You are on page 1of 6

Couples

for Christ

Ang Couples for Christ (CFC), na may pormal na pangalan na Couples For Christ Global Mission Foundation, ay isang kilusang Kristyano na naghahangad ng pagpapanibago at pagpapatibay ng buhay ng pamilyang Kristyano. Ang mga miyembro ng CFC ay nangako sa Diyos at sa kapwa nila na sila'y yayabong bilang mga ulirang anak ng Diyos at tutuparin ang kanilang bokasyon ng pagpapalaki ng mga pamilya sa ilalim ni Hesukristo at naglilingkod para sa Kaharian ng Panginoon. Ang CFC ay isang gawa ni Kristo na nagtataguyod ng mga mag-asawang Kristyano at ng mga Kristyanong pamilya na maglilingkod para maipanalo ang sangkatauhan para kay Kristo at totoong kalayaan ng sangkatauhan sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
o

Kasaysayan
Dekada 80

1981 - pagkakatatag ng CFC sa Maynila na may 16 na mag-asawa. Itinatag ito nila Vic Gutierrez at Fr. Herb Schneider bilang isang programa sa ilalim ng Katolikong grupong Ang Ligaya ng Panginoon (LNP) 1983 - unang pormal na pagpaplano, pagkakabuo ng misyon at pilosopiya 1984 - unang CFC chapter sa labas ng Kalakhang Maynila, sa Bukidnon 1985 - unang CFC chapter sa labas ng Pilipinas, sa India 1989 - pagkakabuo ng rapid, massive, and global evangelization na thrust para sa Dekada 90

Dekada 90

1991 - pagkakabuo ng CFC Vision na "Families in the Holy Spirit Renewing the Face of the Earth" 1993 - paglisan ng mga pinuno ng CFC sa LNP, dahil sa pagkakaiba ng evangelization thrust(ang rapid, massive, global evangelization ng CFC ay direktang sumusuway sa pastoral-oriented evangelization ng LNP)

- pagkakalista ng CFC Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isang organisasyong malaya sa LNP - pagkakatatag ng CFC Family Ministries: Kids for Christ (KFC); Youth for Christ (YFC); Singles for Christ (SFC); at Handmaids of the Lord (HOLD)

1994 - pagkakatatag ng Servants of the Lord (SOLD), isang programa sa Family Ministries 1995 - kaunahang International Glory Songwriting Festival - kinilala ng '''Catholic Bishops Conference of the Philippines''' (CBCP) ang CFC bilang isang National Private Association of Lay Faithful - pagkakabuo ng mga unang programang na magiging CFC Social Ministries

1997 - Setyembre 8: namatay sina Ben Donato at June Frias habang nasa misyon sa Vanuatu 1999 - itinayo ang unang bahay para sa mga mahihirap sa Bagong Silang sa Kalakhang Maynila

2000 hanggang Kasalukuyan

2000 - binigyang depinisyon ang CFC Mission defined sa katagang "Bringing Glad Tidings to the Poor" - kinilala ng Vatican ang CFC bilang isang Private International Association of Lay Faithful

2001 - nabuo ang Pakikipagtulungan sa mga Mahihirap sa programang Gawad Kalinga (GK) 2002 - mga unang misyonerong pinadala para sa matagalang pagmimisyon sa Katimugang Africa - pagsasagawa ng unang GK National Build, sa Negros Oriental - pagkakatatag ng unang GK site sa labas ng Pilipinas, sa Cambodia

2003 - pagsisimula ng GK777 (700,000 bahay sa 7,000 GK sites mula 2003 hanggang 2010) 2005 - nakumpleto ang Pitong Sandigan ng CFC sa pagkakatatag ng Pro-Life at CFC Special Ministries - tumanggap ang CFC ng pagkilalang permanente mula sa Vatican bilang isang Private International Association of Lay Faithful

2006 - ika-25 Anibersaryo ng CFC 2007 - umabot na sa 160 bansa ang pandaigdigang komunidad ng CFC

- "Ang Krisis": Dahil sa pagkakaiba ng paniniwala tungkol sa dapat pagbigyang-pansin na programa (lalo na tungkol sa GK), tumiwalag ang ilang dating pinuno ng CFC at binuo ang Foundation for Family and Life (FFL)

