You are on page 1of 1

Pasko sa Karimlan Nagngingitngit na kulog at malalakas na dagungdong ng kidlat. Kadilimang niyakap ang kaulapan.

Mga punong sumasayaw sa saliw ng hangin, at ang ulang nagbibigay ng takot sa dilim. Tilay nandito na ang aking kinakakatakutan, ang bagyong Yolandang aming hindi inaasahan. At ngayon ay tapos na Bumalik na muli ang sikat ng araw. Nakita ko na ang resulta. Hindi matapos na bilang ng namatay, nasugatan at mga nasira. Ang aming maliit, at karaniwang tahanan ngayoy wala na, na tinangay ng nagtataasang hampas ng alon galing sa karagatan. Ang aming tahanang bumuo sa akin, ang tahanang sa akin nagpalaki, at ang tahanang nagsilbi kong buhay ngayon ay wala na. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Wala na akong naisalba pa, lalo na magpapasko pa naman Sayang ang gusto kong mangyari sa pasko ay wala na Dahil hindi ko na maibabalik ang buhay ng aking ama. Ang aking ama, na kararating lamang mula Saudi, na pinatay ng bagyong sumira sa buhay ng karamihan, maging sa akin. Ang mayroon na lamang ako ay ang kasuotang suot ko, na kulay pulat puti, na nabahiran ng putik at dumi. Sa tuwing nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin ay bumabalik sa aking isipan ang pangyayaring hindi ko malilimutan. Sa tuwing nakikita ko ang karagatan ay bumabalik sa aking isipan ang pagkakamaling ginawa ko sa buong buhay ko. Tila nais ko na lamang kitilin ang sarili ko sa tuwing nakikita ko sa aking isipan ang mga bagay na pumatay sa ama ko. Ngayong Pasko, wala akong kasama mag isa kong haharapin ang malamig na simoy ng hangin, mag isang papakinggan ang mga tunog galing sa mga batang nagkakaroling. Mag isang haharapin ang buhay pagkatapos ng bagyo, at ngayon, mag isang sasalubungin ang Pasko. Kung hindi ko lang binitawan ang aking pamilya sa rumaragasang baha, kung hindi ko lang sila pinabayaan. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa ginawa ko. Habang akoy naglalakad, tilay walang patutunguhan, ilang gusgusin, at walang makaing bata ang pumunta sa akin, may hawak na latat nagkakaroling. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung maiinis o ano pero sinabi ko na lamang na Wala akong naisalba, at bigla silang umalis na tilay daga. Nakabulsa, naramdaman kong may isang bagay na nakasigpit sa aking bulsa tila isang papel na basa. Binuksan ko ang basang papel, nang dahan dahan, at nagulat ako sa sinabi nito. Bigla kong nakita ang sulat ng aking ama, Anak, kung ako may anurin ng baha, o mawala dahil sa bagyong to, tandaan mo, hindi natatapos ang buhay mo. Ipagpatuloy mo lang ang buhay mo anak. Mahal na mahal na mahal kita. Tatay Biglang pumatak ang luha sa aking mga mata, at tumingala. Hindi ko alam ang sasabihin ko, ngunit ang sulat na iyon at ang bahagharing bumungad sa aking mga mata ang naghudyat sa akin ng bagong pag asa. Maaaring mag isa ko na lamang haharapin ang bukas. Ngunit ang buhay ko ay hindi nagtatapos doon.

You might also like