You are on page 1of 2

di na ko naniniwala sa conincidence nung nakilala ko siya. korni. keso. i know.

pero ngayon kasi naniniwala na ako na nangyari lahat kasi destined na mangyare. ganto kasi yan. 2012, 2nd term nagtransfer ako sa LPU. galing akong Mapua Makati. so wala akong kakilala talaga sa bago kong school. at hindi ako pamilyar sa lugar. di naman ako nahirapan magkaron ng mga new friends. napabarkada ko sa grupo ng mga ireg. yung majors ko nakablock sa regular 1st yr students. hindi ako makapasok sa grupo nung mga regular kasi, barkada na sila. may bond na. ang hirap humabol na sa closeness nila. so nagstick ako sa team ireg. akala ko matatapos yung term na wala akong makakaclose ni isa sa blockmates ko. pero mali akoooo. umabsent ako sa computer fundamentals ko kung kelan nag groupings sila para sa final project. SHIT! wala nga akong kaclose diba. so pagsubok yung maggroup ako sa mga taong di ko man lang alam kung ano yung pangalan. nagroup ako sa mga absent din nung araw na nag groupings, 3 lalake na muka namang matino at sa 1 babae na ewan parang daladala nya yung problema ng buong mundo. since alam ko na ako yung pinakamatanda sa kanila, ako na yung naglider lideran. music video kasi yung project. kaya ko naman magedit so inangkin ko na yung trabahong video editor. LAKAS!! haha. wala naman silang angal at nagtiwala naman silang lahat. LIGAYA. yun yung napili naming kanta para sa music video. since inangkin ko yung pageedit ng vid, ibibigay ko sana yung role ng lead na babae kay Chloe, yung kagroup naming parang pasan yung buong mundo. tas yung lead na lalake ang gusto ko talaga si Pre. iba lang yung angas niya kasi. Day 1 ng video shoot. wala si Chloe. may klase kasi siya. so ako, si Lars, Art at Orense nalang yung nagshoot. YEAP! alam ko na mga pangalan nila. hahaha! ok naman sila kasama. hindi awkward. walang awkward moment. sa Lazer kami nagshoot. ayun syempre bayad ng studio. di ko naman ineexpect na hahati tong boys sa gagastusin kasi may pasok sila e so malamang nagastos na nila yung pera nila. pero si Lars di pumayag na ako lang magbayad nung rent so nagshare siya at nagsabi na babayaran niya yung share ni Orense at Art next time. ako naman go lang. wala naman problema sakin yun. natapos yung shoot na nagtuturuan sila kung sino yung magiging kapartner ni Chloe. umabot pa sa point na gusto nila kami nalang ni Chloe magpartner. hahaha. Day 2 ng video shoot. late silang lahat. haha. ok lang naman. ang di ok, wala si Chloe. WTF!!! kaya ko inako yung video editing para di na ko kasama sa music vid. DAHELL. so wala, kelangan ako na yung maging lead na babae. no choice. at eto nanaman silang 3. turuan kung sino magiging lead hanggang sa nagvolunteer na to si Pre. THANK YOU GOD!! kahit isa lang sa plano ko natupad! hahaha. masaya yung shoot. awkward nung una, pero naenjoy ko kasi nakilala ko si Lars. ang parehas namin. grabe. ang cool. lumipas yung mga araw. naging kaclose ko si Lars. masaya siya kakwentuhan e. magkalevel yung utak namin sa napakadaming bagay. unti unti di ko namalayan, nahuhulog na pala ko sa kanya. DAFUQ. 3 weeks mula nung magkakilala kami, ang layo na ng narating ng friendship. may pagkakaunawaan na. you know what i mean. hahahaha. ambilis i know pero sa 3weeks na yun feeling ko taon na yung nagdaan. mahirap iexplain basta yun na yun. :D LUNETA. dinala niya ko dun kasi kung di ako nagkakamali napagkwentuhan namin yung mga kanta na tumutugtog sa fountain at parehas naming gusto yung ACCIDENTALLY IN LOVE. nung andun na kami yung hinihintay lang talaga namin yung kanta na yun tas pwede na kami umuwi. kakahintay, naisipan niya makipagpustahan. pusta ko susunod na kanta na yung Accidentally in Love. sinasabe niya palang kung ano yung magiging kundisyon "pag di Accidentally in Love yan--" biglang pasok yung intro ng ACCIDENTALLY IN LOVE. hahaha!! kahit ano pa yung hilingin niya, wala na. panalo na ako. YES!! pagtapos ng kanta hinatid niya na ko sa Lawton. LAWTON. sobrang bigla ng lahat. nagkkwentuhan kami. malapit na ko sumakay ng fx. tumingin ako sa kanya tas biglang BOOM. hello first kiss. di ako makapaniwala sa nangyare na yun. nung nakasakay na ko sa fx nagtext siya na dapat daw yung pusta niya e ikiss ko siya. oh well natalo man siya, nagawa pa din naman niya. madaming nangyare pagtapos nung araw na yun. pero eto yung mga tumatak.

BALCONY. yung nakatambay kami sa balcony nila mimay tas naririnig namin na yung mga tugtog sa karaoke e mga kanta namin. Dancing in the Moonlight, Ever After. nakalimutan ko na yung ibang tumugtog e. CCP. kung kelan biglaang gusto namin magParanaque tsaka ako nashort sa peraaa. grabeee. no choice. lakad mula CCP hanggang Fountain Breeze. BUKO. kung kelan naman nagaaway kami tsaka tutugtog yung Buko sa tindahan ng Buko Juice nung nasa rekto kami. WTF!!! so, ano yung konek ng lahat ng to sa coincidence at destiny??? WALA! joke lang. haha hindi ako naniniwala na coincidence lang na nagkasabay kaming umabsent at nagkasama kami sa iisang group. hindi din coincidence na wala si Chloe at kaming 2 yung naging magpartner. lahat yun destiny may gawa. para magkausap kami. magkakilala ng sobra at maenjoy yung company ng isa't isa. para ipush namin na magkasama ulet at magkakwentuhan. destined din na matalo siya sa pustahan namin sa Luneta. para san?? para hindi cliche yung first kiss namin. hindi siya dahil natalo lang ako kaya nagkafirst kiss. destined na sa Lawton niya mafeel yung urge na halikan ako. sa Lawton kung san dun kami magshshare ng napakadaing kwentuhan, debate, away. Balcony songs. soundtrack. hindi din coincidence!!! kasi pinarinig yun samin para maenjoy namin yung moment na feeling namin kaming 2 lang yung tao sa buong mundo. CCP! sinadyang kulangin yung pera ko. para matupad yung pangarap naming madaanan yung route nila ni Jan, tuwing pupuntang paranaque, ng kasama ako. at lalong hindi coincidence na tumugtog yung buko habang galit na galit kami sa isa't isa. tumugtog yun kasi pinapakita samin kung gano kamiserable yung buhay ng wala yung isa. parehas namin gusto tumawa nung moment na yun pero pano kami tatawa e nagkanya kanya kami pansamantala. lahat ng nangyayare satin, nakasulat na yan. walang coincidence. kalokohan. kaya kahit anong palag gawin natin wala na talaga tayong magagawa. may mga bagay na destined mangyare. may mga taong destined para satin. sana ikaw yung para sakin. :)

You might also like