Organisasyon
Ang mga miyembro ng CFC ay pinagsasama-sama sa mga maliit na grupo na Household (binubuo ng 10 hanggang 12 miyembro, o 5 hanggang 6 na mag-aasawa), na pinangungunahan ng isang Household Head. Ang mga household ay bumubuo sa isang Unit, ang mga unit ay bumubuo sa isang Chapter, ang mga chapter ay bumubuo sa isang Cluster, at depende sa dami ng cluster ay maaaring bumuo ng isang Sector. Ang direksyon ng mga ito ay nagmumula sa ihinahalal na International Council at Board of Elders, na siya namang napapailalim sa Elders Assembly, ang pagsasama-sama ng mga pinuno ng CFC sa Pilipinas at ibang bansa.

Ang International Council


Ang International Council (IC) ng CFC ay isang kapulungan ng pitong pinuno ng CFC na iniluluklok ng Elders Assembly bawat dalawang taon. Ang kanilang panunungkulan ay nagsisimula mula Hulyo hanggang Hunyo dalawang taon ang makalipas. Tumatanggap sila ng pormal na pagkilala sa pamamagitan ng isang seremonya ng pagbabasbas sa Anibersaryo ng CFC, na ginaganap tuwing Hunyo. Sa 25 taong nakalipas ng CFC, maaaring maibotong muli ang mga miyembro ng IC. Ang kasalukuyang IC ay manunungkulan mula Hulyo 1, 2007, hanggang Hunyo 30, 2009.

Vision at Mission
God has raised up Couples for Christ so that we in turn would rise up in defense of His work. We believe that the family is a creation of God and no one has any right to change it, its structure and its purpose. Couples for Christ is a creation of God distinctly called to bring families back to the plan of God. Couples for Christ is called to bring the Lords strength and light to those who are struggling to be truly Christian families in the modern world. We believe that God is working powerfully in the world today, and is moving to accomplish His plan for the fullness of times, to sum up all things in Christ, in heaven and on earth (Eph 1:10). In this task, God calls upon Christian families to be light and leaven in the world. As such, we as Couples for Christ are called to be families in the Holy Spirit renewing the face of the earth. As Christian families we are called to grow in holiness and discipleship, so that God can use us as evangelizers and missionaries in order that He might renew the world. In this task, we are called to take up the very mission of Jesus in bringing glad tidings to the poor. We rise up in defense of the poor and the oppressed. We struggle for peace,

justice and the integrity of creation. We work for total human liberation in order to establish the kingdom of God here on earth. In submission to Gods will, Couples for Christ commits itself to this mission. Couples for Christ will serve wherever God brings it to serve, trusting only in His guidance and His power.

Kasulatan ng Pilosopiya
Couples for Christ adheres to a set of beliefs and ideals, from which flow its Christian values, attitudes and behavior, as well as its teachings, programs and approaches to Christian renewal within the context of family relationships. WE BELIEVE in marriage as an indissoluble institution as taught be our Lord Jesus Christ (Mt 19:6); and that God created marriage primarily for love between man and woman, and for the procreation and proper rearing of children. WE BELIEVE that God created man and wife with equal personal worth and dignity; and that God ordained order in the family by giving the man the role as head of the family and the woman as his helpmate and support, which roles best express their complementarity. WE BELIEVE in the inalienable and irreplaceable right and responsibility of parents to educate their children; and that children need to be educated in essential human and Christian values for them to become responsible and mature members of society. WE BELIEVE that the family, in practicing the gospel message, shares in the life and mission of the Churchthrough prayers, evangelization and service to others, especially to the poor. WE BELIEVE that Christian family renewal can best be achieved by inviting Jesus to be the Lord of our homes, by allowing the power of the Holy Spirit to lead our family lives, and through the full use of all spiritual gifts at our disposal. (lohistikal at pastoral na tulong, halimbawa: operasyon ng CFC Home Office at Pastoral Center, pagbuo ng mga aral at formation courses, pagbibigay-gabay, pagsasanay ng music ministries, pagiingat-yaman, atbp.) 1. Family Ministries (tulong sa bawat miyembro ng pamilya: Kids for Christ (KFC), Youth for Christ (YFC), Singles for Christ (SFC), Handmaids of the Lord (HOLD) (para sa mga biyuda, matatandang babaeng hindi nag-asawa, mga diborsyado o separada, at mga babaeng hindi makasama ang kanilang asawa sa CFC), at Servants of the Lord (SOLD) (kapareho ng HOLD, para sa mga kalalakihan) 2. Social Ministries (CFC EFI (pambatang edukasyon), Flame Ministries, Inc. (social communications ng CFC), GKare Health Foundation, Inc. (pangunahing pagkalingang pangkalusugan), Isaiah 61:1 (programang pang-bilangguan), St. Thomas More & Associates (pagpapalaganap ng moralidad, katarungan, at kapayapaan sa lipunan), Sword of Gideon (programa para sa sandatahang lakas at pulisya), Tekton Guild (programang pang-

