You are on page 1of 4

Pagsasanay Ikahon ang mga pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap. 1. Nagagalit ang nanay sa kanyang anak. 2.

Kinain ng pusa ang isda. 3. Ang mag-anak ay nagsimba kagabi. 4. Sasali ako sa paligsahan. 5. Ang guro ay nagtuturo. 6. Dumamay siya sa mga nabiktima ng sakuna. 7. Ang buong kapisanan ay tutungo sa Laguna. 8. Pinasalamatan ng pangulo ang mga mamamayan. 9. Ang aking ate ay nagsasaing. 10. Napag-usapan na natin ang plano. 11. Nagpamalas ng pagsasayaw ang mga kalahok. 12. Mabilis na kumalat ang apoy. 13. Kinagigiliwan ng mga magulang ang batang magalang. 14. Dinamdam niya ang paglisan mo. 15. Ipinagtabuyan nila ang pulubi.

Pagsasanay A. Isulat ang pandiwang pawatas na mabubuo mula sa mga ibinigay na salitang-ugat at panlapi. 1. luto 3. sara 5. sulat 7. umalis + mag + i + in + um + hin 2.linis 4.tulong 6.balik 8. basa 10. dating + ma + um + an + ipa + maka

9. sabi

B. Isulat ang salitang-ugat at panlaping bumubuo sa mga sumusunod na pandiwang pawatas.

Pandiwa 1. masabi 2. maglaba 3. lundagin 4. makabalik 5. maidlip 6. dinala 7. maghain 8. magpulbos 9. makisabay 10. bumungad

Salitang Ugat

Panlapi

Pagsasanay A. Bilugan ang mga aspektong Perpektibo sa mga sumusunod na pangungusap. 1. Si Gng. Reyes ay nagalit sa tsuper. 2. Binatikos ang pangulo ng mga mamamayan. 3. Ang samahan ay nagpulong kahapon. 4. Ibinalita niya ang nangyari kanina. 5. Ikinasal na ang magkasintahan. 6. Bumili siya ng bagong laruan. 7. Ang bagong kotse ay ginamit ng kuya. 8. Binaha ang lalawigan ng Albay. 9. Maraming sundalo ang naghirap sa digmaan. 10. Naparusahan ang mga nagkasala. 11. Itinapon nila ang basura. 12. Kinapos siya ng hininga. 13. Sumama ang panahon kahapon. 14. Ang nanay ay naglaan ng almusal para sa iyo. 15. Ang lola ay nagpaluto ng masarap na halayang ube.

B. Gawing aspektong perpektibo ang mga salitang may sa pangungusap. Isulat ito sa patlang. 1. Maglilinis ng bahay ang nanay. 2. Nagluluto ang kusinero. 3. Maglalaba ang labandera ng maduduming damit. 4. Nag-aaral ang bata ng kanyang aralin. 5. Naglalaro ang mga bata sa malawak na palaruan. 6. Umiiyak ang bata. 7. Manonood kami ng sine bukas. 8. Sumisigaw sila sa tuwa. 9. Uuwi sila ng maaga. 10. Manghihiram kami ng CD sa Video City. Pagsasanay A. Bilugan (O) ang pandiwang ginagawa pa o nagaganap pa sa loob ng pangungusap.

1. Naglilinis ng bakuran ang lola. 2. Ang buong bayan ay nagsasaya. 3. Ang mag-aaral ay nag-aaral ng mabuti. 4. Umaalis ang Mommy ko araw-araw para maghanap buhay. 5. Nagtuturo si Gng. Purificacion sa Mababang Paaralan Ng San Columban. 6. Tuwing Linggo nagsisimba kami. 7. Sumasali ako sa paligsahan ng pagbigkas tuwing Buwan ng Wika. 8. Gabi-gabi kami ay nagdarasal. 9. Dumarating ang Lola at Lolo ko tuwing bakasyon. 10. Bumibili siya ng pagkain sa kantina araw-araw. Pagsasanay A. Bilugan (O) ang tamang pandiwang nasa aspektong kontemplatibo. 1. (Magbabasa, Babasahin) ko ang ating takdang aralin para bukas. 2. (Lilinisin, Maglilinis) ako ng bahay mamaya. 3. (Iinom, Iinumin) siya ng gatas bago matulog. 4. Huwag kang mag-alala (pupunta,pupuntahan) ako riyan. 5. Ang mga panauhin ay (tatawag, tatawagin) na sa.

B. Ikahon ang mga pandiwang nagpapakilala sa aspektong kontemplatibo.

1. Magkakaroon kami ng paligsahan sa makalawa. 2. Bukas ng umaga ay aalis ang mga delegado. 3. Magbabakasyon ba kayo sa Laguna? 4. Mamaya ko ibibigay ang iyong pera. 5. Sa isang lingo gaganapin ang patimpalak. 6. Mag-aaral siya ng leksyon mamaya. 7. Tutungo sa Boracay ang pangulo ng kanilang samahan. 8. Kakampihan ng kagawad ang nagwagi sa kaso. 9. Di ba, aalis na ang mga alaga nilang sundalo? 10. Bibili ako ng bigas sa palengke.

C. Bilugan (O) ang tamang aspekto ng pandiwa sa loob ng panaklong.

1. (Kumain, Kumakain, Kakain) siya ng mga prutas at gulay kaya siya ay malusog at malakas. 2. Ang araw ay (sumikat, sumisikat, sisikat) sa Silangan at lulubog sa kanluran. 3. (Naghanda, Naghahanda, Maghahanda) sina ate at kuya sa darating kong kaarawan. 4. Ang mga mag-aaral na (binigyan, binibigyan, bibigyan) ng Unang Gantimpala ay nagpapasalamat. 5. (Tinuruan, Tinuturuan, tuturuan) ng guro ng sayaw ang mga mag-aaral sa darating na Linggo.

D. Gamitin ang tamang anyo ng pandiwa ayon sa isinasaad ng pangungusap.

(Mamasya) (Dumalaw) (Makinig) (Bigyan) (Sirain)

1. 2. 3. 4. 5.

sila tuwing Sabado ng gabi. kami bukas sa Hospital. si lolo ng balita kagabi. ko araw-araw ng pagkain an gaming pusa. ng mga hayop ang mga pananim kapag hindi tayo naglagay ng malaking bakod

You might also like