You are on page 1of 8

We met at the wrong time. Thats what I keep telling myself anyway.

Maybe one day years from now, well meet in a coffee shop in a far away city somewhere and we could give it another shot. Eternal Sunshine of the Spotless Mind
Ang daming nagmamahal sayo sa paligid. Pansinin mo lang. Huwag mo piliin ang pagmamahal dahil gusto mo ito maranasan sa isang tao. Huwag mo sasabihing walang nagmamahal sayo. Maniwala ka. Maraming nagmamahal sayo. Kaya ka nalulungkot dahil ang pagkakaunawa mo sa pagmamahal eh dapat sa taong gusto mo lang. Hindi ganun yun. Dapat ma appreciate mo ang pamilya mo at kaibigan mo na binibigyan ka ng unconditional love. Minsan ba nakapagpasalamat ka sa kanila dahil hindi sila nawala sa buhay mo? Magtiwala ka lang sa sarili mo. Maniwala ka, makakahanap ka din. Huwag ka mainip. Dapat parehas tayo ng paniniwala. "Alam kong hindi ako mawawalan. Hindi pwedeng wala akong partner sa buhay. Imposibleng wala. Dadating yun. Dadating yun."Ganyan ako lagi eh. Kaya hanggat maaari ineenjoy ko ang buhay mag-isa. Kasi different story na kapag nagkaroon ka ulit. Magiging committed ka ulit eh. Hindi mo na basta basta magagawa ang mga gusto mong gawin. Kasi kailangan mo na isangguni sa karelasyon mo lahat ng gagawin mo. Hindi na pwede yung mga dati mong ginagawa na panlalandi lang basta basta sa isang tao dahil may masasaktan na. Kumbaga, ayan na yung hinihiling mo eh. Dumating na yung pinakahihintay mo. Sasayangin mo pa ba? Yan na yun eh. Yung taong totoo at nagmamahal sayo. Aalagaan mo dapat yan. Mamahalin. Dahil alam mo na ang pakiramdam gaano kalungkot mag-isa. Kaya kung wala ka pang nahahanap or dumadating ngayon i cherish mo muna yung mga nakapaligid sayo. Kaibigan at Pamilya. Sila ang susi para maging masaya ka

Mga breakup na mababaw ang dahilan.


Dahil sa facebook napakababaw talaga ng dahilan na ito, dahil ba sa maraming kausap ang taong mahal mo eh nagiging unfaithful na ito? Eh normal na merong social life ang bf/gf nito. Tapos iiwan na nila dahil doon? Bakit yung mga taong nagagalit dahil nag facebook ang taong mahal nila, wala ba silang ganun? Malamang may teknolohiya na tayo at bakit hindi nila yun gawin na isa pang daan para makapag usap sila? Dahil lagi itong busy. sabi mo dati tatanggapin mo kung ano siya at sino siya, malay mo ngayon lang naging busy yan, pagbigyan mo lang. Hindi naman lahat ng oras eh nasayo ang oras niyan. May mga priorities in life din yan. Hindi ko sinabi na hindi ka niya prayoridad, ang akin eh first things first. Tapos iiwan mo. Sa tingin mo ba magagawa niya pa nang masaya ang mga bagay na iyon? Eh wala na yung kinilalang inspirasyon niya. Kung malalim ang pagmamahalan niyo. Bakit kailangan humantong sa mababaw na dahilan ang paghihiwalay niyo? Hindi man lang ba niya napagisipan na masasaktan ang isa sa inyo? O kaya naman baka sawa na ito kaya gumawa na lang siya ng paraan para magkahiwalay kayo?

Pag

tapos na, tapos na talaga.


Kapag siniraan mo ba ang taong nagmahal sayo noon eh maibabalik mo pa ito? Hindi na lalo diba? Lalo ka lang gumagawa ng paraan para siya ay lumayo at pagtawanan ang ginagawa mo. Pinagtatawanan ka in the fact na alam naman niya talaga ang ginawa niya at patuloy na pagmamalinis ang ginagawa mo. Dapat kapag wala na kayo eh wala na kayo. Sa lahat ng taong nakapaligid

