You are on page 1of 1

WORD PROBLEMS

Sagutin ang mga katanungan na may kumpletong solusyon. Gamitin ang konsepto ng GRESA (Given, Required, Equation, Solution, Answer) para mapadali ang iyong pagsagot sa mga tanong. Pwede mo ito sagutan gamit ang algebra o arithmetic. 1. Kung ang isang ream ng bond paper ay nagkakahalaga ng P200, magkano naman ang apat na ream ng bond paper? 2. Nagsisimulang magtrabaho si John ng 8:45 ng umaga at natatapos ng 5:15 ng hapon. Mayroon siyang 90 na minute break. Ilang oras siya nagtrabaho sa loob ng 5 araw? 3. Isang bill sa restorant ay binubuo ng mga sumusunod: P625 para sa mga panimula o appetizer, P1427.50 para sa mga main course, at P447.50 para sa mga dessert, dagdag pa ang 15% singil sa serbisyo. Magkano ang bill? 4. Isang grupo ng walong magtotroso ay pumuputol ng 15,000 cubic feet ng troso sa isang linggo. Ilang cubic feet ng troso ang mapuputol ng apat na magtotroso matapos ang apat na linggo? 5. 15% discount ang inalok sa isang gamit na may halagang P90. Magkano na ang gamit matapos ito bawasan ng presyo? 6. Sa isang eleksyon, ang isang Republican na kandidato ay nakakuha ng isa at kalahati beses na mas malaking boto kumpara sa Democrat na kandidato. Ang Democrat na kandidato ay nakakuha ng isang katlong mas malaking boto kaysa sa kandidatong Independent. 900 boto ang nakuha ng Independent candidate. Ilang boto ang nakuha ng kandidatong Republican? 7. 800 kopya ng isang CD ang nabenta. 60% ay nabenta na may 50% discount, 20% ay nabenta na may 30% discount at ang natitira ay nabenta sa buong presyo na P450. Ano ang kabuuang benta? 8. Sa isang survey, 3/16 ng mga tao ang nagsabi na gusto nila gumamit ng self-service na gas stations. 5/8 naman ang gusto na hindi sila ang magpump ng gas nila. Ang natitirang 75 na nagresponde ay wala namang malinaw na gusto sa dalawa. Ilan ang gusto ng self-service?

You might also like