You are on page 1of 7

Performance Play Cast of Characters (Selected Students of the above University)

Ang Tugon: Samut-saring Pananaw ng Makabagong Henerasyon sa Hamon ng Modernisasyon

Unang Tagpo: Sa Probinsiya ( sa tahanan nina Juanito, Nitoy ang palayaw ) Lalabas si Nitoy nakangiti, haharap sa unahan ng entablado at sasabihing Manila here I come ( lalabas ng entablado, maiiwan ang mag-asawang Besing at Poldo na pilit ikinukubli ang pag-aaalala sa pag-alis ng anak)

Aling Besing: Ano bang meron sa Maynila? Bakit kailangan pang mag-Maynila? Mang Poldo: Ano ka ba naman Besing? Anong gusto mong mangyari sa anak momagsugal, maghurnal o maging mangingisdang tulad ko. Abay nakow! Tigil-tigilan mo na nga yang kapapanood mo ng Ina, Kapatid, Tatay, Kuya( sabay maagap na sinundan ng pagtatama ni Aling Besing ) Aling Besing: Hindi Ina, Kapatid, Anak Mang Poldo: Ahh! Basta, Kahit na ang mag-anak na yon, pati pamilya natin naapektuhan ng mga teleserye na ayan. Mabuti pa panoorin mo ang Aryana at iyon ang may kinalaman sa ating ikinabubuhay

Aling Besing: Puro ka naman kalokohan eh ( Tatayo sa kinauupuan, lilipat ng puwesto na kababanaagan ng labis na pag-aalala sa anak ) Mang Poldo: ( Susundan ang asawa sabay tawag sa anak ) Alam mo Besing , mahirap din para sa akin ang ito lalo pa ngat nag-iisang anak natin si Nitoy pero ito makakabuti para sa kanya eh. Aling Besing: ( aaliwalas ang mukha na kakikitaan ng pagsang-ayon ) Mang Poldo: Nitoy, anak tanghali kana baka maiwanan ka ng biyahe at abutin ka pa ng dilim sa daan, hindi ka pa naman sanay sa Maynila. Ikalawang Tagpo: Sa Maynila (Ipapakita rito ang sitwasyon ng isang taong promdi na nasa sitwasyon ng tinatawag na Culture Shock) Sa Paaralan, Ibat-ibang grupo ng mga mag-aaral ang makikita na napasailalim na ng tinatawag na Modernisasyon. Naglalakad si Nitoy na palingon-lingon sa kanyang paligid kung saan ang mga mag-aaral ay abala sa kanikanilang makabagong kagamitan. Sa kanyang paglalakad ay makakabanggaan niya ang isang mag-aaral na masasabing may namumukod tanging kaanyuan sa mga mag-aaral na naroon.Na ang tanging kapuna-puna rito ay ang pagiging mali-mali.

Sam: ( Nagitla na siyang nagging dahilan ng pagkakabagsak ng kanyang mga daladalahan). Ano ba? Tumingin ka nga sa dinaraanan mo! ( Sabay pulot ng kanyang mga dalang gamit) Nitoy: Pasensiya na di ko sinasadya( Aktong luluhod at tutulungan ang dalaga, mapapansin ang oras sa suot na orasan ng dalaga ) Naku! Sam: Ay, Naku nga!!! Malaking ano ng kabayo!!!

(Magkakatinginan ang dalawa at sabay na matatawa sa pangyayari) Malalaman nila na sila ay magkaklase at sabay nilang tutunguhin ang kanilang silid-aralan

Ikatlong Tagpo: Sa Probinsiya Ipapakita ang pag-aalala pa rin ng mga magulang na nawalay sa kanilang nag-iisang anak. Aling Besing: Kamusta na kaya ang anak natin? Mang Poldo: ( Nakatingin sa malayo na waring malalim ang iniisip) Sabay sa tagpong ito ang pagdating ng pinsan na may dalang sulat mula pa sa Maynila. Sabik na bubuksan ni Aling Besing ang sobre na naglalaman ng mensahe ng kanilang anak. ( Babasahin ang nilalaman ng telegrama) Mang Poldo: Oh! Anong sabi ng anak mo? Kamusta na siya? Aling Besing: Okey naman daw, are at nagpapadagdag ng perang magagastos niya roon sa kanyang pag-aaral. Mang Poldo: Abay papaano na iyan? Mabuti pa siguroy ipagbili natin ang isang Bangka at meron pa naman tayong isa. Aling Besing: Hindi bat napakahalaga noon sa iyo na tinuturing mo na ngang kakabit na iyon ng iyong pagkatao. Ayaw mo ngang ipagamit sa iba Mang Poldo: Mas mahalaga naman ang pag-aaral ng anak natin kesa doon. Anutano pa may babalik pa rin yon sa atin at baka nga higit pa oras na makapagtapos na an gating anak. ( Nagpadala na ang mga magulang ni Nitoy at itoy matatanggap na ng kanilang anak )

