You are on page 1of 8

Holy Angel University College of Nursing and Allied Medical Sciences Angeles City Mga Respondante: Pagbati!

Kami, mga estudyante sa ika-4 na taon ng Nursing sa Holy Angel University, ay kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa Family Social Support, Dietary Compliance, and Glycemic Control among Adults with Type II Diabetes Mellitus bilang bahagi ng mga rekwayrment sa kursong Nursing Research II. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang ugnayan ng suporta galing sa pamilya sa pagsunod ng pasyente sa tamang pagkain at pagkontrol ng blood sugar. Ang pag-aaral na ito ay maaring makapagbigay ng rekomendasyon sa hinaharap na makakatulong upang mapabuti ang pamamahala sa sakit ng mga taong may diabetes. Dahil dito, hinihingi po namin ang inyong partisipasyon sa pamamagitan ng pagsagot ng dalawang kwestyoneyr at pagpresenta sa amin ng resulta ng inyong HbA1c. Kayo ay isa mga respondante at ang impormasyon na inyong maibibigay ay mahalaga para makumpleto ang pag-aaral na ito. Kami po ay umaasa na ang lahat ng inyong kasagutan ay pawang katotohanan. Wala pong tama o maling sagot. Lahat ng impormasyon na inyong ibibigay ay ituturing na konpidensyal. Salamat po sa inyong oras at kooperasyon. Kung nais po ninyong malaman ang resulta ng pag-aaral na ito ay ipagbibigay alam ninyo sa amin. Maari po kayong makipag-ugnayan sa numerong 0926-1287463.

Sarah Celina L. Mendoza Group Leader Noted By:

Jose Henry T. Lansangan, RN, MAN Research Instructor

Vanessa L. Belen, RN, MN Dean, CNAMS Conforme Nabasa at naunawaan ko ang nilalaman ng sulat na ito tungkol sa nagsasabing pag-aaral. Ito ay nagpapatunay na ako ay sumasang-ayon na sumali sa pag-aaral na ito at hindi ako pinilit sa anumang paraan ng mga mananaliksik. Bilang respondante, may karapatan akong bawiin ang aking partisipasyon.

Lagda

Petsa

Personal na Impormasyon

Pakisagutan po ang mga katanungan sa ibaba sa nakalaang patlang at lagyan ng tsek ang mga may parenthesis. Salamat po.

Petsa: Kasarian: Tirahan: (Town/City) Edad: Civil Status: ( ) Single Antas ng Edukasyon: Trabaho: Bilang ng taon ng pagkakaroon ng diabetes: Bilang ng miyembro ng pamilya sa bahay: *Ilagay ang kanilang relasyon sa inyo. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. ( ) Married ( ) Seperated ( ) Widowed (Province) ( ) Lalaki ( ) Babae

Social Support Scale for Self-care in Middle-Aged Patients with Type II Diabetes (S4-MAD) Panuto Ang kwestyoneyr na ito ay patungkol sa inyong saloobin sa pagkakaroon ng suporta galing sa inyong pamilya, kaibigan, at mahahalagang tao para sa inyong mga gawaing pang-nutrisyon. Sa bawat katanungan, lagyan ng tsek ang kahon na sa tabi ng inyong sagot na pinakamaglalarawan ng inyong paniniwala o saloobin. Pakisagutan po ang lahat ng mga katanungan.

Mayroon akong 1. Kasama na nanghihikayat sa akin na panatilihin ang diet na inirekomenda ng aking doktor o nutritionist.
1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi

2. Kasama na ipinapakita kung gaano siya kasaya tuwing napapanatili ko ang diet na inirekomenda ng doktor o nutritionist.
1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi

3. Kasama na bumili ng sangkap na kailangan sa pagluto ng mga ankop na pagkainma na para sa mga may diabetes.
1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi

4. Kasama na tumutulong sa akin na mag-iskedyul para sa aking pagkain.


1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi 5. Kasama na ipinagluluto ako ng angkop na pagkain para sa mga may diabetes. 1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi

6. Kasama na nagbabawal sa akin tuwing kumakain ako nang labis o kulang sa dapat kong

kainin.
1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi

7. Kasama na kumakain ng pagkain na pwede kong kainin para hindi ako matukso at maipagpatuloy ko ang aking diet.
1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi

8. Kasama na bago kumain- ay sinasabi sa akin kung ano ang mga sangkap ng pagkain na angkop o hindi sa akin.
1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi

9. Kasama na nagpapaalala nang paulit-ulit sa akin tungkol sa kahalagahan ng pagpapatuloy ng aking diet.

1) Wala 2) Madalang 3) Minsan 4) Madalas 5) Palagi

Ang Kabuuan ng Pangangalagang Pansarili sa Sakit na Diabetes Panuto

Ang mga sumusunod na tanong ay tungkol sa mga gawaing pangangalaga sa sarili ng mga taong may diabetes sa nakalipas na pitong (7) araw. Kung ikaw ay nagkakasakit sa nakalipas na 7 araw, balikan ang nakalipas na 7 araw na hindi ka nagkasakit.

Diet 1. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW ka sumunod sa pagpaplano ng pagkain ng masustansiya? 0 1 2 3 4 5 6 7

2. Kung susumahin, sa nakalipas na buwan, ILANG ARAW SA ISANG LINGGO ka sumunod sa iyong tamang pagkain? 0 1 2 3 4 5 6 7

3. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW na ikaw ay kumain ng lima o higit pang hain ng prutas at gulay? 0 1 2 3 4 5 6 7

4. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW na ikaw ay kumain ng matatabang pagkain tulad ng red meat o full-fat dairy products? 0 1 2 3 4 5 6 7

5. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW na ikaw ay nagkaroon ng sapat na pagitan sa pagkain ng carbohydrates sa buong araw? 0 1 2 3 4 5 6 7

Ehersisyo 6. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW na ikaw ay lumahok sa pisikal na gawain na hindi bababa sa 30 minuto? (Kabuuang minute ng Gawain, kasama ang paglalakad). 0 1 2 3 4 5 6 7

7. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW na ikaw ay lumahok sa partikular na sesyon ng ehersisyo (tulad ng paglangoy, paglalakad, pagbibisikleta) bukod sa mga gawaing bahay o bilang bahagi ng inyong trabaho? 0 1 2 3 4 5 6 7

Gamot 8. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW na ikaw ay uminom ng inirekomendang gamot na pang-diabetes?

9. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW na ikaw ay gumamit ng inirekomendang insulin injections? 0 1 2 3 4 5 6 7

10. Ilang beses sa nakalipas na PITONG ARAW na ikaw ay uminom ng inirekomendang bilang ng pills na pang-diabetes? 0 1 2 3 4 5 6 7

Salamat Po sa Pagkumpleto ng Kwestyoneyr

You might also like