya.
"Uy, mommy... She's missing daddy," tukso sa kanya ni Steva, mukhang namana yata
ang pagiging pala-tukso ng kaibigang si Sophia. Malaking problema kung ganoon.
"I'm here, sorry pinaghiwalay ko lang yong dalawa. Baka magkapatayan na," bungad sa
kanya ng butihing asawa habang patawa-tawa.
Napabuntong-hininga siya. "Hay naku, yang dalawa talaga ang sarap pag-untugin ang
ulo. Aba'y malapit ng magkaanak nag-aaway pa rin," litanya niya.
"Pabayaan mo na, ganun lang talaga magmahalan ang dalawang yon," pagbara nito sa
kanya. "Oh! Who wants to hop in on the chopper? The weather is nice and we can easily see the
whole island above the sky," sabi nito. Nagsabay na nagsabi ang dalawang makukulit ng: "Me!"
Nakisali siya sa kakulitan ng mga anak at nagsabi rin ng me habang pinalilibutan ang
nakangiting si Steven.
"Okay, lets go." anito at masaya silang apat na pinuntahan ang kinaroroonan ng chopper
at sumakay dito. At katulad ng nasa mga fairytale... They Live happily ever after.
THE END
Beauty is the Beast Marysol
Tagalog Online Pocketbook 75
AUTHORS NOTE:
Maraming salamat po sa mga nagbasa nito sa aking unang ginawang
nobela.. Sana po ay suportahan niyo rin ang aking susunod pa na mga akda na
ipapublish dito sa TOP. Salamat po ulit sa mga nagsubaybay sa kwentong pag-ibig nila
Ava at Steven. Sa mga nag comment, nagfeedback and etc. Thank you so much. :) Sa
muntik na akong ipasalvage dahil sa nangyari kay Ava sa kabanata 10, peace yo! :)
Gigilingan na lang kayo ni Steven para makabawi ako hahaha..
Ah nga pala gusto kung humingi ng pabor sa inyo. Paki-basa po ng A Painful
Love Series, nakahanay po 'yun sa Series Column. Gusto ko pong malaman kung ano
uunahin kong isulat na storya dun. And also sana suportahan ninyo ang The Dangerous
Girls' Club Series. Adik eh nuh? Daming series haha.. Oh well.. hanggang dito na
lamang po dahil baka maabutan pa tayo ng tomorrow sa kakaspeech ko :D
Pagpalain nawa tayo ng panginoon.. ^_^ Take care sa lahat. At laging
pakakatandaan... ang tunay na pag-ibig ay hindi tinitignan ang panlabas na anyo. Kahit
gaano pa tayo ka pangit, may tao pa ring magmamahal sa atin ng tunay at lubos. Tulad
nga ng sinabi ng aking fafa Steven na magaling sa gilingan ayieh! *toinks*... walang
pangit lahat tayo ay pantay-pantay. Ano naman ang silbi ng kagandahan kung masama
naman ang ugali diba? Ang anyo ay nababago at nabibili ngunit ang busilak na
kalooban ay hindi kailanman mabibili.

You might also like