sayo eh onti lang ang handang makinig dahil ano pa nga ang pakikinggan sa inyo? Eh wala na nga kayo diba? Nakaka stress kaya makinig ng problema dahil kahit yung pinagsabihan eh bibigat rin yung kalooban. Mas maganda yung tahimik lang, masasabi na nadidisiplina mo ang sarili mong wag magsalita. Marami ka lang matatamaan na tao dahil sa paulit ulit na ginagawa mo. Hindi lang yung taong nawala sayo yung maaring mawala, pati na rin yung mga taong nakapalibot na patuloy na maririndi sayo. Sa kagustuhan mong maibalik yung taong nawala sayo, nawawala na rin pala yung mga taong malalapit sayo. Kasi palagi na lang yung taong nawala yung sinasabi mo, parang nawala na yung buhay na ibinigay sayo na dapat eh sayo lang. Huwag dapat lahatin ang mga bagay bagay, maging sport lang, kung yun lang talaga ang nakayanan, bakit ipipilit pa diba? Kapag bumalik ba yan sigurado ka ba na magiging matino na rin talaga siya? Gusto mo ba na puro awa na lang ang nararamdaman o napilitan na lang siya para tumikom na lang ang bibig mo kakasalita tungkol sa kanya? Hindi mo ba alam na baka pinagtatawanan ka na lang ng mga kaibigan niya? Ikaw din.. Bahala ka..

Para sa taong malungkot ngayon


Tatagan mo ang loob mo, sa tingin mo ba eh diyan ka pa dapat sumuko? Sa rami ng taong may problema. Sa tingin mo ba ayan na ang pinaka malala? Tumingin ka sa paligid, bahay mo ang nakikita mo diba? Lahat naman tayo may problema, kung iisipin mo ang boring ng buhay kapag walang problema, parang wala kang challenge sa buhay, paano ka magiging tao niyan? Paano ka matututo? Naniniwala ako na nakasulat na

yang pinoproblema mo ngayon. Alam niyang kaya mo yan. Ngiti kaibigan. Lahat naman ng problema mahirap kapag inupuan mo lang ito at hindi sinosulusyunan kung kaya mo ngayon resolbahin agad kinabukasan o ngayon yan eh pwede naman. Minsan kung iisipin mo ang babaw ng problema, madalas sa assignment ka pa namromroblema kung kanino ka kokopya. Eh pwede ka namang gumawa diba? Makes sense na? Basta, sobrang dami naman ng problema talaga. Hindi tayo mawawalan. Maaring minsan maisip mo na wala kang problema, pero minsan tinatakasan mo lang talaga. Maaring may magaan na problema, pwede ring mabigat. Mapa pag-ibig, thesis, trabaho, sa pamilya o kahit saan pa man. Isipin mo lagi na makakayanan mo rin ito. Basta may tiwala akong kaya mong lagpasan yan.

Bakit tayo nag seselos sa kasama ng taong gusto natin?


Kasi nag uumpisa tayong ma insecure sa mga sarili natin, iniisip natin kung ano ba ang meron sa kanya na wala tayo. Na bakit siya pwede, bakit ikaw hindi? Na bakit niya nagawang samahan siya, tapos ikaw eh hindi mo kinaya. Minsan tatanungin natin sa sarili natin, kung may lakas ba tayo ng loob para magtanong ng mga bagay bagay, minsan mahirap labanan ang insecurities, kasi alam mo naman sa sarili mo na ginawa mo yung parte mo pero bakit wala pa ring nangyayaring maganda. Mahirap talaga kapag nag selos ka, yung nalulungkot ka at nasasaktan na ikaw lang ang may alam. Yung bigla ka na lang maglalakad o mananahimik tapos pangiti ngiti lang, tapos napaparanoid na lang basta.

Minsan nga hindi pa natin alam kung sino yung kasama nila, kung Pinsan, Kapatid, Bestfriend, Kaibigan o tulad mo lang rin na umaasa siyang makasama. Minsan mababaw tayo, makasama lang natin siya, kahit walang gawin eh solve na. Paano nga kaya lalabanan ang selos.. Pag tanggap na lang ba na hindi lahat ng atensyon niya eh sayo dapat? Na may karapatan kang mag selos pero bawal mo sabihin sa kanya kasi wala namang kayo o yung sinasabi nating karapatan magalit dahil in the first place ikaw ang nag-isip ng insecurities mo. Minsan kapag nararamdaman mo ito.. Ang tanging gusto mo na lang puntahan eh yung kwarto mo. Magtalukbong ng unan at simulang humagulgol ng todo. Minsan sa pag-iyak na lang talaga nareresolba kapag babae ka. At sa lalake? Patuloy na ginagawang matatag ang sarili.. Kaya ang lalake hindi basta-basta yan.. Isa yan sa mga taong may mabigat na pinagdadaanan.