ekonomiya), Teodora (programa para sa empowerment ng kababaihan), at The Oikos Society (programang pang-kalikasan)) 3. Gawad Kalinga (Pakikipagtulungan sa mga Mahihirap; Bringing Glad Tidings to the Poor) 4. Pro-Life (pagtuturo at pagpapalaganap ng Natural Family Planning) 5. Special Ministries (Building the Church of the Future; Priests for Family and Life (kaparian), Nuns for Christ (sa mga madre), Missionary Society of St. Francis and St. Paul (mga hindi nagasawa na wala sa kaparian o sa mga madre), at Jacob's Well (sa mga pagsasamang hindi naaayon sa Simbahan)).

Ang Kabilang "CFC"?


Ang Foundation for Family & Life (FFL) ay isang tumiwalag na grupo ng mga dating pinuno ng CFC sa ilalim ng dating CFC Direktor na si Frank Padilla na inaakusahan ang komunidad ng CFC na nalihis na sa orihinal na misyon ng pagpapanibago ng buhay-pamilya at masyadong nabubuhos ang lakas sa Gawad Kalinga, na nakakasama sa kalusuang ispiritwal ng mga miyembro. Ang grupong ito, na nabuo sa Araw ng Muling Pagkabuhay ni Kristo (Abril 8), 2007, ay naunang tinawag ang kanilang sarili bilang "CFC Easter Group" or "CFC Restoration Movement". Sa mga sumunod na buwan ng paglala ng Krisis, ang grupong ito ay nabuo at naging CFCFFL, na may hangaring itaguyod muli, panatilihin, at palakasin ang totoong charism ng CFC. Sa kabila ng kanilang pagtiwalag, sinasabi pa rin ng mga pinuno ng FFL na kabilang pa rin sila ng katawan ng CFC, na ayon sa kanila ay naiiba sa legal na katawang CFC Global Mission Foundation (na tinatawag nilang CFC-GK). Dahil dito, sinusubukan ng FFL na malista sa SEC bilang "Couples For Christ Foundation for Family and Life" (CFC-FFL), at ginagamit nila ang mga kagamitan, istruktura, at mga miyembro ng CFC sa kanilang pagbuo ng organisasyon. (Halimbawa na lamang nito ang kanilang pagkuha ng isa sa mga unang logo ng CFC nang walang pahintulot sa CFC, na kasalukuyan nilang ginagamit bilang logo.) Kinukwestyon din ng mga pinuno ng FFL ang Vatican at CBCP na pagkilala sa CFC; ayon sa kanila, dahil sila ay "CFC-FFL", may karapatan ang parehong grupo sa mga pagkilalang ito, o di kaya'y dapat pagsikapan (o muling pagsikapan, sa kaso ng CFC) na makuha. (Tandaan nating si Frank Padilla ang CFC Director nung nakuha nito ang Vatican recognition) Sa kasalukuyan, marami nang obispo ang kumikilala sa FFL. Dahil sa isyu ng copyright, hindi pa natutupad ang pakana ng FFL na malista bilang "CFC-FFL". Samantala, hindi nawala ang Vatican at CBCP na pagkilala sa CFC; sa panig ng CBCP, hinikayat nila ang FFL na magrehistro sa bawat diyosesis upang magkaroon ng pagkilala na katulad sa CFC.

You might also like