You are on page 1of 15

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Ate Jewel,

Humihingi ako ng paumanhin sa paglalaro ng iyong laptop ng walang paalam. Nagawa ko ito dahil gusto ko lang maglaro ng Burger Island 2. Pinapangako ko po na hindi na ito mauulit.

Paumanhin po ulit.

Nagmamahal, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Aila,

Alam mo ang saya-saya ko nitong nakaraang pasko.Nakumpleto ko ang pagsisimba ng siyam na simbang gabi.Kumpleto ang pamilya ko,mga pinsan,at tita ko sa pagdiriwang namin ng pasko.Kami ay nagdiwang ng noche buena sa bahay ng pinsan kong si Ate Abby.Ang daming handa .Nagsalu-salo ang buong pamilya .Pagkatapos nagpalaro ang mga tita ko .Namigay ng papremyo at regalo para sa amin.Pagdating ng umaga, namasko ako sa mga ninong at ninang ko.Ang dami kong natanggap na regalo.Ang saya-saya talaga pag kapaskuhan.Sana araw-araw ay pasko.

Ang iyong kaibigan, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Daniel,

Malugod kong pinapaabot ang aking pagbati sa iyong ika-siyam na kaarawan. Naway sa mga darating na panahon ay matupad mo ang iyong pangarap.

Maligayang Kaarawan at pagpalain ka nawa ng ating Poong Maykapal.

Nagmamahal, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Natalie,

Sanay ipagpaumanhin mo ang naganap kahapon. Hindi ko sinasadyang mapunit ang iyong sinulat na katha. Akala ko lang kasi na isang papel lang iyon na hindi mahalaga ang nakasulat. Sana ay mapatawad mo ako sa aking nagawa kahapon. Sisikapin kong makabawi sa aking nagawa.

Ang iyong kaibigan, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Tita Analyn ,

Tanggapin po ninyo ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong pagdalo sa aking kaarawan noong nakaraang linggo.

Habang buhay po naming tatanawing utang na loob ang pagdalo ninyo sa aming munting pagdiriwang bilang pangunahing mga isponsor.

Lubos na sumasainyo, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Tita Analyn ,

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit noong magtatapos ako sa Mababang Paaralan.

Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari niyon. Lalo raw akong nagmukhang binata.

Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat. Talagang tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.

Salamat na muli.

Nagmamahal, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Cristina,

Kumusta ang iyong pag-aaral? Matataas ba ang iyong mga marka?

Pagbutihin mo sana ang iyong pag-aral upang matuwa ang iyong mga magulang.

Sa sunod kong pagsulat ay ipadadala ko sa iyo ang mga litrato natin noong nakaraang pista rito sa Maynila.

Kumusta mo na lang ako sa iyong mga kapatid at magulang.

Ang iyong kaibigan, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Rosa,

Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak noong nakaraang Linggo ng Wika.

Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman naming ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang iyong ginawa. Parang totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo'y ang iyong mahusay na paghikayat sa mga manonood.

Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.

Ang iyong mga kamag-aral, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Dhaine,

Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo. Huwag kang labis na malungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay maging matahimik siya sa kabilang buhay.

Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga kamag-aral.

Ang iyong kaibigan, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Kaibigan,

Ako ay nakikiramay sa pagkawala ng iyong tatay noong nakaraang linggo. Pasensya na kung hindi ako nakapunta sa burol ng iyong tatay dahil sa inasikasong trabaho. Dagdagan pa sana ninyo ang inyong dasal dahil alam ko na hindi pababayaan ng Diyos ang inyong pamilya.

Ang iyong kaibigan, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Kaibigan,

Lawrence kamusta ka na? Tagal na natin di nag kikita ah. Minsan pumarito ka samin at magsaya tayo gaya ng dati kulitan, kwentuhan, tawanan. Sana masaya ka sana diyan, wag kang malulungkot dito lang kaming mga kaibigan mo. Di parin mag babago ang turing namin sayo ganon parin parang kapatid, wag kang magalala samin ok lang kami dito ng kaibigan. May balita ako para sayo ako ay naka pasa sa board exam at magiging lawyer na ko. Sana ikaw rin ay maabot mo na ang iyong mga pangarap.

Iyong Kaibigan, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Pinsan,

Sa darating na Ika-12 ng Hunyo 2013 ay magkakaroon ng kaunting salo-salo na gaganapin dito sa aming tahanan. Ito ay sa ganap ng ikalima ng hapon. Ang lahat ng ating mga kaibigan ay nagpasabing makakarating para sa okasyong ito. Ito ay bilang pasasalamat sa ika 110 kaarawan ni Ginoong Alberto Sanchez yung ating hinihingan ng payo noon. Umaasa ako na darating ka sa araw na nabanggit. Hanggang dito na lamang.

Ang iyong pinsan, Heydrian Luis

86 Nitang Avenue Gulod, Novaliches, Quezon City Ika-2 ng Disyembre 2013

Mahal kong Tita Ana,

Inaanyahan ko po kayong pumunta sa aking pagtatapos sa aking pag-aaral na magaganap sa Ika-6 ng Abril sa ganap na alas 8:00 ng umaga. Alam ko pong matutuwa kayo para sa akin dahil magtatapos ako ng elementarya na may sertipiko at diplomang matatanggap.

Inaasahan ko po ang inyong pagdating.

Nagmamahal, Heydrian Luis

You might also like