You are on page 1of 1

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal Nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig Ipamalas ang tamis

ng malalim na pagkakaunawaan Sa mga malabo ang paningin. Mangyari lamang na tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani Ipadama ang pait ng kabiguan Habang ipinagbubunyi ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya. Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal Nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli Ng pusong lumaki sa mga engkantot diwata. Mangyari lamang na tumayo ang nagmahal, minahal at iniwan, ngunit handa pa ring magmahal Nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan Ipamalas ang katotohanang nasaksihan Nang maging makahulugan ang mga paghahagulhol sa dilim. At sa mga nanatiling nakaupo Mangyari lamang ay dahan-dahang tumalilis palabas sa nakangangang pinto Umuwi na kayo At sumbatan ang mga magulang na nagpalaki ng isang halimaw. At sa lahat ng mga nakaiwang nakatayo Mangyari lamang na hagkan ang isat isa, at yakapin ang mga sugatan Mabuhay tayong lahat na nagsisikap makabalik sa ating pinagmulan Manatiling masaya, at higit sa lahat, magpatuloy sa pagmamahal.

You might also like