Maui: Hey! Friend, magkikita na kami ng ka-PM ko.Gusto mong sumama?Gora ka ha Sam: Naku, hindi ako pwede kasi mag-oonline kami mamaya di ba Nitoy? Nitoy: Korek, makikipag-chat kami sa gwapo nyang friend sa facebook. Maui: Ah, basta Im gonna meet him. ( Lalabas ang magkakaibigan, papasok ang mga estudyante, pag-uusapan ang nangyari kay Maui) Estudyante 1: Hoy alam nyo ba ang latest? Estudyante 2: Ano yun? Estudyante 1: Si Maui, yung kaibigan ni Sam? Yung halos maging syota na ang lahat na lalaking friend nya sa facebook. Estudyante 2: Oh e anong balita don? Estudyante 1: Patay na sya, natagpuan siyang patay kung saan ay nakita na huling kasama niya ang kanyang ka-eyeball. ( Sabay daan ni Sam at narinig ang tungkol kay Sam ) Sam: Anung tungkol kay Sam? Estudyante 1: Si Maui, wala na siya. Natagpuan siyang patay kagabi. ( Tatakbo si Sam, umiiyak, isinisigaw ang pangalan ni Maui ) ( Makikita sa entablado si Nitoy at si Sam) Nitoy: Sam, pasensya na ha, kailangan ko umuwi para personal na sabihin sa mga nanay at tatay ang mga pangangailangan ko. Alam kong iniisip mo pa rin ang nangyari kay Maui. Wag kang mag-alala babalik ako agad. Sam: Sige, mag-iingat ka ha. ( Blockings/Telang itim/costume)

Sam: Hayang tagal naman ni bakla, isang lingo na siya sa probinsya a. Hay hindi man lang nagtetext. Ang mabuti pa, puntahan ko na lang siya sa boarding house baka nakauwi na siya.

Ikaapat na Tagpo: Sa Maynila Pagpapakita ng lubusang pagkapailalim ng magkaibigan sa mga modernong teknolohiya na nakapaligid sa kanila at pagkadismaya ni Nitoy sa kanyang sarili ukol sa mga negatibong epekto nito na ang nagging katugunan ay ang pagkapahamak na rin ng kanilang sarili.( eksena na kakikitaan ng pagbabalik tanaw sa nakalipas ) Lahat ng props na may kinalaman sa modernong teknolohiya ay lalabas paikot-ikot hanggang maiwan nakatulala sa gitna ng entablado si Nitoy( Papasok si Sam ) Sam: Hoy bakla! Ano bang problema mo? Bakit parang ang lalim naman ng iniisip mo? Nitoy: Bago ako umuwi ditto dumaan ako sa school, kinuha ko yung mga class cards ko. Sam: O?E ano naming kinalaman ng mga class cards sa pag-eemote mo ha? Nitoy: Bumaba ang grades ko mula noong napadalas ang pagpunta natin sa internet caf na yon. Laging puyat kaya hindi makapag-aral ng maayos. Tiyak hindi magugustuhan ng mga tatay ito. Nakakahiya talaga sa kanila. Sam: Hay naku!problema ba yon? Huwag mong ipakita sa kanila Ang mabuti pa samahan mo na lang ako. Ayusin mo nga ang sarili mo. Go tayo! Nitoy: Saan ka ba gogora ha? Sam: Makkipagkita ako sa ka-PM ko. yung crush mo? Nitoy: Ha? Ang bilis mo namang makamove-on? Sam: Saan?

Nitoy: Hoy! babae, hindi mo na ba naaalala ang nangyari sa kaibigan mo? Sam: Sino? Si Maui? Hay naku! It was her destiny athengs. And that guy, as far as I know,He is my destiny(lalayo kay Nitoy at tila mangangarap na nakatingin sa itaas) Kaya, sige na bestsamahan mo na ako, please Nitoy: Naku ayoko! (lalayo kay Sam at tila mag-iisip, maaalala nito ang nangyari sa kaibigan ni Sam na si Maui) Sige na nga, nasa likod mo lamang ako ha. Ang cellphone mo ha, siguraduhin mong bukas. Sam: Oo best! Salamat ha(yayakapin ang kaibigan)

Ikalimang Tagpo: Makikipagkita si Sam sa kanyang nakilala sa pamamagitan ng Facebook kasama ang kanyang matalik na kaibigan( si Nitoy).Sa kanilang pagtatagpo pinahiwalay ni Sam ang kanyang kaibigan sa kadahilang hindi makaramdam ng pag-aalinlangang makipagkita ang kanyang katagpo.( hihiwalay si nitoy sa kaibigan at hindi magpapahalatang kasama o kakilala niya ang dalaga.) May lalapit na lalaki ky Sam at magpapakilala. At paglipas ng ilang minuto na pag-uusap ng dalawa ay mapapansin ni Nitoy ang marahas na paghila sa kanyang kaibigan na waring may hawak ito na nakatutok sa katawan ni Sam dahilan ng sapilitang pagsama nito sa lalaki. Hahabulin ni Nitoy ang kaibigan upang ito ay tulungan subalit sa kanyang pagtulong ay nagdulot ng isang trahedya sa kanya. Natarak sa kanya ang punyal na hawak ng lalaki na nagging dahilan ng pagkasawi nito.

Ikaanim na Tagpo: Sa Probinsiya Iniuwi ang labi ni Nitoy sa kanyang mga magulang na siyang bumasag sa tahimik na pamumuhay ng mag-asawa na nagdulot ng labis na pagtangis ng mga ito sa pagkawala ng kanilang nagiisang anak na si Nitoy, samantalang si Sam naman ay walang imik at patuloy na pagtugis ng sarili niyang budhi sa nangyari sa kaniyang Matalik na kaibigan na nag-iwan sa kanya ng matinding aral sa kanyang buhay Mang Poldo: ( Ramdam ang matinding pagtangis sa pagkawala ng anak nito at isisigaw ang pangalang) NITOYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!! ( Papasok ang apat na naberso, unti-unting mamamatay ang ilaw.)

***WAKAS***

You might also like