Dapat hindi mo hinahayaan ang sarili mong maghabol. Baka kasi tumaas masyado ang tingin ng mga taong hinahabol mo at tumaas pa ang pride nyan. At lalong hindi mapasayo dahil mas gusto nilang may naghahabol sa kanila at sa huli eh pride lang nila ang tataas. We never beg for love. Ang love eh bigla natin nakukuha sa isang tao. Kusang binibigay at hindi hinihiling. Hindi ito pwedeng ipagdamot dahil it should come naturally. Isipin mo na may mga kaibigan ka pa na willing magbigay ng pagmamahal sayo. I think some people eh napupunta sa friendzoned dahil sila yung mga taong pinagkakatiwalaan nilang matatakbuhan when things get worse. Hindi naman lahat ng taong nagugustuhan natin dapat maging atin. Sapat na yung andyan sila at nagiging inspirasyon natin sila sa pang araw araw na ginagawa natin.

Tiwala - ito dapat ang hindi mawawala sa relasyon mo sa taong mahal mo. Kahit na sa kaibigan mo.

Oras - lahat ng taong gusto kang makasama ay kailangan ng oras mo. Ang pagbibigay ng oras ay nangangahulugang pagbibigay ng atensyon. Komunikasyon - Pinaka importante at pinakamahalaga sa lahat ng aspeto. Kapag ito ang nawala ng ilang linggo, ilang buwan. Ilang taon. Mawawala ang mga importanteng tao sayo. Pagkakaintindihan kapag may problema, mahalaga ang

pagkakaintindihan ng bawat isa. Ilugar mo ang sarili mo sa sarili niya bakit siya nag kakaganun. At kapag nalaman mo na. Lambingin mo na para ma resolba ang simpleng problema. Pagmamahalan - kapag wala na kayong hinangad na dalawa. Ang tawag dun ay pagmamahalan. Ang tanging hinahangad niyo eh mapasaya ang bawat isa. Pagsasakripisyo - kapag may ginagawa ang isa. Kailangan mong magsakripisyo sa sarili mo na hindi lahat ng oras eh maari mo siyang makasama. Dahil sa may mga bagay itong ginagawa. Ito ang kulang sa karamihan ng relasyon. Ito ang kulang. Maaring may tiwala ka. Pero kung hindi mo maibibigay ang onting sakripisyo para mas mapabuti ang relasyon niyo, maaring magkaroon ito ng onting bahid. Pero ayos pa rin naman kung madadaan sa mabuting usapan.

Tiisin mo lang yung sakit. Masasanay ka rin. Matatanggap mo din. Hindi totoong hindi mo kaya. Nagkataon lang na pinipilit mo ang sarili mong sumaya sa kalagitnaan ng kalungkutan. Sige lang malungkot ka lang, normal yan. Hindi porket sinabi mo sa sarili mong mag momove on ka na eh kinabukasan eh nakapag move on ka na. Hindi ito Online Game na

kapag may Poison ka eh kapag gumamit ka ng Antidote eh mawawala agad. No. Thats not life. Huwag ka mainip. Magiging ok ka din.

Puro ka paramdam. Tapos sasabihin mong manhid. Eh kung sinabi mo? Mamromroblema ka kaya? Amin amin din pag may time. Huwag mong gagawin yung mga bagay na alam mong pagsisisihan mo sa huli. Sabagay, meron bang nagsisi sa una? My point is.. Gawin mo na habang may pagkakataon pa :)

Kung ayaw mong balewalain ka. Eh magtino ka. Hindi yung sinasabi mong seryoso ka. Pero patuloy kang nanlalandi ng iba. Ang tao papasok sa relasyon yan kapag alam nilang sila lang at wala ng iba. Pero yung Mahal mo siya, tapos may BABY ka pa, Tapos may Sweety ka pa at Honey naman sa kabila. Aba pwedeng mag-isip isip ka at maliwanagan ka. Minsan ang tao tahimik lang. Akala mo ok lang. Pero sa loob niyan, sobrang bigat na ng loob niya sayo. Alam mo kung bakit siya tahimik? Hinihintay ka niyang makaramdam. Pero kung patuloy kang magiging malandi at para kang entertainer sa lahat ng lalandi sayo. Eh kawawa naman yung taong susunod na mamahalin mo. Hindi lahat ng bagay, ikaw dapat ang masusunod dahil alam mong mahal ka nung tao. Huwag mong abusuhin. Ang tao kayang mag tiis niyan. Pero kapag ayan napuno. Pinakawalan mo ang isang taong masasabi mong sobrang swerte mo kung nagtino ka lang.

You might also like