You are on page 1of 2

ALAMAT NG LANSONES Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanongpumapansin dito.

Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ngbula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito. Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae. Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wariy lalong nagpalinamnam sa lansones. ALAMAT NG SAGING Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki. Ito ay isangengkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhatsiya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki. Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit niyanghinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa matindingpagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito. Nahintakutan ang babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran. Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag na saging ngayon.

ALAMAT NG MAKOPA Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silangnagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nagambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat. Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taongbayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong. Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan. ALAMAT NG UNGOY Noong unang panahon sa isang kagubatan, may isang batang babae na naninirahan sa pangangalaga ngisang diyosa ng paghahabi. Doon namumuhay siya ngmasaya at nasusunod ang lahat ng kanyang naisin. Isang araw inutusan siya ng diyosa at sinabing: "kunin mo ang bulak na ito, linisin mo at gawin mong damit upang iyong maisuot." Ngunit hindi siya marunong maghabi ng bulak, kayat sinabi niya sa diyosa, "kapag nalinis na ang bulak ay maaari na ba itong gamitin?" "Hindi," sagot ng kanyang alalay, "pagkatapos nitong linisin ay kailangan muna itong salansanin." "Matapos salansanin, maaari na ba itong gamitin?" ang sabi ng tamad na batang babae. Sinabi naman ng diyosa na maaari lamang itong gamitin kung itoy natabas na." Matapos itong matabas?" singit ng isang katulong, "maaari na itong gamitin?" "Hindi, kailngan muna itong tahiin," sagot ng diyosa. "Ah!," ang sabi ng batang babae, matagal pala at maraming proseso ang paggawa ngdamit. Naisip niyang ipatong ang balat (leather) sa kanyang katawan upang gawin na lamang balabal kaysa gumawa pa ng panibagong damit. Sa galit ng diyos sa katamaran ng batang babae, kumuha ng isang patpat mula sa habian ang diyosa at sinabing, ang patpat ng ito ay magiging parte ng iyong katawan, at itoy iyong gagamitin sa paakyat. Bilang kaparusahan sa iyong katamaran, simula ngayon

ikaw ay maninirahan sa mga puno sa kagubatan, at doon ay maghahanap ka ng iyong makakain." At doon nagsimula ang pagkakaroon ng unang unggoy na may balat at buntot. Ang Alamat ng Pinya: Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil kaikaisang anak siya. Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling niya kay Pinya na magluto ng lugaw para sa kanya. Hindi makita ng batang laki sa layaw ang sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang kanyang anak ay tamad at hindi gumagamit ng mga mata niya. Sabi niya, Umaasa ako na magkaroon ka ng isang libong mata! Naging tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya, bumaba siya. Wala si Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita siya ng hindi kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas. Sinumpa niya ang kanyang anak. Ngayon, ang prutas na may isang libong mata ay tinatawag na Pinya. Ang Alamat ng Sampaguita Bantog ang nayon ng Sto. Cristo dahil sa magaganda nitong tanawin. Ang magkabilang kalsada nito na patungong bayan ay may nakahilerang puno. Malalabay ang mga sanga nito kaya nag-aabot sa gitna ng kalsada. Nagbibigay iyon ng malamig na lilim kaya gustong-gusto itong daanan ng mga manlalakbay. Bukod sa malalim na kalsada ng Sto. Cristo at magagandang mga tanawin, isa pa sa mga ipinagmamalaki nito ay ang magaganda nitong dalaga. Namumukod sa mga dalagang ito si Elena. Tulad sa pangalan ay laging naiimbitahan bilang Maria Elena ang dalaga.Halos hindi na mabilang ang mga paanyayang tinatanggap ng dalaga upang maging tampok na kagandahan ng anumang pagtitipon. Ano pa at hindi rin mabilang ang mga. binatang naghahangad ng pag-ibig niya. Sa kabila ng lahat, tila sarado ang pihikang puso ni Elena. Wala isa man siyang magustuhan sa rami ng mga manliligaw.Ang ibang mga binata ay nagpatulong sa kanilang mga magulang ang niligawan ang mga ito ay ang ama at ina ni Elena gayundin ang mga kapatid ng babae. Subalit bigo parin sila. Kinausap ni Mang Anton at Aling Nina ang anak. "Hindi sa ako ay nakikialam," ani ni Mang Anton,"pero napansin kong hindi ka na bumabata.Wala ka pa rin bang napupusuan sa mga manliligaw mo?" "Hayaan mo na lamang ako, ama.Kapag dumating ang sadyang lalaki para sa akin ay hindi ko pakakawalan," pabirong sagot ni Elena. Waring sinadya ng pagkakataon isang mangangaso ang napadpad sa Sto. Cristo. Naligaw ito at kina Elena nakapagtanong. Ang mangangaso ay si Roberto, isang tagalungsod. Niligawan ni Roberto si Elena. Tulad ng ipinangako sa ama, nang dumating ang lalaking iibigin ay hindi na nagpakipot si Elena. Sinagot agad niya si Roberto. Nang yayain siya ng kasal ng binata ay mabilis niyang tinanggap ang alok nito. Maligayang-maligaya si Elena. Hindi niya inakala na saglit lang pala ang ligayang iyon. Dahil bago sumapit ang pag-iisang dibdib

nila ni Roberto ay dumating ang isang babae at sinabing may pananagutan rito ang binata.Hindi nakapagkaila si Roberto ng kumprontahin ni Elena. Kahit ng humingi ito ng tawad ay naging matigas ang loob ng dalaga "Isinusumpa kita!" ani Elena kay Roberto. Mula noon ay nawalan ng kulay ang buhay ni Elena. Napuno siya ng hinagpis. Namatay siya sa lungkot na tanging inuusal ay ang salitang"sumpa kitasumpa kita" Kaya nang may tumubong halaman sa kanyang libingan ay namulaklak iyon ng ubod bango, hindi na rin nagdalawang isip ang ama't ina niya na sumpa kita ang bulaklak, ang mga huling salitang binigkas ng anak bago sumakabilang buhay. Lumipas ang panahon at ang mabangong bulaklak ay kinatuwaan ng marami. Ang salitang sumpa kita ay napalitan na rin at nang magtagal ay naging sampaguita. Dahil sa katangian nito at iwing kariktan, ang sampaguita ang naging pambansang bulaklak ng Pilipinas.

You might also like