You are on page 1of 2

Department of Education Division of Albay Guinobatan East District BATBAT ELEMENTARY SCHOOL Guinobatan, Albay Ikatlong Pampanahunang Pagsubok

sa Filipino 4 Pangalan _________________________________ Petsa __________________ Iskor ______________ A. Panuto: Pakinggan ang maikling kuwento na babasahin ng guro. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. _____1. Sino ang nakiusap sa sumamang lumipad? a. Pagong Daldal b. Pagong c. Ibon d. Matsing _____2. Saan kumagat si Pagong Daldal? a. Sa patpat b. sa tali c. sa pakpak d. sa buntot _____3. Ano ang sinabi ng dalawang ibon sa pagong? a. Huwag kang tatawa c. Huwag magsasalita habang lumilipad b. Huwag matutulog d. Huwag titingin sa baba. _____4. Habang nasa ibabaw ng mga puningkahoy, si Pagong Daldal ay a. tutol b. nalulungkot c. natatakot d. natutuwa _____5. Nalimutan ni Pagong Daldal ang kanyang pangako, siyay nagsalita. Ano ang nangyari sa kanya? a. nakatulog b. nahulog c. nakadapo d. natusok ng patpat B. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. I.

_____ 6. Masakit man sa loob ng ama, ibinigay niya sa bunsong anak ang hinihiling nito. a. Ideyang sumasang-ayon b. Ideyang sumasalungat _____ 7. Nagpista sa bukid. Nagkatay ng mga hayop. Nangumbida pa sila ng mga kaibigan at kamaganak. a. Ideyang sumasang-ayon b. Ideyang sumasalungat _____ 8. Masakit man sa loob ng ama, ibinigay niya sa bunsong anak ang hinihiling nito. Ano ang damdamin na namamayani dito? a. Masaya b. Nagpakumbaba c. Nagpatawad d. Nagmalaki _____ 9. Humihingi siya ng tawad sa ama. Niyakap ng ama ang anak. Ang damdaming namayani ay: a. Nagpatawad b. Nagalit c. Nagmalaki d. Nagpakumbaba _____ 10. Ako na lagi ninyong katulong ay di man lamang ninyo naipagkatay kahit na payat na tupa. Ang damdaming namayani ay: a. Nagsaya b. Nagtampo c. Nagpatawad d. Nagmalaki II. A. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot

_____ 11. Si Erwin ang paborito kong kaklase. _____ ay madalas kong kalaro. a. Sina b. Si c. Sila d. Siya _____ 12. Si Lorna at ako ay nagkubli sa likod ng aparaor. _____ ay hinahanap ni Rita. a. Kami b. Sila c. Kina d. Sina _____ 13. Ako, ikaw at si ela ay may takdang aralin. _____ ay naatasang mag-ulat tungkol sa mga planeta. a. Sina b. Sila c. Tayo d. Kami _____ 14. Jing sabi _____ Susan, Salamat at isinama mo pa ako. a. ako b. nila c. ni d. nina _____15. _____ pa ba ang hinihintay natin? Ang tanong ni Isabel. a. Sinu-sino b. Anu-ano c. Ano d.Sino

B. Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap. 16. Minsan, isang hapon, akoy nakasalubong ng isang kalabaw na umuungol-ungol. 17. Ang tanong ng kalabaw kung malapit na ang tag-ulan. Siya raw ay mahihirapang mag-araro sa bukid. 18. Nagsipilyo ng ngipin si Christian. 19. Magaling sumayaw si Angelica. 20. Ang Nanay ay nagluluto ng tanghalian. C. Isulat sa patlang ang pang-uri sa bawat pangungusap. _____21. Mapait ang gamot na ito. _____22. Masaya magbakasyon sa probinsya. _____23. Malayo ang nilakbay namin patungong Baguio. _____24. Masarap ang pagkaing niluto ni Nanay. _____25. Maldita ang batang si Marina. III. A. Gawin ang sinasabi ng panuto. 26. Isulat ang petsa ngayon at bilugan. 27. Sumulat ng isang bilang mula 1 hanggang 5. 28. Gumawa ng parihaba at isulat ang pangalan ng paaralan mo sa loob nito. 29. Isulat ang pangalan ng inyong punungguro. 30. Isulat ang pangalan ng Pangulo n gating bansa.

B. Isulat at ayusin nang wasto ang liham pangkaibigan na nagbabalita. Lagyan ng wastong bantas. Ang iyong kaibigan, Marissa Mahal kong Riza, Malugod kong ibinabalita na ako ay nakakuha ng mataas na marka sa aking pag-aaral. Di tulad ng dati na mababa kaya akoy nagsusumikap at nag-aaral mabuti. Sa awa ng Diyos, nakamit ko ang minimithi kong mataas na marka. 2016 Rubi St. San Andres Bukid Manila Ika-16 ng Enero 2011

You might also like